• July 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

PBBM, nagpahayag ng kasiyahan sa 2 bagong QC school buildings, nangako ng nationwide rollout

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAHAYAG ng kasiyahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mabilis na pagkakayari ng dalawang bagong school buildings sa Quezon City.

Nangako ang Pangulo na magtatayo pa ng mas maraming silid-aralan sa buong bansa para mabigyan ang mga mag-aaral ng mas kaaya-ayang learning environment.

Inihayag ng Pangulo ang kanyang commitment sa isinagawang pag-inspeksyon sa ‘newly completed school buildings’ sa San Francisco High School sa Quezon City.

Para sa Pangulo ang maagang pagkakayari ng proyekto ay dahil na rin sa pangako ng administrasyon na tiyakin ang ‘transparent at masinop na paggamit ng pondo na inilaan para sa konstruksyon ng mga bagong silid-aralan.

Sinabi pa ng Pangulo na ang bagong learning facilities, kabilang na ang four-story, 60-classroom building, ay nakumpleto sa loob lamang ng 8 buwan.

“From 10 classrooms, we now have 60. Times six. Meron na tayong 60 classrooms kaya mas naging maluwag ang schedule, mas naging maluwag ang physical location ng mga bata, which is conducive to better learning,” ayon kay Pangulong Marcos matapos ang inspeksyon.

“So, I’m very, very happy to come here. I’m a little bit surprised, I must say. I do not think that maybe in the last 30 years, that we have seen such a building, a four-story 60-classroom building built in eight months, and which we’re all very happy about that we’re all very proud, and it should demonstrate very clearly what can be achieved when something is used properly,” aniya pa rin.

Ang isang bagong school buildings ay itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), habang ang iba naman ay pinondohan ng SM Supermalls.

Dahil dito, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang DPWH, ang Department of Education, Quezon City government, at private sector partners para sa pagtulong na masiguro ang mabilis na pagkakayari ng proyekto.

“We’re working together. Makita naman talaga ninyo,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

“Basta’t pumasok sa proyekto ng tama ay ganito ang ating nagagawa. Patuloy nating gagawin iyan at patuloy nating titiyakin na ang pondo ng pamahalaan ay napupunta sa mga proyektong ganito,” aniya pa rin.

Aniya pa, ipagpapatuloy ng gobyerno na tiyakin na ang public funds ay gagastahin lamang sa mga proyekto na direktang mapakikinabangan ng mga mamamayan.

Ani Pangulong Marcos, ang mga gusali ay mayroong fire sprinkler system na awtomatikong matututop at mapipigil ang sunog.

Ang proyekto ay nakompleto sa loob lamang ng apat na buwan bago ang itinakdang iskedyul, nakahanay ito sa direktiba ng Pangulo na madaliin ang konstruksyon ng mga bagong pasilidad, pinalitan ang fire-damaged structure.

Matatandaang nangyari ang sunog noong June 15, 2025, nagresulta ng matinding pinsala sa old two-story building kung saan ang silid-aralan ay ganap na hindi magagamit.

Ang DPWH-built four-story Dao building ang ipinalit sa fire-damaged structure at ngayon at ngayon ay mayroong 36 classrooms, habang ang SM-funded Henry Sy Sr. Hall pinalitan ang lumang Narra Building at nagdagag ng 24 na silid-aralan.

Samantala, ang San Francisco High School, isa sa pinakamalaking public secondary schools isa bansa, nagsisilbi sa 6,800 mag-aaral. ( DARIS JOSE)

Mabuting ama at nagturo sa kanya ng maraming aral…VANDOLPH, nami-miss pa rin hanggang ngayon si DOLPHY (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAMI-MISS pa rin ni Vandolph Quizon ang ama na Comedy King na si Dolphy.

Taong 2012 namayapa ang Hari ng Komedya dahil sa cardiac arrest.

Ibinahagi rin ni Vandolph na bukod sa pagiging mahusay na comedian, isang mabuting ama rin si Mang Dolphy na nagturo sa kanya ng maraming aral na hanggang ngayon ay gamit niyang gabay sa buhay.

Isa rito ay ang maging mapagkumbaba at magkaroon ng respeto sa lahat ng mga katrabaho sa produksyon, mula pinakamataas hanggang sa pinakamababa.

“Kasi lahat iyan nagtatrabaho.

“Kahit tayo napupuyat, iyang pinakamababang trabahador sa production mas puyat sa atin.

