• May 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 19th, 2026

JOHN, inamin na siya ang sumira sa loveteam nila ni HEART

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NATULOY na rin ang muling pagkikita nina Heart Evagelista at John Prats.

Nangyari ito nang mag-guest ang aktor at direktor sa “Heart World Season 2” ng GMA 7 na puwedeng balik-balikan sa YouTube channel. 

Sa pagsisimula ng episode habang inaayusan si Heart, diin niya na hindi raw mako-consider na naging magka-relasyon sila ni John.  Hanggang MU (mutual understanding) lang talaga sila. Na taliwas sa rebelasyon ni John.

Pag-amin ni Heart, “siya yun first na iniyakan ko, as in talaga in my mind, I really thought I loved him dahil crush ko talaga siya eh.”

Kaya naman nang makita sila sa venue ng interview, hindi naitago ni Heart ang pagkakilig kay John, na excited talaga niyang makita.

Bungad ni John, “hi mam, how are you?” Sabay yakap at beso kay Heart.

Natawa na lang ang aktor nang tanungin tungkol sa outfit ni Heart at sinabing, “very you!”

Hindi naman napigilan ng fashion icon na sabihing ang gwapo ni Pratty, kaya balik nito, hindi raw nagbabago si Heart.

Sabi ni Praty, “Grabe totoo na ‘to Hearty, after how many years? Twenty plus years? Since ano, you left ABS-CBN, ‘no?”

Sagot kaagad ni Heart, “Since I left you, charot! Ha-hahaha!”

Natawa na lang si John winika ni Heart, kaya sagot niya, “Ha-hahahaha! Ang tapang na nito, ah?”

“I changed!” sagot naman ng social media influencer.

Panimula ni Heart sa naturang episode, “There’s someone in my life that I haven’t seen. It’s up to you to decide.  

“Puwede ba kayong maging friends ng past mo or puwede kayong ‘wag maging friends? But today I think we’re friends.

“So let’s all welcome, John Prats in the house.”

Habang nagkukuwento si Heart na first crush niya si John, dahil may iba itong crush, biglang sumingit ang director na, “sobrang surreal na kaharap kita ngayon, parang kinikilig ako.  Hindi ko na-imagine na magkikita pa tayo ulit.”

Bahagi ng kanilang tsikahan, inamin ni John, pinamimigay na si Heart sa kaibigan niya, pero na-hurt siya nang nai-in love na ito sa guy.  Tapos ‘yun nangyari sa debut ni Heart sa Manila Hotel, feeling nila ikinasal na sila.

Hanggang sa inamin ni John na officially si Heart ang kanyang first girlfriend, na kinontra ni Heart. Kaya nag-explain si John na may sinagot daw siya over the phone lang. At sa lahat daw ng naging ex-gf niya, wala siyang masasabi na hindi maganda kay Heart.

Hanggang sa magkahiwalay na sila at tuluyang mawala na ang kanilang loveteam. Bagay na nakaapekto nang husto kay John, na kailangan niyang mag-survive na mag-isa at hindi na ulit nagka-loveteam.

Bagay na ikinagulat ni Heart at iniyakan niya, dahil hindi niya alam ang pinagdaanan ni John noong naghiwalay na sila ng landas.

Kaya buong tapang na isiniwalat ni John na, “kung meron akong iisipin na magandang Heart sa memories ko, kasi siyempre ako ang sumira.  Aaminin ko na, pasensiya na po sa JoHeart.”

Hindi pa tapos si John sa pagsasalita, ay napayakap na si Heart, sabay sabing, “you’re my forever friend.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Heart sa pamilya ni John, isang bagay na hindi niya malilimutan.

Para sa buong episode panoorin lang sa YouTube channel ng GMA-7 ang ‘Heart World’.

DOMINIC, may pahayag sa naudlot na kasal nina BEA at VINCENT

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MASASABI bang vindicated itong si Dominic Roque sa sinasabing pagkakansela ng kasalang Bea Alonzo at Vincent Co?

Kung inyong matatandaan, naging kontrobersyal ang hiwalayan nila Dominic at Bea noong 2024.

Nasa punto na rin sila noon ng pagpapakasal, subali’t sa rami ng mga nangyaring problema, naudlot din yon at nauwi sa hiwalayan.

Naka-move-on na si Dominic at kasalukuyang masaya sa piling ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Sue Ramirez.

Ngunit kamakailan lang, ng umugong ang balitang kanselado na ang kasalang Bea at Vincent, naglabas diumano ng pahayag si Dominic sa kanyang social media. Pinagpiyestahan ito ng mga netizens. 

