• May 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2026

Humanap ng alternatibong paraan ng enerhiya sa ating bansa, suhestiyon ni House Speaker

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa lagi na lang tayo umaasa sa importasyon ng langis, nanawagan si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na humanap ng alternatibong paraan ng enerhiya sa ating bansa.
“Alam n’yo po, 95 percent ay nag-iimport po tayo, very dependent tayo sa petroleum products, kaya dapat may mga alternatives tayo,” pahayag ni Dy sa isang pagtitipon sa Cauayan City, Isabela nitong Lunes ng gabi.
Partikular na tinukoy ni Dy ang natural gas na aniya ay may potential na maging viable alternative energy upang mabawasan ang dependence ng bansa sa oil imports. Ang natural gas ay matatagpuan din sa lalawigan ng Isabela, sa lungsod ng Santiago at bayan ng San Isidro at Echague.
“Ito po ay mga pwedeng alternative na power para sa ganon kung saka-sakali man na muli kung huminto ito at magkaroon ulit ng crisis ay kahit papaano mayroon tayong ibang mga alternatibo na hindi dapat tayo umaasa sa produktong oil na nanggagaling pa doon sa Middle East,” sinabi ni Dy.
Ito ang naging pahayag ni Dy matapos ang ituring ng House of Representatives ang kasalukuyang krisis sa langis na isang hudyat upang maghanap ng alternatibong energy sources.
Sinabi ni Marikina City Rep. Miro Quimbo, chairman ng House Committee on Ways and Means committee, ang kasalukuyang sitwasyon na nagaganap sa Middle East ay pinalalabas ang kahinaan ng Pilipinas na nakaasa na lamang sa langis na nanggagaling sa rehiyon.
“Ibig sabihin, magkagiyera ulit sa ibang bansa, in the Middle East, apektado na naman tayo. So how do we prepare the country so that it can survive and … it can be less affected whenever or if ever it happens?” pahayag ni Quimbo.
“Number one is, of course, it’s a wake-up call for us to really push for alternative sources of energy na hindi na tayo dapat nagiging dependent sa petrolyo,” ani Quimbo.
Ayon kay Quimbo, itutulak nila ang energy diversification sa isasagawang joint congressional hearings ng 13 committee na pangungunahan ni Speaker Dy. Ang nasabing mga komite ay babalangkas ng batas at ibang mga hakbangin para matugunan ang economic at sectoral impacts dulot ng krisis sa Middle East.
Idinagdag ni Quimbo ang pangangailangan ng national petroleum reserve para masiguro ang supply at presyo ng langis.
“So kailangan din natin na mag-imbak, may sarili ang gobyerno para may pamamaraan para masiguro natin ang supply, and then pangalawa is ‘yung supply na nakuha natin ay nabibili natin ng mura at naitatabi natin ‘yan in case of any emergency,” sinabi ni Quimbo.
Ayon kay Quimbo, abala ang mga mambabatas sa pagapapabilis ng development ng mga renewable at indigenous energy sources tulad ng solar, geothermal at natural gas.
“But we need to be able to fast-track itong mga alternative sources of energy na ito kasi this is how we’re able to thrive or survive this,” sinabi ni Quimbo.
(Vina de Guzman)

PBBM, nangako na tutulungan ang batang babae na inabuso ng lokal na opisyal

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deployment ng mga pulis sa isang komunidad sa Camarines Sur matapos mabasa ang sulat ng isang 11-year-old girl na idinetalye ang di umano’y harassment na naranasan niya at ng ibang bata sa kamay ng isang barangay official.
Tugon ito ng Pangulo sa liham ng batang babae, na pinost sa social media ng isang non-profit organization base sa Camarines Sur.
“Your letter has reached me and brought me close to tears and made me very angry. I am sending policemen to you and your sisters to protect you and to find anyone who has hurt any of you,” ang winika ng Pangulo.
“I will make sure that you will be able to continue reading and studying as much as you want. You are a very brave, intelligent, and very kind girl and I will make sure to help you and your sisters in any way you need,” aniya pa rin.
Ikinuwento rin ng bata sa dalawang pahinang liham nito ang di umano’y panggagahasa ng anak ng barangay official sa isa sa kapatid ng mga batang babae sa isang non-profit mission. Nabuntis ang biktima at di umano’y dinukot ng barangay official para ipalaglag ang magiging anak sana nito.
Hindi na pumapasok sa eskuwelahan ang biktima matapos na muli siyang gahasain.
Sinasabi pa rin sa sulat na pinagbantaan sila ng lokal na opisyal at tinakot na puputulin ang kanilang access sa elektrisidad at tubig at di umano’y sisirain ang kanilang mga pananim o nanakawin ang mga ito.
Sinabi pa ng batang babae sa kanyang sulat na maraming pamilya ang “stay in survival mode because government people make life very difficult.”
Kaya nakiusap ito sa Pangulo na tulungan sila, at ibinigay ang tanong na ito sa Pangulo na “How will we read if we are being raped? How will we read if our own government people cut our electrical wires so we have no lights? How we will read if our kagawad cut off our balon wires and so we have no water?”
“We are kids, we are not involved in your political parties. I just want to go to school without being raped. So, can you please help us?”
Gayunpaman, ang tugon ng Pangulo ay nagbigay ng pag-asa sa mga bata na makakamtan nila ang proteksyon at pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. (Daris Jose)