“Wala sa aircon tent iyan, walang pagkain na pili iyan. Kung ang call time mo nine, ang call time niyan four.

“Be respectful sa lahat,” ang isa sa mga hindi makakalimutang bilin sa kanya ng ama.

Hindi lamang sila mag-ama sa tunay na buhay kundi ay madalas ring magkasama sa hanapbuhay, sa mga pelikulang kanilang pinagsamahan.

Sa panayam ng “Kay Susan Tayo Vlog” ni Susan Enriquez kay Vandolph ay sinabi nitong, “He is a good dad.

“I grew up with him, acting with him. I learned sa kanya.

“I miss him a lot. Pero yung nararamdaman ko na Comedy King ang ama ko siyempre proud.”

Labingwalo silang magkakapatid at hindi raw masasabi ni Vandolph na siya ang paborito ni Dolphy pero ayon sa kanya ay, “Ako lang ang pinakamalambing.”

At kahit raw Hari ito ng Komedya ay tahimik na tao lamang ang kanyang ama.

“Nasa isang tabi lang iyon, madalas nasa dilim lang at nagpapamasahe.”

Kahit raw mahigit isang dekada na ang lumipas, ay hindi pa rin daw nawawala ang sakit ng pagkawala ng kanyang ama.

Samantala, mapapanood na sa June 17 sa mga sinehan ang bagong pelikula na kinabibilangan ni Vandolph na “Home Along Da Riles: Da Reunion” na tribute sa kanilang ama.

Sa direksyon ni Boy2 Quizon tampok sa pelikula sina Vandolph, Boy2, Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Cita Astals, Dang Cruz, at si Ms. Nova Villa at marami pang iba.

Kinuyog ng netizens sa kontrobersyal na pahayag…BRANDON at JETHER, nag-sorry matapos maliitin ang kakayanan ng mga purong Pinoy (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


MALAKI ang naging impact sa fashion at entertainment industry sa tinuran ng dalawang former winners ng Mr. Supranational Philippines at Mister Pilipinas Global  2025 na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo.

Maging ang kilalang Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco ay nagbigay ng pahayag ukol dito.

Ayon kay Michael, “The nerve of these ordinary-looking guys acting superior when they don’t even look like they have foreign ancestry…they only come to the Philippines to build a career and gain followers…DUHHH!”

Nag-ugat ang sari-saring reaksyon mula sa mga netizens at pageant fans ng ang nabanggit na dalawang dating representative ng bansa sa kani-kanilang pageantry ay nagbigay ng kontrobersyal na pahayag.

Nagsimula ang isyu ng sa isang pageant segment, naatasan silang umawit sa sarili nilang wika.

Si Palomo, anak ng parehong Pinoy, ipinanganak at lumaki sa Amerika ay nagsalitang…”I pledge allegiance to the flag”!, na pinatutungkulan ang bandila ng Amerika. 

At sa discussion, sumagot si Espiritu ng…”Raise that flag, brother!”, muli ang tinukoy ay ang bandila ng Amerika.

Samu’t saring reaksyon ang natanggap nila. Bakit daw hindi  kumanta ng tagalog song ang mga representative.

Ayon kay Espiritu, ang mga contestants daw ay hindi naman tumira sa Pilipinas.

At nang may pumuna sa tinuran nito, ito ang kanyang naging kasagutan…

“Tell that to all the front-runners for the Philippines. This country wouldn’t have a chance on the national stage without us halfies”.

Umani ito ng kritisismo. Ayon sa mga pageant enthusiasts, minaliit daw ng mga ito ang kakayahan ng mga full-blooded Filipinos na sumasali sa mga local at international pageants.

Dahil sa kabi-kabilang negative criticisms, naglabas ng saloobin si Espiritu sa kanyang Instagram stories…

“I responded impulsively and made a remark that came across as disrespectful to many Filipinos. that was not my intention, but I understand why people were upset.

“I am proud to represent the Philippines and proud of my Filipino heritage. The last thing I would ever want is to diminish the accomplishments of Filipinos, whether they are full Filipino, mixed Filipino, or anyone who has had the honor of carrying our flag on the international stage.“

Hiniling din ni Espiritu na iderekta sa kanya ang mga negative criticism at hindi sa mga staff, organizers na associated sa kanya.

Maging si Palomo ay nagbigay rin ng kanyang pahayag.

