• June 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 23rd, 2026

Thunder, sinelyuhan ang panalo kontra Spurs

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUMAWI si Shai Gilgeous-Alexander matapos pangunahan ang defending champion na Oklahoma City Thunder sa 122-113 panalo laban sa San Antonio Spurs upang itabla sa 1-1 ang kanilang Western Conference finals series.

Matapos mapigilan sa Game 1, bumida ang back-to-back NBA Most Valuable Player sa naiskor na 30 points at siyam na assists para buhayin ang kampanya ng Oklahoma City.

Matapos ang dikdikang unang quarter, rumatsada ang Thunder upang magtayo ng 11-point lead sa halftime.

Nag-ambag rin si Alex Caruso ng 17 points mula sa bench habang nagtala sina Chet Holmgren ng 13 points at tig-12 markers naman sina reserves Jared McCain at Cason Wallace para sa Thunder.

Nagdagdag si Isaiah Hartenstein ng 10 points at 13 rebounds para sa Oklahoma City.

Sa panig ng Spurs, nanguna si Stephon Castle sa naiskor na 25 points habang may 22 points si Devin Vassell. Nagposte naman si Victor Wembanyama ng impresibong 21 points, 17 rebounds, anim na assists at apat na blocks.

Hindi natapos ni Fil-Am guard Dylan Harper ang laro matapos magtamo ng right leg injury sa third quarter.

Humawak ang Thunder ng 11-point lead sa halftime bago nakadikit ang Spurs sa 97-99 may 9:06 minuto pa sa fourth quarter.

Gayunman, sumagot ang Oklahoma City sa pamamagitan ng 11-0 ratsada, tampok ang banked-in three-pointer ni McCain, upang muling makalamang ng 13 points.

Muli pang lumapit ang Spurs sa 113-118 may 1:25 minuto na lamang sa laro matapos pangunahan ni Wembanyama ang kanilang rally, ngunit nagsalpak si Gilgeous-Alexander ng mahahalagang puntos upang tuluyang selyuhan ang panalo ng Thunder.

NASCAR Cup Series champion Kylie Busch pumanaw na sa edad 41

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PUMANAW na ang two-time NASCAR Cup Series champion Kyle Busch sa edad na 41.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya at koponan na Richard Childress Racing ang pagpanaw matapos dapuan umano ng sakit.

Ilang araw bago ang pagpanaw nito ay nagpost pa sa social media ang pamilya ni Busch at sinabing itinakbo pa siya sa pagamutan dahil sa malalang sakit.

Hindi naman na binanggit pa ng pamilya ang sakit ng American car racer.

Nakatakda pa sana itong lumahok sa Coca-Cola 600 sa Charlotte Motor Speedway sa Linggo.

Ang Las Vegas native ay nasa kalagitnaan siya ng kaniyang ika-22 season sa NASCAR top division kung saan mayroon itong 63 na panalo sa mahigit na 762 race starts.

Mayroon itong ranking na ninth sa all-time wins list kung saan nagwagi ito ng dalawang Cup Series noong 2015 at 2019 noong ito ay kabilang pa sa Joe Gibbs Racing.

Taong 2005 ng magsimula itong sumali sa Cup series habang ito ay kabilang sa Hendrick Motorsports at nagwagi ito bilang Rookie of the Year.

Nagbukas ng mga opisina sa Paris, Cannes, at Seville: NDMstudios nina Direk NIJEL, layunin na gumawa ng mga kuwentong may global appeal (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA makasaysayang 25th Year anniversary ng NDMstudios, patuloy na gumagawa ng ingay sa international film scene ang kumpanya matapos nitong opisyal na buksan ang mga bagong representative offices nito sa Paris, Cannes (France), at Seville (o Sevilla sa Spain). 

Isang malaking hakbang para sa lumalawak nitong presensya sa Europe—lalo na para sa kanilang streaming platform na NDM PLUS!