Pagsirit ng diesel iimbestigahan ng Kamara

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang aniya’y extraordinary na pagsirit ng presyo ng diesel sa bansa.

Sa kanyang House Resolution (HR) No. 914, binigyang diin ni de Lima na dapat siyasatin kung paanong ang Pilipinas, na tulad ng ibang mga bansa ay umaangkat lang din ng langis, ang may pinakamataas ang presyo ng diesel sa buong mundo.

“The extraordinary rise in diesel prices has far-reaching consequences beyond motorists alone, as diesel is a critical input in public transportation, logistics, food distribution, power generation, agriculture, fisheries, and other essential sectors,” anang solon.

Sa HR 914 ni de Lima, binigyang-diin nito na dapat malaman kung patas at makatwiran ang presyuhan ng oil companies o nagsasagawa ba sila ng profiteering o sabwatan na sinamantala ang sitwasyon sa Middle East.
Aniya, dapat ding madetermina kung ang Republic Act. No 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 ay sapat pa upang tiyakin ang patas na presyo nito sa merkado. ( Daris Jose)

HIGIT 200 STUDENTS NA MAY HIGHEST HONORS, TUMANGGAP NG P10K CASH INCENTIVES

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 222 mag-aaral mula Grade 6, 10, at 12 mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Caloocan City ang nakatanggap ng Php 10,000 cash incentive mula sa pamahalaang lungsod para sa nakamit nilang pinakamataas na karangalan sa School Year 2025-2026.

Ang nasabing inisyatiba ay naging kasanayan ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng lMayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan bilang isang paraan upang kilalanin ang mga pagsisikap na ginawa ng mga nangungunang mag-aaral at magbigay ng inspirasyon sa iba na sundin ito.

Binati ni Mayor Along ang mga awardees, kabilang ang mga mag-aaral na tumanggap ng iba pang mga pagkilala sa panahon ng recognition rites ng kani-kanilang mga paaralan sa lungsod, at pinagtibay ang pangako ng pamahalaang lungsod na higit pang tulungan sila sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa hinaharap.

“Congratulations, achievers! Taon-taon na nating ginagawa ang pagbibigay ng insentibo para sa inyo at nawa’y mas lalo kayong magpursigi sa pag-aaral at sana rin ay magsilbi kayong inspirasyon sa inyong mga kapwa mag-aaral,” ani Mayor Along.

“Naniniwala ako na lahat kayo, magiging maganda ang kinabukasan dahil sa ipinapakita Ninyo ngayong pagpupursigi upang makamit ang inyong mga pangarap. Kaya naman hindi kayo pababayaan ng pamahalaang lungsod lalo na sa mga oportunidad na maaari pang makatulong sa inyong pag-aaral,” dagdag niya.

Ipinahayag din ng lokal na punong ehekutibo na ang pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa lahat ng antas ay isa sa pinakamahalagang prayoridad ng kanyang administrasyon dahil ipinunto niya na ang pagpapadali ng pag-aaral para sa mga mag-aaral at guro ay isang pamumuhunan para sa kinabukasan ng lungsod.

“Ipagpapatuloy pa natin ang pagbibigay ng libreng school supplies at ang modernisasyon ng bawat paaralan sa ating lungsod. Mula elementary hanggang pagtuntong ng UCC, gusto natin na ang bawat mag-aaral at guro ay walang ibang iisipin kung hindi ang magturo at matuto,” sabi niya.

“Ang bawat programa para sa pagpapaganda ng ating mga paaralan at sa pagpapagaanan ng buhay ng ating mga mag-aaral at guro ay para sa pagbuo ng Magandang kinabukasan para sa lungsod,” dagdag ng alkalde.
(Richard Mesa)

LTFRB, NAGLABAS NG SCO VS 8 BUS COMPANIES NA NAGTAAS NG PASAHE

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa walong kompanya ng bus na umano’y nagtaas ng pasahe nang walang pahintulot mula sa pamahalaan.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, ilan sa mga naturang kompanya ay bumibiyahe sa mga ruta patungong Bicol Region. Ang mga ito ay posibleng masuspinde o makansela ang kanilang Certificate of Public Convenience (CPC), isang mahalagang dokumento para sa operasyon ng pampublikong transportasyon.

