Dahil childhood crush ang guwapong aktor… PAULO, pinapangarap ni ZEL na maka-love scene
- Published on April 16, 2026
- by @peoplesbalita
SI Zel Fernandez ay isa sa hot na hot na sexy actress na tiyak na madalas pagpantasyahan ng maraming kalalakihang suki ng VMX app.
Ang latest movie ni Zel sa VMX ay ang “Abot Langit,” starring Aliya Raymundo. Ito rin daw ang hottest at most daring movie niya.
Bago napasok sa showbiz, ang pagiging model muna ang pinagka-abalahan ni Zel.
Kuwento ng sexy actress, “Yes po before po ako naging actress and flight attendant, I’m a freelance event model po and nag-start po ako sa mga carshow, suzuki mall display event, and endorser also.”
Since naging flight attendant pala siya, sakto ito sa movie nilang “Abot Langit” dahil trainee na FA ang role niya rito sa movie ni Direk Topel Lee.
Pahayag ni Zel, “Yes po, kaya basic lang po sa akin ang role ko rito bilang flight attendant trainee sa movie, hehehe. Iyon po talaga ang dream job ko mula noong bata ako at hindi po nagbago.”
Sinabi rin niya kung bakit siya tumigil bilang flight attendant, kahit na dream job niya pala ito.
“Honestly, mas priority ko po kasi now ang paggawa ng movies and mas malaki pa rin po ang kita sa pagiging freelance model and actress kaysa sa airline, But, babalik po ako as FA very soon,” wika pa ng maganda at napaka-seksing talent ni Jojo Veloso.
Marami na rin siyang nagawang mga pelikula.
Aniya, “Sa VMX five na po, including po yung Abot Langit na kapapalabas lang. May isa na sa sinehan ipinalabas – yung horror na titled Isolated. Bale nasa Netflix pa rin po now and may isang movie rin po ako before na ang title ay Ari & Janna.
“Makikita nyo rin po ako sa music video ng Ex-Battalion na Make Her Dance.”
Nabanggit din sa amin ni Zel ang aabangang events niya, ang Bumper 2 Bumper Carshow X Off-Road Show sa Cebu sa May 2-3 sa IL Corso Filinvest Malls, at sa Bacolod sa The Upper East Megaworld Bacolod, sa May 9-10.
Nasubukan na ba niyang magpantasya sa lalaki? Like, yung crush na crush niyang aktor?
Tugon niya, “I think hindi pa, I’m not into fantasy eh, I’m more into actions. Baduy kasi, for me lang naman, hahaha!”
Ano ang kanyang dream role? “Ang dream role ko po sa movie ay maging bida or kontrabida sa mainstream, hahaha! At ang maka-love scene si Paulo Avelino,” nakatawang sambit niya.
Bakit dream niyang maka-love scene si Paulo? “Childhood crush ko po kasi ‘yun, hahaha! Kahit ex-deal po, okay lang! Joke! Hahaha!”
(NONIE V. NICASIO)