• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 11th, 2026

Bible verse

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“Give, and you will receive. Your gift will return to you in full—pressed down, shaken together to make room for more, running over, and poured into your lap. The amount you give will determine the amount you get back.” -Luke 6:38

Kinaaliwan ang mga video clips sa kasal nila ni Jerald… KIM, nagbiro kay Boss VIC na puwede siyang i-partner kay GERALD

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINAALIWAN ng netizen kabilang na kami, ang mga video clips na lumabas online na kuha mismo sa kasal nina Kim Molina at Jerald Napoles sa Amorita Resort sa Bohol.
Sa mismong reception kasi, noong unang in-introduce ang newlyweds, ang lumabas mula sa stage ay sina Kim at Alden Richards.
Kunwari pa nga na magki-kiss ang dalawa habang tumutugtog ang “God Gave Me You”, pero sumigaw ang mga hosts kay Kim na si Alden iyon, si Jerald ang pinakasalan niya.
Kuwela pa ngang ayaw pa munang bitiwan kunwari ni Kim si Alden.
Bumalik sa backstage si Kim at paglabas matapos i-introduce muli ay ang KimJe na nga ang lumabas, pero sina Kim at Gerald Anderson!
Muling nagsigawan at nagtawanan ang mga guests pagkakita kay Gerald na bisita rin sa wedding.
Nagbiro pa nga si Kim sa Boss ng Viva Films na si Vincent del Rosario, look test daw iyon.
So ang next project kaya ng Viva ay pelikula nina Kim at Gerald? Puwede.
Nang muling bumalik si Kim sa backstage at muling in-introduce, KimJe na ang lumabas, ang totoong groom na nga na si Jerald pero ang Kim na kasama niya ay si Kuya Kim Atienza na muling umani ng halakhakan at sigawan.
Sa pang-apat na introduction sa mga bagong kasal ay ang tunay na bride at groom na ang lumabas.
Bukod kina Alden, Gerald, at Kuya Kim, nasa wedding rin sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, at Yassi Pressman.
Samantala, matapos ang kanilang kasal at honeymoon ay sasabak na ang KimJe sa promo ng pelikula nila sa Viva Films, ang “Wonderful Nightmare” na ipapalabas sa mga sinehan sa March 25.
***
KONTRABIDA si Ashley Ortega sa ‘Apoy sa Dugo.’
Kuwento ni Ashley, may mga pinanood siya na pelikula at palabas para may mapaghugutan siya ng atake niya sa kanyang karakter.
“Actually, sobrang dami ko pong pinanood na psychological movies and series to prepare for my character here sa show na ito.
“Wala naman talaga akong basically, like, ‘Oh, okay, itong character na to ang gagayahin ko siya.’
“Marami akong pinanood, e, just to get inspiration.
“But, of course, I still want to give a touch of my own, of my own character as Ashley.”
Dagdag pa niya, “So, nanood ako ng mga movies. So, talagang nakatulong sa akin si Angelina Jolie sa Girl, Interrupted [1999 film ng Hollywood actress].
“Yung role niya kasi doon, she’s a psychopath. So, kung paano siya mag-isip, paano siya mag-manipulate ng tao.
“Sa series din naman, I watched Killing Eve.
“Yung appearance niya, yung movements, kailangan kasi consistent.
“Iyon yung gusto kong gawin talaga to portray my role perfectly and mabigyan ng justice.
“So nag-prepare din ako physically, not just emotionally and mentally, kasi gusto ko maiba siya sa mga past na ginawa kong kontrabida role, para physically intimidating na siya.”
Bukod kay Ashley, bida rin sa serye ang magkasintahang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Kasama rin sa cast sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, Toniyuh, at Larkin Castor.
Napapanood na ang ‘Apoy sa Dugo’ sa GMA Afternoon Prime.

(ROMMEL L. GONZALES)

Things You Should Never Do Before Watching “Mudborn”

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PREPARE for terror.

“Mudborn,” Taiwan’s No. 1 supernatural horror film, comes to Philippine cinemas on March 18. Experience a chilling tale of a mysterious clay doll, whose eerie presence makes a familiar nursery rhyme terrifying, bringing nightmares to life on the big screen.

Some warnings come too late. But here are some “survival rules” you should know if you ever come across a broken clay doll from a haunted house (but why would you go to a haunted house, anyway?):

DON’T PICK UP A RANDOM DOLL
You never know where it came from or what might be attached to it. In “Mudborn,” a seemingly broken clay baby doll becomes the center of terrifying supernatural events after it is brought into a family home. What starts as curiosity might awaken something that shouldn’t exist… and there’s no turning back.

Photo credit: Encore Films Philippines

DON’T FIX IT!
It was meant to stay broken. The couple Muhua (Cecilia Choi) and Hsu-Chuan (Yo Yang) welcomed the broken clay doll into their peaceful home and tried to fix it. But every restored piece became an even greater threat, its presence spreading into every corner and shattering their peace. Don’t make the same mistake!

