• April 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 17th, 2026

The circle of trust just got bigger. Watch the trailer for FOCKER-IN-LAW, starring Ben Stiller, Robert De Niro and Ariana Grande

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

THE Focker family is expanding. Focker-In-Law, written and directed by John Hamburg, who co-wrote the three previous Meet the Parents films (Meet the Parents, Meet the Fockers, Little Fockers), sees Ben Stiller and Robert De Niro together again for another family reunion, this time joined by Ariana Grande. Watch it only in cinemas when it opens in the Philippines November 25.

Watch the trailer: https://youtu.be/vWj3QuTAA78 This November, comedy icon and Emmy winner Ben Stiller and two-time Oscar® winner Robert De Niro reunite, joined by Grammy winner and Oscar® nominee Ariana Grande, in Focker-In-Law, a new chapter in the blockbuster Meet the Parents franchise.

Written and directed by John Hamburg, who co-wrote the three previous Meet the Parents films, Focker-In-Law is produced by Oscar® nominee Jane Rosenthal and Robert De Niro for Tribeca Productions; Ben Stiller and Oscar® winner John Lesher for Red Hour Films.

Genre: Comedy

Cast: Robert De Niro, Ben Stiller, Ariana Grande, Owen Wilson, Blythe Danner, Teri Polo, Skyler Gisondo, Beanie Feldstein, Eduardo Franco

Written and directed by: John Hamburg

Producers: Jane Rosenthal, Robert De Niro, Ben Stiller, John Lesher, Jay Roach, John Hamburg

#FockerInLawMovieC@paramountpicsph

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”

(ROHN ROMULO)

Nananahimik sa isyu bilang respeto sa namayapang ina… LOTLOT, nilinaw na naghahabol siya ng mana mula kay NORA

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng isang banal na misa ay idinaos ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni Nora Aunor.
Pinangunahan ito ng magkakapatid na Lotlot, Kenneth at Matet de Leon at kani-kanilang pamilya, idinaos ang misa sa St. John Paul II Parish sa loob ng compound ng Eastwood Mall sa Katipunan.
Dumalo ang Diamond Star na si Maricel Soriano na malapit na kaibigan at katrabaho nina Lotlot at Matet at siyempre ng yumaong Superstar at National Artist for Film and the Broadcast Arts.
Matapos ang misa at isang simpleng salu-salo o lunch ng pamilya nina Lotlot, Kenneth at Matet ang naganap.
Wala sa ginawang paggunita sa Superstar ang apo nitong aktres na si Janine Gutierrez dahil nasa malayong probinsiya ito para sa lock-in taping ng bagong proyekto ng young actress.
Ang unico hijo naman ni Lotlot na si Diego Gutierrez ay nasa Thailand para sa isang commitment na dati na nitong nasagutan.
Pumanaw ang Superstar isang taon na ang nakakaraan sanhi ng acute respiratory failure sa edad na 71.
Naglabas din ng official statement ang kampo ni Lotlot kaugnay ng mga rebelasyon ni Ian tungkol sa kanilang yumaong ina sa interview ni Rico Hizon sa “Beyond the Exchange” ng ANC.
Nilinaw ni Lotlot ang ilang isyu sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Mark Julius Estur ng Estur & Associates, kabilang na ang tungkol sa mga naiwang assets ng ina.
“Our client, Ms. Lotlot de Leon, eldest daughter of our late National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts, Ms. Nora Aunor, would be issuing this statement today to clarify her lack of involvement with any, or all, initiatives organized by Mr. lan de Leon, relative to the administration and management of the estate of their mother in light of the recent interview he had on the 71 episode of ABS-CBN News Channel’s Beyond the Exchange with journalist and veteran anchor, Rico Hizon.
“To dispel any speculations and doubt, Ms. de Leon was not in any way and in any capacity involved or consulted in the establishment of a One Person Corporation (OPC) for both a foundation and an enterprise in honor of Ms. Nora Aunor which Mr. lan De Leon has mentioned in his interview.
“In fact, it is our view that a Foundation cannot be established through an OPC legally. Any statement of attribution to Ms. de Leon is misleading and a false representation,” simula ng opisyal na pahayag ni Lotlot.
“She has not participated in the founding, management or fundraising efforts of the OPCs that Mr. Ian de Leon has established and that her personal charitable efforts remain focused elsewhere.
“In Mr. de Leon’s recent interview, he stated that, despite the claim of being the sole heir, our Client and her siblings are still included in the plans.
“Our client denies such statement as insofar as she is concerned, she was not consulted and simply informed at the very least of any participation or plans for the administration of their mother’s estate.
“To our client’s knowledge, there is no Last Will and Testament executed assigning sole administration and authority to the estate of their mother.
“Ms. de Leon is not after any inheritance nor seeking for any gain attached to the estate and legacy of her mother.
“She has stepped away completely and this was a conscious and respectful decision after Mr. lan de Leon chose to take full responsibility for all legal matters.
“Relative to the foundation that our client has previously established together with her siblings, Mr. lan de Leon was informed about this matter beforehand and he expressed his support then.
“It was deeply hurtful and difficult to understand on our client’s end when, after the foundation’s YouTube channel and Facebook page were made public, he denied knowledge of the same. lan De Leon and our Client have no communication since.
“Ms. de Leon has remained silent before out of respect for their mother and to avoid further conflicts during an already difficult time. But that silence has been misunderstood. Our client will not allow her name to be dragged into something she is not a part of, or used in a way that does not reflect the truth.
“Our client stands independently and refuses to be part of a false narrative. We ask the public and media to kindly ensure that her name is not used in association with Mr. lan De Leon’s efforts. No further comments on this matter shall be made.
“Today is National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts, the late Ms. Nora Aunor’s first death anniversary, let us continue to honor her memories and remember her with love.
“We extend our sincere gratitude to the public for the continued love and support for Ms. Nora Aunor. Her legacy will continue to live on through those whose lives she has touched,” kabuuan pa ng pahayag ng premyadong aktres.

