Bagay na bagay dahil mahilig magbiyahe ng solo… MIGUEL, nabigyan na ng chance na mag-host ng travel show
- Published on April 16, 2026
- by @peoplesbalita
IT’S about time na bigyan na ng stint si Miguel Tanfelix bilang isang host.
At nangyari na nga ito sa pamamagitan ng upcoming travel show na “Planet XP”!
Bagay na bagay si Miguel sa nasabing programa dahil isa si Miguel sa iilang celebrities na mas mahilig magbiyahe kung saan-saan… na solo!
Maraming bansa na ngang pinuntahan ang guwapong Sparkle male star kung saan solo siyang nag-a-adventure kung saan-sang panig ng mundo.
Kaya naman hindi naitago ni Miguel ang excitement niya sa kaniyang unang solo hosting stint.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ kamakailan ay ibinalitang ang ipi-feature ni Miguel ay ang kanyang mga experiences sa kanyang mga biyahe here and abroad.
Lahad niya, “Matagal ko nang hinihiling na magkaroon ng isang travel show.
“So dream come true ito na ngayong 27 years old ako, binigyan ako ng travel show. So, very unexpected din yung timing nu’ng Planet XP.”
Hindi na nga kagulat-gulat na inspired si Miguel sa mga “kuya” niya na mga established travel show hosts na tulad nina Dingdong Dantes (ng Amazing Earth) at Drew Arellano (ng Biyahe Ni Drew).
“Parang gusto kong ipakita sa audience kung sino ba ako bilang isang adventurer, isang traveler.
“Kasi iyon naman talaga yung ginagawa ko,” saad ng binata.
Matuto habang nag-e-enjoy sa bawat episode ang goal ni Miguel at buhayin ang interes at curiousity ng mga kabataan sa iba-ibang community at siyempre, ang kagandahan ng bawat bansa.
“Kumbaga ako mismo at kasama ang buong team. “Wow, may team na rin ako, parang Jessica Soho,” at ngumiti ang binata. ‘Kasamang lumipad ang aming team.’
“Sa amin, hindi lang lumipad. Binangka namin, hinike namin. So very immersive siya.
“Ako mismo yung pupunta sa mga bawat community para i-experience kung paano yung kultura nila, ano yung ginagawa nila pang araw-araw, ano yung mga kinakain nila, paano sila mamuhay,” pagbabahagi pa ni Miguel.
Ang programa ay partnership ng GMA Network at National Council for Children’s Television bilang grantee ng National Endowment Fund for Children’s Television.
Mapanonood ang 5-part infotainment show na Planet XP mula Mayo 2, tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa GMA.
(ROMMEL L. GONZALES)