“Recently I made a comment that upset and disappointed many people, and I want to address it directly. 

“To the claims that I am a ‘halfie’, I am fully Filipino and a dual citizen. Both of my parents are Filipino. I was born in the United States, and my heritage is something I have always been proud of and embraced as a core of who I am.”

Kumbaga, the damage has been done!

Kahit ano pa ang paliwanag na gawin ng mga dating representative na ito ng ating bansa, hindi na mabubura iyon.

Nagmarka na yan sa isip at puso ng mga pageant fans.

May punto si Mr. Michael Cinco, kung ating susuriing mabuti ang litrato ng mga kandidatong ito, wala namang bakas na may foreign blood sila. 

Pinoy na Pinoy ang hitsura nila. Ang pagkakaiba nga lamang siguro ay ang accent nila dahil lumaki sila sa Amerika.

Nagtaray rin ang Miss Universe-Philippines 2024 1st runner up na si Stacey Gabriel. Ayon sa komento nito sa kanyang social media, “Disrespectful. You either embrace your Filipino heritage fully when you represent us, or you don’t at all. 

“This term ‘halfies’  is a destructive, racially motivated word designed to needlessly segregate us.”

Si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ay pinuna rin ang ginawi nina Espiritu at Palomo, ipinagdiinan nitong, “Being Filipino cannot be measured by ancestry.

“Proud Pinay. Halfies or not. No one can dictate what it means to be Filipino.

“My love for the Philippines is not measured by blood quantum, but by the pride, respect, and service I give to my country.”

Maging learning lesson sana ito para sa mga aspiring candidates ng mga pageants. Bago kayo sumali at i-represent ang ating bansa, isipin munang mabuti kung tanggap ninyo ang pagiging Pinoy. Hindi lang yung maging popular ang pangunahing dahilan, dapat tanggap ang Filipino heritage.

Sa ganitong sitwasyon, hindi ba dapat deemed as persona non grata sina Espiritu at Palomo sa buong Pilipinas?  

Ano sa palagay n’yo?

‘Di pinalampas ang namba-bash sa political stand…ROMNICK, makabayan at hindi maka-VP o maka-Presidente (ni: JIMI ESCALA) 

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI pinalampas ng premyadong aktor na si Romnick Sarmenta ang mga basher na kumukuwestiyon sa political stand niya.

Ibinahagi ni Romnick sa social media ang kanyang pinaninindigan at paniniwala sa gitna ng nangyayaring kaguluhan ngayon sa mundo ng politika.

Pinagdidiinan ni Niko na isa siyang makabayang Pilipino at walang politikong kinakampihan.

Sey ni Romnick sa kanyang IG post, “Oo, di ako maka VP (Sarah Duterte), pero di rin ako makapresidente (PBBM) ninyo. Makabayan ako.” 

Hindi naman kaila sa lahat na isa si Romnick sa mga matatapang na celebrities na lantarang naghahayag ng saloobin sa mahahalagang isyu ng bayan.

Matatandaan na noong 2022 Presidential elections, sinuportahan niya ang pagtakbo ni dating Vice President Leni Robredo at ang running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

***

MAKAKATUWANG ng PMPC Star Awards Inc. sa pag-organisa ng ’17th Star Awards for Music’ ang Echo Jham Entertainment Production na pinamumunuan ni Ms. Mhae Sarenas. 

Si Calvin Murphy Neria ang magdidirek ng naturang awards night na gaganapin sa June 25, 2026 sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan City.

Narito ang ilan sa mga nominado sa iba’t ibang kategorya:

SONG OF THE YEAR

• Dilaw – Maki (Tarsier Records)

Composer: Ralph William Datoon, Viktor Nhiko Sabiniano

• Marilag – Dionela (UMG Phils. /EMI Records Phils.)

Composer: Timothy “Tim” Dionela

• Multo – Cup of Joe (Viva Records)

Composer: Raphaell Ridao, Redentor Immanuel Ridao

• Nami-miss Ko Na – Lola Amour (Warner Music Phils.)

Composer: Raymond King, David Yuhico

• Palagi – TJ Monterde (Cornerstone Entertainment)

Composer: Titus John Monterde

• Sa Bawat Sandali – Amiel Sol (Ivory Music)

Composer: Amiel Sol, Miguel Haleco

• Salamin Salamin – BINI (Star Music)

Composer: John Michael Conchada, Paula Rose Alcasid, Paulo Miguel Rañeses, Mart Sam, Emmanuel Olavides

ALBUM OF THE YEAR

• jgh – James Reid (Careless Music/Sony Music Phils.)

