• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

Mga seryeng pasabog ni Zaldy Co, fake news- PBBM

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING ‘fake news’ ang turing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga sinasabi ni dating Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co laban sa kanya lalo na ang panibagong pasabog nito ukol sa maanomalyang flood control scandal.Ang punto pa ng Pangulo ay tingnan na lamang ang kalidad ng mga pahayag ni Zaldy Co at mapapansin na wala itong kuwenta.“Anyone can go online and make all kinds of claims and say all kinds of things, paulit-ulit, but it means nothing. For it to mean something, umuwi siya rito. Harapin niya yung mga kaso niya. Kung meron siyang gusto sabihin, sabihin niya. Malalaman naman ng tao yan,” ayon sa Pangulo sa press conference sa Presidential Broadcast Studio sa Kalayaan Hall, sa Palasyo ng Malakanyang.“Come home. Come home. Ba’t ka nagtatago sa malayo? Ako hindi ako nagtatago. Kung meron kang accusation sa akin, nandito ako,” ang hamon ng Pangulo.“Gawin niyang pareho. Para patas lang naman. Okay,” aniya pa rin.Nauna rito, muling naglabas ng kanyang pahayag si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co tungkol sa bilyon-bilyong umano’y insertion sa national budget na kaugnay umano kina Pangulong Marcos at Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez.Ayon sa video statement na isinapubliko ni Co sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 24, sinabi niyang hindi pa rin daw siya makauwi sa bansa dahil sa mga pagbabanta sa buhay niya.“Alam kong hindi madali ang mga paksang ito. Mabibigat at mahirap tanggapin,” pagsisimula niya, “hindi po ako makauwi dahil malaki ang banta sa buhay ko.”Ani Co, papalabasin diumano ng administrasyon ng bansa na isa siyang terorista upang “ilibing” ang katotohanan.“Ngayon naman ay mayroon kaming natanggap na balita. Papalabasin ng administrasyon na ako ay isang terorista sa loob at labas ng Pilipinas para mailibing ako kasama ang katotohanan kahit saan man ako pumunta,” pagbabahagi niya.Dagdag pa niya, “pero mahalagang malaman ng taumbayan ang katotohanan. Taos-puso akong nagpapasalamat sa inyong pakikinig.”Pinabulaanan din ni Co sa naturang niyang pahayag ang umano’y ₱21 billion na napunta sa kanya.“Sinasabi ng ICI at ni Henry Alcantara na ₱21 billion daw ang napunta sa akin. Hindi po totoo iyon. Wala akong natanggap na ganiyang halaga,” giit niya.Pagpapatuloy ni Co, mayroon pa raw sila kabuuang ₱56 billion na inihatid kina Romualdez at PBBM bukod sa nauna na niyang isiniwalat na ₱100 billion insertion noon at ₱97 billion insertion ng mga nabanggit sa National Expenditure Program (NEP) national budget.“Ang totoo, mula 2022 hanggang 2025, ang kabuuang pera na dumaan sa akin para ibigay kay Pangulong Bongbong Marcos at dating Speaker Martin Romualdez ay umabot sa ₱56 billion at hiwalay pa diyan ang ₱100 billion insertion ng Pangulo sa 2025 budget. Pati na rin ang ₱97 billion flood-control insertion na inilagay sa NEP ng 2026 national budget,” pagtatapos pa ni Co.Matatandaang unang naglabas ng pahayag si Co sa tahasan niyang pagsisiwalat na nag-utos diumano si PBBM na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget sa kanyang Facebook post noong Nobyembre 14, 2025. ( Daris Jose)

