• May 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taos- pusong pagtulong sa Barangay ni Kap. Michael R.Pangilinan ng Caloocan, hinahangaan!

LIKAS na sports lover ang butihing Kapitan Michael R.Pangilinan ng Brgy. 18, Zone -2 Dist.II Caloocan. Sa kanyang simpleng buhay wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang magpa-liga ng basketball sa mga kabataan para mapalayo sa anumang maling daan na patutunguhan. Hindi lamang basketball ang kanyang inasikaso pati na rin ang mga iba’t ibang sports na nakakadulot ng sigla at magandang buhay. Dahil dito, ang masipag at mabait na Kapitan Michael ay pinagkaisahan na iluklok sa pagkagawad ng 2 taon at pagka-Kapitan hanggang sa kasalukuyan upang higit pa siyang makatulong sa kanilang komunidad!.

Sa kanyang unang pagka-upo, ang naging priority projects niya ay ang Day Care Center para sa mga toddlers kasunod nito ay ang pinagawa niyang Health Center na ayon sa kanya para mamantini ang magandang kalusugan ng kanyang mga kabarangay lalo na ang mga kabataan at senior citizens. Hindi niya pinababayaang mawalan ng mga gamot ang kanilang Health Center para sa kanilang pangangailangan sa kalusugan. Bumili rin siya ng mga Multi Purpose Vehicles for Emergency na L-300, Firetrucks at tatlong tricycle. 

Pinaayos din nito ang kanilang Brgy. Hall na may 3 opisina para sa mga senior citizens, mga SK at silid pulungan. In other words, all in order..lahat ‘ika nga eh nasa ayos ang pamamalakad. Nagpatayo rin si kap. Michael ng covered court, nagpalinis sa bawat sulok lalo na ang pagde-de-clogging sa mga imburnal para maiwasan ang anumang bumabara lalo na sa mga darating na pag-ulan kailangan mapaghandaan nila para maiwasan ang pagbaha. 

Kung sa Peace & Order naman, maganda rin ang kaayusan dahil naglagay siya ng mga CCTV sa bawat kanto para maiwasan ang untoward incidents o anumang masamang kaganapan.

” Sa totoo lang po, number one (1) talaga sa akin ang kapayapaan at kaligtasan ng aking mga kabarangay. Dahil sila na po ang aking mga kapamilya at kayamanan kaya pinangangalagaan ko po ang kanilang seguridad. Lahat po gagawin ko sa abot ng aking makakaya mabigyan ng tunay na serbisyo. Nagtulung -tulong nga po kami sa aming clean & green sa pamamagitan ng ” “HAPAG ” tinatawag na gulayan at prutasan. Mayroon din po akong financial support para sa aming mga estudyante at mga regalo tuwing may birthday ang aming senior citizens. 

Nagpapasalamat din po ako sa aking mga kabarangay sa kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan sa aking mga proyekto para po sa kanila. Siyempre din naman, sumusuporta po kami sa lahat ng mga proyekto ng aming mahal na Mayor Malapitan! ‘Ika nga eh…Go!…Go!..Caloocan !” pagtatapos pa ng mabait at mapagmahal na Kap. Michael R.Pangilinan. ( Sonny Asignacion)