• Lola Amour – Lola Amour (Warner Music Phils.)

• Method Adaptor – Ely Buendia (Sony Music Phils. / Offshore)

• MU – Arthur Miguel (Warner Music Phils)

• Sariling Mundo – TJ Monterde (Cornerstone Entertainment)

• Talaraawan – BINI (Star Music)

• The Traveller Across Dimensions – Ben&Ben (Ben&Ben Music / Sony Music Philippines

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

• Dia Mate – Ganda-Gandahan (Island Records Phils.)

• Eliza Maturan – Museo (Unstable Records)

• Janah Zaplan – I Luv U (StarPop)

• Jayda Avanzado– Right Lover, Wrong Time (UMG Philippines)

• Klarisse De Guzman– Minamahal Pa Rin Ako (StarPop)

• KZ Tandingan – Toyo (Star Music)

• Moira dela Torre – San Ka Na (UMG Philippines)

MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

• Darren Espanto – Iyo (Star Music)

• Ice Seguerra – ATM (Star Music)

• Inigo Pascual – Kahit Di Mo Ko Nakikita 2 (Republic Records Phils.)

• Juan Karlos – Tanga  Mo Juan (UMG Philippines)

• Maki – Dilaw (Tarsier Records)

• Rob Deniel – Happy Ending (Viva Records)

• TJ Monterde – Sariling Mundo (Polyeast Records)

Apat na respetadong icons sa Philippine cinema:JOHN, EDGAR, RIO at JANICE, pararangalan sa ’The 9th EDDYS’ (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

APAT na respetadong icons sa Philippine cinema ang pararangalan sa ika-siyam na edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors’ (SPEEd) na gaganapin sa ika-5 nang Hulyo 5 sa Ceremonial Hall ng Marriott Hotel, Newport World Resorts sa Pasay City.

Sa pagpapatuloy ng tradisyon na pagkilala sa mga gumawa ng pangmatagalan at makabuluhang kontribusyon sa lokal na paggawa ng pelikula, igagawad ng The EDDYS ang ‘2026 Movie Icon Award’ kina John Arcilla, Edgar Mortiz, Rio Locsin at Janice de Belen. 

Kinikilala ng parangal ang kanilang dedikasyon sa kanilang propesyon at ang malaki nilang kontribusyon sa pagpapataas ng pamantayan ng mga pelikulang Pilipino.

Ibibigay rin ang Isah V. Red Award sa mga indibidwal na nagbibigay-inspirasyon at tumutulong sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng makabuluhang mga hakbangin, habang ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award, ay kumikilala sa mga natatanging miyembro ng entertainment media.

Ang mga tatanggap ng Isah V. Red Award ngayong taon ay ang corporate leader and philantropist na si Chaye Cabal Revilla at ang aktor na si Donny Pangilinan.

Si Chaye Cabal Revilla, Executive Director at Chief Finance, Risk and Sustainability Officer ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), ay kinikilala bilang founding chair ng Gabay Guro, isa sa pinakamalaki at pinakamatagal na programa na ang adbokasiya ay edukasyon para sa mga guro sa bansa. 

Isang flagship initiative ng PLDT-Smart Foundation, ang Gabay Guro ay gumugol ng halos dalawang dekada sa pagsuporta sa mga Filipino educators sa pamamagitan ng scholarships, training at iba pang welfare programs. 

Naging inspirasyon din si Cabal Revilla sa maraming personalidad mula sa entertainment industry para itaguyod ang layunin sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa taunang Grand Gathering and Teachers’ Tribute ng Gabay Guro.

Samantala, nakamit ni Donny Pangilinan ang pagkilala matapos magkaroon ng inisyatibo na magbigay ng diskwento sa diesel sa kanilang family-owned gas station sa Cavite sa panahon ng krisis sa langis noong Marso, na tumulong sa mga motorista na makayanan ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang Joe Quirino Award ay ibibigay sa direktor at songwriter na si Joven Tan, na matagumpay na nakagawa ng pangalan mula sa entertainment journalism tungo sa paggawa ng pelikula at nakapagdirek ng higit sa isang dosenang pelikula.

