HUMIGIT-KUMULANG sa kalahating milyong halaga ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam kabilang ang dalawang baril at bala matapos naaresto ang apat na hinihinalang tulak at nasa listahan ng Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy bust operation sa General Trias City, Cavite Miyerkules ng umaga.
Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act Law of 2022 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kinakaharap na kaso ng mga naarestong suspek na sina alyas Christian, alyas Kevin, alyas Ryan at alyas Pricess.
Sa ulat, bandang alas-5:45 ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Gen Trias Componet City sa BR3 Lancaster, Brgy Pasong Camachille 1, Gen Trias City Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nasamsam ang 40 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P272,000.00, 7 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana kush na may Standard Drug Price na P60,000.00 o kabuuan na P332,000.00
Bukod sa shabu at marijuana, nakuha rin sa mga suspek ay isang kalibre 45 Armscor na baril, isang magazine ng kalibre 45, 7 bala ng kalibre 45, isang kalibre 9mm sub-machine gun mula kaya alyas Kevin, iang magazine ng 9mm, limang bala ng kalibre 9mm, isang backback at isang itim na sling bag.
(Gene Adsuara)