PNP iimbestigahan ang ‘pag-escort’ kay Bato
- Published on May 19, 2026
- by Francis Paolo Torres
INIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyong may mga lokal na pulis na nag-escort umano sa isang itim na van na sinasabing sinasakyan ni Senador Ronald dela Rosa palabas ng Senate compound noong Mayo 14.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. inutos na niya ang pagsuri sa mga ebidensya kabilang ang mga logbook, CCTV footage, radio dispatches, deployment logs, at body camera footage upang matukoy kung may naganap na hindi awtorisadong pagtulong mula sa mga pulis.
Layunin ng imbestigasyon na maberipika kung may paglabag sa umiiral na mga patakaran at kung may mga personnel na gumamit ng kapangyarihan o kagamitan ng pulisya nang walang kaukulang pahintulot.
“Let me be absolutely clear: the Philippine National Police does not operate on blind because the integrity of our institution is at stake. While we have received the initial clarification from the Pasay City Police Chief, I have already directed concerned investigative units to conduct an independent review of the logbooks, CCTV feeds, and radio dispatches from that morning,” ani Nartatez.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na resulta ang PNP hinggil sa naturang insidente habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.
Tiniyak ni Nartatez na magiging transparent sila sa imbestigasyon upang maipaalam sa publiko ang katotohanan kahit pa sangkot ang dating PNP chief.
Lumilitaw na bandang alas-2:32 ng madaling araw ng umalis ng senado si dela Rosa sakay ng isang puting Toyota Fortuner kasunod ang isang puting sasakya na may PNP markings na lumabas sa senate gate.