“Nauunawaan namin ang mga hamon na kinakaharap ng mga kompanya ng bus at iba pang operator ng pampublikong sasakyan, ngunit hindi dapat gawing dahilan o palusot ang mga ito para lumabag sa umiiral na regulasyon at isakripisyo ang kapakanan ng mga pasahero,” ani Chairperson Mendoza.“Hindi ito katanggap-tanggap at dapat nilang ipaliwanag nang maayos kung bakit hindi sila dapat parusahan,” dagdag pa niya.

Batay sa SCO, binigyan ng sampung (10) araw ang mga kompanya mula sa pagtanggap ng kautusan upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat masuspinde o makansela ang kanilang CPC dahil sa umano’y pagdagdag ng pasahe bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis nang walang pahintulot ng LTFRB.

Nakasaad din sa kautusan na lahat ng naturang kompanya ay inatasang agad na itigil ang labis na paniningil o pagdaragdag ng pasahe.

Itinakda ang pagdinig para sa mga kompanya sa Abril 23, 2026, at nagbabala ang LTFRB na ang hindi pagsusumite ng paliwanag o hindi pagdalo sa pagdinig ay ituturing na pagwawaksi sa karapatang marinig at magreresulta sa multa na P5,000.

Matatandaang nag-apruba ang LTFRB ng dagdag pasahe para sa mga pampublikong sasakyan, kabilang ang mga bus, ngunit ipinagpaliban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang implementasyon nito dahil sa masamang epekto ng biglaang pagtaas ng presyo ng langis.

“Malinaw at simple ang utos ni Pangulong Marcos at ni DOTr Secretary Lopez: walang dapat na dagdag pasahe. At hindi namin papayagan ang sinumang sumuway sa utos na ito,” giit ni Chairperson Mendoza.

Nagbabala rin ang LTFRB sa mga operator ng pampublikong sasakyan na huwag maningil ng labis sa mga pasahero. Naka-deploy na ang mga mystery riders upang tugisin ang mga lumalabag na driver at operator.

Hinimok ni Chairperson Mendoza ang mga mananakay na i-report sa LTFRB ang anumang kaso ng ilegal na pagtaas ng pasahe o labis na paniningil.
(PAUL JOHN REYES)

Walang taas-presyo ng basic goods hanggang Abril 16

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang kasunduan sa mga manufacturers na nasa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, food and Transport (UPLIFT) program ng gobyerno, tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi magbabago ang presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang Abril 16.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at ­Palace Press Officer Claire Castro, na nakipag-usap ang DTI sa mga pangunahing manufacturers at nangako na pananatilihin ang kanilang mga presyo.

“Nakausap po natin kahapon si Secretary Cris Roque, at nag-report po siya sa Pangulo sa UPLIFT,” ayon kay Castro.

Nangako aniya ang mga manufacturers na hindi magkakaroon ng price increase hanggang Abril 16, 2026.

Maging ang DTI aniya ay nangako na magsasagawa ng lingguhang monitoring ng basic commodity prices at muli silang makiki­pagkita sa mga manufacturers para masiguro na hindi tumaas ang presyo partikular na sa gitna ng pagsirit sa presyo ng langis.

Ang ” AMA ” ng kaayusan sa Barangay! Hon.Brgy Ch. Efren B. Dela Cruz

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI matatawaran ang pagiging masigasig ni Brgy. Chairman Efren B. Dela Cruz sa kanilang komunidad pagdating sa kalinisan at kaayusan sa kanilang nasasakupan. Siyempre higit sa lahat ang kaligtasan ng kanyang mga residente. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagpalagay agad siya nang may halos 200 CCTV sa kanilang Barangay upang ma-monitor ang anumang kaganapan sa kanyang mga nasasakupan gayundin ang prayoridad niya ang kaligtasan ng kanyang mga kabarangay.

Sa kalinisan naman nagpa-de-clogging ang masipag na kapitan Dela Cruz upang maalis ang mga nakabara sa bawat drainage.
Ayon pa sa kanya ” pinapanatili ko talaga ang kalinisan at pag de-Clogging ng sa gayun kung dumating man ang tag-ulan at least hindi kami gaanong maperwisyo dahil bababa agad ang tubig ulan!”

