WELCOME sa Malakanyang ang pagkakadeklara sa Pilipinas bilang upper middle-income country.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang nasabing milestone ay repleksiyon o pagpapakita ng mas malakas na economic fundamentals sa ilalim ng Marcos administration.
“Hindi lang ito titulo. Ibig sabihin nito, mas lumalago ang ekonomiya natin. Mas dumarami ang trabahong nalilikha, mas lumalaki ang kita ng ating mga kababayan, at mas maraming investors ang nagtitiwala sa Pilipinas,” ani Recto.
Nauna rito, kinumpirma ng World Bank (WB) ang katayuan ng Pilipinas bilang isang upper-middle-income country (UMIC) matapos nitong malampasan ang gross national income (GNI) per capita sa itinakdang antas para sa mga bansang kabilang sa nasabing kategorya, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) nitong Miyerkules.
Sa pinakahuling pagsusuri ng World Bank sa antas ng kita ng mga bansa ngayong Hulyo, iniulat na umabot na sa $4,850 ang GNI per capita ng Pilipinas, na mas mataas kaysa sa $4,636 na itinakdang threshold para sa UMIC.
Ayon sa DEPDev, ang pag-angat na ito ay bunga ng tuluy-tuloy na paglago ng ekonomiya, maayos na pamamahala sa macroeconomy, at long-term structural reforms.
“The shift was underpinned by steady economic expansion, with Gross Domestic Product (GDP) growing by an average of 5.8 percent from 2021 to 2025,” saad sa pahayag ng DEPDev.
“Strong performance across all industries raised GNI per capita by 8.5 percent in 2025, lifting the Philippines from the lower-middle into the upper-middle income category,” dagdag nito.
Gayunman, binigyang diin ni Recto na ang pagkamit ng upper middle-income status ay hindi dapat tingnan lamang bilang ultimate goal.
“Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay kung nararamdaman ba ito ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya hindi tayo titigil hangga’t mas maraming Pilipino ang nakakaahon sa kahirapan at mas gumagaan ang kanilang pamumuhay,” aniya pa rin.
At para mapanatili ang economic momentum, sinabi ni Recto na ipagpapatuloy ng gobyerno na pag-ukulan ng pansin ang pagbabawas sa inflation, protektahan ang hanapbuhay, palakasin ang purchasing power, palakasin ang consumer at business confidence, at manghikayat ng mas maraming pamumuhunan.
“As the Philippines transitions away from reliance on concessional financing,the government intends to expand public-private partnerships, deepen domestic capital markets, and tap market-based financing sources to sustain infrastructure and development investments,” ang sinabi pa rin ni Recto.
( DARIS JOSE)