• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 
Home Editorial Classified Ads Contributors Libangan Showbiz Sports
  • Home
  • Editorial
  • Classified Ads
  • Contributors
  • Libangan
  • Showbiz
  • Sports

Archive for May 1st, 2025

« Older Entries

Ads May 1, 2025

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAYO UNO KILOS PROTESTA, HANDA ANG MPD

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANDA na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa inaasahang malaking kilos protesta ngayong Labor Day o Mayo Uno.
Sa panayam kay MPD Director P/Brig.General Benigno Guzman, mahigit kumulang 3,000 kapulisan ang kanilang idedeploy sa mga lugar na maaaring pagdausan ng protesta ng mga militate at iba pang grupo sa pribado at pampublikong sektor.
Ayon kay Guzman, kabilang sa mga lugar na maaring pagdausan ng programa ng mga rallyista ay ang Liwasang Bonifacio, Mendiola, Plaza Miranda .
Magde-deploy din ng tauhan sa labas ng tanggapan ng Department of Labor of Employment (DOLE) dahil inaasahan din na may susugod rito para manawagan.
“Yung DOLE meron din tayo (deployment) diyan dahil Labor Day nga, posibleng meron ding magtutngo duon paar magprotesta”, sinabi ni Guzman.
Ayon kay Guzman, ito ay upang matiyak ang kaayusan, kapayapaan at seguridad sa pagdiriwang ng Labor Day.
 (Gene Adsuara)

Last year pa yun pero ‘di naman lumaki ang tiyan:  KATE, mabilis na sinagot ang kumalat na balitang buntis 

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGKAROON ng timeout sa kanyang sunud-sunod na trabaho ang Sparkle hunk na si Jay Ortega.
Binisita ni Jay ang isla ng Siargao para sa isang maikling bakasyon. Nag-share ito ng ilang pictures sa kanyang Instagram account.
Dahil first timer sa isla, sinubukan ni Jay ang ilang mga kainan sa Siargao, nag-wind down habang nagbabasa ng libro at nagkakape, lumangoy sa beach at sa isang fresh water lagoon, at nag-wine pa sa tabing-dagat.
Naglaro rin siya ng basketball kasama ang ilang mga turista at locals doon, nag-motorsiklo para makalibot, at bumisita pa sa isang tattoo shop.
Kinilig kay Jay ang ilang locals sa Siargao dahil kilala nila siya sa pagganap niya bilang Japanese soldier sa epic-serye ng GMA na Pulang Araw. Ngayon ay napapanood siya sa murder-mystery series na SLAY.
***
MABILIS na sinagot ni Kate Valdez ang kumalat na balitang buntis daw siya.
Nagsimula raw ang chismis sa TikTok videos nila ng boyfriend niyang si Fumiya Sankai. Napansin daw netizens na lumalalad daw ang balakang nito kaya in-assume na buntis ang Sparkle actress.
Sa isang joint post, sinagot nila Kate and Fumiya ang tungkol sa buntis issue.
“Last year pa ‘yan ah! Kaloka kayo. Eh ‘di bulok na ‘yung bata sa tiyan ko mga buang kayo,” natatawang sagot ni Kate.
Sa tanong na kung bakit hindi pinapakita ang katawan ni Kate sa video, heto ang natatawang sagot ng aktres:  “Kailangan ba? Di ako na-inform.”
After na sagutin ni Kate ang mga tanong, patuloy lang daw sila ni Fumiya na mag-spread ng kilig at fun vibes on TikTok.
Noong August 2024 unang lumabas ang balitang nagde-date ang dalawa. Nag-celebrate si Kate ng kanyang birthday with Fumiya sa Hong Kong Disneyland. Since then, nagkaroon na sila ng fan base sa TikTok.
Kate described the Japanese singer as a “blessing” and a “beautiful soul.”
***
SA pag-attend ni Meghan Markle sa TIME100 Summit in New York City kamakailan, nai-share niya kay Time CEO Jessica Sibley na kakaiba raw ang happiness niya ngayon with husband, Prince William.
“I’m the happiest I’ve ever been. To have a partner and a husband who is just so supportive and to have healthy kids that are so joyful in the freeness of their life and the safety of their life that we create for them… I never would have imagined at this point I would feel so happy and grateful, and I really do,” sey ng Duchess of Sussex.
Kahit daw dumaan sa countless rumors ang marriage nila ni William, nanatili raw silang matatag sa mga dumating na pagsubok sa pagsasama nila.
“We made a very, very conscious effort to create boundaries for ourselves and for our mental health, for our well-being and certainly to role model that as well for our children.”
Napapanood si Meghan sa Netflix series na With Love, Meghan.
(RUEL J. MENDOZA)

