• June 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 23rd, 2026

Impeachment trial ni VP Sara kasado na sa Hulyo 6

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAAARI nang magsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6, ayon kay Sen. Erwin Tulfo nitong Huwebes.

Sinabi ni Tulfo na may 10 araw para sumagot ang Bise Presidente sa Articles of Impeachment na ipinadala sa kanya kamakalawa samantalang may limang araw naman para tumugon ang prosekusyon o mga kinatawan ng House of Representatives sa trial.

“After 10…calendar days, hindi working days na mag-comply si VP Sara…sasagot yung prosecution na five days. After that, yun na yung mga pre-trial, yung mga marking of pieces of evidence. So we are looking at around talaga na mga July 6 mag-uumpisa na ang ika nga trial,” ani Tulfo sa phone patch interview ng Senate media.

Mas mapapaaga aniya ang trial sa halip na mag-sine die adjournment ang Senado kaya magkakaroon na ng trial bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Hulyo 27, 2026.

Pareho rin aniya ang mangyayari tuwing Martes at Miyerkules kung saan magkakaroon din ng trial. Pero tuwing Huwebes aniya ay walang trial at doon gagawin ang mga committee hearings at magkakaroon din ng sesyon.

“So tuluy-tuloy po. Bale, five days na po ‘yung work natin. Magiging day off lang po ng mga senador tuwing Saturday, Sunday,” sabi pa ni Tulfo.

Tiniyak ni Tulfo na bibigyan ng kopya ang media at isasapubliko ang napagkasunduan ‘kalendaryo’ para sa trial.

Base sa legislative calendar, nakatakda sanang magsimula ang sine die adjournment ng Kongreso sa Hunyo 6 hanggang Hulyo 26, 2026. ( Daris Jose)

KANAJIN Hoa members Oath-taking ceremony, pinangunahan ni Kap. Rascal ‘Ras’ D. Doctor ng Brgy. Payatas, Quezon City

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Kap. Rascal D. Doctor ng Brgy.Payatas, Quezon City ang panunumpa sa KANAJIN Hoa members kamakailan ( May 5, 2026) sa loob ng tanggapan nito. Ang nasabing panunumpa ay kinabibilangan ng mga Officers & Members ng nasabing Samahan na pinangunahan nina: 

President: Gina D. Margallo, Vice-President: Judylyn C.Abajar, Secretary: Ragean F. Delos Reyes, Asst. Sec. Lianvie S. Coching Treasurer: Maritess M. Pacheco, Asst Treas. Bryan Aures, Auditor: Angelo Bagio

Board of Directors (BOD): Ma. Salve A. Pacheco, Joseph Tapayan, Jorge Tambong

& Marina Canedo

Audit Committee : Labner Pangilinan

Grievance Committee

Ma. Fe Margallo, Mary Joy Hernandez 

Arnold Vhuatico

GAD Committee 

Josephine Fuerte , Janet Margallo 

 & Chyrel Bacusmo Bicas

Ang nasabing panunumpa ay tagumpay na naisagawa sa loob ng bulwagan ng Brgy. Hall ng Payatas at nangako rin ang mabait at masipag na Kap. Rascal D. Doctor na susuportahan ang kanilang iba’t ibang Proyekto sa kanilang komunidad lalo na pagdating sa kalinisan, pag-aayos ng mga kanal, paglalagay ng mga Solar sa bawat sulok para sa kaligtasan ng lahat at Recreation upang magkaroon ng Palaruan ang mga kabataan. Sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Ras magkakaroon muli at sisibol ang bagong imahe ng Brgy. Payatas at makakasabay na ito sa iba’t ibang pamayanan pagdating sa larangan ng pag-unlad. ( Sonny Asignacion)

Commemoration of the Battle of Alapan

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Imus, Cavite, which Emilio Aguinaldo led on May 28, 1898. After the battle, Aguinaldo raised the Philippine flag. ( Boy Morales Sr.)

Protektahan ang kabundukan ng Sierra Madre laban sa illegal na pagtotroso, panawagan ng mambabatas 

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUMISITA ang mga mambabatas sa Northern Sierra Madre Natural Park sa lalawigan ng Isabela sa gitna ng panawagan na protektahan ang kabundukan ng Sierra Madre laban sa illegal na pagtotroso.

Sa pangunguna ni Parañaque Rep. Eric Olivarez, chairman ng House Committee on Government Enterprises and Privatization, nagsagawa ang mga mambabatas ng aerial inspection sa lugar nitong Huwebes.

Kasama ang mga environmental officials at technical stakeholders, lumipad sila sa Sierra Madre para makita ang kondisyon ng mga protected forest areas, watershed systems, biodiversity zones, maging ang mga komunidad na apektado ng illegal logging, deforestation, at climate-related disasters. 

Isinagawa ang inspeksyon sa inihain panukala ni Speaker Faustino “Bodjie” Dy III ng Isabela. Sa inihaing House Bill No. 3538, nais ni Dy ang pagtatatag ng Sierra Madre Conservation and Development Authority (SMCDA) upang maprotektahan ang Sierra Madre at sustentuhan ang rehabilitasyon ng rehiyon.

