PBBM: P100 milyon pondo sa mga nasalanta ng magnitude 7.8 lindol
- Published on June 12, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGLAAN ang pamahalaan ng P100 milyon mula sa Local Government Support Fund (LGSF) para sa pagpapatayo ng General Santos City Hall na nawasak ng magnitude 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Sa pag-iinspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing lalawigan, sinabi nito, nagkaloob din siya ng tig-P50,000 na ayuda para sa mga pamilyang namatayan.
Nilinaw naman ng Pangulo na bukod pa ito sa pondo para sa pagpapagawa ng mga nasirang gusali sa Saranggani at South Cotabato.
Sinabi pa ni Marcos na para sa may apat na libong mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay dahil sa kalamidad ay tatanggap ang mga ito ng tig-P5,000 sa ilalim ng Asistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Maglalabas aniya ang Department of Budget and Manage (DBM) ng pondo mula sa LGSF para sa mga napinsalang istraktura sa Sarangani province at South Cotabato.
Umaasa naman ang Pangulo na hindi na magkakaroon pa ng malalakas na aftershocks para maipagpatuloy ang pagdadala ng mga pangangailangan ng mga biktima ng malakas na lindol.