Ayon sa post: (published as is)  

“In the midst of planning our wedding, I stumbled upon the truth that shook me: my partner valued a pre-nuptial agreement over our love. It’s a painful realization, but I refuse to compromise my self-worth.

“So, with sadness but strength, I’ve chosen to walk away. Here’s to honoring ourselves and believing in a love that knows no conditions”.

Umani ito ng samu’t saring komento. 

May mga naniniwalang si Dominic ang mismong nag-post. Meron din namang hindi kahit ito ay may verified check para patunayang siya talaga ang nagsalita.

Maging si Ogie Diaz ay hindi naniniwalang makakapag-post si Dominic ng ganon kasi straight English daw.

Sa mga nakakakilala kay Dominic, alam nilang fake news ito, kahit pa sabihing may blue check ito sa tabi ng kanyang pangalan.

Madali raw itong gawin through AI o editing application.

Sa ngayon, wala pa rin pahayag ang aktor kung totoong siya ang nag-post nito, o gawa-gawa lamang ng ibang tao.

Sa nangyaring ito, mapapatunayan kayang justified itong si Dominic?

***

BUKOD tanging Nathan Studios Inc. ni Sylvia Sanchez lamang ang nagbigay daan para maipakita ng mga kabataang may down syndrome ang kanilang talento sa pag-arte. 

Ilan sa mga pumirma ng kontrata under Nathan Studios Artists Management ay sina Krystel Go (MMFF 2025 Best Actress para sa pelikulang I’m Perfect), at si Earl Jonathan Amaba ( MMFF 2025 Best Actor nominee para sa pelikulang I’m Perfect).

Ayon kay Sylvia,”Walang limitasyon ang talento. It is not about labels, but about heart, hard work, and courage. Itong mga artists natin ay may mga great skills, creativity, and honesty that comes from the heart. So, bakit hindi natin sila bigyan ng pagkakataon.

“Sa ngayon, masaya ako sa support na natatanggap nila. Bukod sa mga endorsements, may mga bago silang projects. Makakapagbigay sila ng inspirasyon sa ibang kagaya nila na may down syndrome. Yun bang para magkaroon ng self-esteem at confidence na kakayanin rin nila.

“We want these artists to be heard, seen, loved, and accepted by everyone.”

JUDY ANN, bibida sa political film na ‘Aid’ kasama ang French stars

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PAREHONG pasok sa international scene sina Judy Ann Santos at Lovi Poe, na dalawa sa mahusay na akres sa Philippine showbiz. 

Si Juday ay bibida along with Jean Balibar and Stacy Martin sa “Aid”. Political drama ang tema ng movie at ididirek ito ng award-winning director na si Brillante Mendoza na kilala sa mga international film festival. 

Samantalang si Lovi ay pasok naman sa cast ng “Ignition” isang thriller film. At bongga, sina Maise Williams ng “Game of Thrones” at Rory Kinnear ng “The Diplomat” ang co-stars niya sa naturang pelikula. 

Nakatakdang isali sa Cannes Film Festival ang “Aid” ni Judy Ann at ipapalabas naman sa mga sinehan sa US ang “Ignition”. 

Kaka-proud naman!

***

KAHIT biglaan ang alok kay Rozz Daniels ng manager at friend na si Benny Andaya ay agad itong napapayag.

Para ito sa 20 years ng adbokasiya ni Benny, na mamigay ng mga school supplies sa mahihirap na estudyante sa Masbate na tinawag niyang “Balik Eskwela Program.” Agad ngang napa-oo si Rozz na maging main attraction sa charity show titled “Bulong ng Damdamin ni Rozz Daniels”. 

Mapapanood ito ngayong May 23, 7:00 PM sa D’ Malate Cafe na ididirek ni Benny. May mga special guests siya rito at 500 ang ticket price. 

At hindi lang magso-show si Rozz sa gabing ito kundi sasama pa sila ng American husband na si Sir David Daniels kay Benny sa pag-uwi nito sa Masbate sa May 27, para mamigay ng tulong at magbigay ng aliw sa mga kabataan.

Ramdam ni Rozz ang mga batang ito lalo’t galing rin siya sa mahirap na pamilya bago naging successful sa America. Kaya gusto rin tumulong at sumuporta ng tinaguriang Pop Rock Diva of the Philippines sa nasabing adbokasiya.

Sa May 26 naman ay magsi-celebrate si Rozz kanyang kaarawan.

Taos- pusong pagtulong sa Barangay ni Kap. Michael R.Pangilinan ng Caloocan, hinahangaan!

