• July 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

DA, irerekomenda ang ekstensyon ng P50-per-kilo rice price cap

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IREREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) ang ekstensyon ng P50-per-kilo maximum suggested retail price (MSRP) para sa bigas, na nakatakdang mag- expire o mapaso sa Hunyo 30.

Sa nasabing press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralang mabuti ng DA ang posibilidad na palawigin ang hakbang upang panatilihin ang presyo ng bigas na abot-kaya para sa mga consumers.

“Ang sabi po mismo ng DA ay magrerekomenda pa rin po sila ng extension of the price cap, at ito naman po ay titingnan po natin kung sasang-ayunan pa rin po ng National Price Coordinating Council at kung aaprubahan ng Pangulo. Pero magrerekomenda po sila ng extension for the price cap,” ang sinabi ni Castro.

Gayunman, sinabi ni Castro na wala pang nagagawang pinal na desisyon, ang panukala ay kailangan na sumailalim sa masusing ebalwasyon ng National Price Coordinating Council bago pa isumite sa pag-apruba ng Pangulo.

At nang tanungin kung maaaprubahan ba ang ekstensyon bago mag- June 30, sinabi ni Castro na nananatili itong layunin ng DA.

“Iyon po ang inaaral ng DA at iyan po ang nais nila,” aniya pa rin.

Samantala, kinumpirma naman ni Castro na may ilang rice retailers ang sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ukol sa di umano’y bigong pagsunod o hindi pagsunod sa government-imposed price cap.

Ani Castro, sinimulan na ng DA ang pagpapalabas ng notices sa mga establisimyento na pinaghihinalaang lumabag sa polisiya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“So, sa ngayon po ay iniimbestigahan po ito kaya po hinihikayat natin ang mga kababayan po natin, sa mga nakikita ninyo pong umaabuso patungkol sa presyo ng bigas, ipagbigay-alam lamang po ninyo sa …kahit po sa amin dito at sa Department of Agriculture para po ito ay maimbestigahan at mapanagot na ang dapat na mapanagot,” ang dagdag na pahayag ni Castro.

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang publiko na tumulong sa pagmomonitor ng pagsunod sa rice price cap sa pamamagitan ng pagre-report ng anumang pinaghihinalaang paglabag sa tamang awtoridad.

Tinuran ni Castro na hindi pa makapagbibigay ang DA ng eksaktong numero ng rice retailers na kasalukuyang iniimbestigahan subalit kumpirmadong nabigyan na ng notices ang ilang establisimyento para sa posibleng paglabag.

(DARIS JOSE)

Sa gagawing Impeachment Trial…16 boto para ma-convict si VP Sara – Win

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAILANGAN ng 16 boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa gagawing impeachment trial, ayon kay acting Senate President Win Gatchalian.

“Article XI, Section 3(6) of the 1987 Constitution states unequivocally that no person shall be convicted without the concurrence of two-thirds of all the Members of the Senate,” sabi ni Gatchalian.

Dahil naka-fixed aniya sa 24 ang bilang ng mga senador, mananatiling 16 ang kailangan kahit ano man ang bilang ng mga senador na dadalo sa trial.

“With the Senate’s membership fixed at 24, the conviction threshold is 16 votes, and it will remain 16 votes regardless of how many senators attend the trial, which bloc controls the chamber, or who presides over the impeachment court,” ani Gatchalian.

Sa ngayon ay 12 senador ang kasapi sa Gatchalian bloc samantalang 10 sa grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano kung hindi isasama ang nakakulong na si Sen. Jinggoy Estrada at ang nagtatagong si Sen. Bato dela Rosa.

Itinakda ng Senate impeachment court sa ilalim ng liderato ni Gatchalian ang pre-trial conference sa Hunyo 18, kung saan inatasan ang parehong kampo ni Duterte at House prosecution panel na magsumite ng kanilang pre-trial briefs sa Hunyo 15 at sisimulan naman ang trial proper sa Hulyo 6, 2026.

Inilutang naman ni Gatchalian ang posibilidad na isang lawyer-senator ang mamumuno sa impeachment trial ni VP Sara. Kabilang sa mga lawyer-senator sa grupo ni Gatchalian sina Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Chiz Escudero.

Sa ilalim ng mga patakaran, ang pangulo ng Senado ang dapat mamuno sa lahat ng impeachment trial, maliban kung ang Pangulo ng Pilipinas ang nililitis.

Bilang acting Senate president, iginiit ni Gatchalian na siya ang mamumuno sa impeachment trial ni Duterte. ( DARIS JOSE)

Tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao, siniguro

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, Huwebes ang delegasyon ng Kamara sa General Santos City at Sarangani Province para i-assess ang naging impact ng naganap na lindol nitong Lunes, makipagpulong sa mga lokal na opisyal at pinuno ng mga government agencies at tukuyin ang agaran at long-term na tugon para matulungan ang mga apektadong komunidad.

