• August 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya walang isyu na nag-tie sila ni Ivana…KARA, nirerespeto ang lahat ng platform na nagbibigay ng tulong (ni: ROSE GARCIA)  

KUMPLETO ang anim na loveteams na nabuo mula sa successful Wattpad University series na napapanood sa VIVA One.

Nagsimula ito sa “Rain in España” na pinagbidahan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo noong 2023. Tatlong taon din tumakbo ang series at ang final and last installment ay ang “Our Yesterday Escape” na pagbibidahan naman ng loveteam nina Jairus Aquino at Nicole Omillo.

Ang saya nang ginanap na grand mediacon ng Wattpad University series sa Gateway II dahil present ang lahat ng loveteams na sa totoo lang, halos karamihan sa kanila ay mga hindi pa kilala three years ago, pero ngayon, may mga sari-sarili ng fandom at pwedeng sabihin na nababago na ang mga buhay.

Muling nagpakilig sa mediacon ang dating real-life loveteam nina Heaven at Marco. Knows naman ng publiko at mga fan nila na break na ang dalawa, pero sa mediacon, sweet-sweetan silang talaga. Definitely, happy ang nga MarVen fans. 

Gayundin ang KrisshRome nina Krissha Viaje at Jerome Ponce. Hindi man diretsong sinabi ni Jerome, pero mahihiwatigan sa kanyang salita na naging malaki ang epekto ng naging isyu sa kanya. 

Present din siyempre ang loveteam nina Gab Lagman at Hyacinth Callado. Gayundin ang WilBea nina Wilbert Ross at Bea Alonzo. Sina Lance Car at Aubrey Caraan. 

Given naman na lahat ay malakas at may kanya-kanyang fan based, pero kapansin-pansin lang talaga na sa kanilang lahat, sobrang lakas ng tilian sa loveteam ng WilBea. 


Ang author ng University series ay si Gwy Saludes na alam namin, Law student na, pero inuudyukan ng lahat na magsulat muli.

Anyway, ang Our Yesterday’s Escape ay magsisimula ng ma-stream sa VIVA One sa September 5. 

***

ANG mga netizen ang kumukuwestiyon at tila hindi matanggap na naging tie sa napanalunang award sa First Famas Broadcasting Award sina Kara David at Ivana Alawi. 

Sa naging guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda, tahasang sinabi ni Kara na nirerespeto niya ang lahat ng platform na nakakabigay ng tulong, lalo na sa mga nahihirapan.

At kung sa ibang mga netizen ay may isyu ang pagiging tie nila, not with Kara.

Sabi niya, “Ako nire-respeto ko ‘yung iba’t ibang platforms, nire-respeto ko at natutuwa ako na maraming iba’t ibang tao na gumagamit ng kapangyarihan ng storytelling para makatulong sa iba. So I acknowledge na iba-iba tayo ng platform.”

“So iba ‘yung platform ni Ivana, iba ‘yung platform ko, iba ‘yung platform ng iba’t ibang tao. Sana lang kapag nag-public service talaga tayo, it’s really for the public, not for ourselves.”