• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Pormal na paglulunsad ng NavApp

Posted on: June 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pormal na paglulunsad ng NavApp—ang opisyal na digital gateway ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na isang hakbang tungo sa mas mabilis, mas accessible, at mas responsive na serbisyo-publiko para sa lahat ng Navoteño, bilang bahagi ng pagwawakas na week-long selebrasyon ng ika-19th Navotas Cityhood Anniversary. (Richard Mesa)

PBBM, labis na ikinalungkot ang dalawang sunud-sunod na malalakas na lindol na tumama sa Venezuela

Posted on: June 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LABIS na nalungkot si Pangulong Ferdiand Marcos Jr., sa dalawang sunud-sunod na malalakas na lindol na yumanig sa Venezuela, Hunyo 24, 2026.

“On behalf of the Filipino people, I extend our heartfelt sympathies,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi ni Pangulong Marcos, ang Pilipinas ay naninindigan sa pagkakaisa kasama ang 𝘝𝘦𝘯𝘦𝘻𝘶𝘦𝘭𝘢𝘯 people sa napakahirap na panahon at umaasa para sa ligtas at mabilis na pagbangon ng lahat ng komunidad na apektado.

Nauna rito, ayon sa United States Geological Survey, ang unang lindol ay may magnitude na 7.1 at kasunod ang mas malakas na 7.5 makalipas lamang ng isang minuto.

Ang episentro ay malapit sa Morón sa estado ng Carabobo at naramdaman hanggang sa kabisera na Caracas.

Maraming gusali ang gumuho kabilang ang ilang matataas na gusali sa Caracas at libo-libong residente ang nagtakbuhan palabas ng kanilang mga tahanan at opisina.

Nagbabala ang USGS na posibleng lumampas sa 10,000 ang bilang ng nasawi habang libo-libo ang sugatan at patuloy ang operasyon ng mga rescuers upang mailigtas ang mga na-trap sa guho.

Naapektuhan ang Maiquetía International Airport kung saan pansamantalang sinuspinde ang mga flight at nagkaroon ng malawak na pagkawala ng kuryente at komunikasyon sa iba’t ibang rehiyon.

Naglabas ng babala ang US Tsunami Warning System para sa ilang bahagi ng Caribbean ngunit kalaunan ay binawi.

Nanawagan si Interior Minister Diosdado Cabello sa publiko na umiwas sa mga gusaling nasira at mag-ingat sa posibleng aftershocks. Patuloy ang search and rescue operations sa Caracas at mga karatig-lalawigan upang mailigtas ang mga biktima. ( DARIS JOSE)

Napanaginapan at na-manifest ang ‘Ella Arcangel’…BIANCA, proud na maging boses ng bida sa upcoming animated film (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUWENTO ng Kapuso actress na si Bianca Umali, napanaginipan niya raw ang isang proyekto.

“I dreamt of a cartoon dream. Sabi ko, ‘Anong nangyari?’ That’s such an odd dream to have,” pahayan ng Sparkle actress. 

“And then, I checked my email, and then lumabas ‘yung email sa akin ng team Ella.

Kaya naman proud si Bianca na siya ang napiling maging boses sa likod ni Ella Arcangel – ang bida sa upcoming animated film ng GMA Pictures na “Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.”

Opisyal na ipinakilala si Bianca sa naganap na Toy Conference 2026. Base ang pelikula sa 2017 comics series na “Ella Arcangel” ni Julius Villanueva.

Napa-oo raw siya agad na maging boses ni Ella Arcangel, na isang batang mambabarang.

“Um-oo ako dahil gawang Pinoy ‘to. Um-oo ako dahil napakaganda po nung materyal. And for people who know me as the actor that I am, I really choose the project that I do. And I really go for the projects that are meaningful and very relevant sa kung ano ‘yung nangyayari sa atin at sa buhay nating mga tao, at ang Ella Arcangel po ay ganu’n.”

“Ella Arcangel is a representation of all of us. That we do not have to be a certain age, a certain gender, or have a certain status in life for us to be heroes. We can all be heroes every single day, saan man tayo nakatira, kahit sino ka pa,” dagdag pa ni Bianca.

***

Planet XP’ ni MIGUEL, magbabalik sa GMA

SAMAHAN si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix na balikan ang kanyang mga naging makabuluhan at masayang adventure sa Planet XP.

Simula sa June 27, muling mapapanood ang Planet XP sa GMA Network. 

Una itong umere noong May at talagang namang pumatok ang magazine show sa viewers. Isa sa mga pinuri nila ang hosting style ni Miguel. 

Ayon sa ilang netizens sa GMA Playground YouTube channel, ““Bagay kay Miguel ang travel show. Sana may Season 2. Grabe kahit sa hosting may sense of humor. Sana masundan pa ang hosting projects ni Miguel.”

Puring-puri rin ng mga manonoood ang pagpapahalaga ng programa sa kultura ng Pilipinas at mga katutubo sa bansa gaya ng Dumagat Tribe. Puno rin umano ito ng kaalamanan gaya ng pagbibigay ng tips o mga do’s and don’ts sa pagta-travel.

Kaya naman ito na ang pagkakataon para muling matunghayan ng mga Kapuso ang journey ni Miguel sa Planet XP na ayon sa kanya, “Hindi sapat na pinapanood mo lang sa social media ‘yung adventures. Kailangan ma-experience mo firsthand ang pag-connect sa nature dahil marami kang matututunan.”

Mag-ready nang i-explore ang kalikasan at ganda ng Pilipinas at subaybayan ang replay ng Planet XP simula June 27, tuwing Sabado mula 9:30 hanggang 10:15 p.m. sa GMA-7.

Bago pa dumating para sa concert nila sa June 27…JERRY, VANNESS, VIC at ASHIN, nag-donate ng 5 milyon sa mga biktima ng lindol sa Mindanao (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGKAKAROON ng concert ngayong June 27, Sabado sina Jerry Yan, Vanness Wu, Vic Chou kasama si Ashin ng Mayday, ang “F✦FOREVER” 1st World Tour in Manila sa Philippine Arena sa Bulacan. 

Pero, bago pa man sila dumating sa bansa, napakabongga nang kanilang ginawa.

Nag-donate silang apat sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation’s Operation Bayanihan para sa mga sa Mindanao Earthquake victims. Umaasa sila na sa pamamagitan ng kanilang donasyon na 2.5 million pesos, makakatulong ito para sa mga naapektuhan at rehabilitation din ng lugar. 

Bukod dito nag-donate din sila sa ABS-CBN Foundation’s Sagip Kapamilya ng 2.5 million pesos, kaya may kabuuan itong 5 million pesos.

O, ‘di ba, lalong ipinaramdam, lalo na ng tatlong member ng F4 kung gaano nila kamahal ang bansang Pilipinas.

Siyempre, naging malaking bahagi rin ng career nina Jerry, Vanness at Vic ang bansa. As in, phenomenal ang naging kasikatan at pagtanggap sa F4 sa kanilang Asian hit series noong early 2000, ang “Meteor Garden.”

‘Yun nga lang, hindi buo ang F4 dahil wala si Ken Chu. Si Ashin ang naging daan kung bakit nabuong muli ang F4, pero siyempre, hindi naman niya mapapalitan si Ken sa grupo. 

Kaabang-abang ang maglalaban sa major awards…Nominees reveal ng ’The 9th EDDYS’, streaming sa YouTube ng Playtime Entertainment  (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HABANG papalapit ang 9th Entertainment Editors’ Choice, na mas kilala bilang The Eddys, mas nagiging kapana-panabik ang magaganap na malaking pagtitipon sa ika-5 ng Hulyo sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.

Opisyal nang ilalahad ngayong Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado para sa The 9th EDDYS na gaganapin Cedar Function Room ng Luxent Hotel sa Quezon City.

Magsisimula ang pag-aanunsiyo ng mga nominado sa ganap na alas-dos nang hapon at mapapanood ito nang live sa PlayTime Entertainment YouTube channel, na magbibigay-daan sa mga tagahanga ng pelikula at mga tagasubaybay ng industriya sa buong bansa na masaksihan ang mga napiling maglalaban-laban ngayong taon para sa mga pangunahing parangal na kumikilala sa kahusayan sa paggawa ng pelikulang Pilipino.

