CMU, tumanggap ng Institutional Recognition mula sa CHED
- Published on May 23, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAKALIPAS ang 33 taon simula nang ito ay maitatag, opisyal nang nakatanggap ang City of Malabon University (CMU) ng Institutional Recognition (RI) mula sa Commission on Higher Education (CHED) bilang pagkilala sa pagsunod ng unibersidad sa pambansang pamantayan para sa kalidad ng mataas na edukasyon, mahusay na pamamahala, at akademikong kahusayan.
Personal itong sinaksihan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, University President Dr. Glen DV. De Leon, City Administrator Dr. Alexander Rosete, Philippine Red Cross Malabon City Chapter Ricky Sandoval, at iba pang mga opisyal lungsod.
Ayon kay Mayor Jeannie, patunay ito ng dedikasyon at sama-samang pagsisikap ng pamunuan, mga guro, kawani, at mga mag-aaral ng CMU upang maitaguyod ang dekalidad at mapagkakatiwalaang edukasyon para sa bawat MalabueƱo. (Richard Mesa)