ENGAGED na pala ang aktres na si Yassi Pressman sa kanyang boyfriend na si Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte.
Mismong si Luigi ang nag-post ng video, nito lang July 18, 2026 sa kanyang social media account.
Makikita sa video na simple at tila makahulugan ang nasabing proposal. Nag-set up si Luigi ng tila early dinner sa gitna ng bukid.
Walang ibang taong makikitang nakapaligid sa venue, maliban sa dinaanan ng kamerang waiter na nakatayo sa tabi ng mesa.
Kakaiba rin ang ginawang proposal nitong si Luigi. Hindi kinailangang magarbo at sosyal ang nasabing proposal.
Sa yaman ng mga Villafuerte sa Camarines Sur, I’m sure kahit saang bansa kaya nitong idaos ang isang engrandeng proposal.
Pero, bakit nga ba sa dinami-rami ng lugar sa Bicol, e, sa gitna ng bukid nangyari ang proposal?
Ano kaya ang gustong ipakahulugan ni Luigi sa simpleng milestone na ito sa kanilang buhay?
Puwede sigurong simple ang proposal pero punung-puno nang pagmamahal. O, baka naman talagang tinipid dahil mahirap ang buhay ngayon.
In fairness naman, September 2023 pa noong naging opisyal na sila na.
Ito ay matapos ang isyu kina Yassi at Coco Martin.
Anyway, sa mga kababayan ko diyan sa Camarines Sur, may soon-to-be first lady na ang inyong probinsya.
***
Ruru, ipinagmalaking walong taon na sila ni Bianca
ANG bilis talaga ng takbo nang panahon.
Sa isang photo na in-upload ni Ruru Madrid sa kanyang social media account, ipinagmalaki nitong walong taon na sila ng kanyang partner na si Bianca Umali. Napag-alaman namin na grade school student pa lamang ang aktor, tagahanga na siya ni Bianca.
Nangangahulugan pa lang ‘di hamak na mas matanda si Bianca kay Ruru. Aminado ang aktor na isa ito sa mga pinangarap niya. Ang maging parte nang buhay ni Bianca.
Ayon sa aming nakalap na balita, talagang kung paano daw ang treatment ni Ruru kay Bianca noon, hanggang ngayon ganun pa rin ito.
Kumbaga, alagang-alaga niya si Bianca. Alagang-alaga niya ang kanilang relasyon.
In fairness, walang masyadong naging isyu sa pagitan ng lovely couple.
Hindi nagkaroon ng isyu sa parte ng bawa’t isa. Walang na-involve na ibang babae sa buhay ni Ruru.
Maging kay Bianca, nakatuon lamang ang pansin nito sa kanyang boyfriend. Taliwas sa paniniwala ng iba nag kapag parehong taga-showbiz, mas madalas masalimuot ang pagsasama.
Pinatototohanan lamang ng mga ito na malakas ang pundasyon ng kanilang relasyon. Buo ang tiwala nila sa isa’t isa.
Prangkahan lang, maraming tukso sa mundo ng showbiz.
Sa estado nila sa showbiz, malamang na may mga umaaligid sa kanilang temptasyon.
At dahil napapanatili nila ang kanilang magandang pagsasama. Sana lang mas dumami pa ang tulad nila sa showbiz.
Hindi yung gagamitin lang ang kasikatan ng isa para umangat ang karera ng isa.
Ang tanong, wala pa ba silang planong magpakasal?
Hindi pa kaya naiinip si Bianca?
Hindi pa kaya sila nagkakasawaan?