• June 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 16th, 2026

Ads April 16, 2026

Posted on: April 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Check out these brand new posters for “Spider-Man: Brand New Day”

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Brand new day, brand new enemies. Tom Holland is back as Peter Parker in “Spider-Man: Brand New Day.” Living in a New York where no one recognizes him, not even his loved ones, he still devotes his time protecting the city. A new threat comes from within himself, as well as from the appearance of a strange pattern of crimes. “Spider-Man: Brand New Day” also stars Zendaya, Sadie Sink, Jacob Batalon, Jon Bernthal, Tramell Tillman, Michael Mando, and Mark Ruffalo.

Watch the trailer: https://youtu.be/WMSNBV12MYs?si=f_DaGH3-pUQjjfiw

“Spider-Man: Brand New Day” is swinging into Philippine cinemas on July 29.

About Spider-Man: Brand New Day

After the record-breaking global success of Spider-Man: No Way Home, Spider-Man: Brand New Day marks an entirely new chapter for Peter Parker and Spider-Man. Four years have passed since the events of No Way Home, and Peter is now an adult living entirely alone, having voluntarily erased himself from the lives and memories of those he loves. Crime-fighting in a New York that no longer knows his name, he’s devoted himself entirely to protecting his city — a full-time Spider-Man — but as the demands on him intensify, the pressure sparks a surprising physical evolution that threatens his existence, even as a strange new pattern of crimes gives rise to one of the most powerful threats he has ever faced.

Directed by: Destin Daniel Cretton

Written by: Chris McKenna & Erik Sommers

Based on the MARVEL Comic Book by: Stan Lee and Steve Ditko

Produced by: Kevin Feige, Amy Pascal, Avi Arad, Rachel O’Connor

Executive Producers: Louis D’Esposito, David Cain

Cast: Tom Holland. Zendaya, Sadie Sink, Jacob Batalon, Jon Bernthal, Tramell Tillman, Michael Mando, and Mark Ruffalo

Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Siya ang dahilan kung bakit ginustong mag-artista… BARBIE, natupad na ang pangarap na makatrabaho si SHARON

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Siya ang dahilan kung bakit ginustong mag-artista…
BARBIE, natupad na ang pangarap na makatrabaho si SHARON

TUWANG-TUWA kami nang masilayan na si Barbie Forteza pala ang makakasama ni Megastar Sharon Cuneta sa collab project ng ABS-CBN at GMA-7 sa original family drama series sa Prime Video na “Honor Thy Mother.”
Makakasama nila dito sina Khalil Ramos at John Estrada.
At dahil dito natupad na nga ang matagal matagal nang pinapangarap ni Barbie na makasama sa isang serye si Sharon na kanyang ini-idolo.

Pahayag ni Barbie, ”She was the reason why I wanted to became an actress.

“Dreams do come true.

“Beyond excited to work with you po, Ms. @reallysharoncuneta.”

Nag-post naman si Sharon ng mga pictures nila ni Barbie kasama sina Khalil at John sa kanyang social media account.

Pahayag pa niya, “I promised you a couple of surprilses this year-here’s the first! My new drama, ‘HONOR THY MOTHER,’ the first-ever collab between TV Giants ABS-CBN and GMA7, creative production by the one and only @dreamscapeph, brought to you by @primevideo @primevideoph !!!

“Honored and excited to be working soon with the lovely Ms. Barbie Forteza @barbaraforteza, my favorite movie hubby @johnestrada__ , and young heartthrob @khalilramos!”

Dagdag pa niya, “Praise God for this opportunity and beautiful project. Abangan niyo po sana! Maguumpisa na po kami mag-shoot very soon! God bless you and I love you all!!!! #gmanetwork #abscbn.”

Anyway, ang bongga ng line-up ng Prime Video New Philippine Originals na ng ’The Silent Noise noong March 20, The Silent Noise na balik-tambalan Nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

First time naman magsasama sa Love Is Never Gone sina Joshua Garcia at Ivana Alawi sa romance-thriller tungkol sa ex-convict who discovers his dead lover is alive and reinvented as a socialite.

Tungkol naman sa viral social media “loyalty test” phenomenon, ang The Loyalty Game na bida sina Janine Gutierrez, Jericho Rosales, at Sofia Andres in a psychological thriller where a fidelity test becomes deadly when two women discover the manthey’re fighting over has a chilling secret he would do anything to keep hidden.

Family bonds take center stage sa Honor Thy Mother, na bida nga si Sharon Cuneta and Barbie Forteza. The series follows a CEO and her estranged daughter who must unite to survive a deadly conspiracy, exploring mother-daughter reconciliation through corporate intrigue and redemption.