Photo credit: Encore Films Philippines

DON’T TREAT IT LIKE A CHILD
What looks like an innocent doll may actually be something far more sinister. If you treat it like a child, it might treat you like its prey. As the presence surrounding the clay doll grows stronger, the line between object and living entity begins to blur.

Photo credit: Encore Films Philippines

DON’T IGNORE THE WARNINGS
Don’t say we didn’t warn you! If you ignore the signs, you might end up seeking help from a psychic exorcist, just like the family in “Mudborn,” to uncover the horrifying truth behind the clay doll, an eerie nursery rhyme, and a curse tied to ancient folklore.

Photo credit: Encore Films Philippines

Step too close, and it may follow.

Ignore it, but not the rules! Witness the horror and its consequences unfold on March 18.

Follow Encore Films Philippines’ social pages for more updates and upcoming releases.

(ROHN ROMULO)

Sa pangunguna ni Cavite Director III at Provincial Agrarian Reform Program Officer James Arthur Dubungco

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

at sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Magallanes sa ilalim ni Mayor Janessa Ann Maligaya-de Ramayo, kasama ang PAR-C President na si Ernie Somogod, inaasahang lalo pang uunlad ang kabuhayan ng mga kasapi ng kooperatiba, Tuloy-tuloy ang pag-asenso ng Pacheco Agrarian Reform Cooperative (PAR-C) matapos itong muling makatanggap ng panibagong traktora na makatutulong upang mas mapagaan at mapabilis ang kanilang pagsasaka. (Photo By BOY MORALES Sr.)

House of Representatives, binigyang pugay si Alex Eala matapos makamit ang career-high ranking na World No. 31 ng Women’s Tennis Association (WTA)

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG pugay ng House of Representatives nitong Lunes si Filipino tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos nitong makamit ang career-high ranking na World No. 31 ng Women’s Tennis Association (WTA) nitong Pebrero 23, 2026.

Ang komendasyon kay Eala ay nakapaloob sa inihaing House Resolution No. 832 na inaprubahan sa pagdaraos ng International Women’s Month.

Ang ranking ni Eala ay pinakamataas na inabot ng isang Filipino sa prestihiyosong WTA, nagbibigay karangalan sa ating bansa, ayon sa mga akda ng HR 832, Pangasinan Rep. Ma. Georgina “Manay Gina” De Venecia at Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica.

Inilarawan si Eala bilang “unifying figure” ng mga Filipino sa abroad, kung saan libo-libong kababayan ang nanonood at sumusuporta sa kanyang mga matches.
Naging inspirasyon din si Eala sa ating mga atleta, ayon kina De Venecia at Villarica. “Eala represents an exemplary Filipina who, like the ancestral babaylan, has demonstrated resilience, discipline, and a strong determination to succeed.”
(Vina de Guzman)

5 miyembro ng Iranian football team humingi ng asylum sa Australia

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng asylum sa Australia ang limang miyembro ng Iranian women’s soccer team.

Ang pitong miyembro na kasamahan nila ay naunang ng umalis habang ang lima ay nasa Australian Federal Police.

Naglaro ang mga ito sa Women’s Asian Cup sa Australia at dahil sa takot na silang makabalik sa Iran ay minabuti nilang humingi ng asylum.

Inihayag naman ni US President Donald Trump na delikado ang pagbiyahe nila pabalik sa Iran kung saan handa umano ang US na tanggapin ang mga ito.

Magugunitang noong pagsisimula ng laro ay naging tahimik ang mga manlalaro noong ipinatugtog ang national anthem ng kanilang bansa na ang ibig sabihin umano ng iba ay pagtataksil.

Yahoo Mail: Search, Organize, Conquer

Sa movie rin nakilala ang boyfriend na si Yasser… ROBB, aminadong sobrang memorable ang ‘Desperada’