Kasunod ito ng matagumpay na paglahok ng kumpanya sa Marché du Film sa Cannes noong 2026, kung saan nakipagpulong sina Nijel de Mesa at Ms. Jan Christine sa iba’t ibang international distributors, filmmakers, producers, at creative partners mula sa iba’t ibang bansa.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng expansion na ito ay ang pagkakahirang kay Ms. Sylvie Ann Mariano bilang kauna-unahang Managing Director ng NDMstudios Europe. Bilang isang Filipinang lumaki sa France, magsisilbi siyang tulay para mas mapalapit ang Asian at European storytelling.

Naghahanap na ngayon ang NDMstudios ng French at Spanish actors para sa mga upcoming international productions nito sa French at Spanish languages. Layunin ng studio na gumawa ng mga kuwentong may global appeal habang nananatiling authentic at culturally rich.

Kabilang sa pinakaabangan nilang proyekto ang CRIMES OF ANDALUSIA, isang intense drama film na nakatakdang i-shoot sa Spain. Ang kuwento ay isinulat ng Spanish novelist na si Marco Miguel, habang ang screenplay adaptation naman ay ginagawa ni Direk Nijel de Mesa, na isang Palanca award-winning writer. Tampok din si Marco Miguel sa pelikula bilang isa sa mahahalagang karakter nito.

Samantala, itinalaga rin si Mr. Paolo Sergio bilang talent scout sa Seville upang tumulong sa paghahanap ng mga bagong Spanish talents at mas mapalakas ang koneksyon ng studio sa European creative industry.

Bahagi ang lahat ng ito ng mas malaking global vision ng NDM PLUS—ang streaming at creative platform na nakatuon sa mga kakaiba, matapang, at makabuluhang kuwento mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ely, Chito at Bamboo, pasabog ang pagtatanghal:  VICE at KIM, pinangunahan ang magtagumpay na ‘BingoPlus Night 2026′(ni: ROHN ROMULO)

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

 SA naganap na ‘BingoPlus Night 2026: Step into the Next Plus’ nitong Martes, May 19, napatunayang isa na namang malaking tagumpay para sa numero uno at pinagkakatiwalaang online entertainment platform ng bansa, matapos isagawa ang ikaapat na yugto ng taunang kaganapan nito. 

Dinaluhan ng ilan sa pinakamalaki at pinakasikat na public figure sa bansa, ipinagdiwang ng BingoPlus na pag-aari ng DigiPlus ang gabi sa pamamagitan ng pagbibigay ng malalaking papremyo sa tapat nitong playerbase at paglalahad ng mataas na humanitarian effort ng DigiPlus Foundation.

“It all started in 2022 when we revolutionized the market, self-regulated our business even before today’s standards were set in place, and became the industry drivers we are known to be today,” pahayag ni Jasper Vicencio, President of AB Leisure Exponent Inc.

“For the rest of the year, we promise to turn ‘Step into the Next PLUS’ into a long-term work mantra, not just for this night,” dagdag pa niya. 

“DigiPlus today stands as a model for regulated and responsible gaming entertainment in the Philippines—a trusted partner of PAGCOR and the public. We were the standard then, and we will continue to b the standard for years to come.”

 At para matiyak na ang mas malaking Filipino community ay makakasama rin sa napakalaking charitable undertaking na ito, kamakailan ay naglunsad din ang DigiPlus Foundation ng sarili nitong Charity tab sa BingoPlus app, kung saan ang mga user ay maaaring aktibong subaybayan ang lahat ng mga pinaglalaban na layunin ng kumpanya.

Bukod sa pare-pareho at patuloy na pagsusumikap ng komunidad, ang DigiPlus Foundation, kasama ang BingoPlus, ay nagbigay din ng nakakagulat na PHP 1 bilyon sa susunod na tatlong taon para sa iba’t ibang misyon nito na nakasentro sa kalusugan, edukasyon, at katatagan–isang sandali na tumanggap ng malaking palakpakan mula sa mga dumalo na nagtipon sa ballroom.

 At para matiyak na ang mas malaking Filipino community ay makakasama rin sa napakalaking charitable undertaking na ito, kamakailan ay naglunsad din ang DigiPlus Foundation ng sarili nitong Charity tab sa BingoPlus app, kung saan ang mga user ay maaaring aktibong subaybayan ang lahat ng mga pinaglalaban na layunin ng kumpanya.