(ROMMEL L. GONZALES)

Sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaraanan… COCO at JULIA, naniniwala sa muling pagbangon ng ABS-CBN

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS na naglabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng Lopez family, na may kinalaman sa pagsasara ng network at ‘di makakuha ng bagong prankisa.
Bahagi nga ang statement na iminugkahi ng isang miyembro ng Board of Directors na itigil na ang operasyon ng ABS-CBN nang walang pag-uusap kung paano haharapin ang obligasyon ng kumpanya sa mga tao.
Makikita rin daw sa records na ipinaglaban ng majority ng directors ang patuloy na financial support sa ABS-CBN, sa halip na pagsasara nito, para sa kapakanan ng mga empleyado at retired employees pati na rin ang iba pang stakeholders.
Sa isang joint statement mula sa CMM Production, naglabas ng saloobin ang celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes, naniniwala sila sa muling pagbangon ng ABS-CBN.
Sa panimula ng naturang statement, “Ang ABS-CBN ay tahanan ng mga pangarap, kuwento at pag-asa ng milyun-milyong Pilipino.
“Sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaraanan ng ABS-CBN kami ay kasamang lumalaban – hindi lang para sa aming sarili kundi para sa bawat Pilipinong nagtitiwala at patuloy na sumusuporta.”
Dagdag pahayag pa nila, “Sa lahat ng pinagdaraanan ng ating Kapamilya Nerwork palagi tayong makikiisa sa laban at makikiisa sa paninindigan.
“Sa bawat hamon mas lalong tumitibay, at sa bawat pagsubok, mas lalo nating pinanghahawakan ang ating layunin – ang maglingkod, magbigay saya, at maghatid ng kuwento ng bawat Pilipino.
Panghuli ng statement, “Naniniwala kami na muling babangon ang ABS-CBN.

“Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, tiwala, at suporta. Kayo

ang dahilan kung bakit patuloy kaming lumalaban, Kapamilya.”

(ROHN ROMULO)

Nag-react ang netizens na baka maging sabungero paglaki… MARIAN, niregaluhan ng tunay na manok si SIXTO sa ika-pitong kaarawan

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISANG tunay na manok, at sa hitsura pa ng manok, mukhang manok pang-sabong ang iniregalo ni Marian Rivera sa unico hijo nila ni Dingdong Dantes na si Sixto Dantes sa 7th birthday nito.

Sabi ni Marian sa kanyang socmed caption, “On your 7th birthday, Sixto,
you wished for something simple yet special—a pet chicken.
Today, we’re so happy to grant your wish. Happy birthday, our love.”

Ito raw talaga ang hiniling ni Sixto sa kanyang kaarawan. So siyempre, bakit nga ba hindi ito ipagkakaloon nina Dingdong at Marian.

Tingin namin, dahil bata pa at posible, sana hindi pa nga alam ang sabong, gusto lang ni Sixto na mag-alaga ng manok tulad ng magpakain at makipaglaro rito.

At dahil unique na isang manok as birthday request, marami na sa mga netizen ang naisip agad ay baka raw maging sabungero in the future ang bagets.

Ilan sa mga comment, “Balikan Po namin to pag naging sabongero na si sixto! Charoot hahaha happy birthday super sweet boy sixto, sana mabuhay baka umiyak din to pag nagkataon hehe.”

“Bat naman panabong sixto? nway happy birthday baby.”

“Hahaha mukang gusto maging sabongero paglaki ah ! Anyway, happy birthday sixto.”

Pero sa kabila nito, marami rin ang pumuri kau Sixto. Mabuti pa raw ito, manok lang ang gusto, yung ibang bata, milyon-milyon ang hangad.

At kay Sixto, Maligayang Kaarawan!

Sure kami, may bonggang pa-7th birthday ang DongYan para sa kanilang anak na lalaki.

***

SIMULA nang iintroduce ng Universal Records at GMA-7 ang Korean actor na si Kim Ji Soo, talagang halos dito na siya sa Pilipinas naka-base.


Bukod sa mga teleseryeng nagawa niya, heto’t naka-score rin siya ng major endorsement, ni-launch na siya ng Marithé Francois + Girbaud as their celebrity endorser.

Bukod dito, noong nakaraang Holy Week, instead na umuwi ng South Korea para magbakasyon or makasama ang pamilya niya ro’n, sa Boracay niya ito ini-spent.

At kasalukuyan din siyang napapanood sa “Never Say Die” with Jillian Ward and David Licauco.


He’s definitely making his presence felt.

(ROSE GARCIA)

Warriors, tinalo ang Clippers; Haharapin ang Suns

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PANALO ang Golden State Warriors (GSW) laban sa Los Angeles Clippers sa pagharap ng dalawa para sa Spot No. 9 sa Western Conference.

Dahil dito, haharapin ng Warriors ang Phoenix Suns para sa Spot No. 8. Ang mananalo sa dalawa ay tuluyang makakausad sa 2026 Playoffs at haharap sa top NBA team na Oklahoma City Thunder.

Sa naging laban sa Clippers, unti-unting hinabol ng Warriors ang 9-point deficit na dinanas nito sa unang quarter, 31-22.

Sa ikalawang quarter ay bumaba ito ng isang puntos at dalawang puntos naman ang ibinaba sa pagtatapos ng 3rd quarter, 89-83.
Sa kabila ng 6-point deficit, pinilit ng Warriors na dominahin ang huling quarter sa pamamagitan ng agresibong opensa sa pangunguna nina Stephen Curry at Brandin Podziemski. Sa pag-arangkada ng GSW, nagawa nitong ibaba sa isang puntos ang deficit, 114-115, dalawang minuto bago matapos ang laban.

