• September 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 18th, 2026

Pinas, Nicaragua tinintahan ang unang bilateral deal para sa political talks

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NILAGDAAN ng Pilipinas at Nicaragua ang bilateral agreement ukol sa pagtatatag ng political consultations, pagbibigay ng mas malalim na dimensyon sa ugnayan ng dalawang bansa simula nang maitatag ang kanilang diplomatic relations limang dekada na ang nakalilipas.

Pinirmahan ni Philippine Ambassador to Nicaragua Arvin de Leon ang kasunduan kasama ang kanyang Nicaraguan counterpart sa Mexico, Ambassador Juan Carlos Gutiérrez Madrigal, sa Mexico City.

Sa kabilang dako, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nilagdaan ang memorandum of understanding nito lamang Philippine Independence Day, Hunyo 12, tanda ng kauna-unahang kasunduan na napagkayarian sa pagitan ng dalawang bansa simula ng pormal na relasyon ng mga ito na itinatag noong Agosto 10, 1973.

Inaasahan na ang kasunduan ay magsisilbi bilang balangkas tungo sa pagtatatag ng isang platform na maaaring pag-usapan ng dalawang bansa at galugarin ang posibilidad na kooperasyon sa mga larangan ng kapwa interes.

“After the signing, both sides agreed to work more closely in the soonest implementation of the agreement which would open the door towards a more constructive and results-oriented engagement between the Philippines and Nicaragua,” ayon sa DFA.

Samantala, naging aktibo ang administrasyong Marcos sa pakikipag-ugnay sa non-traditional partners para paghusayin ang bilateral cooperation at kalakalan. ( DARIS JOSE)

4 NA TAIWANESE NATIONAL, INARESTO NG BI

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INARESTO ng ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Taiwanese nationals dahil sa ilegal na pagpasok sa Pilipinas. Dalawa sa kanila ay pinaghahanap sa Taiwan dahil sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng BI Intelligence Division sa bisa ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Dahil dito, nagsagawa ng enforcement operation ang mga operatiba ng BI Intelligence Division, katuwang ang mga tauhan ng PCG, sa isang yate na nakadaong sa Island A, Reclamation Area, Pasay City. Dito naaresto ang mga Taiwanese nationals na sina Hung Pin Sheng, 39; Weng Pai Chen, 21; Chen Chin Chih, 22; at Liang Chia Hua, 35.

Ayon sa mga rekord, sina Hung Pin Sheng at Liang Chia Hua ay may mga naunang kasong kriminal sa Taiwan. Samantala, sina Weng Pai Chen at Chen Chin Chih ay kumpirmadong pinaghahanap ng Taiwan Kaohsiung District Court at Taiwan District Prosecutors Office kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga, kaya’t itinuturing silang mga pugante ng batas.

Kasalukuyan ding iniimbestigahan ang mga suspek dahil sa paglabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas kaugnay ng ilegal na pagpasok sa bansa, gayundin sa pagiging mga pugante at posibleng pagkakasangkot sa pagtatago o pagtulong sa mga iligal na dayuhan.

Muling iginiit ni Viado ang matatag na paninindigan ng Bureau na pigilan ang paggamit sa Pilipinas bilang kanlungan ng mga dayuhang pugante at mga sangkot sa transnational crimes. Gene Adsuara

Sent from my iPhone

11-anyos na batang lalaki, nalunod sa palaisdaan sa Malabon

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAWI ang 11-anyos na batang lalaki habang dalawa pa niyang kalaro ang nagpapagaling pa sa pagamutan nang malunod habang naliligo isang palaisdaan sa Malabon City.

Batay sa ulat na inilabas ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nirespondehan nila ang natanggap na tawag kaugnay sa tatlong menor-de-edad na nalunod habang naliligo sa palaisdaan sa Damzon St. Brgy. Muzon noong araw ng Linggo.

Pagdating sa lugar, kaagad isinugod ng mga tauhan ng MDRRMO sa Ospital ng Malabon ang tatlo habang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng resuscitation sa batang si alyas “Gabriel” na hindi pinagbabalikan ng malay.