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LIKAS na sports lover ang butihing Kapitan Michael R.Pangilinan ng Brgy. 18, Zone -2 Dist.II Caloocan. Sa kanyang simpleng buhay wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang magpa-liga ng basketball sa mga kabataan para mapalayo sa anumang maling daan na patutunguhan. Hindi lamang basketball ang kanyang inasikaso pati na rin ang mga iba’t ibang sports na nakakadulot ng sigla at magandang buhay. Dahil dito, ang masipag at mabait na Kapitan Michael ay pinagkaisahan na iluklok sa pagkagawad ng 2 taon at pagka-Kapitan hanggang sa kasalukuyan upang higit pa siyang makatulong sa kanilang komunidad!.

Sa kanyang unang pagka-upo, ang naging priority projects niya ay ang Day Care Center para sa mga toddlers kasunod nito ay ang pinagawa niyang Health Center na ayon sa kanya para mamantini ang magandang kalusugan ng kanyang mga kabarangay lalo na ang mga kabataan at senior citizens. Hindi niya pinababayaang mawalan ng mga gamot ang kanilang Health Center para sa kanilang pangangailangan sa kalusugan. Bumili rin siya ng mga Multi Purpose Vehicles for Emergency na L-300, Firetrucks at tatlong tricycle. 

Pinaayos din nito ang kanilang Brgy. Hall na may 3 opisina para sa mga senior citizens, mga SK at silid pulungan. In other words, all in order..lahat ‘ika nga eh nasa ayos ang pamamalakad. Nagpatayo rin si kap. Michael ng covered court, nagpalinis sa bawat sulok lalo na ang pagde-de-clogging sa mga imburnal para maiwasan ang anumang bumabara lalo na sa mga darating na pag-ulan kailangan mapaghandaan nila para maiwasan ang pagbaha. 

Kung sa Peace & Order naman, maganda rin ang kaayusan dahil naglagay siya ng mga CCTV sa bawat kanto para maiwasan ang untoward incidents o anumang masamang kaganapan.

” Sa totoo lang po, number one (1) talaga sa akin ang kapayapaan at kaligtasan ng aking mga kabarangay. Dahil sila na po ang aking mga kapamilya at kayamanan kaya pinangangalagaan ko po ang kanilang seguridad. Lahat po gagawin ko sa abot ng aking makakaya mabigyan ng tunay na serbisyo. Nagtulung -tulong nga po kami sa aming clean & green sa pamamagitan ng ” “HAPAG ” tinatawag na gulayan at prutasan. Mayroon din po akong financial support para sa aming mga estudyante at mga regalo tuwing may birthday ang aming senior citizens. 

Nagpapasalamat din po ako sa aking mga kabarangay sa kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan sa aking mga proyekto para po sa kanila. Siyempre din naman, sumusuporta po kami sa lahat ng mga proyekto ng aming mahal na Mayor Malapitan! ‘Ika nga eh…Go!…Go!..Caloocan !” pagtatapos pa ng mabait at mapagmahal na Kap. Michael R.Pangilinan. ( Sonny Asignacion)

Tambay, isinelda sa pagbabanta at panunutok ng baril sa lola

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KALABOSO ang 39-anyos na kelot nang tutukan ng baril at pagbantaan papatayin ang 59-anyos na lola makaraan ang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City.

Mahaharap sa kasong Grave Threats at paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act ang suspek na si alyas “Boy”, ng Brgy., Balangkas.

Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, kinompronta ng suspek ang biktima hinggil sa umano’y utang at kumakalat na tsismis laban sa kanya na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, pinagbantaan umano ng suspek ang biktima na papatayin bago naglabas ng baril at itinutok sa lola na sa labis na takot ay nagtatakbo palayo at humingi ng tulong sa mga tauhan ng Police Sub-Station 5 na nagsasagawa ng covert monitoring sa lugar.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang isang caliber .45 pistol na napag-alaman na isang gun replica.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang arresting team sa kanilang mabilis na pagresponde na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek na bahagi aniya ng pangako ng NPD upang pangalagaan ang komunidad sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. (Richard Mesa)

ALAB NG BAYAN, FDNY MOVEMENT AT IBA’T IBANG SAMAHAN NAGSAGAWA NG JERICHO MARCH SA SENADO

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ng Filipinos Do Not Yield (FDNY Movement), Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia ng Pilipinas (LIPI), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER) sa ilalim ng Alab ng Bayan, kasama ang iba’t ibang samahan ng Pro-BBM at mga loyalistang grupo, ang isang mapayapang Jericho March para sa Hustisya sa Senado, araw ng Lunes, May 18, 2026.