Sa ginawang pagbisita, inihayag ni Dy na sasagutin ng kamara ang medical expenses ng lahat ng nasugatang indibidwal dahil sa lindol, maging ito ay tumanggap ng treatment sa government o private hospitals.

Siniguro din ng Speaker na bibigyan ng karagdagang tulong ang apektadong pamilya upang mabilis na ma-recover ang komunidad mula sa kalamidad.

“Sa ngalan po ng House of Representatives, amin pong taos-pusong ipinaaabot ang amin pong pakikiramay. Nandito kami para matiyak na katulad ng sabi po namin, sa lahat ng ospital na kakailanganin na related po sa earthquake ay titiyakin natin na zero balance yung ating mga kababayan na nasa loob ng mga ospital,” ani Speaker. “At dapat madagdagan pa ng mga pondo para meron tayong kasiguraduhan at matiyak na malalampasan natin itong paghamon na tumama dito po satin, sa mga kababayan natin dito sa rehiyon na ‘to..“

Sinabi pa ni Dy na nagsagawa ang mga miyermbro ng House delegation ng on-site assessment ng nasirang imprastraktura at public facilities upang madetermina ang kinakailangan reconstruction requirements at masiguro na ang kinakailangang pondo ay maisasama sa panukalang 2027 national budget.

“Importante rin ma-assess mabuti yung mga building katulad ng ating mga airport na nakita kanina at para sa gayon matiyak natin na wala tayong magiging problema. Kaya ganoon din ang ating support, pagtutulungan namin para sa gayon ma-rehab natin nang mabilis na panahon itong mga ospital, sapagkat ito yung unang-unang mga pangaingailangan natin dito sa inyong lugar,” dagdag nito.

“May mga reports na dumating sa mga damages sa inyo pong area. At siyempre tamang-tama po yan, ang ating mga kinatawan ng inyong rehiyon ay pagtutulungan namin para matiyak na nandun siya sa loob ng ating proposed budget for next year para masiguro natin magawa yung mga dapat na magawa na mga kalsada, tulay, at ano pang mga facilities para pakinabangan ang ating mga kababayan.”

Ayon kay Dy, ang makakalap na impormasyon mula sa inspeksyon ay makakatulong sa kamara para matukoy ang mga priority funding requirements para sa reconstruction at rehabilitation efforts sa apektadong komunidad. (Vina de Guzman)

DA, irerekumenda ang ekstensyon ng P50-per-kilo rice price cap

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IREREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) ang ekstensyon ng P50-per-kilo maximum suggested retail price (MSRP) para sa bigas, na nakatakdang mag- expire o mapaso sa Hunyo 30.

Sa nasabing press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralang mabuti ng DA ang posibilidad na palawigin ang hakbamg upang panatilihin ang presyo ng bigas na abot-kaya para sa mga consumers.

“Ang sabi po mismo ng DA ay magrerekomenda pa rin po sila ng extension of the price cap, at ito naman po ay titingnan po natin kung sasang-ayunan pa rin po ng National Price Coordinating Council at kung aaprubahan ng Pangulo. Pero magrerekomenda po sila ng extension for the price cap,” ang sinabi ni Castro.

Gayunman, sinabi ni Castro na wala pang nagagawang pinal na desisyon, ang panukala ay kailangan na sumailalim sa masusing ebalwasyon ng National Price Coordinating Council bago pa isumite sa pag-apruba ng Pangulo.

At nang tanungin kung maaaprubahan ba ang ekstensyon bago mag- June 30, sinabi ni Castro na nananatili itong layunin ng DA.

“Iyon po ang inaaral ng DA at iyan po ang nais nila,” aniya pa rin.

Samantala, kinumpirma naman ni Castro na may ilang rice retailers ang sumasailalim ngayon sa mbestigasyon ukol sa di umano’y bigong pagsunod o hindi pagsunod sa government-imposed price cap.

Ani Castro, sinimulan na ng DA ang pagpapalabas ng notices sa mga establisimyento na pinaghihinalaang lumabag sa polisiya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“So, sa ngayon po ay iniimbestigahan po ito kaya po hinihikayat natin ang mga kababayan po natin, sa mga nakikita ninyo pong umaabuso patungkol sa presyo ng bigas, ipagbigay-alam lamang po ninyo sa …kahit po sa amin dito at sa Department of Agriculture para po ito ay maimbestigahan at mapanagot na ang dapat na mapanagot,” ang dagdag na pahayag ni Castro.