Binaril ang 89-anyos na biktima… PTFoMS kinondena pagpatay sa beteranong mamahayag sa Aklan

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARIING kinondena ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS ang pagpatay sa beteranong mamahayag na si Juan “Johnny” Dayang, na kasalukuyang President Emeritus ng Publishers Association of the Philippines.
Nangyari ang insidente dakong alas-8 ng gabi ng Abril 29, 2025 sa bahay nito sa Barangay Andagao, Kalibo, Aklan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima ng biglang pasukin ito ng hindi kilalang mga supsek.
Nagtamo dalawang tama sa likod nito ang 89-anyos na biktima.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Jose Torres Jr. mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang task force sa mga kaukulang ahensya para sa imbestigasyon ng kaso at matukoy ang salarin.
Hinimok naman ng task force ang publiko na manatiling mapagmatyag at suportahan ang mga pagsusumikap ng pamahalaan na itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag at pangalagaan ang mga mamamahayag sa Pilipinas.
Kaisa rin aniya ang PTFOMS ng buong media community sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Dayang, na isang haligi at may malaking kontribusyon sa malayang pamamahayag sa bansa.
(Daris Jose)

Very rare sa mga lalaki na pumapayag sa procedure: DREW, pinahanga ang netizens sa pagpapa-vasectomy

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAHANGA ni Drew Arellano ang mga netizen.
Aba naman, oo nga meron naman talagang vasectomy o yung tinatawag na paraan para hindi na makapag-produce ng anak ang isang anak ang lalaki. Pero balita ko, reversible naman daw.
Base sa AI Overview, ang vasectomy is a surgical procedure performed on men to prevent pregnancy by cutting and sealing the tubes (vas deferens) that carry sperm.
It is a form of permanent male sterilization and highly effective at preventing pregnancy. The procedure is typically done in a doctor’s office and involves local anesthesia
Bakit nga ba hindi mapapahanga kay Drew ang netizens, very rare, lalo na sa mga lalaki na pumapayag gawin ito.
Usually kasi, mga babae talaga ang karaniwalang nagpapa-ligate. Ang alam namin, lima na ang anak nina Drew at Iya. Nagpa-ligate na rin si Iya nang manganak sa bunso nila. Pero siguro, to be fair, ginawa na rin ni Drew.
Nag-post si Drew ng larawan niya na nakasuot na ng hospital gown at nag-caption na, “Happy late and advanced Mother’s Day to my wife. At sinundan ng Happy Vasectomy.
Napapa-sana all naman ang mga netizen na sana raw lahat ng hubby ay kagaya ni Drew.

 

***
“Baka sa susunod nyan ipapatay nyo ko ah”… 
ANGELIKA, nag-react sa isinampa na kasong plunder

 

ANYARE?

 

Aba, ang tindi ng kasong kinakaharap ngayon ng actress na si Angelika dela Cruz, 3-terms Barangay Chairwoman ng Longos, Malabon.
Parang damay rin ang kanyang kapatid na si Eric dela Cruz.
Sinampahan si Angelika ng kasong  plunder o pandarambong ng halagang P70 million mula sa kaban ng Barangay Longos. Hiwalay pa rito ang 62 counts of malversation of public funds, 18 counts of failure to render accounts, illegal use of public at 64 counts ng anti-graft and corrupt practices.
Sa kasalukuyan, tumatakbo itong Vice Mayor ng Malabon.  So, ito ba ay para lang masira ang kanyang reputasyon?
Hindi pa namin nakakausap ng personal si Angelika. Pero sa kanyang Facebook page, kasabay ng paglabas ng balita ay may naging status siya na, “Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila haaayyy baka sa susunod nyan ipapatay nyo ko ah.”
(ROSE GARCIA)

