• July 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 20th, 2026

₱3.3-M IPINAGKALOOB NG LTFRB SA MGA TRANSPORT SERVICE ENTITIES (TSEs)

Posted on: April 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGKALOOB ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang halagang ₱3.3 milyon sa mga transport service entities (TSEs) sa Mimaropa region bilang bahagi ng tuloy-tuloy na distribusyon ng fuel subsidy para sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza II, ang ₱3.3 milyon ay iniabot kay LTFRB-Mimaropa Regional Director Eric Bautista sa pamamagitan ng 28 tseke na nakalaan para sa mga TSEs na kumakatawan sa mga driver at operator ng bus, jeepney, UV Express, at ride-hailing services.

“Ito ay bahagi ng ating pagsisikap na mapabilis ang proseso ng distribusyon. Mahigpit nating mino-monitor ang sitwasyon sa ground at agad na naglalatag ng mga hakbang kung kinakailangan,” ani Chairman Mendoza.

Mga Detalye ng Distribusyon
• Halaga: ₱3.3 milyon
• Benepisyaryo: 28 TSEs sa Mimaropa
• Paraan: Pag-turn over ng tseke sa mga TSEs para ipamahagi sa kanilang mga miyembro
• Target: Makumpleto ang distribusyon sa loob ng susunod na linggo

Ang 28 tseke ay iniabot ni LTFRB Board Member Greg G. Pua kay RD Bautista noong Abril 18, at nakatakdang ipamahagi sa mga TSEs simula Abril 20.

Dagdag pa ni Chairman Mendoza, maglalabas pa ng karagdagang tseke para sa ibang rehiyon na nakakaranas ng problema sa kanilang accounts, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na pabilisin ang distribusyon ng fuel subsidy.

Hinimok din niya ang mga TSEs, operator, at driver na agad i-report ang anumang problema sa distribusyon upang agad itong matugunan ng LTFRB.

“Ang layunin ay maipamahagi ang fuel subsidy sa pinakamabilis na panahon. May ilang hamon tayong naranasan, ngunit sa tulong ninyo, makakahanap tayo ng paraan upang masolusyunan ito,” ani Chairman Mendoza sa mga benepisyaryo.
(PAUL JOHN REYES)

QCitizens pinayuhan na magsuot ng face mask

Posted on: April 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang lahat ng QCitizens na lalabas ng bahay na magsuot ng face mask.

Ito ay reaksyon ng QC LGU hinggil sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI) na maraming bahagi ng lungsod ang “UNHEALTHY” at “VERY UNHEALTHY” ang kalidad ng hangin.

“Kung ‘di maiiwasan ang pag-alis, lalo na sa mga senior citizens, buntis, at may respiratory diseases tulad ng hika, huwag kalimutang magsuot ng face mask,” ayon sa abiso bg QCLGU.

Dulot nito patuloy na mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang AQI para tiyaking informed at updated ang lahat ng QCitizens sa kalidad ng hangin sa lungsod.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa AQI, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).

Para sa health concerns tulad ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa, maaaring tumawag sa City Health Department sa Tel. No. (02) 8929-8038 o tumawag sa QC Helpline 122 para sa iba pang agarang aksyon.

Pinuri-puri rin ng direktor bilang action star… KIKO, emosyonal nang mabanggit si PAQUITO na kanyang inspirasyon

