• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

Meeting para sa update ng NavGate, Coastal Dike, pinangunahan ni Tiangco

Posted on: March 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang isinagawang meeting kasama ang Department of Public Works and Highway (DPWH) at kanilang Japanese consultant para sa pag-update ng preventive maintenance ng Navotas NavGate.

Ayon kay Tiangco, mahalaga ang ganitong pag-update sa maintenance ng NavGate kung saan may napalitan ng pin pero dahil may tumutunog pa din kaya may binigay na rekomendasyon ang Japanese consultant na paraan ng pag-grasa sa pin.

Nagpa-update din siya sa DPWH kung kailan matatapos ang mga ginagawang mga Coastal Dike Floodgate at mga gap sa Coastal Dike kasama na yung pinapagawa ng Manfel na nabanga nila.

Magre-request din aniya sila sa San Miguel Corporation na hukayin ang mga bahagi ng Coastal Dike mula Judge Roldan hanggang Bacog.

“Tuloy-tuloy po tayong mag mo-monitor sa pag-mentana nito dahil kailangan all working at nasa kondisyon po ang lahat ng depensa natin sa baha bago pa man mag tag-ulan,” ani Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

Sa gitna ng tumataas na presyo ng langis… Panukalang work from home welcome kay PBBM subalit ipinaubaya sa pribadong sektor

Posted on: March 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukala mula sa business groups na i-adopt ang work from home setup para mabawasan ang fuel consumption at pagaanin ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.
Para kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang panukalang ito ay makakatulong subalit ipinauubayan na ng Malakanyang ang desisyon sa pribadong kumpanya.
“Kung iyan ang magiging panukala ng mga private business companies, makakatulong na malaki ‘yan. Pero siyempre hindi naman didiktahan ng Pangulo ang mga pribadong kumpanya,” ayon kay Castro.
Binigyang diin pa ni Castro na malaya ang mga pribadong kumpanya na magdesisyon kung ano ang arrangements na makabubuti sa kanilang operasyon at manggagawa.
“Kung nakikita nila na ito’y makakabuti sa ating bayan, para sa interes ng ating mga kababayan para makatipid din sa fuel o sa produktong petrolyo, maganda ‘yang suggestion,” ang winika ni Castro.
Sa kabilang dako, sinagot din ni Castro ang itinulak ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na pagbibigay ng gobyerno ng P5,000 buwanang wage subsidy sa mahigit limang milyong minimum wage earners sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo na inaasahang magpapataas sa presyo ng mga bilihin.
Sinabi ni Castro na “no option is off the table” subalti kailangan na balansehin ang mga prayoridad at simulan sa mga sektor na “most affected” ng tumataas na presyo ng petrolyo.
Gayunman, tiniyak naman ni Castro na handa ang gobyerno na tulungan ang lahat ng sektor hangga’t ang mga hakbang ay nakapaloob sa limitasyon ng national budget.
Tinukoy pa ni Castro na nagpapatuloy ang government initiatives para sa transportation relief, kabilang ang 50 percent discount sa train fares, free bus rides, at subsidies para sa public utility vehicles.
Kamakailan ay idineklara ni Pangulong Marcos ang state of national energy emergency, at iniutos ang pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) para sa mga apektadong sektor.
Kasunod ito ng paglagda ni Marcos sa Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng state of national energy emergency, nagpapatupad ng UPLIFT, at paganahin ang whole-of-government response para matiyak ang katatagan ng suplay ng enerhiya, suportahan ang mahahalagang sektor tulad ng transportasyon, agrikultura, at MSMEs, at maprotektahan ang mga Pilipino sa gitna ng problema sa pandaigdigang suplay ng langis. (Daris Jose)

Malakanyang, tiniyak na walang banta ng ‘energy lockdown’

Posted on: March 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang nakikitang banta ang Malacañang ng “energy lockdown” o kakulangan sa suplay ng kuryente at langis sa bansa sa kabila ng tumitinding labanan sa Middle East.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na sa kasalukuyan ay malayo pa ang bansa sa sitwasyong gaya noong dekada ’70 na nagkaroon ng fuel rationing at carless days.

Ayon sa Palace Official, bilang bahagi ng contingency plan ng administrasyong Marcos, aktibong naghahanap ang Department of Energy (DOE) at Department of Foreign Affairs (DFA) ng mga alternatibong mapagkukunan ng petrolyo na hindi umaasa sa Middle East.

Binanggit ni Castro ang ulat ni DOE Undersecretary Sharon Garin na kasalukuyan nang nakikipag-diyalogo ang Pilipinas sa mga bansang India, Argentina, at Canada upang masiguro ang tuloy-tuloy na imbentaryo ng langis sa bansa.