CATCH SNEAK PREVIEWS OF “FINAL DESTINATION BLOODLINES” ON MAY 9 AND 10, FIVE DAYS BEFORE IT OPENS WIDE IN CINEMAS MAY 14

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Photo courtesy of Warner Bros. Pictures
“Final Destination” fans eagerly anticipating the latest movie in the horror series are in for a treat: sneak previews for “Final Destination Bloodlines” are available on May 9 and 10, five days before the newest chapter in the bloody successful horror franchise opens wide in cinemas on May 14.
Book your tickets here: https://www.finaldestinationbloodlines.com.ph/
Starring part-Filipina actor Kaitlyn Santa Juana, “Final Destination Bloodlines” takes audiences back to the very beginning of Death’s twisted sense of justice. Plagued by a violent recurring nightmare, college student Stefanie (Santa Juana) heads home to track down the one person who might be able to break the cycle and save her family from the grisly demise that inevitably awaits them all. The movie also stars Filipino-American Teo Briones (son of Jon Jon Briones, “Ratched,” and brother of Isa Briones, “The Pitt”), Richard Harmon, Owen Patrick Joyner, Anna Lore, Rya Kihlstedt, with Brec Bassinger and the late Tony Todd.
This year’s release of “Bloodlines” is even more hotly anticipated by fans as the “Final Destination” franchise celebrates its 25th anniversary. Within 24 hours after the official trailer was released on March 25, the video received over 25 million views.

Watch the trailer: https://youtu.be/yqmM8CK25lU
And check out the new posters below:
Photo courtesy of Warner Bros. Pictures
Photo courtesy of Warner Bros. Pictures
Photo courtesy of Warner Bros. Pictures
Photo courtesy of Warner Bros. Pictures
About “Final Destination Bloodlines”
The newest chapter in New Line Cinema’s bloody successful franchise takes audiences back to the very beginning of Death’s twisted sense of justice – “Final Destination Bloodlines.”
Plagued by a violent recurring nightmare, college student Stefanie heads home to track down the one person who might be able to break the cycle and save her family from the grisly demise that inevitably awaits them all.
“Final Destination Bloodlines” stars Kaitlyn Santa Juana, Teo Briones, Richard Harmon, Owen Patrick Joyner, Anna Lore, Rya Kihlstedt, with Brec Bassinger, and Tony Todd.
The film is directed by Adam Stein & Zach Lipovsky. The screenplay is by Guy Busick & Lori Evans Taylor, and story is by Jon Watts and Guy Busick & Lori Evans Taylor. It is based on characters created by Jeffrey Reddick.
“Final Destination Bloodlines” is produced by Craig Perry, Sheila Hanahan Taylor, Jon Watts, Dianne McGunigle and Toby Emmerich. The executive producers are David Siegel and Warren Zide. The behind-the-camera talent includes director of photography Christian Sebaldt and production designer Rachel O’Toole. The film is edited by Sabrina Pitre. The music is by Tim Wynn. The costumes are designed by Michelle Hunter. The casting is by Rich Delia.
New Line Cinema presents A Practical Pictures / Freshman Year / Fireside Films Production: “Final Destination Bloodlines.” The film will be distributed in theaters and IMAX worldwide by Warner Bros. Pictures, in theaters only nationwide on May 16, 2025, and internationally beginning on 14 May 2025.
Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

(ROHN ROMULO)

Pagpatay sa Party List Nominee, kinondena ng Comelec

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KINONDENA  ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpatay sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list nominee na si Leninsky Bacud noong Lunes sa Sampaloc,Maynila.
“We condemn to the strongest possile terms these killings as it is the ballots thaht should reign in a democracy , not bullets”, pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa isang panayam.
Sinabi ni Garcia na igalang natin ang buhay at walang dapat mawalan ng buhay dahil lang sa eleksyon.
Ayon pa kay Garcia na nakatanggap sila ng imporamsyon hinggil sa internal dispute sa ABP party-list kung saan mayroong dalawang set ng mga nominado ang inihain ng grupo para sa May 12 midterm elections.
Aniya, isang katotohanan lamang na kinakaharap ng nasabing party-list, isang intra-party dispute.
Samantala, inatasan ni Manila Mayor Honey Lacuna si Manila Police District (MPD) Director Brig.Gen. Benigno Guzman na pakilusin ang lahat ng magagamit na resources at pamunuan ang isang masinsinan, walang kinikilingan at walang humpay na imbestigasyon sa pagpatay at tiyakin ang kaligtasan ng pamilya ni Bacud,gayunin ang anumang posibleng saksi sa krimen. (Gene Adsuara)

MRT 3, LRT 1 and 2 libreng sakay mula April 30, May 1, Araw ng Paggawa hanggang May 3