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang publiko na tumulong sa pagmomonitor ng pagsunod sa rice price cap sa pamamagitan ng pagre-report ng anumang pinaghihinalaang paglabag sa tamang awtoridad.

Tinuran ni Castro na hindi pa makapagbibigay ang DA ng eksaktong numero ng rice retailers na kasalukuyang iniimbestigahan subalit kumpirmadong nabigyan na ng notices ang ilang establisimyento para sa posibleng paglabag.

( DARIS JOSE)

Comelec, may sapat na pondo para sa Cavite special polls- Malakanyang

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAY SAPAT na pondo ang Commission on Elections (Comelec) para magdaos ng special election sa Cavite.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ipinaalam ng Department of Budget and Management (DBM) sa Malakanyang na maaaring gamitin ng poll body ang ‘existing funds’ nito para sa electoral exercise.

Nauna rito, sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang poll body ay mangangailangan ng P200 milyon para sa pagdaraos ng eleksyon.

“Kinausap po natin ang DBM. According to DBM, mayroon pa pong pondo na nasa Comelec at maaari naman po nilang gamitin po iyon. Sapat po ang pondo,” ani Castro.

Nauna rito, humihingi ng karagdagang pondo ang COMELEC sa Malacañang para maisagawa ang special election sa nag-iisang distrito ng Dasmariñas, Cavite na gaganapin sa Agosto.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, umabot sa ₱191 milyon ang kanilang tinatayang kakailanganing pondo para sa special election na sasaklaw sa mahigit apat na raan at limangpung libong (450,000) rehistradong botante sa distrito.

Nabakante ksi ang posisyon ng kinatawan ng 4th District ng Cavite matapos tanggalin ng Kamara sa pwesto si Congressman Kiko Barzaga dahil sa anilay “disorderly behavior” at “conduct unbecoming” bilang isang mambabatas.

Sinabi ni Garcia na nakipag-ugnayan na sila sa Pangulo upang makahingi ng tulong-pinansyal, kabilang ang posibilidad na gamitin ang contingency fund ng pamahalaan.

Samantala, tinuran ni Castro na maaaring gamitin ng Comelec ang ‘available fund’ nito para sa eleksyon. ( DARIS JOSE)

5 pasaway, isinelda sa Valenzuela

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BAGSAK sa selda ang limang katao kabilang ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos mahuli sa aktong naglalaro umano ng ilegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, alas-12 ng Miyerkules ng tanghali, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 sa Babina St., Brgy., Ugong, nang maaktuhan nila ang tatlong indibidwal na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’.

Nilapitan nila ang mga ito saka inaresto at nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas “John”, 32.

Nauna rito, bandang alas-8:30 ng Martes ng gabi nang maaresto naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 4 ang dalawang lalaki na nagsusugal din umano ng ‘cara y cruz’ sa Area 4, Pinalagad St., Brgy., Malinta.

Nasamsam sa kanila ang perang pantaya, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakumpiska sa 43-anyos na machine operator na si alyas “Ronald”.

Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

News 2

Sekyu, huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela 

KALABOSO ang isang security guard nang mahuli sa akto ng mga pulis na bumabatak umano ng shabu sa Valenzuela City, Huwebes ng hapon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Robert”, 45, residente ng Bocaue, Bulacan.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Police Sub-Station 2 sa M. Delos Reyes Compound, Brgy., Gen T De Leon nang maaktuhan nila ang suspek na sumisinghot umano ng shabu dakong alas-4:10 ng hapon.

Kaagad nila itong nilapitan saka inaresto at nakumpiska sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ex-Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, inaresto dahil sa kasong cyber libel

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AGAD na nakapaghain ng piyansa matapos na maaresto si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Inaresto ang negosyante ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Huwebes, Hunyo 11 dahil sa kasong cyber libel.

Base sa warrant of arrest mula sa Branch 21, Regional Trial Court (RTC) ng Vigan City, ay mayroong paglabag si Singson sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Inaresto siya sa bahay niya sa Barangay Ugong Norte,Quezon City. (Vina de Guzman)

ATENEO HEAD COACH TAP BALDWIN, IPATATAWAG NG DOLE

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPATATAWAG ni Labor Secretary Francis Tolentino si Ateneo Backetball Coach Tab Baldwin sa isyu ng pagkasawi ng dalawang basketball player ng Ateneo sa kalagitnaan ng training sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay Tolentino, ito ay para alamin kung may valid na alien employment permit si Baldwin sa ilalim ng labor code.

Layon din nitong suriin kung saklaw ng alien employment permit ang pagsasagawa ng mga team building activities.

Bahagi rin ito ng beripikasyon ng Kagawaran upang matiyak na sumusunod sa mga umiiral na batas-paggawa ang lahat ng dayuhang nagtatrabaho sa bansa.

Binigyang diin ni Tolentino na hindi pag-uusig ang hakbang ng DOLE kundi bahagi lamang ng pagpapatupad ng batas at pagtiyak ng pagsunod sa mga regulasyon hinggil sa pagtatrabaho ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Maaari namang kanselahin ang alien employment permit ni Baldwin sakaling hindi ito sumipot at ire-refer din sa Bureau of Immigration sa posibleng deportation nito.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pakikiramay ang pamunuan ng DOLE sa pamilya na naiwan ng dalawang nasawing player na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Inihayag ito ni Tolentino kasabay naman ng re-launching ng DOLE Press Corps Office kung saan kinilala ang mahalagang papel ng media sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon para sa mga manggagawang Pilipino. (Gene Adsuara)

LTFRB NAG-UTOS NA MAGSAGAWA NG STRUCTURAL INTEGRITY INSPECTION SA MGA BUS TERMINAL NA TINAMAAN NG LINDOL SA MINDANAO

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INATASAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang mga Regional Franchising and Regulatory Offices (RFROs) sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad para sa pagsasagawa ng structural integrity inspection sa mga pampublikong transport terminal at iba pang transport hubs.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, ito ay bukod pa sa mandatoryong inspeksyon sa mga tanggapan ng ahensya sa Davao Region at SOCCSKSARGEN, na kabilang sa mga pinakamatinding tinamaan ng lindol noong Lunes ng umaga.

Sinabi ni Chairman Vigor na inatasan ang mga pinuno ng RFROs sa dalawang rehiyon na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng kanilang mga engineering office, at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang suriin ang lahat ng bus terminal at iba pang istasyon ng pampublikong sasakyan sa mga naturang lugar.

“Nais nating matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at ng ating mga katuwang sa sektor ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa structural integrity ng mga bus terminal at iba pang land transportation hubs,” pahayag ni Chairman Vigor.

Matapos ang lindol, agad na inatasan ni Chairman Vigor ang lahat ng RFROs na tiyakin ang kalagayan ng kani-kanilang mga kawani.

“Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kawani at mga kliyente ang pangunahing konsiderasyon. Dahil dito, agad kong ipinag-utos ang pansamantalang pagsuspinde ng operasyon ng ating mga tanggapan, lalo na sa mga lugar na matinding naapektuhan ng lindol,” aniya sa isang pahayag.

Sinabi rin niya na inatasan ang mga RFROs sa mga apektadong lugar na patuloy na subaybayan ang sitwasyon at bumuo ng contingency plan upang matiyak na hindi maaantala nang matagal ang operasyon ng ahensya.

Inatasan din ang isa sa mga miyembro ng LTFRB na si Engr. Isagani M. Victorio na magtungo sa mga apektadong lugar upang tumulong sa monitoring at assessment.

“Bilang Chairman ng LTFRB, tinitiyak ko sa lahat ng ating mga kawani na maaasahan ninyo ang kinakailangang tulong mula sa ahensya. Kaisa ninyo kami sa pagharap sa hamong ito,” pagtatapos ni Chairman Vigor. (PAUL JOHN REYES)

El Niño nasa tropical ­Pacific na – Pagasa

Posted on: June 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KASALUKUYANG nasa tropical Pacific na ang El Niño na may 80% tsansa na mabuo bilang isang full-blown El Niño event.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang banta ng El Niño ay maaaring maranasan hanggang sa pagsisimula ng 2027.

Ang El Niño ay ang pag-init ng El Niño-Southern Oscillation at mainit hanggang sa katamtamang sea surface temperature sa eastern equatorial Pacific at hanggang sa katamtamang sea surface temperatures sa may Philippine Sea. Sa panahon ng El Niño ay nakararanas ng below-normal rainfall conditions ang bansa dahilan para maramdaman ang dry spells at tagtuyot.

Tantiya ng Pagasa na higit na mararamdaman ang El Niño sa Hulyo at Agosto ngayong panahon ng tag-ulan na pumasok din ang Habagat o southwest monsoon.

Ang Habagat ay ang maalinsangang panahon na pumasok sa bansa nitong Mayo at tatagal hanggang Oktubre na higit na tatama sa western section ng bansa partikular sa Metro Manila at Luzon provinces.

Dapat mag-ingat sa panahon ng El Niño at Habagat dahil sa mga panahong ganito nagkakaroon ng mga Super Typhoon tulad ng bagyong Ondoy noong 2019 na nagsabay ang Habagat at El Niño.