PBBM, sa flood control suspects na still at large Sumuko na kayo ngayon

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SUMUKO na kayo ngayon!Ito ang hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga suspek na nananatiling ‘at large’ kabilang na si dating House of Representatives appropriations committee chairperson at nagbitiw na si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co —may kasong kinahaharap na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Oriental Mindoro.Sa isang video na naka-post sa kanyang social, araw ng Lunes, inanunsyo ni Pangulong Marcos na nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang ilan sa 16 na suspek sa kasong isinampa sa Sandiganbayan.“To all the accused still at large, I advise you to surrender now. Don’t wait to be chased after. It’s better for your situation to surrender now so that you can answer to the allegations against you,” ayon kay Pangulong Marcos.“To those who plan on helping them hide, remember that you will also be held accountable somehow,” dagdag na wika nitoSa kabilang dako, sa joint press conference ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ipinakita ang mugshots na tumutukoy sa mga suspek na nasa kustodiya gaya nina:OIC-Chief, DPWH 4B Quality Assurance and Hydrology Division; Regular Member, Bidding and Awards Committee (now OIC-Chief, Planning and Design Division) Dennis Pelo Abagon Department of Public Works and Highways Mimaropa (DPWH 4B) Regional Director Gerald A. Pacanan Assistant Regional Director (now Director of DPWH Bureau of Maintenance) Gene Ryan Alurin AlteaAssistant Regional Director Ruben delos Santos Santos Jr. Chief, DPWH 4B Construction Division Dominic Gregorio Serrano Chief, DPWH 4B Maintenance Division Juliet Cabungan Calvo Project Engineer III Felisardo Sevare Casuno DPWH 4B Bidding and Awards Committee Account IV Lerma Dotado Cayco.Nananatili namang ‘at large’ si Co, ayon sa mga awtoridad.Huling nakita si Co sa Japan bago pa ipalabas ang arrest warrant laban sa kanya.Sinabi naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla na may tatlong suspek ang sinasabing nasabing ibang bansa.Ito ay sina:Sunwest president and board of directors chairperson Aderma Angelie D. Alcazar – huling napabalita na nasa New ZealandSunwest treasurer and board of directors member Cesar X. Buenaventura – di umano’y nasa New York, United StatesDPWH 4B OIC-Chief Planning and Design Montrexis T. Tamayo – di umano’y nasa Jordan“Save for Zaldy Co, the other members believed to be abroad have made contact with our law enforcement agencies and are expected to show up at the embassy and begin immediate repatriation towards the Philippines,” ayon kay Remulla.Ang iba pang suspek na ‘at large’ ay sina:DPWH 4B Material Engineer Timojen Adiong SacarSunwest board of directors member Conseulo Dayto AldonSunwest board of directors member Engr. Noel Yap CaoSunwest board of directors member Anthony L. Ngo “Surrender to the nearest authorities, surrender to the nearest police station. For the sake of your families, for the sake of the country, surrender immediately,” ang hamon ni Remulla sa mga suspek.No matter where you are in the world, we will find you. If you are at large, we will find you. If you are hiding in the Philippines, we will find you,” diing pahayag nito. (Daris Jose)

INARESTONG OPISYAL NG DPWH, WALANG SPECIAL TREATMENT

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI bibigyan ng anumang ‘special treatment’ ang mga naarestong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ang sinabi ng NBI matapos maaresto si Engr. Dennis Abagon ng DPWH MINAROPA sa kanyang bahay sa Quezon City nitong Linggo kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Binigyang-diin ito ni NBI Officer-in-charge Dir. Angelito Magno habang nananatili ito sa kanilang detention facility.
Isa si Abagon sa mga kapwa akusado ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa kinakaharap na ‘malversation case’ sa Sandiganbayan.

Ayon sa NBI , isasailalim pa sa karagdagang imbestigasyon si Abagon upang matukoy kung may pananagutan din ang ilang indibidwal na posibleng tumulong habang siya’y nagtatago.
Mananatili ang naarestong opisyal sa ‘secure detention facility’ ng NBI habang hinihintay pa ang ilalabas na kautusan mula sa korteng may hawak ng kaso.
(Gene Adsuara)

Navotas Christmas Bazaar

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang ribbon cutting ng Navotas Christmas Bazaar, na nagtatampok ng 35 local merchants at small businesses sa Navotas Citywalk at Amphitheatre. (Richard Mesa)

Goitia: Patunay ang estratehiya ng AFP na hindi susuko ang Pilipinas sa pang-aapi ng Tsina

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HABANG patuloy na lumalala ang agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS) mula sa pag-ram, pag-shadow, paggamit ng military-grade lasers, hanggang sa pagpapakalat ng disinformation, mas pinaigting ng Pilipinas ang depensa nito.