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang VMX star na si Robb Guinto na sobrang memorable sa kanya ang pelikulang “Desperada” na entry sa gaganaping Sinag Maynila Independent Film Festival.
Ito ay mapapanood sa mga piling sinehan sa Metro Manila mula March 23-29, 2026.
Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio at produced ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino.
Itinuturing ni Robb na ang “Desperada” ay isang art film.
Sambit ng aktres, “Para sa akin po, ang movie ni direk Louie, it’s really an art. Bawat frame ay napakaganda po at ipinapakita rin dito ang reality ng bansa natin.
“Ang role ko po rito ay si Brenda, isang babaeng lumaki sa pang-aabuso at pinilit na ibenta ng sariling ama hanggang sa nawala sa sarili.”
Wika pa ni Robb, “Dito sa movie na ito, talagang ibinigay ko po ang lahat, ang buong effort talaga… and of course sa mahihirap na bagay, nandoon po si Direk para alalayan ako.
“Lalo na… may mga part po sa pelikula na talagang makikita po na sobrang struggle ng character ko po rito, which is nandoon si Ate Sue (Prado), si direk Louie, na-guide po niya ako rito talaga.”
Tampok din sa pelikula ang real-life boyfriend ni Robb na si Yasser Marta, Mhack Morales, Marife Necesito, at Mercedes Cabral. Plus, ang newcomers na sina Julianne Richards at Jorge Guda.
Ano ang tema ng movie at nagpa-sexy din ba siya rito?
“Drama po ang movie… Yes po, nagpa-sexy ako sa Desperada,” matipid na pahayag ng aktres.
Aminado rin si Robb na isa ito sa pinaka-challenging na role na nagampanan niya.
Aniya, “Yes sobra po akong na-challenge rito, lalo na kapag umo-order si direk ng luha, hahaha! Mapapanood ninyo iyan sa trailer, sa last part.”
Dagdag pa niya, “ang importante po is nakapasok kami sa Sinag Maynila, out of 75 na entry. At saka panalo na po sa akin dahil siyempre ay nakatrabaho ko ulit si Direk Louie, and of course, nakapasok kami sa Sinag Maynila.
“Siyempre ang isa pang magandang nangyari sa movie na ito, dito ko nakilala ang boyfriend ko. Kaya talagang sobrang memorable sa akin ng movie na ito,” masayang pahayag pa ni Robb ukol kay Yas.

(NONIE V. NICASIO)

Pacheco Agrarian Reform Cooperative (PAR-C), nakatanggap panibagong traktora upang mapabilis ang kanilang pagsasaka

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA PANGUNGUNA ni Cavite Director III at Provincial Agrarian Reform Program Officer James Arthur Dubungco, at sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Magallanes sa ilalim ni Mayor Janessa Ann Maligaya-de Ramayo, kasama ang PAR-C President na si Ernie Somogod, inaasahang lalo pang uunlad ang kabuhayan ng mga kasapi ng kooperatiba. Tuloy-tuloy ang pag-asenso ng Pacheco Agrarian Reform Cooperative (PAR-C) matapos itong muling makatanggap ng panibagong traktora na makatutulong upang mas mapagaan at mapabilis ang kanilang pagsasaka.
(Photos by BOY MORALES SR.)

Mister, kritikal sa pananaksak sa Caloocan

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KRITIKAL ang 54-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng lalaking nagalit makaraang hindi niya pahiramin ng cellphone na dahilan ng kanilang argumento hinggil sa online game sa Caloocan City.

Nakaratay habang inoobserbahan sa Chinese General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdib at bahagi ng tadyang ang 54-anyos na biktima na residente ng lungsod.

Nakapiit naman ngayon sa Custodial Facility Unit ng Caloocan City Police at nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si alyas “Lito”, 52, at residente ng Brgy. 12, ng lungsod.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na dakong alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa Libis Talisay, Brgy. 12.

Lumabas sa imbestigasyon pulisya, tumanggi umano ang biktima na ibigay sa suspek ang kanyang cellphone na dahilan ng kanilang argumento hinggil sa online game na ‘scatter’.

Nagalit umano ang suspek at inundayan ng saksak sa dibdib at bahagi ng tadyang ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa Caloocan City Medical Center bago inilipat sa nasabing pagamutan.

Sa isinagawa namang follow up operation ng mga operatiba ng Caloocan Police Intelligence Section sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua, ay naaresto ang suspek dakong alas-3:00 ng hapon sa 2nd Avenue, Brgy. 41, ng lungsod. (Richard Mesa)

COMELEC, HINDI MAGPAPATUPAD NG 4 DAYS WORK

Posted on: March 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI magpapatupad ng four days work week ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa nagpapatuloy na paghahanda para sa tatlong halalan na nakatakda ngayong 2026.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia nahindi maipapatupad ng Comelec ang nasabing iskedyul dahil sa kasalukuyang voter registration .
Bukod dito, puspusan din ang paghahanda sa ikalawang distrito ng Antipolo City na itinakda sa Marso 14; ang Bangsamoro parliamentary elections na isasagawa sa Setyembre at ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Nobyembre 2.
Bagama’t hindi in-adopt ang polisiya, sinabi ni Garcia na nagsimula na ang Comelec sa pagpapatupad ng ilang hakbang para makatipid sa enerhiya, kabilang ang pagpatay ng air-conditioning units isa hanggang dalawang oras bago matapos ang oras ng trabaho at pag-unplug ng mga hindi ginagamit na appliances.
Hinikayat din ang mga empleyado na mag-carpooling at iwasan ang pagbiyahe para sa mga meeting kung maaari itong gawin online .(Gene Adsuara)