Dagdag pa ni Castro, habang umaasa ang pamahalaan sa isang diplomatikong resolusyon sa pagitan ng mga naglalabanang bansa, hindi tumitigil ang Pangulo sa paghahanda upang maiwasan ang anumang worst-case scenario na magpapahirap sa mga Pilipino. ( Daris Jose)

Ads March 30, 2026

Posted on: March 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Kasama ang Rotary Club at nangakong may round 2… RHEA, namigay ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers

Posted on: March 28th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAMIGAY ang CEO and founder ng Beautéderm Group of Companies na si Rhea Anicoche-Tan ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers.Bahagi ito ng programa ng Beautéderm ContriBeaut Foundation na “Biyaheng Kalinga Full Tank Gas for 100 Delivery Riders and Tricycle Drivers,” sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Balibago.Naganap ang pagpaparehistro sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City noong Sabado, Marso 28, na kung saan ang unang 100 registrant ay nakatanggap ng full tank sa SEAOIL Gas Station sa Angeles City.Ayon pa kay Ms. Rei, na kasalukuyang presidente ng Rotary Club – Balibago, na ang programa ay kanyang paraan ng pagsuporta sa “mga modernong bayani sa kalsada,” lalo na sa panahon ito na humaharap na naman tayo sa matinding pagsubok na sanhi ng giyera sa Gitnang Silangan.Ang pondo para sa fuel giveaway ay mula sa kanyang charity auction, “Love in Every Bid: A Cause from the Heart,” na kung saan ipina-auction ni Ms. Tan ang kanyang mga personal na pre-loved na item, na-sold out lahat, upang makalikom ng pera para sa libreng gasolina.Layon ng Beautéderm at ng Rotary Club sa nakaaantig na programa na gumawa ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mga rider at driver, na labis na apektado sa pagtaas ng gasolina.Mabababasa nga sa kanyang Facebook noong Biyernes, Marso 27…“Bukas na ang pa free gas ni Mommy Ninang nyo ha.“Pumila ng maaga. Para pasok sa top 100 . Prang Miss U ihh.”Dagdag pa niya, “Di bale. Gagawa me ulit paraan pra maka round 2. God will provide.Basahin mabuti ang mechanics kapatad ne? Mikit tamu tomorrow, Pin : Beautéderm Headquarters. 8 am po mag start registration. God Bless us All!!”God bless you more Ms. Rei, dahil sa likas na pagiging generous, marami ka namang natulungan.(ROHN ROMULO)

Naghahanda rin sa pagganap bilang isang alahera… DINA, ikinuwento kay CHARO ang ninakaw na koleksyon ng alahas

Posted on: March 28th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT ang premyadong aktres na si Dina Bonnevie ay certified viewer pala ng live selling at vlog ni Charo Cordial, ang President at Founder ng Maddox Jewelry.

Mas lalong umugong pagkakawala ng kanyang pinaghirapang koleksyon ng alahas. Ayon sa aktres, naganap ang insidente ilang taon na ang nakalilipas habang nasa taping siya ng kanyang show na ‘Ms. D.’

“Nag-i-intro ko, then I said, we’ll be right back!” ani Dina.
“Nakita ko yung P.A., dala ang bag ko na may lahat ng alahas ko. Pagkalabas niya ng GMA, wala na! Kasabwat niya ang driver—magkamag-anak sila!”

Bukod sa pagbili ng diamonds, napag-alaman ding bahagi ng pagbisita ni Ms. D ay paghahanda para sa bago niyang serye kung saan gaganap siya bilang isang alahera, perfect timing para matuto mula sa eksperto!

Hindi naman nabigo si Charo Cordial, na masinsinang ipinaliwanag kung paano matutukoy ang tunay na diyamante kumpara sa peke—patunay kung bakit siya kinikilalang isa sa mga pinagkakatiwalaang content creator ng mga celebrity pagdating sa alahas.

Samantala, patuloy na nagti-trending ang naturang interview sa iba’t ibang platforms ng Maddox Jewelry:
YouTube: @Maddox_JewelryFacebook: D Maddox Jewelry, TikTok: maddox.jewelry

Sa rami ng rebelasyon, chika, at kaalaman tungkol sa diamonds, lalong pinapatunayan ni Ms. Charo na ang kanyang content ay hindi lang basta aliw, kundi isang source ng impormasyon at inspirasyon.

***

ISANG very reliable source ang tinanong namin kung ano talaga ang totoo sa pagsasama nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde.

Totoo nga bang hiwalay na raw ang dalawa o nagkakalabuan? Eh, mas lalo pa itong uminit nang mag-post si Bayani Agbayani ng video ng birthday ni Papa Art Atayde at Ria Atayde. Nando’n halos ang buong pamilya, pero wala si Maine.

Diumano’y may sakit si Maine kaya wala ito.