Cross-cultural romance naman ang mag-a-unfold sa Kopino, starring the beloved Paulo Avelino and Kim Chiu as childhood sweethearts torn apart by fate who reunite in Korea’s corporate world and addresses the Kopino experience—children of Korean and Filipino parents seeking family recognition.

Political intrigue ignites in Behind Closed Doors na kung bida su Marian Rivera. She plays a sharp-tongued radio announcer na may secret affair sa Philippine President—played in a special participation by Dingdong Dantes—is exposed, making her the prime suspect in his assassination and putting her on a collision course with his daughter, portrayed by Jillian Ward.

Bukod dito marami pang dapat abangan sa Prime Video Presents: Philippines.

(ROHN ROMULO)

Dahil childhood crush ang guwapong aktor… PAULO, pinapangarap ni ZEL na maka-love scene

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SI Zel Fernandez ay isa sa hot na hot na sexy actress na tiyak na madalas pagpantasyahan ng maraming kalalakihang suki ng VMX app.
Ang latest movie ni Zel sa VMX ay ang “Abot Langit,” starring Aliya Raymundo. Ito rin daw ang hottest at most daring movie niya.
Bago napasok sa showbiz, ang pagiging model muna ang pinagka-abalahan ni Zel.
Kuwento ng sexy actress, “Yes po before po ako naging actress and flight attendant, I’m a freelance event model po and nag-start po ako sa mga carshow, suzuki mall display event, and endorser also.”
Since naging flight attendant pala siya, sakto ito sa movie nilang “Abot Langit” dahil trainee na FA ang role niya rito sa movie ni Direk Topel Lee.
Pahayag ni Zel, “Yes po, kaya basic lang po sa akin ang role ko rito bilang flight attendant trainee sa movie, hehehe. Iyon po talaga ang dream job ko mula noong bata ako at hindi po nagbago.”
Sinabi rin niya kung bakit siya tumigil bilang flight attendant, kahit na dream job niya pala ito.
“Honestly, mas priority ko po kasi now ang paggawa ng movies and mas malaki pa rin po ang kita sa pagiging freelance model and actress kaysa sa airline, But, babalik po ako as FA very soon,” wika pa ng maganda at napaka-seksing talent ni Jojo Veloso.
Marami na rin siyang nagawang mga pelikula.
Aniya, “Sa VMX five na po, including po yung Abot Langit na kapapalabas lang. May isa na sa sinehan ipinalabas – yung horror na titled Isolated. Bale nasa Netflix pa rin po now and may isang movie rin po ako before na ang title ay Ari & Janna.
“Makikita nyo rin po ako sa music video ng Ex-Battalion na Make Her Dance.”
Nabanggit din sa amin ni Zel ang aabangang events niya, ang Bumper 2 Bumper Carshow X Off-Road Show sa Cebu sa May 2-3 sa IL Corso Filinvest Malls, at sa Bacolod sa The Upper East Megaworld Bacolod, sa May 9-10.
Nasubukan na ba niyang magpantasya sa lalaki? Like, yung crush na crush niyang aktor?
Tugon niya, “I think hindi pa, I’m not into fantasy eh, I’m more into actions. Baduy kasi, for me lang naman, hahaha!”
Ano ang kanyang dream role? “Ang dream role ko po sa movie ay maging bida or kontrabida sa mainstream, hahaha! At ang maka-love scene si Paulo Avelino,” nakatawang sambit niya.
Bakit dream niyang maka-love scene si Paulo? “Childhood crush ko po kasi ‘yun, hahaha! Kahit ex-deal po, okay lang! Joke! Hahaha!”

(NONIE V. NICASIO)

Bagay na bagay dahil mahilig magbiyahe ng solo… MIGUEL, nabigyan na ng chance na mag-host ng travel show

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IT’S about time na bigyan na ng stint si Miguel Tanfelix bilang isang host.

At nangyari na nga ito sa pamamagitan ng upcoming travel show na “Planet XP”!

Bagay na bagay si Miguel sa nasabing programa dahil isa si Miguel sa iilang celebrities na mas mahilig magbiyahe kung saan-saan… na solo!

Maraming bansa na ngang pinuntahan ang guwapong Sparkle male star kung saan solo siyang nag-a-adventure kung saan-sang panig ng mundo.

Kaya naman hindi naitago ni Miguel ang excitement niya sa kaniyang unang solo hosting stint.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ kamakailan ay ibinalitang ang ipi-feature ni Miguel ay ang kanyang mga experiences sa kanyang mga biyahe here and abroad.

Lahad niya, “Matagal ko nang hinihiling na magkaroon ng isang travel show.

