• April 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-react ang netizens na baka maging sabungero paglaki… MARIAN, niregaluhan ng tunay na manok si SIXTO sa ika-pitong kaarawan

ISANG tunay na manok, at sa hitsura pa ng manok, mukhang manok pang-sabong ang iniregalo ni Marian Rivera sa unico hijo nila ni Dingdong Dantes na si Sixto Dantes sa 7th birthday nito.

Sabi ni Marian sa kanyang socmed caption, “On your 7th birthday, Sixto,
you wished for something simple yet special—a pet chicken.
Today, we’re so happy to grant your wish. Happy birthday, our love.”

Ito raw talaga ang hiniling ni Sixto sa kanyang kaarawan. So siyempre, bakit nga ba hindi ito ipagkakaloon nina Dingdong at Marian.

Tingin namin, dahil bata pa at posible, sana hindi pa nga alam ang sabong, gusto lang ni Sixto na mag-alaga ng manok tulad ng magpakain at makipaglaro rito.

At dahil unique na isang manok as birthday request, marami na sa mga netizen ang naisip agad ay baka raw maging sabungero in the future ang bagets.

Ilan sa mga comment, “Balikan Po namin to pag naging sabongero na si sixto! Charoot hahaha happy birthday super sweet boy sixto, sana mabuhay baka umiyak din to pag nagkataon hehe.”

“Bat naman panabong sixto? nway happy birthday baby.”

“Hahaha mukang gusto maging sabongero paglaki ah ! Anyway, happy birthday sixto.”

Pero sa kabila nito, marami rin ang pumuri kau Sixto. Mabuti pa raw ito, manok lang ang gusto, yung ibang bata, milyon-milyon ang hangad.

At kay Sixto, Maligayang Kaarawan!

Sure kami, may bonggang pa-7th birthday ang DongYan para sa kanilang anak na lalaki.

***

SIMULA nang iintroduce ng Universal Records at GMA-7 ang Korean actor na si Kim Ji Soo, talagang halos dito na siya sa Pilipinas naka-base.


Bukod sa mga teleseryeng nagawa niya, heto’t naka-score rin siya ng major endorsement, ni-launch na siya ng Marithé Francois + Girbaud as their celebrity endorser.

Bukod dito, noong nakaraang Holy Week, instead na umuwi ng South Korea para magbakasyon or makasama ang pamilya niya ro’n, sa Boracay niya ito ini-spent.

At kasalukuyan din siyang napapanood sa “Never Say Die” with Jillian Ward and David Licauco.


He’s definitely making his presence felt.

(ROSE GARCIA)