Limampung segundo bago matapos ang regulation, naitabla na ng Warriors ang score sa 117, at tuluyang umangat sa 120-117 sa pamamagitan ng isang 3-pointer ni Stephen Curry.

Hindi na nakabawi pa ang Clippers mula dito, at lalo pang umangat sa 5 points ang lead ng GSW sa pagtatapos ng dibdibang laban, 126-121.

Nagtapos si Curry na may 35 points, hawak ang positive 9 performance. Nagawa naman ng Golden State bigman na si Kristaps Porzingis na magbuhos ng 20 points, at tig-limang rebounds at assists, kasama ang dalawang blocks.

Sa Clippers, nalimitahan lamang ang batikang forward na si Kawhi Leonard sa 21 points sa kabila ng paglalaro niya ng 40 mins.

FIFA President tiniyak ang pagsali ng Iran sa World Cup

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni FIFA president Gianni Infantino na maglalaro sa 2026 World Cup ang bansang Iran.

Kasunod ito sa usapin na hindi sila lalahok dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sinabi nito na pupunta ang iran kung saan irerepresenta nila ang kanilang mga tao at sila ay legal na nakapag-qualify.

Walang magiging problema kahit ang mga laro nila ay gaganapin sa US.

Paglilinaw ng FIFA President na dapat ay mailayo ang sports sa usapin ng pulitika.

Magsisimula ang World Cup sa Hunyo 1 kung saan magiging host countries ang US, Canada at Mexico.

Naantalang Motorcycle (MC) Taxi Law, ipapasa na sa Kamara

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Kamara nitong Miyerkules na ipapasa ang naantalang Motorcycle (MC) Taxi Law kasama ang legal framework kabilang ang mga transport network vehicle services (TNVS).
“Basta ito ang pinapangako namin sa inyo sa harap ng ating mga kasama na sinasabi ni Speaker (Faustino) Bojie Dy na sa kongresong ito tatapusin natin ang batas patungkol sa MC taxi, TNVS para magkaroon na talaga ng katiyakan dyan dahil napakatagal na po nating naghahanap ng katahimikan dyan. ‘Yan po ang isang bagay na talagang itinutulak natin,” pahayag ni House Committee on Ways and Means chairman at Marikina City Rep. Miro Quimbo.
Ito ang ipinangako ni Quimbo habang nagaganap ang pagdinig ng Legislative Energy Action Development (LEAD) Joint Committee kung saan tinatalakay ng mga mambabatas ang krisis sa enerhiya at transportasyon bunsod sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Quimbo, ang pagsasabatas ng MC taxis at TNVS ay kabilang sa mga structural at long-term solutions sa mga sector na matinding tinamaan ng fuel crisis.
Idinagdag naman ni Quezon City Rep. Franz Pumaren, chairman ng House Committee on Transportation, ang MC taxi bill ay nasa final stages na.
“As chairman of the Committee on Transportation, I will give my full assurance na papasa po ‘yan dito sa Kongreso,” sinabi ni Pumaren.
Sa isinagawang pagdinig, nanawagan si MC taxi leader Romeo Godoy Maglunsod sa mga mambabatas na ipasa ang MC Taxi law na aniya, matagal na nakabinbin noong 17th Congress pa.
Ayon kay Maglunsod, patuloy na nalalagay sa alanganin ang mga mahigit 200,000 riders.
Ang panukalang MC Taxi Law ay pagkilala at pag regulate sa mga MC taxis at TNVS bilang isang lehitimong public transportation.
(Vina de Guzman)

Navotas nagpadala ng bigas sa Obando, Bulacan

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPADALA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng bigas bilang tulong sa mga residente ng Obando, Bulacan na direktang naapektuhan ng usok mula sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill Facility. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, dumating na rin ang iba pang mga heavy equipment kabilang dito ang mga backhoe, firetruck, bulldozer, at generator set na ating gagamitin sa on-site operations sa nasusunog na landfill. (Richard Mesa)

PBBM nagpadala ng lahat ng kailangan gamit para tuluyan nang maapula ang Navotas landfill fire

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na ipinadala na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang lahat ng kailangang gamit sa Navotas City upang tuluyang maapula ang sunog sa sarado ng Navotas Sanitary Landfill.