“The Sierra Madre is not just a mountain range. It is our natural defense against calamities, our source of biodiversity, and a lifeline for millions of Filipinos,” pahayag ni Dy. 

Sinabi ni Dy na ang kabundukan ng Sierra Madre, na may habang 540 kilometers sa silangan ng Luzon, ay nagsisilbing natural barrier sa mga bagyo na tumatama sa bansa. Halos 40 porsyento ng natitirang kagubatan ng bansa ay matatagpuan sa Sierra Madre, ayon kay Dy.

Sakop ng kabundukan ang 10 lalawigan ng bansa – Cagayan, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Rizal, Bulacan, Laguna at Quezon – kung saan 50 million Filipinos ang naninirahan.

Sinabi ni Dy na ilang beses na napatunayan na ang kabundukan ng Sierra Madre ang nagpapahina sa mga bagyong tumatama sa rehiyon at naililigtas nito ang milyun- milyong Filipino sa sakuna, kaya marapat lamang na proteksyunan at sustentuhan ang kabundukan. (Vina de Guzman)

ISKO TIWALA SA FLOOD CONTROL MEASURES NG MAYNILA

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANINIWALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mababawasan ang pagbaha sa Lungsod ngayong tag-ulan dahil sa epekyyo ng flood control.

Sa pakikipagtalakayan ng Manila City Hall Press Club, sinabi ni Moreno na tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Manila LGU kabilang ang paglilinis at pagpapaluwag ng mga daluyan ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

Ayon sa alkalde, malaki na umano ang improvement sa drainage system kaya inaasahan nilang hindi na mararanasan ang matinding pagbaha gaya ng mga nagdaang taon.

Tiniyak din aniya ng Department of Public Works and Highways o DPWH na pinabibilis na ang kanilang mga proyekto upang maiwasan ang pagbaha sa mga pangunahing lansangan.

Kasabay nito, timiyak rin ng alkalde sa mga water at electric concessionaires na matatapos sa takdang oras ang kanilang mga proyekto upang hindi na makadagdag sa problema sa kalsada.

Dagdag pa ni Moreno, tuloy-tuloy rin ang operasyon ng iba’t ibang departamento ng Manila LGU para mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kahandaan ng lungsod ngayong panahon ng tag-ulan. (Gene Adsuara)

PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, INARESTO NG BI

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted sa Japan dahil sa kasong panloloko.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang 53-anyos na lalaki na may alyas na “Suk,” na nadakip sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng Soriano Ave., Intramuros, Maynila.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa pamumuno ni Chief Rendel Ryan Sy, katuwang ang mga awtoridad mula Japan at ang Philippine National Police.

Si alyas “Suk” ay may warrant of arrest na inilabas ng Fukuoka Summary Court sa Japan noong Pebrero 2026 dahil sa kasong fraud at theft. Ayon sa mga awtoridad ng Japan, kabilang siya sa isang espesyal na grupong kriminal na ilegal na kumukuha ng ATM cards at personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga opisyal ng pulisya. 

Tinarget umano ng sindikato ang mga mahihinang matatandang biktima at nilinlang ang mga ito upang ibigay ang kanilang banking information sa pamamagitan ng pekeng imbestigasyon ng pulisya, na nagresulta sa hindi awtorisadong pag-withdraw ng aabot sa 100,000 Japanese yen.

“Ayaw nating maging kanlungan ang ating bansa para sa mga international fraudsters na nananamantala sa mga mahihina,” ani Viado. 

“Kasunod ng malinaw na mandato ng Pangulo, mahigpit nating isinasara ang ating mga hangganan sa mga indibidwal na umiiwas sa hustisya. Sa pamamagitan ng matagumpay na pakikipagtulungan sa ating international partners, masisiguro nating mahuhuli at maibabalik sa kanilang bansa ang mga pugante upang harapin ang buong puwersa ng batas.”

Batay sa imbestigasyon, unang dumating sa Pilipinas si alyas “Suk” bilang temporary visitor noong 2019. Nagawa niyang ma-convert ang kanyang visa bilang permanent resident noong Abril 2025. Gayunman, ipinaalam ng gobyerno ng Japan sa BI ang kanyang kaso noong Abril 2026, na naging dahilan ng pagsasagawa ng imbestigasyon at kanyang pagkakaaresto. (Gene Adsuara)

Panukalang magpapalakas sa emergency response mechanisms, sinuportahan ni Speaker “Bojie” G. Dy III 

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBIGAY suporta si Faustino “Bojie” G. Dy III sa panukalang magpapalakas sa emergency response mechanisms at pagkakaroon ng institutional representation para sa mga Indigenous Peoples (Ips).

“Kailangan nating siguraduhin na walang sinuman ang maiiwan, lalo na ang ating mga Indigenous Peoples na kadalasan ay nasa malalayong komunidad at mas vulnerable kapag may kalamidad o sakuna. Mahalaga ang mabilis, maayos, at organisadong pagtugon para agad makarating ang tulong sa kanila,” ani Dy.