“So dream come true ito na ngayong 27 years old ako, binigyan ako ng travel show. So, very unexpected din yung timing nu’ng Planet XP.”

Hindi na nga kagulat-gulat na inspired si Miguel sa mga “kuya” niya na mga established travel show hosts na tulad nina Dingdong Dantes (ng Amazing Earth) at Drew Arellano (ng Biyahe Ni Drew).

“Parang gusto kong ipakita sa audience kung sino ba ako bilang isang adventurer, isang traveler.

“Kasi iyon naman talaga yung ginagawa ko,” saad ng binata.

Matuto habang nag-e-enjoy sa bawat episode ang goal ni Miguel at buhayin ang interes at curiousity ng mga kabataan sa iba-ibang community at siyempre, ang kagandahan ng bawat bansa.

“Kumbaga ako mismo at kasama ang buong team. “Wow, may team na rin ako, parang Jessica Soho,” at ngumiti ang binata. ‘Kasamang lumipad ang aming team.’

“Sa amin, hindi lang lumipad. Binangka namin, hinike namin. So very immersive siya.

“Ako mismo yung pupunta sa mga bawat community para i-experience kung paano yung kultura nila, ano yung ginagawa nila pang araw-araw, ano yung mga kinakain nila, paano sila mamuhay,” pagbabahagi pa ni Miguel.

Ang programa ay partnership ng GMA Network at National Council for Children’s Television bilang grantee ng National Endowment Fund for Children’s Television.

Mapanonood ang 5-part infotainment show na Planet XP mula Mayo 2, tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa GMA.

(ROMMEL L. GONZALES)

Jake Paul planong bumalik sa boxing ring sa susunod na taon

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ngayon ng social media personality na si Jake Paul na bumalik sa boxing ring sa huling bahagi ng 2026 o hanggang 2027.

Sa kanyang social media account ay nagbigay ito ng update sa pagpapagaling mula sa kanyang jaw injury.

Sinabi nito na patuloy ang kaniyang pagpapagamot at maaring sa mga susunod na buwan payagan na ito ng kaniyang doktor na lumaban muli.

Magugunitang natamo ni Paul ang matinding sugat sa panga matapos ang laban nito kay Anthony Joshua noong Disyembre 19.

Alex Eala, nalaglag na sa Stuttgart Open matapos matalo kay Leylah Fernandez

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAPAAGA ang exit ng Filipina tennis star Alex Eala sa Stuttgart Open matapos siyang talunin ng isa pang Filipina-Canadian na si Leylah Fernandez sa straight sets, 1-6, 4-6, sa Round of 32 noong Martes sa Germany.

Agad na umarangkada si Fernandez sa unang set matapos makalamang ng 5-0 bago pa man nakapuntos si Eala. Bagama’t nakakuha ng isang game ang Filipina, mabilis ding tinapos ni Fernandez ang set.

Nagpakita ng mas matinding laban si Eala sa second set matapos makuha ang unang game. Gayunpaman, nakabawi si Fernandez at ipinagpatuloy ang 3-1 na kalamangan.

Nagkaroon pa ng maikling rally si Eala sa pamamagitan ng back-to-back games, ngunit hindi ito naging sapat upang mapigilan si Fernandez, na tuluyang nagselyo ng panalo.

Income tax exemption, pinatataasan

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang panukalang taasan ang income tax exemption upang masakop ang mga nasa lower middle-income.
Nakapaloob ito sa House Bill No. 8860, o
Patas na Ambag sa Tax para sa Angat-Sahod (PATAS) Act.
Bukod sa pagtaas sa income tax exemption upang masakop ang mga lower middle-income earners ay magpapataw naman ng buwis sa mga bilyonaryo at malaking kita ng oil at power companies.
“For far too long, the middle class has been squeezed dry and taken for granted by our tax system: pinipiga ang karaniwang manggagawa na bihirang makinabang sa ayuda, habang ang tunay na malalaki ang kinikita ay nakakalusot. This PATAS Bill seeks to end that injustice by raising the income tax exemption to ₱600,000 annually and increasing the tax-exempt ceiling for 13th month pay and other benefits. Ibig sabihin, lahat ng kumikita ng ₱50,000 pababa kada buwan ay hindi na bubuwisan at ang bawat pisong pinaghirapan sa overtime, puyatan, at trabaho sa holiday ay buo nang maiuuwi sa pamilya. Ito ang tunay na patas: bawas buwis sa naghihirap na ordinaryong Pilipino habang ang sobrang yaman at sobrang pinagkitaan ang dapat mas buwisan,” ayon kay TUCP Party-list Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito C. Mendoza.

