• June 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Escudero pumasok, Senado nagka-quorum

ITINALAGA si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at siya ang nagsilbing presiding officer sa sesyon.

Nagtalaga rin ng mga bagong committee chairmanships bago pormal na isara ang ika-20 Kongreso.

Natapos ang dalawang araw na deadlock sa Senado nitong Hunyo 3 matapos sumama si Senador Francis “Chiz” Escudero sa mga senador na nasa plenaryo upang makabuo ng quorum at maituloy ang sesyon.

Sa pagkakaroon ng 12 senador, idineklara ng Senado na bakante ang lahat ng posisyon sa loob ng kapulungan at isinagawa ang reorganisasyon ng liderato.

Itinalaga si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at siya ang nagsilbing presiding officer sa sesyon.

Nagtalaga rin ng mga bagong committee chairmanships bago pormal na isara ang ika-20 Kongreso. ( DARIS JOSE)