Ang SPEEd member na si Jun Lalin ng Abante ang magho-host ng programa at naatasang magpakilala sa mga natitirang bahagi ng entertainment editors’ group, sa pangunguna ni Pangulong Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, na mag-aanunsiyo ng mga nominado sa labing-apat na kategorya ng kompetisyon.

Makakasama sa nominees reveal ang mga bida ng upcoming thriller film na “Mantsa” na sina Shira Tweg at Khai Flores para ianunsiyo ang mga nominado para sa apat na major awards: Best Actor, Best Actress, Best Director at Best Picture. 

Hahandugan naman ng awitin ng singer na si Isha Ponti ang mga manonood sa live streaming.

“Ang nominees reveal ay isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng The EDDYS dahil ito ay paunang pagbibigay-halaga sa mga pelikula, mga artista at mga malikhaing talento na tumulong sa paghubog ng sinehan sa Pilipinas noong nakaraang taon,” sabi ni Mauricio-Arriola. 

“Inaasahan naming ipagdiwang ang kanilang mga tagumpay at ibahagi ang kapana-panabik na sandaling ito sa mga tagahanga ng pelikula sa lahat ng dako.”

Ang PlayTime Entertainment ang katuwang ng SPEEd upang mas maging malawak ang maabot na audience. Sila ang mag-i-stream nang live sa programa sa kanilang YouTube channel. 

Ang PlayTime Entertainment ay isang multi-platform entertainment company na nakikibahagi sa paggawa ng content, pagbuo ng talento, mga live na karanasan, at mga inisyatiba sa pakikipag-ugnayan ng madla na sumusuporta at nagdiriwang ng talentong Pilipino.

Pangungunahan nina Concert Queen Pops Fernandez at TV host-broadcaster na si Kim Atienza, ang star-studded ceremony ng 9th EDDYS ay magbibigay-parangal sa tagumpay ng Philippine cinema sa nakalipas na taon habang pinagsasama-sama ang ilan sa mga pinakamalalaking bituin, filmmakers at creative talents ng industriya.

Taun-taon na inoorganisa ng SPEEd, ang The EDDYS ay nananatiling isa sa mga pinaka-respetadong award-giving bodies sa bansa na nakatuon sa pagkilala sa kahusayan sa paggawa ng pelikulang Pilipino.

Ang 9th Entertainment Editors’ Choice ay nabuo mula sa suporta ng Newport World Resorts, PlayTime Entertainment at Echo Jham Productions; kasama ang Gold Sponsors Globe Telecom at Unilab Inc.; Silver Sponsors SoundCheck Inc. at Puregold CinePanalo Film Festival; habang major sponsors ang Luxent Hotel, Beautéderm Corporation at La Playa.

Bagong school building ng Tangos I ES , pinasinayaan

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PORMAL na pinabasbasan at pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang bagong school building ng Tangos Elementary School I na may apat na palapag at 12 classrooms para sa dekalidad na edukasyon. bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19 na Cityhood Anniversary ng lungsod,

Nagpapasalamat din ang Tiangco brothers sa Chinese Filipino Business Club, Inc. sa kanilang pamamahagi ng school supplies sa mga Grade 4 students mula sa Tangos I, Tangos, at Wawa Elementary School. “Salamat sa patuloy nilang pakikiisa sa pagsulong ng holistiko, inklusibo, at kalidad na edukasyon sa ating lungsod,” anila. 

(Richard Mesa)

 P1.76 BILYON PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT SA MAYNILA

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P1.76 bilyon na puslit na sigarilyo sa isang industrial compound sa Vitas Tondo, Manila.

Sa ulat, nagtungo ang National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at iba pang katuwang na ahensiya, sa isang industrial compound sa kahabaan ng Vitas Street sa Tondo, kung saan dumaong ang kargamentong naglalaman ng mga pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo.

Pagdating sa lugar bandang 8:28 ng gabi, agad na siniguro ng pinagsanib na puwersa ang seguridad ng lugar at nagsagawa ng mga kaukulang inspeksyon.