Bilang tugon, inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang apat na pangunahing hakbang upang protektahan ang soberanya, pangalagaan ang karapatang pandagat, at ipagtanggol ang isang rules-based international order.
Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw na ipinapakita ng mga hakbanging ito na ang Pilipinas ay maninindigan at hindi susuko sa anumang uri ng panggigipit o pananakot.

May apat aniyang estratehikong inisyatiba ang AFP.
Una, nagpapatuloy ang AFP sa tuloy-tuloy na presensya at patrol sa WPS, bilang malinaw na pagpapakita ng soberanya sa gitna ng agresibong galaw ng Tsina.
Giit ni Goitia: “Kapag ang presensya ay batay sa batas, nagiging tunay itong lakas. Kahit limitado ang ating asset, ipinapakita ng Pilipinas na ang matibay na prinsipyo ay higit na makapangyarihan kaysa anumang uri ng pananakot”.

Ikalawa, pinalalawak ng Pilipinas ang kooperasyon sa Allies at Partners sa pamamagitan ng joint patrols, maritime exercises, at diplomatikong koordinasyon.
“Kapag may mga kaalyadong nakasuporta sa iyo, nagiging imposibleng maitago at maipaliwanag ang anumang kilos na agresibo. Patunay ito na hindi nag-iisa ang Pilipinas at masusing binabantayan ng mundo ang kilos ng Tsina,” ani Goitia.

Ikatlo, ginagamit ng AFP ang mabilis na paglalabas ng impormasyon, matibay na ebidensyang nakadokumento, at pagpapalakas ng boses sa international media upang ilantad ang mga paglabag ng Tsina at salungatin ang mga pekeng naratibo.

Ayon kay Goitia, “Walang kasinungalingang nakakatagal kapag nasinagan ng katotohanan. Kapag nakita ng mundo ang tunay na pangyayari, kusang bumabagsak ang mga panlilinlang.”

Ikaapat, ipinatutupad ng buong bansa ang isang whole-of-nation approach, kung saan nagtutulungan ang mga ahensya ng pamahalaan, civil society, pribadong sektor, at komunidad upang labanan ang ilegal, mapanupil, agresibo, at mapanlinlang na taktika ng Tsina, kabilang ang cyber intrusions, influence operations, at political interference.

“Sa oras na magkaisa ang buong bayan, hindi tayo kayang pabagsakin ng anumang puwersa mula sa labas,” giit ni Goitia.
Mula aniya sa paglikha ng militarized artificial islands hanggang sa agresibong pagbangga at pagharang sa ating mga barko, malinaw na nilalabag ng Tsina ang international law at ginugulo ang katatagan ng rehiyon ngunit nananatiling matatag ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Goitia: “Ang dagat ay simbolo ng ating karapatan at pamana bilang bansa. Hindi ito basta-basta isinusuko.”
Pinuri niya ang AFP sa epektibong paggamit ng transparency, pakikipag-alyansa, at pambansang pagkakaisa upang ilantad ang agresyon ng Tsina at palakasin ang posisyon ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Goitia na ipinapakita ng pinalakas na estratehiya ng AFP ang isang bansang handang ipagtanggol ang kinabukasan nito at habang lumalakas aniya ang apat na pangunahing inisyatiba ng AFP, malinaw ang mensaheng ipinapadala ng Pilipinas sa mundo at maging sa Beijing. (Richard Mesa)

Justin Brownlee at Ange Kouame hindi makakapaglaro sa SEA Games HINDI makakapaglaro si Justin Brownlee sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa Southeast Asian Games (SEA Games) sa buwan ng Disyembre sa Thailand.