Sinabi ito ni Dizon nang personal siyang magtungo sa naturang landfill Huwebes ng umaga, kasama sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Obando Mayor Leonardo Valeda upang suriin ang sitwasyon sa isang linggo ng nasusunog na landfill na nagdulot ng perhuwisyo ang nakakaulasok na amoy ng usok sa maraming mamamayan ng Navotas at Obando,

Aminado ang kalihim na ang kritikal sa ngayon ay ang pagdadala ng mga heavy equipment sa lugar dahil hindi nakakabiyahe ang mga barge na nagsasakay ng kinakailangang dump truck, bulldozer, dredging equipment at iba pa na gagamitin sa pag-apula ng apoy.

“Hindi kasi normal na sunog ito, ang nasusunog dito yung gas, yung methane na nasa ilalim, so kailangan nating i-address yun kasi kung hindi natin ma-address, hindi natin mapapatay itong sunog na ito,” llmaapula ang apoy sa ilalim.

Bukod aniya sa gamit ng pamahalaan, tumulong na rin ang mga pribadong sektor tulad ng San Miguel Corporation, Prime Infra Inc., at Asian Shipping Corp., habang hihingi rin siya ng tulong sa iba pang ka-partner na kompanya para magpadala ng mga kagamitan.

Sinabi naman ni Mayor Tiangco na sa Sabado at inaasahang matatapos na ang kalsadang patungo sa landfill at makakabiyahe na rin ang mga barge dahil tataas na ang tubig kayat mapapabilis na ang pagdadala ng mga heavy equipment.
.
Nagpasalamat din sina Mayor Tiangco at Mayor Valeda kina Pangulong Marcos, Jr. at Secretary Dizon sa ginagawang pagtulong para maapula ang sunog na labis na nakaapekto sa kanilang mamamayan. (Richard Mesa)

PBBM, binuhat ang isang sako ng bigas sa isinagawang distribution program sa Manila

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang distribusyon ng bigas sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na pagaanin ang paghihirap ng publiko sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa isinagawang pamamahagi, personal na iniabot ng Pangulo ang isang sako ng bigas sa benepisaryo. Sa katunayan ay binuhat at itinaas pa nito ang isang sako ng bigas na parang dumbbell.

Kamakailan ay pinalagan ng Pangulo ang kumakalat na fake news na siya ay may malalang sakit at baldado na. Pinatunayan ng Pangulo na siya ay malakas at maayos ang kanyang kalusugan sa pamamagitan ng pag-jumping kacks at pag-jogging sa Palace compound kasama ang mga miyembro ng media.
Sa kabilang dako, ang Biyayang Bigas Para Sa Maynila ay naglalayon na kaagad na makapagbibay ng agarang food relief sa mga pamilya ng taga-Lungsod sa gitna ng nagpapatuloy na economic pressures bitbit ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Pinagagaan ng programa ang food costs para sa 80,000 pamilya sa Maynila.
Nagbigay din ang programa ng six-month relief sa transportasyon at service sector workers na “most vulnerable” sa economic pressures.
Ang programa ay mayroong pondo na nagkakahalaga ng P286,000,000, na ipinalabas ng Office of the President (OP) sa local government of Manila sa pamamagitan ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) program.
Ang Department of Environment and Public Services (DEPS) ang humahawak ng pag-iimbak at transportasyon ng rice stocks habang ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nangunguna naman sa distribusyon ng Tricycle Operators and Drivers’ Association in the Philippines (TODA) at Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) members.
Sa kabilang dako, tumutulong naman ang Bureau of Permits (BOP) sa pagtukoy at distirbusyon sa service workers at iba pang working-class beneficiaries. (DARIS JOSE)