Ang 23 container, kasama ang sasakyang-dagat na naghatid ng kargamento mula sa Cebu, ay nananatili sa kustodiya ng pamahalaan habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, ipinakikita ng operasyong ito ang matatag na suporta ng PCG sa mga pinagsamang hakbang ng pamahalaan laban sa smuggling na nakaaapekto sa pambansang seguridad ng ekonomiya at sa lehitimong kalakalan.

“Kaakibat ng pinaigting na kampanyang Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) ng PCG, nananatili kaming matatag sa pagtupad sa aming mandato na pangalagaan ang maritime domain ng bansa at suportahan ang buong-pamahalaang pagsisikap laban sa mga transnasyonal at pang-ekonomiyang krimen,” diin ng tagapagsalita ng PCG. (Gene Adsuara)

Mas mataas na alokasyon para sa LGUs, ibibida ni PBBM sa kanyang SONA

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IBIBIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pang-limang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27 ang pagtaas sa local government units’ (LGUs) share mula sa national tax collections.

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ” Share of local governments from national tax collections will jump by P129.32 billion next year, toP1.32 trillion, “and the non-partisan, formula-based formula that it will be disbursed” will be highlighted in next month’s SONA by President Ferdinand Marcos Jr.”

“As a former local executive official himself, the President sees and honors these as people’s entitlements. These are guaranteed plowbacks that will go from big cities to the remotest barangays (villages),” ang nakasaad sa kalatas ni Recto.

Ang P1.19-trillion NTA para sa 2027 ay base sa internal revenue collections noong 2024, alinsunod sa batas, ang kakailanganing allotment ay iko-compute gamit ang koleksyon mula sa naunang tatlong taon.

Winika pa ni Recto na ang halaga ay kabilang sa pinakamalaking ticket items sa panukalang 2027 national budget na isinasapinal na ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa ilalim ng NTA allocation formula, tinatayang 83 lalawigan ang makatatanggap ng P303.56 billion; 149 lungsod, P303.56 billion; 1,491 bayan, P448.84 billion; at 41,912 villages o barangay, P263.97 billion.

Ani Recto, ang allocation system ay “non-partisan, formula-based,” tinitiyak na ang LGUs ay awtomatikong makatatanggap ng kanilang shares at walang political intervention.

“That indexation is set in stone, beyond alteration. As such, they are in the nature of automatic appropriations,” ang winika pa ni Recto.

Ukol sa funding source ng P1.32 trillion NTA, ang P990.68 billion ay manggagaling sa Bureau of Internal Revenue collections, P329.09 billion ay magmumula naman sa Bureau of Customs at P63.6 million mula sa ibang koleksyon na sertipikado ng Bureau of the Treasury.

Sinabi pa ni Recto na ang LGU’s share ay idedetermina ng populasyon nito at land area.

Para sa 2026, nakatanggap ang Davao City ng pinakamalaking alokasyon na P10.1 billion.

Sa Metro Manila, ang pinakamalaking recipients para sa 2026 ay Quezon City (P9.82 billion), Manila (P6.09 billion), Caloocan City (P5.5 billion), Taguig City (P4.40 billion), at Pasig City (P3.05 billion).

“So next year, may increase na naman hindi lang sila, pero lahat ng LGU,” aniya pa rin.

Maliban sa NTA, sinabi ni Recto na itinaas ng administrasyong Marcos ang Local Government Support Fund (LGSF) sa record high na P57.87 billion para sa 2026, layon nito na mas palakasin ang partnerships sa pagitan ng national agencies at LGUs sa pagpapatupad ng development projects.

“The conventional and traditional thinking is that the NTA for LGUs is enough. But the President said we should tap the expertise and resources of LGUs in implementing national projects and programs,” ang pahayag ni Recto.

“In many meetings, he said that treating national government projects as separate from local government projects is a false dichotomy. Kaya may pivot sa LGU, na gawing katuwang sila sa mga pagpapatupad ng mga proyekto,”aniya pa rin. ( DARIS JOSE)

PNP rerepasuhin ang mga polisiya sa seguridad at paiigtingin ang koordinasyon sa mga eskuwelahan

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa umiiral na mga polisiya sa seguridad sa mga paaralan.

Iyan ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani ng paaralan at maiwasan na maulit ang insidente ng pamamaril na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Lunes na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng 20 iba pa.

