Wala raw connection sa pera at work ang pag-iyak… MARK, inaming na-depress at may pinagdaraanan sila ni NICOLE
- Published on April 20, 2026
- by @peoplesbalita
SA wakas ay nagbigay-linaw na si Mark Herras tungkol sa nag-viral na video niya na makikitang umiiyak siya at tila may pinagdaraanan.
Naganap ito sa guesting ni Mark sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan lamang kung saan ibinahagi ni Mark na ang kanyang breakdown ay dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang misis na si Nicole Donesa.
“Wala siyang connection with money, with work.
“So, it’s a personal issue na kailangan ko siyang gawin, kailangan ko siyang i-post, just to vent out,” pagpapaliwanag ni Mark nang tanungin ni Tito Boy Abunda tungkol sa isyu.
Sinabi rin ni Mark na nakararanas siya ng depression at ang naturang emosyunal na video ang isa sa mga paraan para mailabas ang kanyang nadarama.
“Again my explanation is, hindi ko siya inilabas just to get sympathy from people.
“Never naman ako nagpo-post ng mga ganyan talaga, Tito Boy. I don’t really post things like that,” sabi pa ng Sparkle male artist.
Wala kasi siyang nakakausap o napaghihingahan ng kaniyang problema.
“But recently, wala akong nakakausap na talagang, ‘May problema ako,’ ganun.
“Kasi nga, busy ako with work, busy ako, kailangang maghanap ng trabaho, busy ako sa family.”
Inamin rin ni Mark na may pinagdadaanan sila ni Nicole.
“So noong nangyari ito, nagkaroon kami ng away ni misis, meron kaming ugali na para hindi na lumaki yung away, aalis na lang ako ng bahay.
“Para hindi kayo magbungangaan, yung mga bata, kawawa naman.
“So iyan yung time na maliligo na ako to get out of the house. E diyan sa CR na yan, nag-flashback lang sa akin na diyan ko pinapaliguan yung panganay ko everyday.
“And then biglang yung mukha ng bunso ko, iyon na, kapag nakikita ako na dumarating sa bahay, yung ngiti niya na sa akin niya lang ginagawa, from based doon sa lola at asawa ko na, iba yung ngiti sa iyo ni Mija.
“Being a dad na alam kong mahihiwalay ako sa kanila for… hindi ko alam kung ilang days, ilang weeks, nag-breakdown ako, Tito Boy.
“Iyan yung reason kung bakit ako umiiyak,” paglalahad pa ni Mark.
Inamin rin ni Mark na nagdadalawang isip siya na iwan panandalian ang mga anak pero ayaw din niyang lumala pa ang away nila ni Nicole.
“Kumbaga dapat ba, hindi ako aalis ng bahay para hindi ko sila ma-miss?
“Pero parang yung issue naming dalawa ng asawa ko na, kung hindi ako aalis dito, bangayan, bangayan, na ayoko na lang ng ganung stress sa buhay.”
(ROMMEL L. GONZALES)