Sa ginanap na pagpupulong sa ilang opisyal ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), inihayag ng mga ito sa Speaker ang pangangailangan na gawing institusyonal ang quick response mechanism para sa Indigenous Peoples, partikular na kapag panahon ng kalamidad at iba pang emergencies.

Ayon sa NCIP, kabilang ang Indigenous communities sa bulnerableng sector tuwing may krisis pero walang specific na legal framework sa kasalukuyan na nagmamandato sa pagkakaroon ng focused quick response system sa IPs.

Kinilala naman ni Dy ang importansiya ng panukala dahil na rin sa kadalasang geographically isolated at nasa disadvantaged areas ang mga ito kaya nade-delay ang relief at government assistance tuwing may emergencies.

Bilang agarang rekomendasyon, isinuwestiyon ni Dy na simulan na ng NCIP ang pagkalap at pagsama-sama ng pangalan at profiles ng Indigenous Peoples sa buong bansa na isusumite sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Habang pinag-aaralan natin ang institutional mechanisms, maaari nating simulan agad ang mas maayos na koordinasyon at data gathering para mas mabilis silang maabot at matulungan kapag may krisis,” saad ni Dy.

“Hindi sapat na minsan lamang natin sila pinakikinggan. Kailangang may tunay at tuluy-tuloy na representasyon ang ating mga Indigenous Peoples sa policymaking process dahil mahalaga ang kanilang pananaw, karanasan, at kontribusyon sa ating bansa,” pahayag ng Speaker.

Kinumpirma din ni Dy ang commitment ng Kamara na suportahan ang mga panukalang magsusulong sa pagsasama, proteksyon sa mga bulnerableng komunidad at mapalakas ang disaster preparedness at response systems sa bansa.

(Vina de Guzman)

NHA, NAGGAWAD NG 392 PABAHAY SA MARAWI CITY

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGUMPAY na isinagawa ng National Housing Authority (NHA) Region IX ang paggawad ng 392 yunit ng pabahay, sa ilalim ng Pamayandeg Ranaw Residences sa Dansalan, na matatagpuan sa mga Barangay Kilala and Mipantao-Gadongan, Marawi City, kahapon, Mayo 19, 2026. 

Sa ilalim ng patnubay ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangasiwaan ni Region IX Manager Engr. Al-Khwarizmi U. Indanan ang aktibidad, katuwang si NHA-MSO Deputy Manager Engr. Ali Acbar D. Lomigis. 

Bilang pagkilala sa Marawi Week of Peace ngayong taon, ang mga iginawad na mga pabahay ay pormal na ipinagkaloob sa mga bona fide constituents mula sa apat na barangay sa loob ng reclamation site area ng Marawi City. 

Kung maaalala, ang NHA ay isa sa mga miyembro ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) Subcommittee on Housing, na responsable sa pagbuo ng master development plan, pagpapatupad ng tamang debris management, pagbuo ng imprastraktura sa kalsada, at pagtatayo ng parehong permanenteng at transitory shelter para sa internally displaced persons (IDPs) ng lungsod.

Bilang bahagi ng Housing Assistance Program for Calamity Victims (HAPCV)-Marawi Conflict Transitory Shelter Program ng NHA, natapos na ng NHA ang mga proyektong pabahay at na-rehabilitate na nito ang mga pampublikong imprastraktura sa loob ng most affected area (MAA) ng Marawi. 

Dumalo rin sa okasyon sina Marawi City Vice Mayor Atty. Datu Majul Usman Gandamra, Asec. Felix Castro, na kumatawan kay Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation Secretary Nasser Pangandaman Sr., at iba pang opisyal mula sa mga ahensyang nabanggit. 

Ang seremonya ay sumasagisag sa patuloy na pangako ng pamahalaan, sa pangunguna ng NHA, sa peace-building at recovery efforts sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mas ligtas, mas matatag, at mas sustenableng komunidad para sa mga internally displaced na pamilya sa Marawi City. (PAUL JOHN REYES)

PBBM: Mahihirap, matatalinong estudyante patatapusin ng pag-aaral

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TUTULUNGAN ng pamahalaan ang mga mahihirap subalit matatalinong estudyante na makapagtapos sa kanilang pag-aaral.

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang personal na mamahagi ng tulong at serbisyo sa Obando, Bulacan.

Ayon sa Pangulo, paiigtingin pa ng pamahalaan ang oportunidad para sa mga kabataan upang makapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng scholarship program ng pamahalaan.

Aminado si Marcos na hindi masyadong nabigyan ng ­atensiyon ang sektor ng ­edukasyon sa mga nakalipas na taon kaya ngayon ay magiging puspusan ang gagawing pagtutok sa pag-aaral ng mga kabataan.

Nilinaw naman niya na sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) ay mabibigyan ng suportang pinansiyal para sa pag-aaral ang mga mahirap subalit matatalinong estudyante. Limang estudyante bawat barangay ay magiging presidential scholar at tatanggap ng tig-P20,000 para sa kanilang pag-aaral.

Pinagbilinan ni Marcos ang mga presidential scholar na mag-aral mabuti para magkaroon ng magandang kinabukasan at maging susunod na mga lider ng bansa.

Ads May 23, 2026

Posted on: May 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments