Napanaginapan at na-manifest ang ‘Ella Arcangel’…BIANCA, proud na maging boses ng bida sa upcoming animated film (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on June 25, 2026
- by Francis Paolo Torres
KUWENTO ng Kapuso actress na si Bianca Umali, napanaginipan niya raw ang isang proyekto.
“I dreamt of a cartoon dream. Sabi ko, ‘Anong nangyari?’ That’s such an odd dream to have,” pahayan ng Sparkle actress.
“And then, I checked my email, and then lumabas ‘yung email sa akin ng team Ella.
Kaya naman proud si Bianca na siya ang napiling maging boses sa likod ni Ella Arcangel – ang bida sa upcoming animated film ng GMA Pictures na “Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.”
Opisyal na ipinakilala si Bianca sa naganap na Toy Conference 2026. Base ang pelikula sa 2017 comics series na “Ella Arcangel” ni Julius Villanueva.
Napa-oo raw siya agad na maging boses ni Ella Arcangel, na isang batang mambabarang.
“Um-oo ako dahil gawang Pinoy ‘to. Um-oo ako dahil napakaganda po nung materyal. And for people who know me as the actor that I am, I really choose the project that I do. And I really go for the projects that are meaningful and very relevant sa kung ano ‘yung nangyayari sa atin at sa buhay nating mga tao, at ang Ella Arcangel po ay ganu’n.”
“Ella Arcangel is a representation of all of us. That we do not have to be a certain age, a certain gender, or have a certain status in life for us to be heroes. We can all be heroes every single day, saan man tayo nakatira, kahit sino ka pa,” dagdag pa ni Bianca.
***
‘Planet XP’ ni MIGUEL, magbabalik sa GMA
SAMAHAN si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix na balikan ang kanyang mga naging makabuluhan at masayang adventure sa Planet XP.
Simula sa June 27, muling mapapanood ang Planet XP sa GMA Network.
Una itong umere noong May at talagang namang pumatok ang magazine show sa viewers. Isa sa mga pinuri nila ang hosting style ni Miguel.
Ayon sa ilang netizens sa GMA Playground YouTube channel, ““Bagay kay Miguel ang travel show. Sana may Season 2. Grabe kahit sa hosting may sense of humor. Sana masundan pa ang hosting projects ni Miguel.”
Puring-puri rin ng mga manonoood ang pagpapahalaga ng programa sa kultura ng Pilipinas at mga katutubo sa bansa gaya ng Dumagat Tribe. Puno rin umano ito ng kaalamanan gaya ng pagbibigay ng tips o mga do’s and don’ts sa pagta-travel.
Kaya naman ito na ang pagkakataon para muling matunghayan ng mga Kapuso ang journey ni Miguel sa Planet XP na ayon sa kanya, “Hindi sapat na pinapanood mo lang sa social media ‘yung adventures. Kailangan ma-experience mo firsthand ang pag-connect sa nature dahil marami kang matututunan.”
Mag-ready nang i-explore ang kalikasan at ganda ng Pilipinas at subaybayan ang replay ng Planet XP simula June 27, tuwing Sabado mula 9:30 hanggang 10:15 p.m. sa GMA-7.