Ang Manny Pichel Award ay ipagkakaloob sa television reporter na si Lhar Santiago bilang pagkilala sa kanyang ilang dekada nang kontribusyon sa entertainment journalism. Si Santiago ay naging editor ng tabloid na Masa noong 1980s at nagsulat din ng entertainment column para sa The Manila Times.

Habang naghahanda para sa nalalapit na Gabi ng Parangal, masusing isinasagawa ang proseso ng screening at deliberasyon ng SPEEd upang matukoy ang mga nominado ngayong taon. Regular na nagtitipon ang mga miyembro ng organisasyon sa Luxent Hotel sa Quezon City, ang official screening venue partner ng The EDDYS, kung saan ang mga pelikulang ipinalabas sa panahon ng eligibility ay maingat na tinitingnan, sinusuri at tinatalakay bago ihayag ang huling listahan ng mga nominado.

“Ang Eddys ay taunang pagpaparangal sa mga taong ang passion at dedikasyon ay makatulong sa paghubog ng pelikula sa Pilipinas. Ang mga tumatanggap ng Movie Icon Award ngayong taon ay gumugol nang ilang dekada upang bigyang-buhay ang mga hindi malilimutang kuwento at karakter,” pahayag ni SPEEd President Tessa Mauricio-Arriola.

“Ang aming mga special awardees, sa kabilang banda, ay gumawa ng makabuluhang kontribusyon sa loob at labas ng industriya ng entertainment. Sa pamamagitan ng mga pagkilalang ito, ipinagdiriwang namin ang kahusayan, serbisyo, at ang pangmatagalang epekto ng ginawa ng mga indibidwal na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino,” dagdag pa niya.

Bukod sa mga espesyal na pagkilala, ang The EDDYS ay magbibigay ng 14 acting at technical awards na pinili mula sa mga pelikulang ipinalabas sa mga sinehan at sa mga digital platform sa panahon ng eligibility.

Ang The EDDYS ay isang taunang kaganapan na kumikilala sa mga nagawa at kontribusyon ng mga filmmaker, aktor, manunulat, direktor at producer sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Itinatag noong 2015, ang SPEEd ay isang non-profit na organisasyon na binubuo ng mga entertainment editors mula sa mga pambansang broadsheet, nangungunang tabloid at pangunahing online news portals.

Jeremy Strong stars as Mark Zuckerberg in the trailer for “The Social Reckoning”

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

EVERY revolution begins with a reckoning. From “The Social Network” writer Aaron Sorkin comes “The Social Reckoning,” a companion piece to the hit 2010 film that explored the founding of the social media site Facebook.

Starring Jeremy Strong, Mikey Madison, and Jeremy Allen White, the film explores the events that led to the groundbreaking exposé known as “The Facebook Files.”

Watch the trailer: https://youtu.be/Q2yJ89a9sJE

“The Social Reckoning” arrives in Philippine cinemas in October.


About The Social Reckoning:

A companion piece to the hit film The Social Network, Sorkin’s original screenplay is based on the events that gave rise to the Wall Street Journal’s shocking exposé The Facebook Files. The film is inspired by the true story of how Frances Haugen (Madison), a young Facebook engineer, enlists the help of Jeff Horwitz (White), a Wall Street Journal reporter, to go on a dangerous journey that ends up blowing the whistle on the social network’s most guarded secrets. 

Written and Directed by: Aaron Sorkin

Produced by: Todd Black, p.g.a., Peter Rice, p.g.a., Aaron Sorkin, p.g.a., Stuart Besser, p.g.a.

Executive Producers: Lauren Lohman, Roger McNamee, Ellen Goldsmith-Vein, Broderick Johnson, Andrew A. Kosove

Cast: Mikey Madison, Jeremy Allen White, Wunmi Mosaku, Betty Gilpin, Billy Magnussen, Bill Burr, and Jeremy Strong

(ROHN ROMULO)

 Kampo ni Baterbonia, hihiling ang immigration lookout bulletin vs coach Tab Baldwin

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIHILINGIN ng kampo ng pamilya ng yumaong Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa head coach ng Ateneo Blue Eagles na si Tab Baldwin.

Ayon sa abogado ng pamilya na si Atty. Israelito Torreon, layunin ng kahilingan na matiyak na magpapatuloy nang maayos ang imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng dalawang manlalaro.

Nilinaw naman ng abogado na sa ngayon ay wala pa silang direktang inaakusahan na may pananagutan si Baldwin.