Upang mapunan ang potential na revenue losses sa gobyerno, nakapaloob sa panukalang PATAS Act ang Solidarity Wealth Tax sa mga bilyonaryong Pilipino at magpataw ng Windfall Profits Tax sa mga korporasyon na kumikita ng sobrang laki, partikular na sa oil at electricity industries.

“The wealthiest and those who profit the most are in the strongest position to give more, and it is high time they do. By imposing a modest yet progressive 1–3% tax on Filipino billionaires, we can already generate close to half a trillion pesos in additional revenues annually. This is further strengthened by a 15–35% windfall profits tax, especially on the major players in the oil and electricity sectors that profit outrageously while the public pays the price and everyone else tightens their belts. Wakasan na natin ang kawalang-katarungan: the Philippines cannot claim to be on the path to upper middle-income status while our minimum wage earners remain overworked and underpaid, and its middle class overtaxed yet underserved,” pahayag ni Mendoza. (Vina de Guzman)

Imbestigasyon sa pinasabog na planong pagpapatalsik kay PBBM sa puwesto noong 2025, ipinaubaya ng Malakanyang sa NBI

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga kaugnay sa isiniwalat ni Ramil Madriaga laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na di umano’y nagplano ng pagpapatalsik o kahit pagpaslang laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung hindi ito bababa sa puwesto pagsapit ng 2025.
Si Madriaga ay sinasabing dating bagman ni dating Vice-President Sara Duterte.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi na bago ang pagbabanta sa buhay ng Pangulo dahil kung matatandaan ay sinimulan ito ni VP Sara at ngayon naman ay Davao Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
“So, hindi na po kailangang mag-utos ng Pangulo para imbestigahan ito. Ang NBI po, kayo po ay nakatalagang mag-imbestiga sa mga ganitong klaseng death threats sa Pangulo at kahit sinumang ordinaryong tao, mayroon po kayong obligasyon na imbestigahan ito,” ang sinabi ni Castro.
Ayon kay Castro, ipinauubaya na nila ang bagay na ito sa NBI dahil mandato ng NBI ang ganitong mga usapin.
Sa kabilang dako, aalamin naman ng Malakanyang ang buong katotohanan ukol sa pinag-usapan nina Madriaga at ng dating Pangulong Duterte.
Inamin ni Castro na wala siyang personal na kaalaman ukol dito at maging ang Pangulo aniya ay walang personal na kaalaman patungkol po dito.
“Ang Pangulo po ay nangampanya sa taumbayan, nangakong maglilingkod sa taumbayan, at nangakong tatapusin ang kanyang termino para sa bayan,” pagtiyak ni Castro.
Sa ulat, inakusahan ni Madriaga si Digong Duterte na umano’y nagplano ng pagpapatalsik o kahit pagpaslang laban kay Ferdinand Marcos Jr. kung hindi ito bababa sa puwesto pagsapit ng 2025.
Inilahad ni Madriaga ang mga alegasyon sa kanyang supplemental affidavit na isinumite sa House Committee on Justice kaugnay ng impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte.
Ayon sa kanya, nagkaroon umano ng kasunduan noong Nobyembre 2021 sa pagitan ng kampo nina Marcos at Duterte na boluntaryong bababa sa puwesto ang Pangulo sa 2025 upang magbigay-daan sa pagkapangulo ni VP Sara Duterte.
Sinabi rin ni Madriaga na tinalakay umano ng dating pangulo kasama ang ilang retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines ang iba’t ibang paraan upang mapatalsik si Marcos kung hindi nito tutuparin ang nasabing kasunduan. Kabilang umano sa mga planong ito ang panloob na pagsabotahe sa administrasyon, posibleng impeachment, at iba pang hakbang tulad ng civil disobedience at pag-atake sa Malacañang.
Dagdag pa niya, may mga hakbang din umano upang magdulot ng kaguluhan sa bansa bilang bahagi ng plano para makakuha ng suporta ng militar.
Samantala, itinanggi ng kampo ni Sara Duterte ang mga alegasyon at tinawag itong gawa-gawa lamang at walang sapat na ebidensya, ayon sa kanyang abogado na si Salvador Paolo Panelo Jr. (DARIS JOSE)

Mga hakbang sa paglutas sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill, tinalakay

Posted on: April 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Municipality of Obando Mayor Leonardo Valeda at DENR Acting Secretary Atty. Juan Miguel Cuna, ang isinagawang pulong balitaan kung saan isa-isa nilang inilahad ang mga ginagawang hakbang upang malutas na ang nararanasang makapal at nakakasulasok na usok na nagmumula sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill. (Richard Mesa)