Medyo hindi naging katanggap-tanggap sa karamihang netizen ang dahilan. Na para bang walang karapatang magkasakit si Maine, huh.

So ‘eto na, wala raw katotohanan na hiwalay na sina Maine at Arjo. Okay na okay raw ang dalawa. Talagang after ng kinasangkutang isyu ni Arjo, as much as possible, low key na lang daw ang mga ito.

(ROSE GARCIA)

4 Billion Hearts Strong: Globe GoGIVE Transforms Everyday Data into Nationwide Impact

Posted on: March 28th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

GLOBE highlighted the expanding impact of GoGIVE at the latest installment of The Blueprint by Globe, the company’s quarterly media event. Embedded in the GlobeOne app and powered by thousands of Globe Prepaid users, GoGIVE transforms everyday mobile data usage into meaningful support for communities across the country.

GoGIVE donors have generated more than 4 billion hearts through their everyday mobile data usage on the GlobeOne app. This far exceeds the 840 million heart target set for each partner organization, reflecting the strong and sustained participation of Globe Prepaid customers.

These hearts are then converted into meaningful connectivity support that powers advocacies such as animal welfare, environmental conservation, digital education, women empowerment, medical assistance, disaster relief, children’s rights & development, inclusion, teacher development, and child protection across the country.

Today, GoGIVE is translating digital participation into tangible programs on the ground. For the Philippine Animal Welfare Society (PAWS), connectivity support enables a more efficient online pet adoption process for shelter cats and dogs, access to virtual veterinary consultations, and stronger communication systems that enhance rescue operations during disasters.

The Philippine Eagle Foundation is using the support to strengthen education and community-based conservation efforts. Indigenous community partners can access online learning modules, participate in virtual trainings and coordination meetings, and report threats and illegal activities in real time to help protect the critically endangered Philippine eagle.

Through Project PEARLS, women in partner communities are gaining both practical skills and renewed confidence through online trainings in macramé, crochet, candle making, and personal development. At the same time, youth scholars are being equipped with career guidance, résumé-building tools, and leadership training that open doors to brighter futures.

Beyond long-term advocacy programs, Globe Prepaid customers have also supported emergency response efforts through GoGIVE during times of calamity. In partnership with Ayala Foundation, Rise Against Hunger Philippines, Pawssion Project, and the Philippine Eagle Foundation, GoGIVE has helped mobilize timely aid for affected communities.

To support GoGIVE:

1. Globe Prepaid customers can tap GoGIVE on the GlobeOne app,
2. Select the advocacy to start earning hearts,
3. Support the cause automatically every time mobile data is used!

By turning everyday data usage into collective action, Globe continues to show that connectivity can serve a larger purpose. GoGIVE demonstrates how digital engagement can create measurable impact, strengthen communities, and reinforce Globe’s role as a partner in nation-building. (ROHN ROMULO)

Talented ang anak at nasa dugo talaga ang pag-aartista… SHERYL, ‘di tinutulan at ipinagkait kay NICOLE na pasukin ang showbiz

Posted on: March 28th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NALI-LINK ngayon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Kapamilya actor na si Jake Cuenca matapos silang makitang magkasama sa isang restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Hindi man diretsahang nagbanggit ng pangalan ngunit kinumpirma ni Rabiya na may nagpapasaya sa kanya ngayon, matapos ang breakup nila ng kanyang ex-boyfriend, ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Sa isang panayam sina ni Rabiya na,“Parang tumitibok naman siya in general. Pero I would say na I’m in a happy place, very, very happy. I’m so grateful sa lahat ng lessons from the past.

“It made me realize na kung ano man yung mga heartaches or yung mga bad na nangyari sa ‘yo in the past, it’s gonna get better. Sasaya ka ulit.

“Kasi nasa process pa lang ng kailangan mo talagang kilalanin at kailangan mo tingnan if compatible ba kayo or not.

“Yung compatibility, loyalty, even love, it is tested with time so I need to wait for it, walang minamadali.”

Dagdag pa niya, “Ine-enjoy ko lang yung process pero I think yung paglagay ng label, I think nasa babae din yan, nasa akin yung ball game ngayon.

“Hawak ko yung bola ngayon. I just want to take things slow. I think we have this common understanding na we want to know each other.”

Inamin din niya na nasa proseso pa siya ng pagmu-move on mula sa failed relationship, “You have to heal muna. Minsan kasi yung thinking natin na okay after a heartache, bago na naman.

“It doesn’t work. You need to do all the self-work, inner work. You need to process the breakup, give some time para pag dumating na yung potential mabibigay mo yung best mo,” pahayag pa ni Rabiya.

***

WALANG pagtutol ang actress-singer na si Sheryl Cruz na mag-showbiz ang kanyang anak na si Ashley Nicole o Nicole Sonora bilang kanyang screen name, kaya pinayagan niya ito.