Sa isang press briefing sa Malakanyang, inilatag ni PNP Spokesperson Colonel Allen Rae Co ang mga hakbang na isinasagawa ng kanilang ahensya kaugnay ng insidente.

Ayon kay Co, kasalukuyang nire-review ng PNP ang umiiral na mga security protocol at iba pang hakbang para sa kaligtasan sa lahat ng institusyong pang-edukasyon.

Inirerekomenda rin ng PNP na isa o dalawang gate lamang ang buksan ng mga eskwelahan upang mapalakas ang seguridad at mas maayos na makontrol ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa loob ng paaralan.

“Palalakasin po natin ‘yung coordination mechanism between law enforcement, the barangays, as well as the schools po natin,” ani Co.

Tiniyak naman ng opisyal na sinusuri na ng PNP ang pagpapatupad ng mga polisiya laban sa pambu-bully upang matiyak na hindi lamang ito nakasulat sa mga patakaran kundi aktibong naipatutupad.

Bukod dito, nangako rin ang PNP na paiigtingin ang mekanismo ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya ng law enforcement, mga opisyal ng barangay, at mga awtoridad ng paaralan upang mapalakas ang palitan ng impormasyon at mas mapabilis ang pagtugon sa mga insidente.

Upang higit na mapahusay ang kahandaan sa oras ng krisis, plano rin ng PNP na magsagawa ng mga simulation exercise at emergency response drills upang mabigyan ang mga estudyante, guro, at iba pang kawani ng paaralan ng sapat na kaalaman at kasanayan sa tamang pagtugon sa mga emergency kabilang ang mga insidente ng active shooter.

Sa ngayon, nag-deploy na aniya ang PNP ng mga pulis sa mga paaralan, pero iginiit nya ang mas matibay na suporta mula sa mga lokal na komunidad at mga lokal na pamahalaan, lalo na sa tulong ng mga force multiplier gaya ng mga barangay tanod upang mapanatili ang seguridad sa mga paaralan.

“Kasama rito ay humihingi kami ng tulong at suporta ng local community, ng LGU, at lalung-lalo na ng barangay. Makakatulong po iyong mga tinatawag nating force multipliers, iyong mga barangay tanod, para mas mabantayan at mas magawa nating mas maayos ang kalagayan ng ating mga paaralan,” ani Co. ( DARIS JOSE)

Flood control funds, ibabalik sa panukalang 2027 budget — Malakanyang

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IBABALIK ng gobyerno ang pondo para sa flood control projects sa panukalang national budget para sa 2027 matapos makatanggap ng zero funding noong nakaraang taon dahil sa corruption scandal.

Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang mga naunang ipinatigil na flood control projects ay maaaring isama pa sa National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2027, depende sa ‘validity’ at aktuwal na pangangailangan para makompleto ang mga ito.

Ang executive branch, partikular na ang Department of Budget and Management (DBM), inihanda ang NEP, magsisilbi bilang blueprint para sa expenditures ng gobyerno para sa susunod na taon, isinumite sa Kongreso bilang basehan para sa General Appropriations Bill, na pagkatapos ay ipinasa ng Kongreso at nilagdaan upang maging ganap na batas ni Pangulo bilang General Appropriations Act.

Ani Castro, kasalukuyang nirerebisa ng gobyerno kung ang mga suspendidong flood mitigation projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay lehitimo at kinakailangan lalo na iyong ipinahinto dahil sa iregularidad o kakulangan ng pagpapatupad.

“It depends, because if that is a legitimate flood control project that was only stopped due to non-implementation — if it became ghost projects but still needs to be done— then it has to be funded,” ang tinuran ni Castro

At nang tanungin naman si Castro kung paano at ano ang gagawin ng administrasyon para hindi na maulit ang large-scale corruption sa flood control spending, ang tugon nI Castro ay “the government is implementing tighter monitoring and review mechanisms.”

“President Marcos promised there will be no repeat of the flood control mess,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Castro na itinalaga si DPWH Secretary Vince Dizon sa departamento para tiyakin na magagawa ang reporma sa ahensiya. ( DARIS JOSE)