Posted on: April 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGING emosyonal si Kiko Estrada sa naganap finale mediacon ng “Totoy Bato” na tumagal nang halos isang taon sa ere, nang mabanggit ang kanyang Lolo Paquito Diaz na naging inspirasyon nila sa naturang action series na kung saan proud na proud ang action star.
“Ito yun klase serye na puwedeng itapat sa quality na ginagawa dati ni Da King at ng lolo ko.
“Ang inspirasyon ko sa ’Toto Bato’ , it was my grandfather Paquito Diaz. Kasi kasama po siya sa original movie,” at saglit niyang tumigil at naging emosyonal.
Pagpapatuloy niya, “ayokong mapahiya ako kay Lolo Paquito.
“Yung huli niyang sinabi sa akin, ako raw ang papalit sa kanya. Pero hindi mo mapapalitan ang isang tulad niya.
“Sa mga ibang tao, kontrabida siya eh, di ba? Pero buhay ko, siya ang bida!”
Naantig din ang damdamin ni Kiko sa mga papuri ni Direk Albert Langitan bilang isang action star.
“Si Kiko bilang action star although sinasabi niyang hindi siya ganu’n kagaling sa action pero hindi ko alam kung part na niya nu’ng ipanganak siya action star na kasi tama ‘yung galaw niya, tama ‘yung movement niya, ‘yung physique niya naka-design para maging action star.
“Pero beyond sa paggawa ng action ang appreciation ko kay Kiko ay naging mas magaling siyang aktor. Nu’ng ginagawa namin ‘yung Lumuhod Ka sa Lupa (2024-2025) medyo nahihilawan pa ako kay Kiko no’n.
“Lagi naming pinag-uusapan ‘yung eksenang namatay ‘yung nanay niya, hirap na hirap siyang mag-react to the point na kailangan naming i-retake sa ibang shooting day kasi hindi siya tumatawid.
“Ayaw ko namang pabayaan kasi magmumukha siyang hamon (ham actor) pero ngayon dito sa Totoy Bato maybe because of the influence ng mga katrabaho niya halimbawa si Eula (Valdes), si tito Nonie Buencamino, Art Acuna ay gina-guide talaga siya.
“Isang pitik lang kahit hindi ko sabihin kaya na niyang umiyak ng tama, ‘yung iyak na hindi baduy para sa isang lalaki. Nasaktuhan na niya kung ano ‘yung tamang emosyon ‘yung dapat na ibibigay niya,” kwento pa ng direktor ng “Totoy Bato.”
Pahayag naman ni Kiko, “Naalala ko ‘yun direk, sabi ko, ‘sana magkatotoo, tapos ginawa na namin ‘yung ‘Lumuhod’, alam kong hindi niya ako pababayaan at kung ano po ‘yung nakita n’yo (sa pag-arte), produkto po ‘yun ng pag-aalaga ni Direk Albert at Direk Ambo (Gonzales), ang laking tulong ng dalawang direktor ko sa buhay ko.
“Hindi ko po magagawa kung anuman ‘yung nagawa ko kung hindi dahil sa kanilang dalawa lalung-lalo na ‘yung cast dito (bigay- pugay). I owe it to them, I owe it to Viva, TV5, and to direk Zyro (Radoc) kasama rin po siya sa team namin.
“Isang malaking karangalan na mabanggit ang pangalang Kiko Estrada kasama ang mga taong nandito ngayon de kalibre,” pahayag pa ng batang action star.
Samantala, handa na ang nagbabagang pasabog sa finale week ng tinutukang primetime action series na Totoy Bato matapos ang halos isang taong pamamayagpag nito sa TodoMax Primetime Singko ng TV5.

Sa huling linggo nito, matutunghayan ang pinakamainit na labanan hanggang sa pagtatapos ng serye sa Abril 24.

Abangan si Totoy Bato, pinagbibidahan ni Kiko Estrada sa seryeng nagbigay ng bagong mukha sa iconic na karakter na nilikha ni Carlo J. Caparas at unang binigyang buhay ni Fernando Poe. Jr.

Maaasahan ang mas matitinding rebelasyon sa mundo ng Pook Paraiso matapos ang pagkamatay ni Don Silvio Castillo (Mon Confiado). Dito na rin tuluyang aangat sa kapangyarihan si Dwayne Perez (Diego Loyzaga), na mas lalo pang magpapalawak ng kanyang kontrol sa pamilya Castillo. Habang tumitindi ang tensyon, iisa ang tanong ng manonood: sino ang mananaig sa huling salpukan nina Totoy at Dwayne?

Kasama nina Kiko at Diego sa powerhouse cast ng Totoy Bato sina Eula Valdes bilang Ruby Perez, Claudine Barretto bilang Diamond Labrador, Cindy Miranda bilang Amber Castillo, Mon Confiado bilang Don Silvio Castillo, Mark Anthony Fernandez bilang Stanley Rocco, Gold Aceron bilang Onyx, Billy Villeta bilang Dustin, Andrew Muhlach bilang Jett, Christine Bermas bilang Amethyst at Sapphire, at si Angelica Hart bilang Pierra.