Ayon sa grupo, hindi nila maaaring palampasin ang lantaran at garapalang pag-abuso sa kapangyarihan sa loob mismo ng Senado. Sa halip na maging tahanan ng katotohanan at hustisya, ang Senado ay nagamit bilang kanlungan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa at pinatakas upang umiwas sa pananagutan sa sambayanang Pilipino.

“Sa harap ng Senado, muli kaming titindig at mag-aalab upang iparinig ang aming tinig at galit sa kasalukuyang pamunuan nito. Ang Jericho March na ito ay simbolo ng pagkakaisa, kaya’t tumungo kami sa Senado ng Pilipinas sa Lungsod ng Pasay upang manawagan para sa hustisya, katotohanan, at pananagutan” sabi pa ng buong grupo.

“Mariin naming kinokondena ang mga hakbang na nagpapahina sa integridad at kredibilidad ng Senado bilang institusyon ng pananagutan at demokrasya. Sa ilalim ng liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano, binuksan ang pintuan para sa pagharang sa pananagutan at pagbibigay-proteksyon sa mga dapat managot sa batas,

sa halip na isuko si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, pinili ng mga puwersa sa loob ng Senado na magdulot ng kaguluhan upang makatakas sa pananagutan si Sen. Dela Rosa” dagdag pa ng grupo.

Mariin din kinokondena ng grupo si Senador Bato dela Rosa sa kanyang pagtakas sa Senado na nagdulot ng kaguluhan at sa kanyang patuloy na pag-iwas sa batas, at dapat umanong humarap sa taumbayan at harapin ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanya at panagutin ang lahat ng tumulong sa kanyang pagtakas sa Senado upang umiwas sa pananagutan.

Kaya’t nanawagan ang buong grupo sa lahat ng senador na agarang i-convene ang impeachment court upang simulan ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte upang lumabas ang katotohanan para sa bayan.

Ayon pa sa grupo, panahon na upang manindigan ang mamamayan at

ipaglaban ang katotohanan para sa bayan. “Hindi kami mananahimik. ALAB NG BAYAN! HUSTISYA PARA SA BAYAN! PATALSIKIN SI CAYETANO, LITISIN SI SARA, AT ARESTUHIN SI BATO!” sigaw ng buong grupo. (PAUL JOHN REYES)

PNP iimbestigahan ang ‘pag-escort’ kay Bato

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyong may mga lokal na pulis na nag-escort umano sa isang itim na van na sinasabing sinasakyan ni Senador Ronald dela Rosa palabas ng Senate compound noong Mayo 14.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. inutos na niya ang pagsuri sa mga ebidensya kabilang ang mga logbook, CCTV ­footage, radio dispatches, deployment logs, at body camera footage upang matukoy kung may naganap na hindi awtorisadong pagtulong mula sa mga pulis.

Layunin ng imbestigasyon na maberipika kung may paglabag sa umiiral na mga patakaran at kung may mga personnel na gumamit ng kapangyarihan o ka­gamitan ng pulisya nang walang kaukulang pahintulot.

“Let me be absolutely clear: the Philippine National Police does not operate on blind because the integrity of our institution is at stake. While we have received the initial clarification from the Pasay City Police Chief, I have already directed concerned investigative units to conduct an independent review of the logbooks, CCTV feeds, and radio dispatches from that morning,” ani Nartatez.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na resulta ang PNP hinggil sa naturang insidente habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.

Tiniyak ni Nartatez na magiging transparent sila sa imbestigasyon upang maipaalam sa publiko ang katotohanan kahit pa sangkot ang dating PNP chief.

Lumilitaw na bandang alas-2:32 ng madaling araw ng umalis ng senado si dela Rosa sakay ng isang pu­ting Toyota Fortuner kasunod ang isang puting sasakya na may PNP markings na lumabas sa senate gate.

Every line will be crossed. New poster released for “Scary Movie”

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

WE know you’ve been waiting for this one. In the new Scary Movie, Marlon Wayans and Shawn Wayans re-join Anna Faris and Regina Hall in the popular movie series for the first time in 25 years. Also starring Kenan Thompson, Damon Wayans Jr., Sydney Park and more, Scary Movie opens in the Philippines only in cinemas June 10.  

