• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

NAVOTAS, MAY 177 BAGONG SCHOLARS

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NILAGDAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas noong Lunes ang isang memorandum of agreement na nagbibigay ng scholarship sa 177 Navoteño students at teachers para sa school year 2026-2027, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19th Navotas Cityhood Anniversary.

Sa bilang na ito, 23 ang Academic scholars, 144 ang Athletic scholars, at 10 ang Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship beneficiaries.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na muling pinagtitibay ang pangako ng lungsod na isulong ang pag-aaral at personal na paglago ng mga Navoteño.

“Education open unlimited opportunities that can secure our children’s good future. This is why we continuously support those who strive to finish their studies and further their learning,” aniya.

“We want our scholars to reach their full potential and set an example to their fellow teachers and students, and at the same time, be of service to their family and our community,” dagdag niya.

Ang Navotas ay nagbibigay ng academic scholarship sa 15 incoming high school freshmen, anim na incoming college freshmen, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.

Ang mga high school scholar ay tumatanggap ng P18,000 kada academic year para sa libro, transportasyon, at food allowance.

Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay nakakakuha ng P22,000 kada academic year para sa matrikula, libro, transportasyon, at allowance sa pagkain; habang ang mga iskolar sa ibang kolehiyo o unibersidad ay binibigyan naman ng P262,000.

Ang teacher scholars naman ay binibigyan ng P75,000 kada academic year para sa kanilang matrikula, libro, transportasyon, at allowance sa pagkain, pati na rin ang grant sa pananaliksik.

Samantala, binibigyan ng pamahalaang lungsod ang mga athletic scholar ng P16,500 na transportasyon at allowance sa pagkain, at P1,500 para sa kanilang uniporme at kagamitan, libreng pagsasanay at tulong sa paglahok sa mga kumpetisyon.

Higit pa rito, binibigyan ng Navotas ang mga Ulirang Pamilyang Mangingisda scholars ng P16,500 na allowance sa transportasyon at pagkain, at P1,500 na book stipend kada academic year.

Ang lahat ng mga scholarship ay maaaring i-renew taun-taon, depende sa pagsunod ng benepisyaryo sa mga tuntunin at kundisyon na itinakda ng pamahalaang lungsod.

Ang pamahalaang lungsod ay nag-aalok din ng mga scholarship sa mga mag-aaral na nagpapakita ng huwarang talento sa sining. (Richard Mesa)

LTFRB, SINUSPINDE ANG OPERASYON NG 8 BUS DAHIL SA MALAGIM NA AKSIDENTE

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, sa loob ng 30 araw ang walong bus ng isang kumpanya kaugnay ng naganap na malagim na aksidente sa kalsada sa harap ng isang ospital sa Santiago City, Isabela.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, nasawi ang isang pedestrian matapos magtamo ng matinding pinsala sa insidenteng naganap noong Hunyo 11.

“Lubos ang aming pakikiramay sa pamilya ng biktima. Nauunawaan namin ang kanilang pagdadalamhati, at nais naming tiyakin na gagawin ng LTFRB ang lahat ng nararapat upang matiyak ang pananagutan at katarungan para sa insidenteng ito,” ani Chairman Vigor.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang driver ng bus habang bumibiyahe sa national highway at nabangga ang isang babaeng pedestrian sa harap ng ospital. Nadamay rin sa aksidente ang isang pick-up vehicle na nasa kabilang lane.

Batay sa pinakahuling ulat, binawian ng buhay ang pedestrian habang dalawa namang pasahero ng bus ang nasugatan.

Sa inilabas na show cause order (SCO), inatasan ng LTFRB ang operator ng Pangasinan Five Star Bus, Inc. na magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanilang Certificate of Public Convenience. Inatasan din ang kumpanya na isailalim sa drug test ang driver, ipa-roadworthiness inspection ang walong bus na nasuspinde, at isuko ang mga plaka ng mga ito.

Ayon kay Chairman Vigor, layunin ng imbestigasyon na matukoy kung maayos na ipinatutupad ng kumpanya ang mga alituntunin sa kaligtasan sa kalsada. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod ng mga operator at driver ng pampasaherong sasakyan sa mga umiiral na batas at regulasyon sa kalsada.

Nakatakda ang pagdinig sa Hulyo 7. Kabilang sa mga tatalakayin dito kung nakapagbigay ba ng kinakailangang tulong ang kumpanya sa pamilya ng nasawi at kung nakatulong ito sa pagproseso ng insurance claims para sa mga biktima ng aksidente. 

(PAUL JOHN REYES)

Malakanyang, inanunsyo ang P150K na pinansiyal na tulong para sa pamilya ng mga namatay sa Tacloban shooting

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAKATATANGGAP ang bawat pamilya ng mga estudyante na nasawi dahil sa June 22 shooting incident sa isang eskuwelahan sa Tacloban City ng tig-P150,000 na financial assistance.

“Each family of those who died will be given financial assistance of PHP150,000,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang kalatas.

Ang mga suspek, may edad na 14 at 15, nagpaulan ng bala sa loob ng silid-aralan sa San Jose National High School sa Tacloban City, nagresulta ng pagkasawi ng tatlong katao habang 20 naman ang sugatan.

Sinabi ni Castro na ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health ay magbibigay ng psychosocial services sa lahat ng naapektuhan ng insidente.

Samantala, inihayag ng pulisya na pinlano umano ng dalawang menor de edad na suspek ang pamamaril sa San Jose National High School mahigit isang buwan bago magsimula ang pasukan.

Ayon kay Police Brig. Gen.Jason Capoy, director of the Police Regional Office 8 lumabas sa imbestigasyon na nagsimula na ang pagpaplano noong Mayo 1. 

Nakababahala rin umano na tinalakay ng mga suspek, edad 14 at 15, ang mga probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 sa kanilang mga mensahe.

Ads June 25, 2026

Posted on: June 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Lolo na wanted sa murder, nasukol sa selda sa Valenzuela

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA loob na ng selda nasukol ng mga awtoridad ang 63-anyos na lolo na wanted sa kaso ng pagpatay makalipas ang halos 34 taon na pagtatago nito sa Valenzuela City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner capili, ang akusado ay isang caregiver na residente ng Brgy., Malinta ng lungsod at kabilang umano sa talaan ng mga Most Wanted Persons ng Valenzuela City Police Station.

Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS matapos maaresto sa hindi nabanggit na kaso.

Nang magsagawa ng pagsisiyasat ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, natuklasan ng mga ito na may nakabinbin na warrant of arrest ang akusado para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 171 ng Valenzuela City, na may petsang September 8, 1992.

Kaagad namang isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa akusado sa loob ng nasabing facility ang naturang warrant na walang inirekomendang piyansa sa sa kanyang pansamantalang paglaya. (Richard Mesa)

‘You’re so happy and proud of yourself, but then italso takes a while to sink in,’ Eve Ridley talks about getting the role of Ruthye in “SUPERGIRL”

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Eve Ridley wasn’t sure if she was going to hear back after her “Supergirl” audition for the role of Ruthye. She went through a series of auditions and there was a lot of time in between. 

“But then I did get the call with the news and it’s the best feeling ever,” shares the young Filipino-British actress. “It’s a feeling that you can’t describe, you know? You’re so happy and proud of yourself, but then it also takes a while to sink in. That’s when I read the comic and I did lots of research about Supergirl and her iconic look and the difference between Kara and Supergirl. And I loved it and I’m so happy that I got to be part of this amazing film.”

In “Supergirl,” Ridley plays the headstrong, focused and scrappy Ruthye Marie Knoll of the Danastia Clan, who is unwavering in her drive to avenge her family and serve justice to the man who killed them. She and Kara Zor-El, aka Supergirl (played by Milly Alcock), join forces on an epic, interstellar journey of vengeance and justice.

