• May 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2026

Boluntaryong palawigin ang pagbibigay ng diskwento sa presyo ng langis, panawagan ng mambabatas

Posted on: April 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HABANG ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, nanawagan ang isang mambabatas sa mga kumpanya ng langis na boluntaryong palawigin ang
pagbibigay ng diskwento sa presyo ng langis upang makatulong na mabawasan ang epekto ng price increase.

Ayon kay Rep. Alfredo Garbin Jr. , hindi na kailangang hintayin ng mga oil firms ang pagpapatupad ng pagbawas sa excise tax para magbawas ng presyo.

Sa patuloy na mataas aniyang presyo ng gasolina at diesel, maraming motorista ang napipilitang bawasan ang biyahe o iparada ang kanilang mga sasakyan.

“Ang epekto nito ay ramdam sa buong supply chain, mula sa transportasyon hanggang sa presyo ng pagkain,” anang mambabatas.

Sinabi pa nito na kung magbibigay ng diskwento ang oil companies ay makatutulong ito hindi lamang sa mga motorista kundi lalo na sa mga mangingisda, magsasaka, freight operators, at mga PUV drivers na direktang tinatamaan ng pagtaas ng presyo ng langis,.

Hinikayat pa nito ang Department of Energy na siguruhin na magkaroon ng maayos na koordinasyon para sa implementasyon ng mga hakbang na magpapababa sa presyo ng langis.

Idinagdag ng kongresisita na maaaring pag-aralan ang mas maayos na pag-phase ng price adjustments sa LPG upang hindi mabigla ang mga households at maliliit na negosyo tulad ng mga karinderya.
(Vina de Guzman)

2 kalaboso sa P4.7 milyong shabu sa Caloocan

Posted on: April 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P4.7 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa dalawang drug suspects kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos madakip sa buy bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.

Sa report ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan hinggil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na droga ng 30-anyos na lalaki na itinuturing bilang HVI.

Dahil dito, kaagad ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan CPS ang buy bust operation laban sa suspek, sa koordinasyon sa PDEA.

Dakong alas-8:04 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba SDEU ang suspek, kasama ang 23-anyos na kasabwat matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Phase 12 Riverside, Brgy., 188.

Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 701.27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P4,768,636.00, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at sampung P1,000 boodle money at itim ba pouch bag.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

Dating policewoman, itinumba sa Valenzuela

Posted on: April 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang dalawa sa limang suspek na sangkot umano sa pagpaslang sa isang dating policewoman nang maaresto ng pulisya sa follow-up operation sa Valenzuela City, Sabado ng hapon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga nadakip na sina alyas “JR Tae”, 38, at alyas “Topak”, 40, habang tinutugis pa si alyas”Ponjaps” at dalawa pang hindi kilalang suspek na kanilang mga kasabuwat sa pagpatay sa biktimang si alyas “Joan”, 38, dating miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-12:10 ng Sabado ng madaling araw nang pasukin at pagbabarilin ng dalawang suspek ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Matiyaga Street, Sitio Pinalagad, Brgy., Malinta, matapos umanong utusan ni alyas Topak si alyas JR Tae na ihatid ang dalawa sa lugar.

Kaagad bumuo ng Special Investigation Team si Col. Talento sa pangunguna ni P/Major Randy Llanderal kung saan unang nadakip ng mga tauhan nina P/Capt. Robin Santos ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) at P/Lt. Sherwin Dascil ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si alyas JR Tae nang makita sa kuha ng CCTV na kausap niya ang dalawang suspek sa Pinagpala Ext. bago mangyari ang pagpatay.

Pilit na itinanggi ni ‘JR Tae’ na kilala niya ang dalawang suspek hanggang madakip din ang 25-anyos na si alyas “Bogart” na nagsilbing testigo matapos niyang ikanta na inutusan lang sila ni alyas Topak na sunduin ang dalawang suspek, sabay abot sa kanya ng P400 para pambayad sa grab service.

Pagdating ng dalawang suspek, nagtungo sila sa isang abandonadong bahay sa Area 3, Dumpsite upang mag-pot session hanggang marinig niya ang planong pagpatay sa biktima.

Sumunod na nasakote ng pulisya si alyas Topak bandang alas-2:50 ng Sabado ng hapon sa kanyang tirahan sa Pinalagad, Malinta kung saan nakumpiska sa kanya ang isang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala at 55.28 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P375,904.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang mahaharap naman sa kasong murder sina alyas JR Tae, alyas Topak, alyas Ponjaps at dalawa pang hindi kilalang suspek.

Samantala, karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 at R.A 10591 ang kakaharapin pa ni ‘Topak’. (Richard Mesa)

₱38.6-M HALAGA NG SHABU NAHARANG SA PARCEL HUBS SA PASAY CITY

Posted on: April 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Philippine National Police (PNP) ang matagumpay na pagsabat sa mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit ₱38.6-M sa isang drug interdiction operation noong Marso 31, 2026, sa Central Mail Exchange Center at isang courier facility sa Pasay City.

Nahuli ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang tatlong papasok na parsela na kalaunan ay natagpuang inabandona. Nang inspeksyunin, ang mga pakete ay naglalaman ng humigit-kumulang 5,691 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na tinatayang aabot sa halagang ₱38,698,800.00.

Ipinapakita ng mga rekord na ang mga parsela ay naka-address sa iba’t ibang consignee, kabilang ang mga Pilipino at mga dayuhang may kaugnayan sa ibang bansa, habang ang mga kargamento ay nagmula sa Canada, Pakistan, at Zambia.

