• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

Mga kumpanya ng Discaya, inalis mula sa opisyal na listahan ng PhilGEPS, mas maraming kumpanya nahaharap sa ‘ban’

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAGBAWALAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga kontratista na nauugnay sa maanomalyang flood control projects mula sa government procurement.
Tugon ito sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na agad na i-blacklist ang mga tiwaling kompanya.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na kinansela na ng Procurement Service-DBM (PS-DBM) ang Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) ang membership ng 9 na kumpanya na nauugnay sa negosyanteng si Cezarah Rowena “Sarah” Discaya.
Naghahanda rin ang PS-DBM na alisin ang mas maraming kompanya kabilang na ang SYMS Construction Trading and Wawao Builders— mula sa registry, sa oras na magpalabas na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng opisyal na blacklisting orders.
Ang hakbang na ito ay naaayon sa New Government Procurement Act (Republic Act 12009), na may mandato na sa oras na i-blacklists ng implementing agency ang isang kontratista, ang PhilGEPS membership ay dapat na ipawalang-saysay o bawiin, epektibong idiskuwalipika ang kumpanya mula sa lahat ng government bidding activities.
Ang PhilGEPS ay pangunahing channel para sa government procurement transactions.
Nauna rito, nangako si Public Works Secretary Vince Dizon na idi-diskuwalipika ang mga kontratista na nasa likod ng substandard o non-existent flood control projects na nagkakahalaga ng milyong piso.
Sinabi naman ni PS-DBM Executive Director Genmaries “Gen” Entredicho-Caong na ang ahensiya ay nananatiling committed sa ‘transparency at accountability.’
Samantala, nagpulong sina Pangandaman at Dizon para rebisahin ang panukalang 2026 DPWH budget, bilang bahagi ng mas pinalawak na reporma na naglalayong ibalik ang public trust sa government spending.
(Daris Jose)

EO para sa flood works probe commission, nakahanda na para tintahan ng Pangulo- ES Bersamin

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKAHANDA na ang executive order (EO) na lilikha ng isang independent commission na magi-imbestiga sa di umano’y flood control projects.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang panukalang komisyon ay sumailalim sa “seryosong pag-aaral” at nakikita na makapagbibigay sa publiko ng kapani-paniwalang mekanismo para suriing mabuti ang mga iregularidad.
“We expect that in its final form, the executive order will be welcomed by the people because that is what we are doing, everything for the people,” ang sinabi ni Bersamin sa isang panayam sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Bersamin ukol sa independent commission.
Tumanggi naman si Bersamin na kumpirmahin kung pumayag si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magsilbi sa komisyon, sinabi na ang pagiging kasapi ng komisyon ay ‘prerogative’ ng Pangulo.
Samantala, paunang tututukan ng independent body ng mga kuwestiyonableng flood control projects, subalit nauna nang sinabi ng mga opisyal na palalawigin ang saklaw kabilang na ang infrastructure projects na pinuna ng publiko. (Daris Jose)

Hinarangan man ng sibat:  Budget ng OP, inaprubahan ng House Appropriations Committee

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAPRUBAHAN ng House Appropriations Committee ang P27.362-billion budget ng Office of the President, sa botong 56-5.
Ito’y sa kabila ng ginawang pagkontra ng ilang opposition lawmakers sa motion to terminate para sa pagdinig ng OP budget bilang paggalang sa “institutional and parliamentary courtesy.”
Para sa limang mambabatas mula sa minorya, dapat umanong hayaan ang pagbusisi sa pondo ng Office of the President dahil pera ito ng taumbayan. Si House Minority Leader and 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan first moved to terminate the proceedings out of tradition, “subject to the clarifications and questioning of the members of the House after the motion has been approved.”
Nauna rito, nagpahayag si Executive Secretary Lucas Bersamin na may ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagtangka na ibaling ang sisi sa executive branch ng kanilang pansariling korapsyon at pagkabigo.
Nilinaw pa ni Bersamin na ang pahayag niyang ito ay hindi para pahiyain at siraan ang Kongreso.
“Any part of that statement is our statement. We will not shirk from that or avoid the impact. But we would like to emphasize today that that statement was more to stress our institutional separation from the House of Representatives,” ayon kay Bersamin.
“We do not intend that to rile up the tension between our departments, and as we emphasized in our opening statements, we come here seeking your support for our institutional budget. There is nothing malicious intended or to malign the House of Representatives,” aniya pa rin.
Kinumpirma ni Bersamin na ginagawa na ng Office of the President ang executive order (EO) para sa paglikha ng independent body para imbestigahan ang maanomalyang flood control projects.
Ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., aniya ngayon ay nasa Cambodia subalit siniguro nito sa panel na mayroong developments sa oras na bumalik na ito ng bansa.
“The objective is to do as he had promised, to come out with an independent commission or body that would continue the inquiry into the issues that were raised in his SONA (State of the Nation Address), as well as in later statements that he made,” ayon kay Bersamin.
Aniya pa, hindi pangungunahan ng EO ang Kongreso sa pagsasagawa ng sarili nitong imbestigasyon, o hadlangan ang Kongreso mula sa pagpapalabas ng batas na lilikha ng independent investigation body.
Si Deputy Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy III ang gumawa ng ‘motion to terminate the proceedings.
“In line with the long-standing tradition of extending institutional courtesy to the Office of the President, I move to terminate the budget deliberations on the proposed budget of the Office of the President without prejudice to the Constitutional authority of Congress to review, amend or deny any item in the general appropriations bill,” anito.
Ang hakbang ay kagyat na sinegundahan at pinagbotohan.
 (Daris Jose)