Matatandaang nasawi sina Rene Baterbonia at Divine Adili matapos malunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora noong Lunes habang nagsasagawa ng team-building activity ang koponan.

Samantala, dumalo naman sa burol ni Baterbonia ang kanyang mga kasamahan sa Ateneo Blue Eagles. Nakiramay rin ang mga opisyal mula sa Commission on Higher Education, Department of Education, at Philippine Sports Commission.

Inaasahang iuuwi sa Agusan del Sur ang labi ni Baterbonia ngayong Huwebes.

Kasabay nito, inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na bumuo ng isang task force upang magsagawa ng masusing, komprehensibo, at patas na imbestigasyon sa insidente

Ads June 12, 2026

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pamilya ni Divine Adili, humiling ng autopsy bago iuwi ang labi sa Nigeria

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HUMILING ang pamilya ng yumaong Nigerian basketball player na si Divine Adili na magsagawa muna ng autopsy sa kanyang labi bago ito iuwi sa Nigeria, ayon sa pahayag ng Embahada ng Nigeria sa Maynila.

Ayon sa embahada, nais ng pamilya ni Adili na magkaroon muna ng masusing pagsusuri tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Divine bago iuwi ang kanyang labi sa Nigeria.

Matatandaang nasawi si Adili, 21 taong gulang, kasama ang kanyang teammate na si Rene Baterbonia, 19 taong gulang, matapos silang malunod sa isang team-building activity sa karagatan ng Dipaculao, Aurora noong Lunes.

Si Adili ay isa sa mga inaasahang rookie big men ng Ateneo Blue Eagles sa nakaraang season ng UAAP.

Samantala, inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung may sapat na batayan para sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng insidente.

Ayon sa DOJ, bumuo na ang NBI ng isang task force upang magsagawa ng komprehensibo at patas na pagsisiyasat sa pangyayari.

Sa ngayon, sinabi naman ng mga imbestigador ng pulisya sa Aurora na wala pa silang nakikitang senyales ng foul play batay sa mga affidavit ng lifeguard at mga responder na unang tumulong sa mga biktima.

Inagurasyon ng Legal Aid Help Desk, pinangunahan ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno

Posted on: June 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang inagurasyon ng House of Representatives Legal Aid Help Desk, na magbibigay ng tulong sa mga ordinaryong Pilipino na nahihirapan sa pagkuha ng free legal assistance at hustisya dahil sa financial constraints.

Sa kanyang pagsasalita sa inagurasyon ng Legal Aid Help Desk, sa pakikipagtulungan ng House of Representatives Legal Affairs Department at Integrated Bar of the Philippines (IBP) Quezon City Chapter sa ilalim ng Supreme Court’s Unified Legal Aid Service Program, inihayag ni Diokno ang importansiya na mayroong legal assistance na makukuha ang mga nagangailangan ng tulong.

“Kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayan na naghahanap-buhay araw-araw para lang maitaguyod ang iyong pamilya, ang tingin mo sa batas ay isang labirinto, isang magastos, matagal, at masalimuot na sistema na para lang sa mga mayayaman at may kapangyarihan,” ani Diokno. Kaya naman kapag ang isang mahirap ay nahaharap sa legal na problema, madalas ang unang tanong niya ay hindi kung ano ba yung kanyang karapatan kundi saan ako kukuha ng pambayad sa abogado.”

Nanawagan din ang mambabatas sa mga kasamahang kongresista na agad ipasa ang kanyang House Bill No. 7305, na nagsusulong sa pagbuo ng Joint Congressional Commission on Justice System Reform (JUSTCOM) na siyang magsasagawa ng rebyu sa justice system ng bansa at magrekomenda ng long-term reforms para mapabuti ang accountability at access sa hustisya.

“The crisis we face in the justice system, while it’s not often discussed, is just as bad as the crisis we face in our educational system. At hangga’t hindi natin maayos yung sistemang ‘yan…hindi pa rin tayo magkakaroon ng sapat na pananagutan, impunity pa rin at impunity ang mararamdaman ng ordinaryong Pilipino,” ani Diokno.

Layon ng HB 7305 na matugunan ang iba’t ibang mga isyu tulad ng case backlogs, mahabang pre-trial detention, jail overcrowding, limited access to legal assistance, weak accountability, at pagbaba ng tiwala sa justice system.

(Vina de Guzman)