Official synopsis: 

Twenty-six years after outrunning a suspiciously familiar masked killer (“Ghostface”), the Core Four are back in the killer’s crosshairs and no horror movie IP is safe. Marlon Wayans (“Shorty”), Shawn Wayans (“Ray”), Anna Faris (“Cindy”), and Regina Hall (“Brenda”) reunite in Scary Movie alongside returning favorites and fresh faces to slash through reboots, remakes, requels, prequels, sequels, spin-offs, elevated horror, origin stories, anything with the word legacy in it, and every “final chapter” that absolutely isn’t final. Nothing is sacred. No trope survives. Every line gets crossed. The Wayans are back to cancel the Cancel Culture.

About Scary Movie: Paramount Pictures Presents, In Association with Miramax, A Wayans Brothers Presentation SCARY MOVIE

SYNOPSIS

Twenty-six years after outrunning a suspiciously familiar masked killer (“Ghostface”), the Core Four are back in the killer’s crosshairs and no horror movie IP is safe. Marlon Wayans (“Shorty”), Shawn Wayans (“Ray”), Anna Faris (“Cindy”), and Regina Hall (“Brenda”) reunite in Scary Movie alongside returning favorites and fresh faces to slash through reboots, remakes, requels, prequels, sequels, spin-offs, elevated horror, origin stories, anything with the word legacy in it, and every “final chapter” that absolutely isn’t final. Nothing is sacred. No trope survives. Every line gets crossed. The Wayans are back to cancel the Cancel Culture.

Executive Producers: Jonathan Glickman, Thom Zadra, Alexandra Loewy, Marsha L. Swinton

Produced by Rick Alvarez, p.g.a., Craig Wayans, Marlon Wayans, p.g.a., Shawn Wayans, Keenen Ivory Wayans

Based on Characters Created by Shawn Wayans & Marlon Wayans & Buddy Johnson & Phil Beauman and Jason Friedberg & Aaron Seltzer

Written by Marlon Wayans & Shawn Wayans & Keenen Ivory Wayans & Craig Wayans & Rick Alvarez

Directed by Michael Tiddes

Cast: Marlon Wayans, Shawn Wayans, Anna Faris, Regina Hall, Kenan Thompson, Dave Sheridan, Lochlyn Munro, Kim Wayans, Cheri Oteri, Chris Elliott, Damon Wayans Jr., Heidi Gardner, Olivia Rose Keegan, Cameron Scott Roberts, Savannah Lee Nassif, Sydney Park, Gregg Wayans, Benny Zielke, Ruby Snowber

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”

Cavaliers at Pistons, maghaharap sa winner-take-all Game 7

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDA ang isang all-or-nothing Game 7 sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Detroit Pistons sa Eastern Conference semifinals, kung saan ang mananalo ay uusad sa East Finals kontra New York Knicks.

Dumating sa Game 7 ang serye matapos magpalitan ng panalo ang dalawang koponan, kabilang ang mahalagang Game 6 win ng Pistons sa score na 115-94 upang pilitin ang deciding game sa kanilang home court.

Parehong may kasaysayan sa pag-eliminate sa game ang dalawang koponan—ang Pistons ay hindi basta natitinag sa Game 7 appearances mula pa noong 1990, habang ang Cavaliers naman ay walang talo sa Game 7 mula 2016, kabilang ang ilang panalo sa road games.

Aminado ang Cavaliers head coach Kenny Atkinson na magiging mahirap ang laban ngunit tiwala siyang handa ang kanyang koponan matapos maabot ang sitwasyon. Giit naman ng guard na si James Harden, kailangang maging disiplinado at consistent sa buong laro upang makuha ang panalo.

Sa kampo ng Pistons, ipinakita ni guard Cade Cunningham ang kumpiyansa ng koponan, habang pinuri naman ni head coach J.B. Bickerstaff ang kanilang magandang laro at kakayahang bumangon sa pressure situations.

Inaasahan ang isang dikdikang laban sa Game 7 kung saan isang koponan lamang ang uusad sa championship series ng Eastern Conference.

OKC star guard Shai Gilgeous-Alexander nakamit muli ang MVP award

Posted on: May 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINANGHAL bilang NBA Most Valuable Player si Oklahoma City Thunder star guard Shai Gilgeous-Alexander.

Isinagawa ang anunsiyo bago ang Game 7 sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Detroit Pistons.

Ito na ang pangalawang magkasunod na MVP award na nakuha ni SGA.

Mayroon average ito na 31.1 points, 6.6 rebounds, 4.3 assists at 1.4 steals.

Ang 27-anyos na si Gilgeous-Alexander ay siyang pang-14 na manlalaro na nakakuha ng magkasunod na taon ng MVP awards.

Tinalo nito si Nikola Jokic ng Denver Nuggets na pumangalawa at San Antonio Spurs star player Victor Wembanyama.