PBBM walang pagsisisi na manungkulan bilang Pangulo ng bansa, tinawag itong ‘greatest privilege’

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagsisisi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naging Pangulo siya ng Pilipinas.

Sa katunayan, tinawag niya itong “greatest privilege” upang magawang aksyunan ang mga usapin at bunutin ang para sa kanya’y lantaran at malalim na pagkakaugat ng korapsyon sa bansa.

“No, not for one moment,” ang tugon ni Pangulong Marcos nang tanungin kung pinagsisisihan ba niya na maging Pangulo ng bansa sa isang exclusive interview ni Vicky Morales na inere sa “24 Oras Weekend” ng GMA, araw ng Linggo.

“I am given the opportunity to actually—the privilege, the opportunity, and the chance to actually do something. All of the things that I complained about all my life, now I can do something about it. And that is the greatest privilege that anyone can be granted, so no, I don’t regret it,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Inamin ng Pangulo na nagulat siya na ang korapsyon ay tila nagiging normal na, may ilang nagpapatuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects na iniuugnay sa ilang mambabatas.

“Nung ako ay governor, hindi ganito. At bukod pa sa laki ng halaga ng nakukuha ng kung sino-sino na tao na wala namang karapatan na bulsahin ang pera na ‘yan, bukod pa roon, ay hindi nila tinatago. Garapal na po,” ayon sa Pangulo.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Budget ang Management (DBM) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng sweeping review sa budget ng ahensiya para sa fiscal year 2026.

Ang direktiba ng pangulo ay bunsod sa isinawalat nina Deputy Speaker Ronaldo Puno at Marikina Representative Marcelino Teodoro na mayroong mga kwestiyonableng programa ang naisingit sa 2026 national budget.

Matatandaang sa pang-apat na State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong MArcos, sinabi nito na “Mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino.”

Ipinamukha ito ng Pangulo sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na nagnanakaw ng pondo na nakalaan para sa infrastructure projects, gaya ng flood control projects.

Nauna rito, inilunsad naman ni Pangulong Marcos ang “Sumbong sa Pangulo” website na maaaring magamit ng taumbayan upang direktang maiparating sa Pangulo ang sumbong sa mapapansin nilang kapalpakan sa nasabing proyekto.

“There’s hope. Have hope. We’ve seen all of what people are complaining about or having to live with,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Yung kailangan ninyong pagtiyagaan, pagtiisan na araw-araw niyong mga buhay, alam namin ‘yun. At lahat ng aming gawin na kayang gawin, ginagawa namin pero ‘yun na nga ‘yung na—babalik na naman ako doon sa nasabi ko kanina na ang lalim ng kalawang. Ang lalim ng bulok,” ang winika nito. (Daris Jose) 

Alex Eala naghahanda para sa torneo sa Brazil

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AGAD na sasabak sa torneo sa Brazil si Pinay tennis star Alex Eala mataposang unang titulo niya sa WTA 125.

Magtutungo ito sa Sao Paulo, Brazil para sa SP Open na magsisimula mula Setyembre 8 hanggang 14.

Sa nasabing torneo ay seeded number 3 ito at makakaharap niya ang qualifier sa Round of 32.

Habang seeded number 1 naman si Beatriz Haddad ng Brazil at seeded number 2 naman si Solana Sierra ng Argentina.

Maglalaro din sa Brazil sina Panna Udvardy ang nakaharap ni Eala sa Guadalajara 125 Open ganun din si Arianne Hartono ng the Netherlands.

Ang SP Open ay WTA 250 event na bahagi ng official WTA tour.

Trump personal na nanood ng US Open tennis

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na nanood ng finals ng US Open tennis si US President Donald Trump.

Bago ang pagsisimula ng laro ay kumaway pa ito sa mga naonood na mga fans.

Ang nasabing finals ay sa pagitan nina Jannik Sinner at Carlos Alcaraz.

Bago ang nasabing torneo ay pinaalalahanan ng US Tennis Association ang mga broadcasters na huwag ipakita ang reaksyon ng mga tao sa pagdating ni Trump.

Mayroong kasaysayan si Trump na dumadalo ito sa mga baseball games, UFC fights na nakakatanggap nito ng magkakahalong reaksyon.

Carlos Alcaraz nagkampeon sa US Open

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAMPEON si Carlos Alcaraz sa US Open matapos talunin si Jannik Sinner 6-2, 3-6, 6-1, 6-4 .

Ito na ang pangalawang panalo ng Spanish tennis player kay Sinner sa grand slam final at ang pangalawang major ngayong season.

Unang nagkampeon ang 22-anyos sa US Open noong 2022 at pang-anim na major championship nito.

Dahil sa panalo ay papalitan niya si Sinner sa unang puwesto sa men’s world ranking.

Idinawit din sina Rep. Zaldy Co at Speaker Romualdez… Discaya couple, isiniwalat ang mga Congressmen na kumokolekta sa kanila ng kickback  

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG sa pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee ng mag-asawang kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya ang umano’y malawakang katiwalian sa likod ng mga proyekto ng gobyerno, kung saan idinawit nila ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga mambabatas, kabilang sina Rep. Elizaldy Co at Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Sarah Discaya, nagsimula ang lahat nang manalo sa mga proyekto ang kanilang kompanyang St. Gerrard Construction sa pamamagitan ng patas na bidding.

Dahil dito, nagtatag pa sila ng karagdagang mga kumpanya. Ngunit kalaunan, aniya, nagsimulang lumapit sa kanila ang mga district engineers, regional directors ng DPWH, at mga chiefs of staff ng mga mambabatas, na nag-aalok ng proyekto kapalit ng pera.

“Noong nagsimulang makilala ang St. Gerrard Construction… unti-unti nang nagsilapitan ang mga opisyal at staff ng mga mambabatas na nagsasabing pondo raw ito ng mga kongresista,” pahayag ni Sarah.

Sinubukan umano nilang i-report ang mga insidente sa DPWH, ngunit hindi ito pinansin. Sa halip, sinabi sa kanila na kung nais nilang magpatuloy sa pagkuha ng proyekto, kailangan nilang magbigay ng porsyento sa mga mambabatas. Kung hindi, aalisin umano sila sa listahan ng mga kwalipikadong kontratista.

“Hindi namin ginusto kailanman na mapasama sa ganitong sistema, pero kailangan naming magpatuloy para sa pamilya at mga empleyado namin,” dagdag ni Sarah.

Ibinunyag din ni Curlee Discaya na matapos manalo sa bidding, may mga opisyal ng DPWH na lumalapit upang humingi ng 10% hanggang 25% na bahagi sa proyekto, bilang kondisyon para hindi maipit ang implementasyon.

Pinangalanan ng Discaya couple ang mga sumusunod na opisyal at mambabatas na umano’y sangkot sa anomalya:

Terrence Calatrava
Roman Romulo
Jojo Ang
Patrick Michael Vargas
Arjo Atayde
Nicanor Briones
Marcelino Teodoro
Florida Robes
Eleandro Jesus Madrona
Benjamin Agarao Jr.
Florencio Gabriel Noel
Leody “Odie” Tarriela
Marvin Rillo
Reynante Arrogancia
Teodoro Haresco
Antonieta Eudela
Dean Asistio
Marivic Co Pilar

Ayon kay Curlee, ang mga kinatawan ng mga mambabatas ay personal na nakipag-ugnayan sa kanila upang kunin ang sinasabing kickback.

Binanggit din niya na karaniwang sinasabi ng mga DPWH personnel na ang pera ay para kay Zaldy Co, at dapat ay hindi bababa sa 25%.

Nagpahayag ang Discaya couple ng kahandaang magsilbing state witnesses upang ilantad ang umano’y sabwatan sa pagitan ng mga mambabatas, ahensya ng gobyerno, at mga tauhan nito.

Nanawagan din sila ng proteksyon mula kay Sen. Rodante Marcoleta at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa banta sa kanilang kaligtasan. Giit pa ni Curlee, wala silang ghost projects, at ang lahat ng kanilang kontrata ay may aktwal na implementasyon.

