• September 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 18th, 2026

Gatchalian, opisyal nang nahalal bilang bagong Senate President

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

OPISYAL nang nahalal bilang Senate President si Senador Sherwin Gatchalian sa pamamagitan ng ‘unanimous vote’.

Sa pagsisimula ng Special Session ng Senado araw ng Miyerkoles June 17, 2026, agad tinalakay ng Senado ang pag-upo ni Gatchalian bilang Senate President matapos dumalo ang hanggang 13 senador na kinabibilangan nina Senador Francis “Chiz” Escudero at Sen. Joel Villanueva.

Wala namang tumutol sa opisyal na pagkakahalal ni Gatchalian bilang bagong bagong lider ng Mataas na Kapulungan.

gad namang nanumpa si Gatchalian sa harapan ni dating Sen. Pres. Vicente Sotto III kasunod ng kaniyang nakuhang suporta.

Sa panunumpa ni Gatchalian, kasama dito ang dalawang iba pang SP na sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Migz Zubiri. ( DARIS JOSE)

4 NA TAIWANESE NATIONAL, INARESTO NG BI

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Taiwanese nationals dahil sa illegal na pagpasok sa Pilipinas. Dalawa sa kanila ay pinaghahanap sa Taiwan dahil sa mga kasong may kaugnayan sa illegal na droga.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng BI Intelligence Division sa bisa ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Dahil dito, nagsagawa ng enforcement operation ang mga operatiba ng BI Intelligence Division, katuwang ang mga tauhan ng PCG, sa isang yate na nakadaong sa Island A, Reclamation Area, Pasay City. Dito naaresto ang mga Taiwanese nationals na sina Hung Pin Sheng, 39; Weng Pai Chen, 21; Chen Chin Chih, 22; at Liang Chia Hua, 35.

Ayon sa mga rekord, sina Hung Pin Sheng at Liang Chia Hua ay may mga naunang kasong kriminal sa Taiwan. Samantala, sina Weng Pai Chen at Chen Chin Chih ay kumpirmadong pinaghahanap ng Taiwan Kaohsiung District Court at Taiwan District Prosecutors Office kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa illegal na droga, kaya’t itinuturing silang mga pugante ng batas.

Kasalukuyan ding iniimbestigahan ang mga suspek dahil sa paglabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas kaugnay ng illegal na pagpasok sa bansa, gayundin sa pagiging mga pugante at posibleng pagkakasangkot sa pagtatago o pagtulong sa mga iligal na dayuhan.

Muling iginiit ni Viado ang matatag na paninindigan ng Bureau na pigilan ang paggamit sa Pilipinas bilang kanlungan ng mga dayuhang pugante at mga sangkot sa transnational crimes. (Gene Adsuara)

Tunay na Nagmamalasakit sa Brgy. 125, Zone 11, Dist. 2, Caloocan City: Hon. Chairman Amable M. Vicencio III!

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS magsilbi ng dalawang (2) termino bilang Kagawad sa Barangay 125, Zone 11, Distrito 2 ng Lungsod ng Caloocan, iniluklok ng mga mamamayan si Hon. Chairman Amable M. Vicencio III bilang bagong Punong Barangay o Kapitan ng kanilang komunidad. Kilala si Kapitan Vicencio sa kanyang kababaang-loob, kabaitan, at pagiging low-profile. Siya ay isang pinunong may pusong makatao na napatunayan na sa kanyang mahabang panahon ng paninilbihan.

Mula nang siya ay umupo, ibinuhos niya ang kanyang oras at panahon upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kalinisan ng kapaligiran. Ayon sa kanya:

“Sa totoo lang po, hindi ko akalain na papasukin ko ang mundo ng politika. Pero siguro po, ang Panginoon na ang nag-adya para makatulong ako sa aking mga kabarangay. Dati po kasi, medyo kulang sa pag-aruga ang aming lugar. Kaya naman ngayon, ginagawa ko ang lahat upang isaayos ang mga kakulangan bilang ganti sa pagtitiwalang ibinigay sa akin ng aking mga kapamilya rito.”

Bilang bagong “Ama” ng barangay, na itinuturing niyang sariling pamilya, binigyang-priyoridad ni Kapitan Vicencio ang seguridad. Nagpalagay siya ng mga CCTV camera sa bawat kanto upang masubaybayan ang mga galaw sa labas. Habang ang butihing Mayor Along Malapitan ang nagkaloob ng mga ilaw sa pangunahing kalsada, ang barangay naman ang nag-asikaso sa pagpapailaw ng mga iskinita upang maiwasan ang anumang krimen. Nagdagdag din sila ng mga service vehicle para sa mga emerhensya at para sa gabi-gabing pagroronda ng mga barangay tanod, na sinasamahan pa kung minsan ng Kapitan. Dahil sa pagtutulungang ito at sa tulong ng police visibility, pangkalahatang mapayapa ang kanilang komunidad. Naglagay din sila ng mga bakal na gate sa mga piling lugar bilang karagdagang proteksyon laban sa mga masasamang elemento.

Bukod sa seguridad, puspusan din ang paghahanda ng barangay laban sa baha. Nagsagawa sila ng mga de-clogging operations at paglilinis ng mga estero at kanal bago pa man sumapit ang tag-ulan. Matagumpay din nilang naipatupad ang proyektong “HAPAG” na inisyatiba ng DILG, kung saan ang mga itinanim nilang gulay ay napakinabangan na ng mga residente.

Hindi rin naiwan ang kalusugan at edukasyon. Naglulunsad ang barangay ng Monthly Medical Mission para sa mga mamamayan, lalo na para sa mga Senior Citizens. Namahagi rin sila ng mga school supplies para sa mga mag-aaral, nagtalaga ng mga tanod na nag-aayos ng trapiko malapit sa mga paaralan upang maiwasan ang aksidente, at naglunsad ng mga Feeding Program at Food Assistance para sa lahat. Sa tulong ng “Linis Barangay Brigade,” nagkakaisa ang mga residente sa pagpapanatili ng kalinisan sa buong lugar.

Dugtong pa ni Kapitan Vicencio:

“Hangga’t kaya kong ibigay ang pangangailangan ng aking kaPamilya rito sa barangay ay gagawin ko, dahil sila na ang aking mga kamag-anak, kapatid, at magulang. Hiling ko lang po sa aking mga kasama rito na ipagpatuloy natin ang pagkakaisa tungo sa ikauunlad ng aming komunidad. Labis din po ang aming pasasalamat sa ating masipag at mabait na Mayor Along Malapitan sa walang sawang pagtulong sa aming barangay!”

Ito ang tapat at makadamdaming pahayag ng pasasalamat mula sa isang pinunong tunay na naglilingkod nang may puso. ( SONNY ASIGNACION)

Republic Act 10932 o Anti-Hospital Deposit Act, panawagan ng mambabatas na rebyuhin

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN si Bagong Henerasyon Party-list Rep. Robert Nazal na rebyuhin ang Republic Act 10932 o Anti-Hospital Deposit Act.

Sa inihain nitong resolusyon, nais din ni Nazal na imbestigahan ang pangyayari sa pagkamatay ni Marvin Sulit hinggil sa implementasyon ng RA 10932.

Ayon kay Nazal, tila may pagkukulang sa implementasyon ng RA 10932 na naging dahilan ng pagkasawi ni Sulit. 

Batay sa viral post ni Maria Lourdes Sulit sa social media, unang dinala sa ospital ang kanyang asawa na si Marvin dahil sa brain hematoma. Sinabihan siya umano ng ospital na may kamahalan ang medical procedure kaya pinayuhan siya na lumipat na lang ng ibang ospital na sa mas mura.

Bago pa man i-admit si Marvin sa pangalawang ospital, hiningian sila umano ng deposito. At dahil hindi nila agad nakayanan na mag deposito, tuluyan ng nalagutan ng hininga si Marvin.

“No Filipino family should ever be placed in the position of having to choose between raising money and saving the life of a loved one, particularly where the law expressly guarantees the immediate provision of emergency medical treatment, regardless of financial capacity,” sinabi ni Nazal. 

“Sa ilalim ng RA 10932, mahigpit na ipinagbabawal ang maningil ng deposit bago tanggapin at gamutin ang isang pasyente. Sa kaso ni Marvin Sulit, lumalabas na nalabag ang batas at hindi man lang nabigyan ng tyansa na maligtas siya dahil lang sa pera,” pahayag ni Nazal. 

Ayon kay Nazal, ang pinakamasaklap na sitwasyon ay kung namatay ang pasyente na hindi man lang matutustusan ng PhilHealth. 

“When a patient dies, the family should not be left grieving while fighting for benefits they believed would be available when they needed them most. PhilHealth exists to provide financial protection to Filipino families. Nagkasakit ka na nga, napagsamantalahan ka pa. Mas malala, namatayan ka na, naholdap ka pa,” sinabi ni Nazal. (Vina de Guzman)

21-anyos na wanted sa statutory rape sa Caloocan, timbog

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINITBIT sa loob ng rehas ang 21-anyos na kelot na wanted sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape nang mabitag ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan City Police Station.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth hinggil sa kinaroroonan ng akusado na residente ng Brgy., 5, ng lungsod ay agad ikinasa ang operation laban sa kanya.

Hanggang sa makorner ang akusado ng pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Women and Children Protection Desk ng Caloocan CPS malapit sa kanyang tirahan.

Hindi na siya nakapalag nang damputin ng mga tauhan ni Col. Goforth sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Statutory Rape na inisyu ng Family Court, Branch 1, Caloocan City.

Ayon kay Col. Goforth, walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (Richard Mesa)

Norway, itinumba ang Iraq sa pagbabalik sa World Cup, 4-1

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGING makasaysayan ang pagbabalik ng Norway sa World Cup matapos itumba ang Iraq, 4-1.

Ito ang unang laro ng Norway makalipas ang 28 taon na hindi paglalaro sa pinakamalaking stage ng football.

Pinangunahan ng superstar striker na si Erling Haaland ang kaniyang koponan at sa kaniyang kauna-unahang World Cup debut, agad siyang umiskor ng dalawang goal sa unang bahagi pa lamang ng laro.

Una niyang naipasok ang isang goal sa ika-dalawampu’t siyam (29th) na minuto at sinudan niya ito ng isa pa sa ika-apatnapu’t tatlong (43rd) minuto – daan upang ibigay ang abante sa Norway.

Bagama’t nakasagot ang Iraq sa pamamagitan ng isang magandang header mula kay Aymen Hussein sa ika-39 minuto, tuluyang gumuho ang kanilang depensa sa second half.

Sinelyuhan ng defender na si Leo Østigård ang ikatlong goal sa ika-76 na minuto, bago ang isang hindi inaasahang sariling goal o own goal ng Iraq sa huling bahagi ng laban na nag-akyat sa pinal na iskor na 4-1.

Dahil sa panalong ito, kasama ngayon ng Norway ang France sa mga nangunguna sa Group I na may parehong tatlong puntos.

₱60-M HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, NAKUMPISKA SA ISINAGAWANG JOINT OPERATION NG PDEA, PNP AT BOC

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGUMPAY na naharang ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), na binubuo ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang labing-apat (14) na mga inabandunang parsela na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga sa isang coordinated interdiction operation na isinagawa sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road, Pasay City, noong Hunyo 15, 2026.

Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng intelligence monitoring at mga pagsisikap sa cargo profiling sa pangunahing pasilidad ng pag-screen ng koreo ng bansa. Ang mga parsela ay nagmula sa iba’t ibang international locations, kabilang ang Thailand, India, United Kingdom, France, Estados Unidos at iba pang mga bansa, at ipinadala sa iba’t ibang indibidwal sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Batay sa initial assessment, narekober ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 5.4 kilo ng pinaghihinalaang marijuana kush na may Standard Drug Price (SDP) na ₱8.25-M, humigit-kumulang 100,000 milliliters ng pinaghihinalaang liquid marijuana na may SDP na ₱5-M, at halos 9 na kilo ng pinaghihinalaang shabu na may SDP na ₱46.95-M. Kabilang sa mga karagdagang nakumpiska ang pinaghihinalaang methylenedioxymethamphetamine (MDMA) tablets, na karaniwang kilala bilang ecstasy, opium poppy derivatives, at iba pang mga controlled substances na nakatago sa mga maling deklaradong kargamento.

Ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga ay mahigit ₱60-M. Ang kontrabando ay itinago sa mga bagay na mukhang ordinaryong bagay tulad ng mga meryenda, produktong kape, mga palamuti, mga pansala sa bahay, mga organizer na gawa sa kahoy, mga laruan, at mga electronic equipment sa pagtatangkang maiwasan ang pagtuklas.

Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga operating unit para sa matagumpay na interception, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na operasyon na pinapatnubayan ng intelligence.

“Hindi tayo titigil sa ganitong operasyon. We are strengthening our border control efforts not only at the street level but more importantly at entry points where illegal drugs attempt to enter the country,” sabi ni PNP Chief Nartatez.

Dagdag pa niya, ang tagumpay na ito ay sumusuporta sa PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na nagpapalakas ng koordinasyon sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang pag-abot ng ilegal na droga sa mga komunidad. Pinagtibay din niya ang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang mas ligtas at mas panatag na Pilipinas.

“This operation shows that our security systems are actively working. Tuloy-tuloy ang ating pagbabantay mula ports hanggang communities. The PNP remains firm in its duty to protect the public,” dagdag pa ni PGen Nartatez. 

Ang lahat ng naharang na parsela ay ibinigay na sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa pagsusuri sa laboratoryo at wastong disposisyon, habang patuloy ang mga follow-up na imbestigasyon upang matukoy ang mga posibleng network sa likod ng tangkang kargamento. 

(PAUL JOHN REYES)

Herbosa, 4 pang DOH officials kinasuhan sa P145.9 milyong pondo sa WHO

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman si DOH Secretary Teodoro J. Herbosa at ilang opisyal ng Department of Health (DOH) kaugnay ng umano’y hindi awtorisadong paglilipat ng P145.9 milyong pondo ng pamahalaan sa World Health Organization (WHO).

Kasama sa mga respondent sina Assistant Secretary Gloria J. Balboa, OIC-Assistant Secretary Albert Francis E. Domingo, Disease Prevention and Control Bureau Director Anna Marie Celina G. Garfin, at Health Promotion Bureau Director Maria Kristina May L. Marasigan.

Ayon sa reklamo, ilegal umanong inilipat ang P145.96 milyon bilang “vo­luntary contribution” para sa Philippine Pacific Health Initiative (PHILPAC) ng WHO. Iginiit ng mga complainant na ang pondo ay kinuha mula sa mga umiiral na programa ng DOH at hindi maaaring ideklarang “savings.”

Inakusahan ang mga respondent ng Technical Malversation at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Kinuwestiyon din ang umano’y kawalan ng awtorisasyon mula sa General Appropriations Act (GAA) at ang paggamit ng P56.46 milyon mula sa FY 2024 Continuing Appropriations.

Ads June 18, 2026

Posted on: June 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments