• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex Eala, nalaglag na sa Stuttgart Open matapos matalo kay Leylah Fernandez

NAPAAGA ang exit ng Filipina tennis star Alex Eala sa Stuttgart Open matapos siyang talunin ng isa pang Filipina-Canadian na si Leylah Fernandez sa straight sets, 1-6, 4-6, sa Round of 32 noong Martes sa Germany.

Agad na umarangkada si Fernandez sa unang set matapos makalamang ng 5-0 bago pa man nakapuntos si Eala. Bagama’t nakakuha ng isang game ang Filipina, mabilis ding tinapos ni Fernandez ang set.

Nagpakita ng mas matinding laban si Eala sa second set matapos makuha ang unang game. Gayunpaman, nakabawi si Fernandez at ipinagpatuloy ang 3-1 na kalamangan.

Nagkaroon pa ng maikling rally si Eala sa pamamagitan ng back-to-back games, ngunit hindi ito naging sapat upang mapigilan si Fernandez, na tuluyang nagselyo ng panalo.