• June 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oplan Balik-Eskwela…Mahigit 55K pulis naka-deploy sa pagbubukas ng klase

UMAABOT sa 55,000 pulis ang idineploy ng Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at mga magulang.

Ayon kay PNP PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang deployment ay kinabibilangan ng 28,751 PNP personnel, 4,079 personnel mula sa iba pang yunit, 22,677 force multipliers mula sa mga partner agency, at community organizations.

Naglatag din ang PNP ng 9,319 Police Assistance Desks sa mga paaralan at nag-deploy ng 9,525 mobile patrol units upang palakasin ang seguridad at police visibility sa mga school zones.

Sa kabila nito, tiniyak ni Nartatez na hindi maaapektuhan ng operasyon ang regular na anti-crime campaigns, intelligence operations, at neighborhood safety initiatives ng PNP.

Sa datos ng Department of Education (DepEd), umabot na sa halos 26 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll para sa School Year 2026-2027, habang ina­asahang aabot sa 26.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga enrollees ngayong taon. ( Daris Jose)