 Alinsunod sa diwa ng pagbibigay ng gabing iyon, namigay din ang BingoPlus ng mga iPhone, luxury bag, hotel at travel packages, at ang pinakadakilang premyo sa lahat, isang BMW X1, dahil nasiyahan ang mga dumalo sa hindi kapani-paniwalang pagtatanghal mula sa OPM icons na sina Ely Buendia, Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, at Bamboo.

Ang brand ambassador ng BingoPlus na sina Kim Chiu, Vice Ganda, Nina, Julie Ann San Jose, Darren, Yeng Constantino, at Anthony Jennings ay nagtungo rin sa kanilang mga paninda sa entablado, bawat isa ay nagpapakita ng kanilang natatanging boses at mataas na enerhiya para sa lahat ng dumalo at sa mga nanonood online.

Sa pagtatapos ng gabi, naglabas ang BingoPlus ng komprehensibong ulat ng mga pang-apat na taon nitong milestone at mga bagong tala, na nagha-highlight ng mga nangungunang payout at mga pangako sa kawanggawa sa 3-milyong-strong user base nito.

At habang natapos ang kasiyahan at libangan sa gabing iyon, ang pangako ng BingoPlus sa “Step into the Next PLUS” ay magpapatuloy sa maraming darating na taon.

Maaaring tunghayan din ng mga espesyal na telecast sa GTV sa Mayo 22 sa ganap na 8 PM ang mga fans na nakaligtaan ang live gala at sa GMA sa Mayo 23 ng 10 AM.

BingoPlus Night 2026: Ang Hakbang sa Susunod na PLUS ay sinusuportahan ng mga iginagalang na sponsor ng Diamond na Pay;  Pumunta, MannyPay, APEX Ventures / Mineski Global;  Platinum sponsor Coins.ph;  Gold sponsors Avolution Inc., Carousell, Fulitech Philippines Inc., at AdSpark Inc., na may espesyal na pasasalamat sa DigiPlus: Entertainment for Good, ang DigiPlus Foundation, CasinoPlus, ArenaPlus, at GameZone

MARIAN, emosyonal at grateful na part na ng ‘Friend of the House of Bvlgari’  (ni: ROHN ROMULO

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA isang Instagram post ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera proud niyang ibinahagi ang video mula sa bonggang event at ganun na lang ang kanyang pasasalamat. 

Isa na namang malaking milestone ito  na na-achieve ni Marian, matapos na opisyal na tanghaling newest Friend of the House ng luxury jewelry brand na Bvlgari.

“Still overwhelmed with yesterday’s event,” caption niya kasama ang kanyang fashion video.

Naging emosyonal pa ang wifey ni Dingdong Dantes sa bagong achievement. 

“So, grateful and truly humbled to be welcomed as Friend of the House of Bvlgari. 

“Thank you for the trust, the warmth, and for allowing me to be part of something so timeless and beautiful. 

“My heart is full.”

Sa sumunod na post, binalikan naman ni Marian ang kanyang simpleng pinagmulan. 

Say niya, “Caviteña girl with big dreams…and a woman who chose to stay strong through it all. 

“Sino’ng mag-aakala na ‘yung batang lumaki sa Cavite would one day become a Friend of the House of Bvlgari?”

Dagdag pa niya, “Life has a beautiful way of rewarding women who continue to believe in themselves, even after doubts, fears, weaknesses, and challenges.

“So never let anyone dim your light. Stay true to yourself, keep dreaming, keep working quietly, and keep choosing to rise with grace and just trust HIM. “

Congrats Marian! 

“Resident Evil” releases chilling new posters, along with a new featurette of director Zach Cregger on the survival horror genre

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TWO new posters have been revealed for Resident Evil , a thrilling new horror movie from Barbarian and Weapons director Zach Cregger. A reimagining of the beloved Resident Evil franchise, the film follows Bryan, a medical courier whose day devolves in a nightmare of unimaginable proportions.

A new featurette has also dropped that focuses on Zach Cregger and his imagining of Resident Evil. The director talks about his love for the games, the survival horror genre, and how it all shapes the overall vision for his film. 

Watch the featurette: https://youtu.be/a_jwF65cF5Y

Check out the posters:
Resident Evil
unleashes horror in Philippine cinemas, including IMAX, on September 16.

About Resident Evil:

From the mind of visionary filmmaker Zach Cregger (Weapons, Barbarian) comes a thrilling – and terrifying – reinvention of the Resident Evil franchise. In an all-new story, Resident Evil follows Bryan (Austin Abrams), a medical courier who unwittingly finds himself in an action- packed, non-stop race for survival as one fateful, horrifying night collapses around him in chaos.

From Columbia Pictures and Constantin Film, in association with Tristar Pictures Resident Evil hits theatres September 2026.

Directed by: Zach Cregger

Written by: Zach Gregger & Shay Hatten

Produced by: Robert Kulzer, Zach Cregger, Roy Lee, Carter Swan, Asad Qizilbash

Executive Producers: Oliver Berben, Victor Hadida, Richard Wright, Robert Bernacci

Cast: Austin Abrams, Zach Cherry, Kali Reis, and Paul Walter Hauser

(ROHN ROMULO)

Gobyerno, hindi makikialam sa BARMM polls- OPAPRU 

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ng gobyerno na hindi ito makikialam sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sa Setyembre 14, 2026.

Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Sec. Mel Senen Sarmiento na ang hakbang ay bahagi ng “self-determination” na ipinagkaloob sa BARMM sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

“Unang-una po, hindi mag-interfere. The very reason na ipinasa CAB, ‘yung hiling ng self-determination ng mga kapatid natin sa BARMM,” ayon kay Sarmiento.

“So, meaning to say, hindi makikialam ang kahit anong ahensya ng gobyerno sa election,” aniya pa rin.

Ipinahayag ito ni Sarmiento bilang tugon sa tanong ukol sa direktiba ni Pangulong Marcos sa OPAPRU hinggil sa BARMM polls.

Ibinahagi ng Kalihim na nakipagpulong ang OPAPRU sa Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang maayos na BARMM elections.

Hinikayat din niya ang mga mamamayan sa BARMM na bumoto ng may karunungan at kaalaman.

“At dagdag, sa aming ginagawa ‘yung panawagan na piliin ‘yung kanilang iboboto sa paparating na eleksyon kasi po parliamentary sila. Hindi lang policymaker, hindi lang po legislator ang iboboto nila,” ani Sarmiento.

“Executive din po siya. Dalawang powers- legislative and executive- na ibibigay sa mga miyembro ng parliament,” dagdag na wika nito.

Ang OPAPRU ang nangasiwa ng implementasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL), na nagsilbi bilang legal framework para sa peace process sa Mindanao.

Kabilang na rito ang pakikipag-ugnayan sa gobyerno at Bangsamoro institutions para sa transisyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), pabilisin ang normalization track, at suportahan ang decommissioning at reintegration ng mga dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 9,000 tauhan ng Philippine National Police ang naka-standby para magsilbi sa unang parliamentary elections sa BARMM kung hindi makapaglingkod ang mga guro.

Ang 80-member BARMM parliament ay binubuo ng 40 political parties, 32 parliamentary districts, at 8 sectoral organizations.

Matatandaang, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12317 na nagtatakda ng bagong petsa ng halalan sa BARMM.

Sa ilalim ng batas, gaganapin ang unang regular na halalan sa ikalawang Lunes ng Setyembre 2026.

Pagsapit ng 2031, isasabay na ang halalan sa BARMM sa pambansa at lokal na eleksyon tuwing ikalawang Lunes ng Mayo, at uulitin ito kada tatlong taon.

Layunin ng batas na ihanay ang halalan sa Bangsamoro sa pambansang iskedyul para sa mas maayos at sabayang proseso ng eleksyon. (Daris Jose)

Malabueños, nakinabang sa Walang Tulugan Serbisyo Caravan 

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING pinagtibay ni Mayor Jeannie Sandoval ang pangako ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na ilapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at panlipunan sa bawat Malabueño sa pamamagitan ng Walang Tulugan Serbisyo Caravan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-427th Founding Anniversary ng lungsod.