Nang nag-guest ang mag-ina sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Miyerkules, March 26, ibinahagi ni Nicole kung bakit siya nagdesisyon na rin siyang sumabak sa pag-aartista.

Ayon sa anak ni Sheryl, hilig na talaga niya ang mag-arte mula pa noong bata siya.

“Honestly, acting, story and creation, since preschool po I’ve always always wanted to be an actor,” kuwento ng 24-anyos na si Nicole, na grumaduate bilang summa cum laude mula sa San Francisco State University noong 2023,

“I didn’t think it would be my career path at first, not until towards the end of college, when a professor told me, ‘You have potential. You should try to enhance it,” dagdag pa niya.

“So since then, parang namulat ako na ah parang kaya pala ‘to. Kasi that person who is saying it is somebody na sa America pa ‘to.

“So they don’t know, wala silang paki sa family ko kasi walang bias so parang ‘Ah okay. If you see something in me, then maybe I can trust in myself more,’” saad pa niya.

Pahayag naman ni Sheryl, “At first, like any other parent, showbiz is very hard. But I cannot take that away from her because it’s in her blood,” sabi ni Sheryl.

“I know she will have something to fall back on because tapos naman na siya ng kaniyang pag-aaral.

“But of course hindi ko pwede sa kanyang ipagkait itong passion to pursue what is in her blood which is acting, and the love of singing and creation because she’s also a talented writer,” pahayag pa ni Sheryl.

“I wish you well in your showbiz endeavors and please don’t lose your moral compass.

“I want her to have the time of her life here in show business. For whatever happens, if it’s a roller coaster ride of emotions, then I just want her to enjoy the ride and know herself better than anyone else,” mensahe pa niya kay Nicole.

(ROHN ROMULO)

DUMALO si Navotas City Mayor John Rey sa TVET Forum 2026, kasama ang kanilang mga partners mula sa iba’t ibang lungsod ng CAMANAVA dahil mahalaga aniya ang ganitong pagtitipon para masigurong ang mga trainees ay handa sa trabaho at may tunay na oportunidad pagkatapos ng kanilang training.

Posted on: March 28th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Ani Tiangco, patuloy niyang sinusuportahan ang mga programang nagpapalakas ng kakayahan ng Navoteños dahil sa pamamagitan ng matibay na partnership at tuloy-tuloy na pagtutulungan, mas marami pa ang magkakaroon ng maayos na trabaho at magandang kinabukasan. (Richard Mesa)

Pinas, nakikipag-usap na sa India, Argentina, Canada para posibleng pagkuhanan ng langis —Malakanyang

Posted on: March 28th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAG-USAP na ang gobyerno ng Pilipinas sa India, Argentina, at Canada para sa posibleng alternatibong pagkukuhanan ng petroleum sa gitna ng sumirit na presyo ng langis bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan.
Tugon ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin ukol sa contingency plans ng gobyerno matapos na magpahayag ang Iran na wala itong balak na makipag-ayos sa Estados Unidos, taliwas sa sinabi ni US President Donald Trump na nagpapatuloy na ang usapan.
Tinukoy ang impormasyon mula kay Energy Secretary Sharon Garin, sinabi ni Castro na ang Pilipinas ay nakikipag-usap na sa ibang bansa na hindi nakasandal sa Middle East pagdating sa fuel supply.
”Siyempre unang-una, magdasal tayo na magkaroon na ng agreement sila at magkaroon ng pagkakasundo. Kapag hindi po kasi agad nagkasundo at hindi natapos itong sigalot sa Middle East, malaki po talaga itong magiging epekto,” ayon kay Castro.
”Pero muli, tinanong natin diyan si Secretary Sharon Garin at ito ang kaniyang sinabi, and I quote, ‘We are stocking up and now in dialogue with other counties like India, Argentina, Canada, and other countries that do not rely on Middle East for their petroleum,”’ aniya pa rin.
Winika pa ni Castro na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito at mga hakbang para mapigilan ang bansa na dumating sa tinatawag na ”worst-case scenario.”
At nang tanungin kung magpapatupad ang gobyerno ng energy lockdown, sinabi ni Castro na sa ngayon ay walang dahilan para gawin iyon.
At pagdating naman aniya sa pagpapataw ng price freeze sa mga basic goods, sinabi ni Castro na masusi itong pinag-aaralan dahil kailangan ay mayroong balanse sa hanay ng mga apektadong sektor lalo na sa pagitan ng oil industries at mga consumers.
”Hindi po natin sinabing hindi magpa-price freeze. Ang sabi po natin, aaralin po ito. At ito po ay babalansehin at kung ano ang nararapat para po hindi lang isang sektor ang maaapektuhan – balanse para sa oil industries, balanse para sa taumbayan,” ang litaniya ni Castro. (Daris Jose)