Ang mga nakumpiskang droga ay agad na dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Headquarters para sa wastong paghawak at disposisyon, habang patuloy ang mga imbestigasyon laban sa mga natukoy na consignee at shipper dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga operating unit para sa kanilang pagbabantay at binigyang-diin ang patuloy na banta ng mga sindikato ng droga na nagsasamantala sa mga logistics channel.

“Hindi tayo papayag na gamitin ang ating mga courier at mail systems para makalusot ang ilegal na droga. Mas magiging mahigpit ang ating pagbabantay. Our message is clear, there is no safe entry point for illegal drugs in this country,” sabi ni PGEN Nartatez.

“Papanatilihin namin ang agresibong mga pagsisikap sa pagbabawal at palalakasin ang koordinasyon sa aming mga kasosyong ahensya upang pigilan ang mga pakanang ito bago pa man ito makarating sa aming mga komunidad.” dagdag pa ni PGEN Nartatez.

Ang tagumpay na ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya sa ilalim ng iPNP Focused Agenda on Enhanced Managing Police Operations, na naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang higit pang palakasin ang laban kontra iligal na droga at protektahan ang sambayanang Pilipino mula sa mga transnational criminal activities. (PAUL JOHN REYES)

TINAWAG na fake news ng Malakanyang ang kumakalat na ulat na magkakaroon ng energy lockdown sa Abril 20.

Posted on: April 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Ito ang nilinaw ni Pa­lace Press Officer Atty.Claire Castro matapos na kumalat sa social media nitong Biyernes Santo ang social media post kung saan hinihikayat ang mga Pinoy na mag-stock ng power banks, solar equipment, flashlights, kandila, pagkain, gamot at tubig para sa sinasabing lockdown.
Hinihikayat din na ipakalat ang nasabing impormasyon.
Paliwanag naman ni Castro, walang pinaplanong lockdown ang gobyerno habang patuloy na naghahanap ng alternatibong pagkukunan ng produktong langis sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang taong state of national energy emergency para tugunan ang posibleng pagkukulang ng supply.

Plano rin ng gob­yerno na palawakin ang fuel subsidy program sa buong bansa para sa transport sector simula Abril 6.

Ads April 7, 2026

Posted on: April 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads April 6, 2026

Posted on: April 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Steph Curry, balik na sa full practice matapos ang 2-buwang pagkawala

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BALIK na sa full practice si NBA superstar Stephen Curry matapos ang dalawang buwan ng hindi paglalaro.

Ito ay bunsod ng kanyang inindang pananakit sa kanang tuhod.

Ayon kay Golden State Warriors head coach Steve Kerr, nakabalik na si Curry sa 5-on-5 scrimmage kasama ang ilang coach at mga manlalaro ng koponan.

Gayunpaman, nananatiling magaan ang mga session na pinagdaanan ng NBA star, habang nakahanay pa ang iba pang full practice.

Iraq, balik FIFA World Cup matapos ang 40 years

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT ng Iraq ang kanilang pagbabalik sa FIFA World Cup matapos ang makasaysayang 2-1 panalo kontra Bolivia sa playoff match na ginanap sa Monterrey, Mexico noong Marso 31, 2026. Ito ang unang paglahok ng Iraq sa World Cup mula pa noong 1986, at sila ang ika-48 at huling koponang nag-qualify para sa torneo ngayong taon.

Maagang nagbukas ng score si Ali Al Hamadi sa ika-10 minuto sa pamamagitan ng header mula sa corner, habang si Aymen Hussein ang tumapos sa laban sa ika-53 minuto matapos ang isang matinding cross mula kay Marko Farji.

Bagama’t nakabawi si Moises Paniagua ng Bolivia bago mag-half time, hindi na nila naitabla ang laban.

Ayon kay Iraq coach Graham Arnold, na dating nagdala sa Australia sa Round of 16 sa Qatar, ipinakita ng kanyang mga manlalaro ang tunay na “Iraqi mentality” sa laban. “I am so happy that we’ve made 46 million people happy, especially with what’s going on in the Middle East,” aniya.
Nakatalaga ang Iraq sa Group I ng World Cup 2026, kung saan makakaharap nila ang France, Norway, at Senegal.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay sa larangan ng football kundi simbolo ng pag-asa para sa bansang matagal nang dumaranas ng hamon sa rehiyon.

Expressway at highways, titiyaking wala ng obstruksiyon sa Mahal na Araw

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TITIYAKIN ng pamahalaan na wala nang anumang hadlang o sagabal sa mga expressways at highways ngayong Huwebes Santo, Abril 2 at Biyernes Santo, Abril 3.
Ito’y kasunod na rin nang inaasahang pagbiyahe na ng mga motoristang magsisiuwian sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitain ang banal na okasyon.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, simula ngayong Miyerkules Santo, Abril 1, ay sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatanggal ng mga nakaparadang mga sasakyan sa mga sidewalks sa highways.
Makakatuwang aniya nila sa naturang aktibidad ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, Highway Patrol Group (HPG), at maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa naturang aktibidad.
Sa kanyang panig, binigyang-diin naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na mahalagang maisagawa ang clearing operations at maisaayos ang mga kalsada, lalo na ngayong mas tumaas pa ang presyo ng mga produktong petrolyo. (Daris Jose)