Gayunman, idineklarang wala ng buhay ang biktima pagsapit sa emergency room ng naturang pagamutan habang nabigyan kaagad ng lunas ang dalawa pa niyang kasama na nagpapagaling na.

Nagpaabot naman ng lubos na pakikiramay ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pamilya ng nasawing biktima kasabay ng paglilinaw na hindi sa pampublikong pasilidad na pinamamahalaan ng pamahalaang lungsod kundi sa isang pribadong palaisdaan naganap ang insidente.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang trahedyang ito ay nagsisilbing paalala sa mga magulang, tagapag-alaga, may-ari ng mga pribadong lugar, at buong komunidad na patuloy na mag-ingat at magtulungan upang mapanatiling ligtas ang mga kabataan, lalo na sa mga lugar na may anyong-tubig at iba pang maaaring pagmulan ng panganib. (Richard Mesa)

2 drug suspects, tiklo sa ‘Oplan Galugad’ sa Valenzuela

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaresto ng pulisya na nagsusugal at bumabatak ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay NPD Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ sa ilalim ng NLEX Harbor Link Segment 10, sa Brgy., Karuhatan bandang alas-9:25 ng gabi.

Kaagad nilang nalapitan ang mga ito saka inaresto at nakumpiska sa kanila ang bet money, gamit na baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Jun Jun”.

Nauna rito, dakong alas-6:35 ng gabi nang mahuli sa akto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 si alyas “Joel” na sumisinghot umano ng bato sa loob ng isang abandonadong bahay sa Sitio Kabatuhan Compund 3, Brgy., Gen T De Leon.

Nasamsam sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at drug paraphernalias.

Kasong paglabag sa PD 1602 at R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspek. (Richard Mesa)

Matagal na ring lumaban sa sakit na kanser…ASHLEY, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang butihing ina (ni: ROMMEL GONZALES)

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAY malungkot na pinagdadaanan ngayon ang Sparkle female artist na si Ashley Rivera na kilala rin bilang si Petra Mahalimuyak; pumanaw ang kanyang ina na matagal ring lumaban sa sakit na kanser.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories, kalakip ang litrato ng kanyang butihing ina ay inilahad ni Ashley ang masakit na balita…

“No more pain, Ma. 

“May your heart and soul find peace and comfort.”

“I miss you so much. I love you forever.”

Sa isa pa niyang IG story ay nag-post si Ashley ng litrato habang hawak niya ang kamay ng kanyang ina.

“I’m gonna miss holding your hand, Ma,” ang malungkot na mensahe naman ng aktres.

Nitong Abril lamang nang ibahagi ni Ashley sa publiko ang tungkol sa pagkakaroon ng sakit na kanser ng kanyang ina.

Aniya, “Dear mama bear is doing fine. She’s still fighting and we’re celebrating our small wins every single day!”

Inihayag rin niya noong mga sandaling iyon na nagpapakatatag siya para sa kanyang ina sa kabila ng sakit at kalungkutang nadarama.

Ang aming pakikiramay kay Ashley at sa kanyang buong pamilya…

***

PINABULAANAN ni Vandolph Quizon ang mga fake news na hindi nila tinutulungan si Cita Astals na co-star nila sa sitcom na ‘Home Along Da Riles’ at sa bagong pelikulang ‘Home Along Da Riles: Da Reunion.’

“Huwag ganun,” bulalas ni Vandolph.

“Huwag nating hatakin ang tao pababa. Dapat lahat tayo dito sa nangyayaring sitwasyon ngayon, magtulungan pataas.

“Lahat tayo nagtutulungan at hatakan pataas. Lahat tayo may mga pinagdadaanan.

“But ito lang tatandaan ninyo na ang Home Along Da Riles family ay hindi namin pinababayaan ang bawat isa. Yun lang.”

Iniwang legacy rin daw sa kanila ng ama nilang Comedy King na si Mang Dolphy ang tumulong sa kapwa.

“Of course. Yun ang gagawin ng tatay ko kung nububuhay siya. Hindi namin kaya maging Dolphy mag-isa kaya sama-sama kami, di ba? That’s his legacy.”