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Kasunod ito sa pagbabawal ng organizer sa mga naturalized player na maglaro.

Habang si Ange Kouame ay papayagang maglaro sa 3×3 basketball na puwedeng sumabak ang mga naturalized players.

Dahil dito ay inaasahang maipapalit na maglalaro si Jamie Malonzo isa rin sa nakikitang sasabak sa first window ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers laban sa Guam.

Magugunitang magiging coach ng Gilas Pilipinas sa SEA Games si Norman Black kung saan ilan sa mga manlalaro ay sina Ray Parks, Thirdy Ravena, Remy Martin, Matthew Wright, Jason Brickman, Dave Ildefonso, Brandon Ganuelas-Rosser, Mike Phillips, Kymani Ladi, at Veejay Pre.

Karl Eldrew Yulo, nasungkit ang bronze medal sa 2025 Artistic Gymnastics Jr World Champ

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT ni Karl Eldrew Yulo ang isa na namang tagumpay matapos masungkit ang bronze medal sa horizontal bar finals ng 2025 Artistic Gymnastics Junior World Championships.

Nagtala siya ng 13.900 points sa kanyang routine na kalaunan ay itinaas sa 14.000 points dahil sa stick landing bonus.

Ito na ang ikalawang bronze medal na napanalunan ni Yulo sa torneo matapos ding magwagi sa floor exercise finals noong nakaraang Sabado.

Bagama’t hindi siya nakapagtala ng medalya sa vault finals, bumawi naman siya sa horizontal bar at muling nagbigay ng karangalan sa bansa.

Ang batang gymnast mula sa Adamson University ay patuloy na nagpapakita ng husay at potensyal sa international stage.

Siya ang nakababatang kapatid ni Olympian gold medalist Carlos Yulo

PBBM at Bersamin, walang bad blood; Pangandaman, umalis sa puwesto para walang impluwensiya at sabihing inayos ang kaso

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG bad blood sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dating Executive Secretary Lucas Bersamin matapos ianunsyo ng Malakanyang na nagbitiw sa puwesto ang huli ‘out of delicadeza’ makaraang mabanggit ang Office of the Executive Secretary (OES) sa mga alegasyon na may kinalaman sa flood control scam na kasalukuyang iniimbestigahan.
Itinanggi naman ni Bersamin na siya ay nagbitiw sa puwesto.
“Nag-usap na kami. We understand each other, and we decided to keep it between ourselves. There’s no bad blood, there’s no acrimonious feeling. That’s fine,” ang sinabi ni sa press conference sa Presidential Broadcast Studio sa Kalayaan Hall, sa Palasyo ng Malakanyang.
Hinggil naman sa naging pagbibitiw sa puwesto ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, sinabi ng Pangulo na nagbitiw ito sa kanyang tungkulin matapos na madawit ang kanyang pangalan sa nasabing flood control scandal.
“You know it makes clear that whatever is going on, kung ano mang kuwestyunin kung ano man ang mangyayari. We want to be sure that she’s not in a position where she might be suspected of influencing all that,” aniya pa rin sabay sabing “kasi when she’s out of government, wala na siyang impluwensiya. Hindi na masasabing inayos niya yung kaso niya.”
Matatandaang, inanunsyo ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pormal nang tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang resignation nina Bersamin at Pangandaman.
Ayon kay Castro, nagpasa ng resignation ang dalawang opisyal matapos mabanggit ang kanilang ahensya sa mga alegasyon na may kinalaman sa flood control scam na kasalukuyang iniimbestigahan.
Itinalaga naman si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary, habang si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go ang pumalit kay Recto bilang bagong kalihim ng ahensya.
Samantala, itinalaga si Rolando Toledo bilang officer-in-charge ng DBM na dating undersecretary ng naturang ahensya. (Daris Jose)

AIRPORT AT SEAPORT, INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT NG BI