Concerned din ang nasabing kapitan sa mga kabataan lalo na sa mga estudyante na may libreng school supplies
mula Grade-1 hanggang High school.
Sa katunayan nga sa darating na pasukan nakahanda na ang mga school supplies para sa kanila.”
Saad pa ng butihing ” AMA” ng Brgy. Pampano, Caloocan at hindi lang yan, may Scholarship Program pa si kap sa kanyang mga estudyante. Sa kasalukuyan, ang kanilang pamayanan ay tahimik naman at may kaayusan. Bilang patunay makikita ang Award of Recognition ipinagkaloob sa kanyang pagmamalasakit at pagtulong sa mga nangangailangan. Ang nasabing Barangay ay may 22,500 populations at may 14,000 mga botante. Ito ang pinakamalaking barangay sa Caloocan sa ilalim ng administration ng Malapitan! Nagpapasalamat din ang mabait na KAP. Efren B.Dela Cruz sa kanyang mga kabarangay sa kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan sa kanyang mga proyekto na inilunsad para sa kabutihan ng lahat! ( Sonny Asignacion / Photos by Boy Morales Sr.)

2 sa 6 na naaresto sa sugal sa Valenzuela, nakuhanan ng droga

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang anim na indibidwal kabilang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaktuhan ng pulisya naglalaro umano ng ilegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento nang maaktuhan nila ang tatlong lalaki na nagsusugal umano ng cara y cruz sa isang bakanteng lote sa Disiplina Village, Brgy., Ugong dakong alas-9:30 ng Miyerkules ng umaga.

Nilapitan nila ang mga ito saka nagpakilala bilang mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 8 bago inaresto at nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Lizardo”, nasa hustong gulang.

Nauna rito, alas-12:35 ng hating gabi nang matimbog naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 7 ang tatlong kelot na nagka-cara y cruz din sa Block 35, Ulingan St., Brgy., Lawang Bato.

Nasamsam sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakuha umano kay alyas “Jimuel”, nasa hustong gulang.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin pa ng dalawa na nakuhanan ng droga. (Richard Mesa)

Suhestiyon ng mambabatas na magtakda ng scheduled power switch offs kahalintulad ng Earth Hour

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maiwasan ang power blackouts at manipis na electricity reserves ngayong Abril at Mayo, isinuwestiyon ng isang mambabatas na magtakda ng scheduled power switch offs kahalintulad ng Earth Hour.

Ayon kay Manila Rep. Rolando Valeriano, tinatayang nasa 145 megawatts ng enerhiya ang natipid nitong nakalipas na Earth Hour noong Sabado.

“Tactical energy savings like this helps us avoid using power barges that consume bunker fuel. Switching to electric vehicles can be hastened in April with the fast-tracked regulatory approvals of new fleets of e-taxis by both the LTFRB and LTO,” ani Valeriano.

Dapat ding bilisan ang pagpapalabas ng imported e-vehicles mula sa Customs.

“The more electric vehicles on our roads, the more vehicle fuels saved. To keep current fleets of e-jeepneys on the roads, I suggest adding government subsidies and debt restructuring,” dagdag nito.

Isinuwestiyon din nito na ang bayarin sa vehicle loans ng TNVS operators ay dapat na ipagpaliban ng tatlong buwan at gawing installments ang naturang bayarin.
(Vina de Guzman)

PAGGUNITA NG SEMANA SANTA, GAWING SIMPLE

Posted on: April 4th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Archdiocese of Davao ang mga Katolikong mananampalataya na gawing simple ang paggunita sa Semana Santa .

Sa gitna ng pandaigdigang alalahanin dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, pinaalalahanan ang publiko na magplano lamang ng mahahalagang biyahe ngayong Semana Santa.

Inirekomenda rin ang carpooling o pag-commute upang makatipid at mabawasan ang konsumo ng gasolina.

Sinabi ng mga lider ng simbahan na hindi kailangang bumisita sa maraming simbahan para sa tradisyunal na Visita Iglesia tuwing Huwebes Santo. Sapat na ang pagbisita sa isa o dalawang simbahan.

Bilang paghahanda sa Biyernes Santo, nagsagawa ng cleanup drive ang mga tauhan ng Davao City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Way of the Cross sa Shrine Hills, Matina, kung saan maraming deboto ang inaasahang dadalo.
Magtitipon ang mga deboto simula 4 ng umaga sa unang istasyon sa GSIS para sa taunang pilgrimage sa Shrine Hills. Magkakaroon din ng kumpisalan mula 9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa Crucifix Chapel sa loob ng compound ng shrine.
Sa aspeto ng seguridad, nagpatupad ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Blue Alert status para sa Semana Santa.
Kasama rito ang monitoring ng mga aktibidad, pagtiyak na gumagana ang communication systems, at pagpo-posisyon ng response teams, medical personnel, at kagamitan para sa mga insidente o emergency.
Tiniyak din ng Police Regional Office-Davao (PRO-11) ang mas pinaigting na seguridad sa mga lugar na dinarayo ng publiko.
(Gene Adsuara)