Palabas na sa mga sinehan ngayon ang “Home Along Da Riles: Da Reunion” tampok sina Vandolph, Cita, at sina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Jenny Quizon, Celyn David, Pepe Herrera, at Ms. Nova Villa, sa direksyon ni Boy 2 Quizon na artist rin sa pelikula.

Mula ito sa Riles Productions at Rebisco.

Matapos tumamlay ang career ng dating aktor…VICTOR, masaya sa piniling buhay sa corporate world (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAY bago nga bang nagpapatibok sa puso ng dating frontman ng Rivermaya na si Rico Blanco?

Nakunan ng video si Rico sa isang posh mall na kasama ang isang ‘di pa nakikilalang babae.

Makikita sa video na kasabay na naglalakad ni Rico ang babae na naka-maong shorts lang.

‘Di pa matukoy kung sino talaga ang nasabing babae at kung ito na nga ang ipinalit ni Rico sa dati nitong karelasyong si Maris Racal. Matatandaan na inamin ang kanilang relasyon nuong 2021. 

Subalit matapos ang ilang taong pagsasama, nauwi rin ito sa hiwalayan noong July 2024.

Naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Rico at Maris. Marami ang nagsabing may third party involved sa parte ni Maris. 

Matapos ang kanilang masalimuot na hiwalayan, pinili ni Rico na manahimik at gawing pribado ang kanyang romantic life. 

***

MARAMI ang nagtatanong kung nasaan na nga ba ang aktor na si Victor Emmanuel Basa.

Si Victor Basa ay dating aktor, model, radio VJ, television host at former housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

Sa edad na 19 years old, nadiskubre si Victor sa Mega Young Designer’s Competition noong 2004.

Sumali din siya sa Best Model of The World kung saan nanalo siya bilang Best in Swimwear. Matapoos noon, nakuha siya para sa isang television ad ng isang cracker brand, at naging endorser na isang clothing brand. 

Pinasok niya ang daigdig ng showbiz. nagkaroon ng iba’t ibang roles bilang isang seryosong aktor.

Noong 2005, naging maingay ang pangalan niya ng maging endorser siya ng clothing retailer Penshoppe. Kaya’t di nag-atubili ang Star Magic na papirmahin siya ng kontrata.

At 2010 naman ng makarelasyon nito ang TV host at real estate heiress na si Divine Lee. Tumagal ang kanilang relasyon ng mahigit apat na taon, at nagkahiwalay noong April 2015.

Tumamlay na ang career ng aktor.

Muli siyang umibig sa katauhan ni Stephanie Dan at ikinasal sila noong November 10, 2019. May isa na silang anak na si itong Alessandra Emmanuele.

Sa isang Facebook post ni Victor, masaya nitong ibinalita na kasalukuyan na siyang Marketing Professional ng Toyota sa Sta. Rosa, Laguna. 

Marami ang pumuna sa aktor na dating isang celebrity figure na pinili ngayong mabuhay sa corporate world.

Minsan pang pinatotohanan ni Victor na ang showbiz ay hindi isang stable job.

Kailangan niyang mabuhay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang binuong pamilya.

Saludo kami sa ‘yo Victor!

Messi, nagtala ng hat-trick sa panalo ng Argentina

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GUMAWA ng kasaysayan ang football superstar na si Lionel Messi sa panalo ng Argentina laban sa Algeria ngayong araw, Hunyo 17, sa iskor na 3-0.

Sa unang laban ng Argentina para sa kanilang title defense sa FIFA World Cup 2026, pinatumba ng koponan ang Algeria sa pamamagitan ng bigtime performance mula kay Messi. Ginanap ang naturang laban sa Kansas City Stadium.

Ang lahat ng tatlong goal ng Argentina ay nagmula kay Messi. Naipasok niya ang mga ito sa ika-17, ika-60, at ika-76 na minuto ng laro.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa karera ni Messi na makapagtala ng hat-trick (tatlong goal sa isang laban) sa loob ng isang World Cup tournament.

Ang ikatlong goal ni Messi sa naturang laban ay ang ika-16 na goal niya sa kabuuang partisipasyon sa World Cup. Sa tala na ito, pumantay na siya kay Miroslav Klose ng Germany bilang all-time leading scorer sa kasaysayan ng Men’s World Cup.

Rider, nabangga ng truck, sugatan

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUGATAN ang isang rider matapos mabangga ng dambuhalang truck sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City na dahilan upang magbagal ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar. Kaagad namang tinulungan ang biktima ng rumespondeng rescue team ng Valenzuela City DRRMO para madala sa pinakamalapit na pagamutan.

 (Richard Mesa) 

PBBM, dumating na sa Russia, gov’t caretakers pinangalanan 

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kazan, Russia, araw ng Miyerkules at nagtalaga ng government caretakers habang siya ay nasa foreign trip upang masiguro na hindi mapuputol ang pamamahala at decision-making.

Ang eroplanong may lulan sa Pangulo ay lumapag sa Kazan, alas 12:53 ng tanghali. (Manila time).

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, habang ang Pangulo ay nasa Russia,sina Executive Secretary Ralph Recto, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella, at Labor Secretary Francis Tolentino ang magsisilbing government caretakers.

Ang tatlong Cabinet officials ay awtorisadong umakto sa ngalan ng Pangulo sa pangangasiwa ng mga tungkuling ehekutibo habang siya ay nasa labas ng bansa maliban sa mga bagay na kinakailangan ng konstitusyon upang mapagpasyahan mismo ng Pangulo o iyong mga may kinalaman sa national security, kabilang na ang organisasyon ng military at pulis.

Ang lahat ng desisyon na gagawin ng mga ito ay “must be unanimous and any disagreements will be referred to the President for resolution.”

Samantala, ang pagbisita ng Pangulo, ang kanyang kauna-unahang pagbisita sa Russia, mula nang maupo bilang halal na Pangulo ng bansa noong 2022, naglalayon na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Russia, batay sa ‘mutual respect, dialogue, at cooperation.’

Si Pangulong Marcos, chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong taon, ay magpapartisipa sa ASEAN-Russia Commemorative Summit, magsisilbi bilang platform para pag-usapan ang pagtutulungan sa mahahalagang larangan kabilang na ang ‘security, trade, energy, at food security.’

Nakatakda rin siyang magsagawa ng bilateral meeting kasama si Russian President Vladimir Putin para talakayin ang ‘cooperation on areas of mutual interest’ ng dalawang bansa partikular na ang ‘energy at food security.

Ang pagbisita ng Pangulo sa Russia ay kasabay ng 50th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

(DARIS JOSE)

Sen. Alan Cayetano, nagbitiw na bilang Senate President

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG-concede at tinanggap na ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi na siya ang Senate President matapos lumipat si Senador Joel Villanueva sa bagong mayorya ng Senado.

Inaasahang magbibigay ito ng sapat na bilang upang maghalal ng bagong lider sa Mataas na Kapulungan.

Sa isang pahayag umaga ng Miyerkules, Hunyo 17, kinumpirma ni Cayetano ang kanyang pag-concede matapos silang magkausap ni Villanueva, at inihayag na hindi na niya ito hahadlangan pa.

Aniya, hindi permanente ang liderato sa isang demokrasya, ito ay hiram lamang at hindi pagmamay-ari.

Ipinabot din niya ang kanyang pagbati at kooperasyon sa sinumang lehitimong ihahalal ng kapulungan. Binigyang-diin din ni Cayetano na isang malaking karangalan sa kaniyang buhay ang magsilbi bilang Senate President.

“Offices are temporary, titles are temporary, even majorities are temporary — but your right to the truth is not. I promise you, we will get to the bottom of this. We will find the masterminds. We will hold them accountable,” dagdag pa ng senador.

Sa kabila ng pagbaba sa puwesto, nangako si Cayetano na ipagpapatuloy niyang ipaglaban ang katotohanan anuman ang kaniyang posisyon o titulo.

“I may leave the position of SP, but I am honored to still be your PS — your Public Servant,” pagtatapos ni Cayetano.

 (DARIS JOSE)