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INILAGAY sa heightened alert ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng mga opisyal ng imigrasyon na nakatalaga sa mga international airports at seaport sa buong bansa kasunod ng paglabas ng mga warrant of arrest ng Sandiganbayan laban kay dating Rep. Elizaldy Co at 15 iba pa noong Nobyembre 21.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga pangalan ng lahat ng mga indibidwal na sakop ng mga warrant ay naipasok na sa sentralisadong derogatory database ng Bureau, na tinitiyak na ang mga opisyal ay maaaring agad na ma-flag, verify, at tumugon kung sinuman sa kanila ay magtangka na umalis o pumasok sa Pilipinas.
Binigyang-diin niya na ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya ay nananatiling mahalaga sa pagtiyak na ang mga taong may mga kaso ay hindi makakatakas sa pananagutan sa pamamagitan ng hindi awtorisadong paglalakbay.
Ayon sa mga talaan ng BI travel records, apat sa 16 na indibidwal sa listahan ay kasalukuyang nasa ibang bansa.
Umalis si Co patungong Singapore noong Agosto 6.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) OIC–Planning and Design Division Chief Montrexis Tamayo ay umalis patungong Qatar noong Nobyembre 15.
Ang Sunwest Inc. President at Board Chairman na si Aderma Angelie Alcazar ay naglakbay patungong Australia noong Oktubre 2, habang ang Sunwest Inc. treasurer na si Cesar Buenaventura ay umalis patungong United Arab Emirates sa parehong araw.
Tiniyak ni Viado sa publiko na nanatiling nakahanay ang BI sa mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas upang matiyak na maipatupad ang mga warrant kapag ang mga indibidwal na ito ay humarap sa mga daungan ng bansa.(Gene Adsuara)

BIYAHE NG BARKO, KANSELADO DAHIL SA BAGYO

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KANSELADO ang mga biyahe ng barko sa 13 pantalan sa gitna ng masamang panahon dulot ng bagyong Verbena.
Sa kanilang social media post, sinabi ng Philippine Ports Authority na ang mga apektadong biyahe ay ang mga sumusunod: PMO Batangas, MONTENEGRO: Batangas – Odiongan
STARLITE: Batangas-Romblon – Sibuyan – Roxas , 2GO: Batangas – Caticlan – Roxas City, OCEANJET :Batangas – Calapan
PMO Mindoro

Lahat ng vessels/watercrafts na bumibiyahe sa ruta na mga lugar sa Oriental Mindoro:
Bulalacao – Caticlan (vice versa)
Roxas – Caticlan (vice versa)
Roxas – Odiongan (vice versa)
PMO Marinduque/Quezon
Lahat ng vessels at watercrafts sa area of responsibility ng CGS Southern Quezon Hanggang Romblon, at mainland Masbate
PMO Palawan
MV Maria Isabel, Cuyo – Iloilo
PMO Bohol
Lahat ng Biyahe
PMO Masbate

Kanselado rin ang biyahe ng mga vessels/watercrafts, ano man ang uri o tonnage, na bumibiyahe sa mainland ng Masbate
PMO Panay/Guimaras
Port of Dumangas, Iloilo – Bacolod
Iloilo Fastcraft Terminal, Iloilo City – Bacolod City
Port of Sibunag, Guimaras – Pulupandan, Negros Occidental
Bay-ang, Ajuy (FF Cruz Private Port) – EB Magalona, Negros Occidental
PMO Negros Occidental (Bacolod/Banago/Bredco)
Lahat ng biyahe sa
PMO Western Leyte/Biliran
Lahat ng biyahe sa
PMO Eastern Leyte/Samar
Port of Liloan
Port of San Juan, Cabalian
Port of St. Bernard
Port of Sogod
Port of Catbalogan
Port of Amandayehan
PMO Surigao
Gayundin lahat ng biyahe sa
PMO Agusan ay kanselado na ri
Port of Nasipit: Cokaliong MV Filipinas Agusan del Norte – Nasipit patungong Jagna, Bohol
Port patungong Butuan: lahat ng river ferries/watercrafts
Port of Sasa: MV 2GO Masinag – Cebu. (Gene Adsuara)