• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming dapat abangan sa repeat concert: ICE, sobrang excited na muli silang magkakasama ng ’sessionistas’

KATULAD ng pre-Valentine concert na Love, Sess10nistas na noong Pebrero 8, 2025 at naulit noong Abril 4 sa The Theatre at Solaire, Parañaque City, na parehong nag-sold out, mukhang ganito rin ang mangyayari sa Oktubre 18.
Muli ngang magsasama-sama sina Ice Seguerra, Juris, Nyoy Volante, Sitti, Kean Cipriano, Princess Velasco, at Duncan Ramos para sa Love, Sess10nistas: The Repeat.
At dahil malapit na itong ma-sold out, lalo na yung SSVIP at SVIP, nagdagdag pa ng more seats para sa gusto pang humabol.
Kaya naman tuwang-tuwa sila lalo na si Ice, na katatapos lang sa successful 2-night concert na ‘Being Ice LIVE!’, sa suporta ng kanilang mga tagahanga fans, “Sobrang excited kami. Kasi, honestly, just the fact na magkakasama lang kami, masaya na kami, e.
“Pero ito, since nagagawa pa namin yung sobrang mahal namin na ginagawa, which is pagkanta, tapos nakikita pa namin na yung mga taong nanonood sa amin ay hindi lang nag-e-enjoy pero bumabalik at bumabalik sila.
“Sobrang nakakataba siya ng puso. Kasi, I mean kumbaga matagal na ring — before this concert — wala nang Sessionistas, di ba?
“So, ilang years na rin iyon na wala kaming something na ginagawa together. So it just feels so good na after a long time, after ten years… kahit noong pagbalik namin, andun pa rin.
“Ramdam na ramdam mo pa rin yung pagkasabik nila. So, ansarap lang sa pakiramdam.
“Kasi, kung gaano kami kasabik mag-perform as a group, ganun din sila kasabik sa amin.”
At sa kanilang ikatlong pagtatanghal, makakasiguro na maraming new songs and production numbers na mae-expect sa Love, Sessionistas: The Repeat.
Hirit nga ni Nyoy, posibleng sasayaw na this time si Kean.
Kaabang-abang pa rin ang “Unreleased” segment ng concert at ang “Dear Sessionistas” na kung saan pipili sila ng letter senders at lalapatan ng angkop na awaiting.
Sigurado rin na pagbibigyan nila ang request lalo na nga mga kabataang manonood na kakantahin nila ang “Golden” at “Soda Pop” mula sa most watched Netflix film na K- K-Pop Demon Hunters.
Kaya get your tickets now bago tuluyang mag-sold our sa TicketWorld: https://bit.ly/LoveSessionistasTheRepeat
Mag-message din sa Fire and Ice LIVE! on Viber: (0917) 877 1758
(ROHN ROMULO)