Serbisyong Totoo at May Malasakit:
- Published on July 3, 2026
- by Francis Paolo Torres
Ang Pamumuno ni Kap. Rodel Cruz sa Barangay 148
CALOOCAN CITY — Patuloy ang pag-usbong ng pag-asa at kaunlaran sa Barangay 148, Zone 13, Distrito 1 sa ilalim ng dedikadong pamumuno ni Barangay Chairman Rodel Cruz. Sa pamamagitan ng kanyang mga programang nakasentro sa kapakanan ng mamamayan, napatunayan ng barangay na ang tunay na malasakit ay ipinapakita sa gawa.
Kalusugan at Edukasyon: Pundasyon ng Kinabukasan
Binibigyang-priyoridad ni Kap. Cruz ang kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan. Regular na isinasagawa ang Feeding Program upang masugpo ang malnutrisyon at matiyak na malusog ang pangangatawan ng mga pag-asa ng bayan. Bukod dito, nagpatayo rin ang pamahalaang barangay ng isang modernong Day Care Center upang masiguro ang de-kalidad na paunang edukasyon para sa mga paslit.
Kalinisan at Kalikasan: Isang Luntiang Komunidad
Aktibo rin ang barangay sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng regular na Clean-up Drive. Kaisa rin ang komunidad sa “HAPAG” (Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay) Program na inisyatibo ng DILG. Sa pamamagitan nito, nahihikayat ang mga residente na magtanim ng mga sariwang gulay at prutas na nagbibigay ng masustansyang pagkain sa bawat pamilya.
Seguridad at Kaayusan: Ligtas na Iskinita at Kalsada
Upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang kriminalidad, nagpatayo si Kap. Cruz ng mga CCTV camera sa mga estratehikong lugar. Sinabayan din ito ng malawakang pagpapailaw sa mga kalsada at madidilim na iskinita, upang maging ligtas ang paglakad ng mga residente anomang oras ng gabi.
Alaga sa Senior Citizens at Pag-asa ng Kabataan
Hindi nakakalimutan ng barangay ang mga nakatatanda; mayroong hatid-sundo program para sa mga Senior Citizen na may importanteng lakad. Para naman sa mga kabataan, katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK), namahagi ang barangay ng libreng uniporme para sa mga estudyante. Inilunsad din ang Liga ng Basketball upang ilayo ang mga kabataan sa masamang bisyo at itaguyod ang sportsmanship.
Pagkakaisa Tungo sa Kaunlaran
Lubos ang pasasalamat ni Kap. Rodel Cruz kay Mayor Along Malapitan sa walang sawang suporta at tulong na ibinubuhos nito sa kanilang barangay. Nagpapasalamat din siya sa bawat kapitbahay at residente na patuloy na nakikiisa sa mga proyekto.
Ayon kay Kap. Cruz, ang susi sa mas maunlad na pamayanan ay ang patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa, dahil sa Barangay 148—”Walang Iwanan!”
( Sonny Asignacion)