“The success of Totoy Bato is a testament to the incredible passion of the production team and the stellar performances of the entire cast. We thank everyone who poured their hearts out to bring this story to life. It was their dedication that turned every episode into a memorable journey that we all shared with the audience,” pahayag ng Presidente ng TV5 na si Guido R. Zaballero.

Pagkatapos ng dalawang action series na “Lumuhod Ka sa Lupa” at “Totoy Bato” ay wini-wish naman ni Kiko na magawa ang “Joaquin Bordado” (na nilikha ni Carlo Caparas). Pinagbidahan ito ni Sen. Robin Padilla noong 2008 sa GMA 7.

“Gusto kong gawin kasi idol ko si Robin at nu’ng bata ako pinapanood ko ang mga pelikula niya or ‘Maging Sino Ka Man’ dahil gusto kong maging action and romcom. “Pero mas gusto ko ‘yung Joaquin Bordado,” rebelasyon pa ni Kiko.

Huwag palampasin ang mas pinatinding pakikipag-matigasan ng lakas para sa katarungan ni Totoy Bato sa natitirang huling linggo nito. Mapapanood gabi-gabi, 8:00 PM, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Frontline Pilipinas sa TodoMax Primetime Singko ng TV5, with simulcast sa ONE PH.

Napapanood na rin ang serye sa Cignal Play app na libreng mado-download sa Play Store at App Store.

(ROHN ROMULO)

Wala raw connection sa pera at work ang pag-iyak… MARK, inaming na-depress at may pinagdaraanan sila ni NICOLE

Posted on: April 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA wakas ay nagbigay-linaw na si Mark Herras tungkol sa nag-viral na video niya na makikitang umiiyak siya at tila may pinagdaraanan.

Naganap ito sa guesting ni Mark sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan lamang kung saan ibinahagi ni Mark na ang kanyang breakdown ay dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang misis na si Nicole Donesa.

“Wala siyang connection with money, with work.

“So, it’s a personal issue na kailangan ko siyang gawin, kailangan ko siyang i-post, just to vent out,” pagpapaliwanag ni Mark nang tanungin ni Tito Boy Abunda tungkol sa isyu.

Sinabi rin ni Mark na nakararanas siya ng depression at ang naturang emosyunal na video ang isa sa mga paraan para mailabas ang kanyang nadarama.

“Again my explanation is, hindi ko siya inilabas just to get sympathy from people.

“Never naman ako nagpo-post ng mga ganyan talaga, Tito Boy. I don’t really post things like that,” sabi pa ng Sparkle male artist.

Wala kasi siyang nakakausap o napaghihingahan ng kaniyang problema.

“But recently, wala akong nakakausap na talagang, ‘May problema ako,’ ganun.

“Kasi nga, busy ako with work, busy ako, kailangang maghanap ng trabaho, busy ako sa family.”

Inamin rin ni Mark na may pinagdadaanan sila ni Nicole.

“So noong nangyari ito, nagkaroon kami ng away ni misis, meron kaming ugali na para hindi na lumaki yung away, aalis na lang ako ng bahay.

“Para hindi kayo magbungangaan, yung mga bata, kawawa naman.

“So iyan yung time na maliligo na ako to get out of the house. E diyan sa CR na yan, nag-flashback lang sa akin na diyan ko pinapaliguan yung panganay ko everyday.

“And then biglang yung mukha ng bunso ko, iyon na, kapag nakikita ako na dumarating sa bahay, yung ngiti niya na sa akin niya lang ginagawa, from based doon sa lola at asawa ko na, iba yung ngiti sa iyo ni Mija.

“Being a dad na alam kong mahihiwalay ako sa kanila for… hindi ko alam kung ilang days, ilang weeks, nag-breakdown ako, Tito Boy.

“Iyan yung reason kung bakit ako umiiyak,” paglalahad pa ni Mark.

Inamin rin ni Mark na nagdadalawang isip siya na iwan panandalian ang mga anak pero ayaw din niyang lumala pa ang away nila ni Nicole.

“Kumbaga dapat ba, hindi ako aalis ng bahay para hindi ko sila ma-miss?

“Pero parang yung issue naming dalawa ng asawa ko na, kung hindi ako aalis dito, bangayan, bangayan, na ayoko na lang ng ganung stress sa buhay.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads April 20, 2026

Posted on: April 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments