PBBM nagpadala ng lahat ng kailangan gamit para tuluyan nang maapula ang Navotas landfill fire
- Published on April 17, 2026
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na ipinadala na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang lahat ng kailangang gamit sa Navotas City upang tuluyang maapula ang sunog sa sarado ng Navotas Sanitary Landfill.
Sinabi ito ni Dizon nang personal siyang magtungo sa naturang landfill Huwebes ng umaga, kasama sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Obando Mayor Leonardo Valeda upang suriin ang sitwasyon sa isang linggo ng nasusunog na landfill na nagdulot ng perhuwisyo ang nakakaulasok na amoy ng usok sa maraming mamamayan ng Navotas at Obando,
Aminado ang kalihim na ang kritikal sa ngayon ay ang pagdadala ng mga heavy equipment sa lugar dahil hindi nakakabiyahe ang mga barge na nagsasakay ng kinakailangang dump truck, bulldozer, dredging equipment at iba pa na gagamitin sa pag-apula ng apoy.
“Hindi kasi normal na sunog ito, ang nasusunog dito yung gas, yung methane na nasa ilalim, so kailangan nating i-address yun kasi kung hindi natin ma-address, hindi natin mapapatay itong sunog na ito,” llmaapula ang apoy sa ilalim.
Bukod aniya sa gamit ng pamahalaan, tumulong na rin ang mga pribadong sektor tulad ng San Miguel Corporation, Prime Infra Inc., at Asian Shipping Corp., habang hihingi rin siya ng tulong sa iba pang ka-partner na kompanya para magpadala ng mga kagamitan.
Sinabi naman ni Mayor Tiangco na sa Sabado at inaasahang matatapos na ang kalsadang patungo sa landfill at makakabiyahe na rin ang mga barge dahil tataas na ang tubig kayat mapapabilis na ang pagdadala ng mga heavy equipment.
.
Nagpasalamat din sina Mayor Tiangco at Mayor Valeda kina Pangulong Marcos, Jr. at Secretary Dizon sa ginagawang pagtulong para maapula ang sunog na labis na nakaapekto sa kanilang mamamayan. (Richard Mesa)