Ayon kay Mayor Jeannie, ang aktibidad ay hindi lamang bahagi ng pagdiriwang ng mayamang kasaysayan at kultura ng Malabon, kundi isang pagkakataon din na palakasin ang mga programa at serbisyo na direktang nakikinabang sa mga residente.

Dagdag niya, ang inisyatiba ay nakahanay sa Pag-Ahon agenda ng pamahalaang lungsod, partikular na ang Agenda 8 (Libreng Serbisyong Pangkalusugan) sa ilalim ng kanyang Lucky 9-Point Agenda na nakatutok sa mga programang pangkalusugan, ekonomiya, at kapakanang panlipunan para sa mga tao.

“Ang tunay na diwa ng pagdiriwang ng ating Anibersaryo ng Pagkakatatag ay ang pagsiguro na bawat Malabueño at bawat tahanan ay patuloy na uunlad at mapapanatili ang mabuting kalusugan. Layunin ng pamahalaan na mas mailapit pa ang serbisyo sa ating mga kababayan. Patuloy nating titiyakin na ang bawat Malabueño ay may access sa serbisyong pangkalusugan at tulong panlipunan na kanilang kailangan,” ani Mayor Jeannie.

Bilang bahagi ng caravan, ang mga residente ay binigyan ng libreng access sa iba’t ibang serbisyong pangkalusugan at panlipunan kabilang ang mga medikal at dental na konsultasyon.

Nag-alok din ito ng Yakap registration, Help Desk para sa birth certificate concerns, libreng legal consultation, mga serbisyo mula sa PSTMO at Malabon Mobile Services.

Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga programang nagtataguyod ng healthcare accessibility, social protection at pagpapabuti ng kalidad ng buhay lalo na mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at mga pamilyang nangangailangan.

Nagpasalamat naman ang mga residente sa pamahalaang lungsod sa patuloy na pagdadala ng mga serbisyo sa mga komunidad at pagtiyak na ang tulong ay mananatiling naaabot sa lahat ng sektor.

Sinabi rin ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang kahalagahan ng pagkakaisa at people-centered governance sa pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod. (Richard Mesa)

CMU, tumanggap ng Institutional Recognition mula sa CHED

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAKALIPAS ang 33 taon simula nang ito ay maitatag, opisyal nang nakatanggap ang City of Malabon University (CMU) ng Institutional Recognition (RI) mula sa Commission on Higher Education (CHED) bilang pagkilala sa pagsunod ng unibersidad sa pambansang pamantayan para sa kalidad ng mataas na edukasyon, mahusay na pamamahala, at akademikong kahusayan.

Personal itong sinaksihan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, University President Dr. Glen DV. De Leon, City Administrator Dr. Alexander Rosete, Philippine Red Cross Malabon City Chapter Ricky Sandoval, at iba pang mga opisyal lungsod.

Ayon kay Mayor Jeannie, patunay ito ng dedikasyon at sama-samang pagsisikap ng pamunuan, mga guro, kawani, at mga mag-aaral ng CMU upang maitaguyod ang dekalidad at mapagkakatiwalaang edukasyon para sa bawat Malabueño. (Richard Mesa)

PBBM, idineklara ang May 27 bilang regular holiday para sa Eid’l Adha

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Mayo 27, 2026, araw ng Miyerkules bilang regular holiday sa buong bansa para sa paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang deklarasyon ay ginawa sa pamamagitan ng Proclamation No. 1264 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, pinapayagan ang mga Muslim Filipino sa buong bansa na ipagdiwang ang isa sa “most important religious occasions’ ng Islam.

Ayon sa proklamasyon, ang Eid’l Adha ay babagsak sa Mayo 27, ayon sa advisory mula sa Bangsamoro Darul-Ifta.

Ang proklamasyon ay kasunod ng rekumendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos matapos ang pagsisimula ng 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Nauna nang idineklara sa Republic Act No. 9849 na, “the 10th day of Zhul Hijja, the 12th month of the Islamic Calendar, a national holiday in observance of Eid’l Adha, with a movable date.”

“Following the 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 27 May 2026, Wednesday, be declared a national holiday,” saad sa proklamasyon. 

( Daris Jose)