Watch the trailer: https://youtu.be/ofN8MuENzwM?si=vX9BbVYuGXrDolL4 Kara and Ruthye are unlikely allies, but they work. Says Ridley, “Ruthye’s quite upright and very composed and put together, but then Kara… she’s got that sort of energy where she doesn’t care what she says and she’s using a lot of slang language and it’s all really casual. You can see the difference between them and how it clashes. I think that’s really funny.”

Screenwriter Ana Nogueira says that Ridley and Alcock immediately hit it off. “Milly was like a big sister to Eve throughout this challenging thing that they both were doing, and I think all of that sisterly love and respect comes through on screen,” says Nogueira and adds, “Eve Ridley is just an unbelievable find, such a gem. She’s self-actualized, she’s just herself, nice and sweet, professional.” 

Working with Nogueira as well as director Craig Gillespie taught Ridley a lot about working in films. During one of their readthroughs before the start of shooting, Gillespie made a sketch of the cave scene, where he drew Ruthye and Kara, with arrows of where they’d move in that scene. “I loved how he envisioned that scene to be and the way that he explains things,” says Ridley. “And learning different terms and phrases that he used will really help me for my future as well, because different directors have different methods and ways.” 

Ridley also enjoyed working with her costars, who all helped her enjoy her first movie-starring experience. Prior to “Supergirl,” she had done work on TV, most notably on “The Witcher” and “3 Body Problem.” “Milly is such a dream to work with. I really look up to her,” says Ridley. “She taught me so much, and she’s such an amazing actress. And I think Kara is such a strong and emotional character and Milly really takes on all of those emotions and really showcases her talent. I loved working with her. She’s a bit like a big sister.”Matthias Schoenaerts, who plays the villainous Krem, made quite an impression on Ridley when they first met. “I met him on my second day of filming, when we were doing the scene where my family gets murdered,” shares Ridley. “I’d never met him before, and he was in full costume, hair, makeup… I hadn’t seen any pictures of what he’d look like, so I was too scared to even make eye contact with him. I was physically shaking. I thought I liked horror films, but this was a different kind of fear, and I think that really helped with the scene because it was the first time I was seeing him and the first time Ruthye was seeing him. So, to channel all those emotions, that really helped a lot. But under all of the prosthetics and under all of the makeup and the creepy voice, he is such a nice guy and he’s really fun to work with.” 

Ridley also has a fun and sweet anecdote to share about Jason Momoa, who plays Lobo. “He almost brings a rock n’ roll Super-Villain vibe to Lobo, which I also really like. He’s such a great actor and he’s also really kind as well, because when he had to strangle me, he was always making sure that the blades on his gloves weren’t hurting me,” shares Ridley with a laugh. 

Ridley hopes that audiences will be inspired by Supergirl. “I think that she’s such an inspirational character, and especially younger children who are growing up watching all of these superhero films, they can really look up to Kara and think, wow, I want to be as brave as her when I’m older. If she can make her dream come true, so can I. I don’t need to just dream it, but I can make it reality. And I feel like Supergirl really is the definition of girl power. Every kid wants to find their superhero. I’m just happy I found mine.”

“Supergirl” lands in Philippine cinemas June 24. #Supergirl 

(ROHN ROMULO) 

Binasag na ang katahimikan sa isyu ng mana…LOTLOT, walang hinahabol dahil sapat na napalaki ng isang Superstar (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULUYAN nang binasag ni Lotlot de Leon ang kanyang katahimikan Lotlot de Leon tungkol sa usapin ng mana matapos ang pagpanaw ng kanilang ina na Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Naganap ito sa presscon ng pelikulangaan ’40 Days’ na kung s ipinagdiinan muli na hindi siya naghahabol sa anumang mana mula kay Nora. 

Kaya naman daw niyang magtrabaho at magpakahirap dahil mula pagkabata ay natuto na siyang magsikap para sa sarili at hindi naging pabigat sa kanyang mga magulang.

Rebelasyon pa ni Lotlot na matapos mailibing si Nora ay kinausap niya si Ian de Leon tungkol sa ilang ari-arian na naiwan ng kanilang ina.

“Tinanong ko siya, ‘Ian are you willing to share the properties of Mommy with us?’ Tinanong ko ‘yan without Matet, Kiko and Kenneth knowing. Why? Kasi naawa ako du’n sa tatlo eh, hindi para sa akin kundi para doon sa tatlo kong kapatid dahil wala namang iniwan si Mommy sa kanila,” kuwento ni Lotlot.

Dagdag pa niya, “Tanggap naman namin na kung anong mayroon si Mommy, kay Ian ‘yan. Walang nanghihingi niyan, walang nang-aagaw at sinabi ko kay Ian, ‘If you’re willing to share the properties of Mommy with us, maraming salamat, kung hindi okay lang, walang problema.’ I just wanted to know if he would for the sake of the three.”

Pahayag pa ni Lotlot tungkol sa pamanang naiwan ni Nora.

“Sa kanya na lahat, wala akong hinihingi, wala kaming hinihingi.  Wala akong inaagaw,  walang inaagaw si Matet!,” say ng aktres.

“He can have it all, kasi para sa akin, sapat na natawag kong mommy si Nora Aunor.

“Sapat na napalaki ako ng isang Superstar.  Sapat na nabigyan ako ng pangalan ni mommy. He can have it all!”

At hindi na niyang napigilan na sabihing, “Galit ako, galit na galit ako.  Buong buhay ko sinakripisyo ko para sa mga kapatid ko, tapos sisirain mo lang!”

Inamin din ni Lotlot na isang taon na silang hindi nagkakausap ni Ian.

At dahil nga sa isyu ng man, maraming masasakit na salita at paratang ang natanggap niya at sa kanyang mga kapatid, tulad ng mga “walang utang na loob”, “suwail na anak”, at “walang kuwentang tao.”

Pero mas pinili niyang manahimik bilang respeto sa kanyang ina at sa kanilang amang si Christopher de Leon.

‘Born to Shine’, patuloy na sinusubaybayan…ZEPHANIE at OLIVE MAY, may bagong isyung haharapin (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY ngang sinusubaybayan ang hit GMA Afternoon Prime series na “Born to Shine.”

Bukod sa mataas na ratings at online views, lagi ring nakatatanggap ng positive feedback mula sa viewers ang programa. 

Komento ng ilang netizens sa GMA Network YouTube channel, “Ganda talaga ng Born to Shine. Lagi kong inaabangan ‘to ang galing ng mga artista. Nakakadala ang emosyon. 

“Tuwang-tuwa rin ako sa grupo nila ang gandang panoorin kapag nagpe-perform sila.”

Samantala, nangangambang magkalamat muli ang gumagandang relasyon nina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May). Mabibisto na ba ni Megan na half-sister niya si Jeni? Kanino mapupunta ang loyalty ni Megan? Sa sarili niyang ina o sa Yumi, ang grupong napapamahal na sa kanya?

Subaybayan ang “Born to Shine” mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.

***

Chariz at Buboy, may chika sa politika

SAPAT bang dahilan ang politika para mag-friendship over? 

Iyan ang pag-uusapan nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa trending vodcast ng GMA na “Your Honor.”

Makakasama nila bilang resource persons ang magbarkadang sina Inah Evans at Krissy Achino. Chika nilang dalawa, super solid ang kanilang friendship. Tipong magkasamang mag-ibig sa bar, magsapakan sa gabi, tapos besties ulit pagdating ng umaga. 

Pero may isang bagay raw na pwedeng sumubok sa kanilang samahan, ang politika.  Sey ni Inah, kapag nangurakot si Kagawad Chino, may totoong sapak siyang aabutin!

Abangan ang episode na “In aid of unfriending: FO dahil sa politika?” Mapapanood ang “Your Honor” tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa YouLOL YouTube channel. 

Available rin ang hearing sessions sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.

Bilang isang lingkod-bayan, ina at Taclobanon…KARLA, apektado sa pamamaril ng dalawang Grade 9 students (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DAHIL isang Taclobanon, apektado si Karla Estrada sa naging school shooting sa San Jose National High School. 

Dalawang Grade 9 students ang namaril.

“Bilang isang lingkod-bayan, ina at Taclobanon na nagtataguyod ng kapayapaan, mariin kong kinokondena ang naganap na pamamaril sa San Jose National High School. 

“Ang ating mga paaralan ay dapat manatiling ligtas na lugar para sa bawat bata. Nananawagan ako ng agarang at konkretong hakbang upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa ating komunidad.”

Kunsabagay, kahit naman hindi taga-Tacloban, naapektuhan sa pangyayaring ito.

***

DINGDONG, ‘di makapaniwala na kasama si ZIA bilang voice talents

ILANG taon mula ngayon o pagka-graduate ni Zia Dantes ng college, hindi kami magugulat kung tuluyan na niyang susundan ang yapak ng kanyang mga magulang.


Si Zia ang unica hija ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Bukod sa ganda, napaka-talented ni Zia who can sing and dance at ‘di na rin kami magtataka kung may talento rin sa pag-arte.

Heto’t kahit si Dingdong ay ‘di makapaniwala na kasama na niya si Zia bilang voice talents. 

Sabi ni Dingdong sa kanyang socmed post, “Parang kailan lang.. ngayon vumo-voice actors na tayo sa Sun Chaser, Ate Z. Always proud of you.”

Napapanood na sa You Tube ang Episode 1 ng Philippine animated web series na “Sun Chaser”. Kuwento ito ng teenager na si Jordan Santos, voiced by Manny Jacinto.  Tampok sa kuwento ang mga Pinoy mythology tulad ng dwende, manananggal at iba pa.

Boses ni Zia si Sessa na pinsan ni Jordan. At si Dingdong naman, kontrabida ang bobosesan na si Necrofrost.

Iba pang mga voice actors ay sina Charo Santos, AC Bonifacio at Liza Soberano.

Dahil proud sa pagiging ‘halfie’ at Filipino…ANNE, ire-represent ang ‘Pinas kahit saan makarating (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA mga kontrobersyang kinapalooban ng dalawang purong pinoy (hindi mga “halfies”, huh!) na produkto ng male pageants, samu’t saring opinyon ang kanilang natanggap.

Sa mga naging pahayag nina Brandon Espiritu at Jether Palomo, hindi nabigyang justification ang paghingi nilang nang tawad.

E, sa apelyido pa lang ng dalawang ito, may mag-iisip bang “halfies” ang mga ito

Karamihan ay nagbigay ng negatibong kritisismo. 

Isa sa mga masasabi natin na talagang “halfie” ay itong si Anne Curtis. 

Produkto si Anne ng inang Pinay at amang Australyano. 

Yan ang “halfie” ibig sabihin, pinagsama ang dalawang magkaibang lahi.

Hindi rin yata nakatiis itong si Anne!

Nanggigil na rin siguro dahil naging laman ng halos lahat ng social media platform ang isyu.

Nag-post tuloy ito at ipinagdiinan ang pagiging Pinoy nito at pagiging “halfie”. 

“I am proud to be halfie, but I am also proud of my Filipino roots. This is my home, where I choose to be. Everyone has their own opinion, but I will always be proud to be Filipino. 

“Whenever I am on the global stage, I represent the Philippines. The seat is for the Philippines. I am always proud. When they ask me where I am from, I say the Philippines. I will always be proud of that.”

Kahit sabihing hindi matatas managalog si Anne, nandun yung effort nito na paghusayan ang pagsasalita ng Tagalog.

‘Di tulad nina Espiritu at Palomo na hitsura pa lang, di mo pag-iisipang hindi mga purong Pinoy!