PAGKATAPOS nang mahaba-haba rin na ispekulasyon, may kasamang pagde-deny, naglabas na ng official statement ang parehong management nina Gerald Anderson at Julia Barretto.Kumpirmado, break o hiwalay na nga sina Julia at Gerald. Wala silang ibinigay na dahilan ng break-up, maliban sa diumano’y mutual na desisyon daw ng dalawa.
As per Gerald management, “Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship.
“We request the public to respect their decision and refrain from false narratives.
“Gerald and Julia are grateful for their fans and friends for their love and support.”
Well, hindi na kami nagulat na ito rin ang ending. Their social media and silence speaks loudly.
Aabangan ngayon kung may katotohanan ang lumalabas na balitang si Gerald ay may Vanie Gandler, isang volleyball player at si Julia naman daw, may Lucas Lorenzo, ang mula sa mayamang pamilya at kapatid ng asawa ng sister niya na si Claudia Barretto.
***
MAGBABALIK ang Sing Videoke Kantawanan show ng mga sikat na “Sing Galing: Sing-lebrity Edition!”
Simula September 27, 48 na Sing-lebrities ang maglalaban-laban para sa kani-kanilang “bidaficiaries” at para tanghaling susunod na Ultimate Bida-oke Sing-lebrity.
Nagbabalik para maging Sing Masters ng “Sing Galing: Sing-lebrity Edition” ang comedienne-host at ang ating Biritera Beshie na si Donita Nose, kasama ang Ultimate Entertainer na si K Brosas, at veteran singer-host, “Mr. Private Eyes,” Mr. Randy Santiago.
Para naman sa matindihang pilian ng mga magwawaging sikat, magbabalik ang mga minahal nating Jukebosses na huhusga sa mga pa-sing-lab na performances ng ating Sing-lebrities.
Pangungunahan ‘yan ng OPM legend at Sing-nior Hitmaker na si Rey Valera, kasama ang iba pang kilalang icons sa kantahan kabilang ang original Kilabot ng Kolehiyala at Chief Sing-patiko, Ariel Rivera, Diamond Soul Siren Nina, Soul Icon Ella May Saison, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting, at ang first-ever Sing Galing grand champion na si Ethel Booba.
Kasama ring nagbabalik ang isa pang kikilatis sa pag-awit ng ating sing-lebrities, ang nag-iisa at walang kaparis na si Genie!
Para sa ikalawang edisyon ng “Sing Galing: Sing-lebrity Edition,” 48 celebrities na galing sa iba’t ibang larangan ang magpapa-sing-kat.
Kabilang na rito ang mga primera klaseng aktor at aktres tulad nina Romnick Sarmenta, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Meryll Soriano, Carmi Martin, Valerie Concepcion, Bobby Andrews, Jay Manalo, Luis Alandy, at Gio Alvarez.
Si Rufa Mae Quinto ang sasabak sa pilot.
(ROSE GARCIA)