Sa ngayon, patuloy pang hinihintay ang opisyal na pahayag mula sa panig nina Romualdez at Co, pati na ng iba pang isinasangkot sa alegasyon. (Daris Jose)

hindi lang flood control projects, maging ang infra projects: ‘Sumbong sa Pangulo’, may 12,000 reklamo na- PBBM

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa 12,000 ang reklamo mula sa mga filipino na nakahain sa “Sumbong sa Pangulo” website.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pinakabagong episode na BBM Podcast na in-ere araw ng Linggo, na hindi lamang corruption-riddled flood control projects ang isinusumbong ng publiko kundi maging ang infrastructure projects.

“Since we created the website, we have 12,000-plus already reports that are coming in,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“And these reports are not only flood control projects. There were also reports about road paving, road widening. We are receiving so many reports,” dagdag na wika nito.

Ang mga concerned citizens ay naghain ng kanilang reklamo sa pamamagitan ng https://sumbongsapangulo.phhttps://sumbongsapangulo.ph/, online channel ng Malakanyang para sa pagsusumbong ng direkta kay Pangulong Marcos ng mga corruption cases, simula nang ilunsad ito noong Aug. 11.

“We started talking only about flood control projects. But of course, the Filipinos now have a line of communication to submit their complaints. They’re using it well and the platform has been very effective,” ang sinabi ng Pangulo.

Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na patuloy na gamitin ang website at magsumite ng mas marami pang reports at reklamo ng korapsyon sa kanya.

“I encourage everyone: if you have complaints, just send your reports,” anito.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na personal niyang itse-check ang reports na isinumite ng publiko sa online platform.

Matatandaang, binigyang diin ng Punng Ehekutibo ang kahalagahan ng public feedback sa kanyang pinakabagong anti-corruption campaign.

“We cannot do all of this without the help of the ordinary citizen. We need the citizens to play their part, their civic duty to report to the government what they see as being wrong,” aniya pa rin.

Samantala, inamin ng Pangulo na hindi makakaya ng mga tauhan ng mga ahensiya ng pamahalaan na i-physically check ang bawat sa isa mahigit na 10,000 flood mitigation projects sa bansa.

PBBM, nakipagpulong sa mga pinoy sa Cambodia; nangako ng proteksyon, suporta

Posted on: September 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG unang agenda sa kanyang three-day official state visit sa Cambodia ay nakapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang daan-daang miyembro ng Filipino community.

Sa pagsasalita sa 550 miyembro ng Filipino community sa Phnom Penh, nangako ang Pangulo na palalakasin ang proteksyon ng mga migrant workers sa Cambodia.

Ipagpapatuloy aniya niya na talakayin sa Cambodia na palakasin ang ‘appropriate protection’ para sa mga migrant workers.

Tinuran pa niya na hihikayatin niya ang mga business leaders na mamuhunan sa Pilipinas para sa paglago ng ekonomiya.

“Tayo ay nakikipagtulungan sa Cambodia upang sama-samang lumago ang ating ekonomiya.Hihikayatin natin ang kanilang mga negosyante na maging masigasig sa pag-invest at pagnenegosyo sa mga kompanyang Pilipino upang naman ay patuloy na yumabong ang ating ekonomiya,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Inatasan naman ng Pangulo si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na magbukas ng Migrant Workers Office sa Cambodia, kung saan maaaring mag-report ang mga filipino ng kanilang mga hinaing.

“Above all, we will continue to discuss in Cambodia the strengthening of appropriate protection and welfare of migrant workers,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“That is why I have tasked Secretary [Hans Leo] Cacdac to open a Migrant Workers Office here in Phnom Penh. This will be done as soon as possible to support our Embassy in advancing your welfare and defending your rights,” aniya pa rin.

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga filipino sa Cambodia at maging sa ibang bahagi ng mundo dahil kinakatawan ng mga ito ang mga filipino sa global scale.

“You represent so powerfully a premium, world-class Filipino brand that embodies heroism,” aniya.

“Hindi lamang kayo bayani ng inyong mga pamilya. Kayo rin ay bayani ng kapos-palad dito sa Cambodia na binabahagian ninyo ng mga bunga ng sarili ninyong paghihirap,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Maliban kay Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, kabilang din sa Philippine delegation sina Cacdac, Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque, Commission on Higher Education Chair Shirley Agrupis, at Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez.

Tinatayang may 10,000 Filipino ang naninirahan sa Cambodia, karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho sa larangan ng edukasyon at serbisyo.