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LIBRENG sakay ang handog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng mga mananakay ng MRT 3, LRT 1 and 2. sa darating na May 1, Araw ng Paggawa.
Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang magbigay ng kaunting parangal sa mga manggagawa sa Araw ng Paggawa.
“Nais kong sabihin sa lahat ng ating mga commuter ay inutos ko na para magbigay ng ating kaunting parangal sa ating mga manggagawa dito sa ngayon nasa – kasama sa Labor Day Celebration ay maging libre ang sakay sa MRT 3, LRT 1 and 2,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ito aniya ay mula April 30 hanggang May 3.
“Ito ay bilang kaunting pagkilala sa sakripisyo at ang kontribusyon ng ating mga manggagawa hindi lamang sa ating ekonomiya kundi sa ating lipunan. Happy Labor Day!,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

‘Oplan Horus’ hoax pinaiimbestigahan, pinakakasuhan sa NBI

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL na hiniling ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalim at malawakang imbestigasyon sa source at distribution network ng pinekeng dokumentong may lebelong “Oplan Horus.” nnSa liham na may petsang Abril 23, 2025, na naka-address kay NBI Director Jaime Santiago, nagpahayag ng matinding pangamba si Lakas-CMD Executive Director Anna Capella Velasco kaugnay sa “malicious and falsified” nature ng kumakalat na materyales.nnAng gawa-gawa umanong dokumento na may label na Oplan Horus, ay isinasangkot si House Majority Leader Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe at may kasama pang pinekeng pirma.nn“This manufactured document was published in The Manila Times on 23 April 2025 and has since been widely disseminated on multiple social media platforms. It has caused significant reputational damage not only to the Office of the Majority Leader, but also to the House of Representatives and the Lakas-Christian Muslim Democrats,” ani Velasco. nnIginiit ni Velasco na ang naturang dokumento ay malinaw umanong “fraudulent and contains a forged signature purporting to be that of Rep. Dalipe.” nnMariin naman aniyang itinanggi ng House Majority Leader na may kinalaman siya sa naturang dokumento.nnNanawagan din ang partido sa NBI na imbestigahan ang pinanggalingan ng dionoktor na dokumento at magsampa ng kaso laban sa mga sangkot dito.nn“In light of this, we respectfully request… a full investigation to identify the individuals or groups responsible for the creation and distribution of the fabricated ‘Oplan Horus’ document,” nakasaad sa liham. (Vina de Guzman)

LENTE at COMELEC nagsagawa ng Voters Education Seminar sa Bilibid

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGKASA ang Commission on Elections (COMELEC) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ng voter’s education seminar para sa 500 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison noong Abril 28.nnMay temang “PDL: Pantay Dapat Lahat” sa Inmate Visitation Services Unit ng Maximum Security Camp ang ginanap na programa.nnAyon kay LENTE Executive Director Atty. Ona Caritos at COMELEC Muntinlupa Election Officer Atty. Kimberly Joy Alzate-Cu, layon ng voter education sa mga PDL na bigyan sila ng kaalaman ukol sa kanilang karapatang bumoto at sa kahalagahan ng partisipasyon sa halalan.nnLayunin nitong bigyang-kaalaman ang mga PDL tungkol sa kanilang karapatang bumoto at sa kahalagahan ng partisipasyon sa halalan.nnMahalaga na malaman ng bawat Pilipino kabilang ang mga bilanggo na may karapatan silang bumoto, ayon pa sa LENTE at Comelec.nnSa nasabing programa, tinalakay din ang proseso ng pagboto at kung paano ito nakaapekto sa kanilang kinabukasan.nnBahagi ito ng mas malawak na kampanya ng Comelec at LENTE upang tiyaking walang Pilipinong maiiwan sa demokratikong proseso. (Gene Adsuara)

« Older Entries

Archives

  • September 2026
  • August 2026
  • July 2026
  • June 2026
  • May 2026
  • April 2026
  • March 2026
  • February 2026
  • January 2026
  • December 2025
  • November 2025
  • October 2025
  • September 2025
  • August 2025
  • July 2025
  • June 2025
  • May 2025
  • April 2025
  • March 2025
  • February 2025
  • January 2025
  • December 2024
  • November 2024
  • October 2024
  • September 2024
  • August 2024
  • July 2024
  • June 2024
  • May 2024
  • April 2024
  • March 2024
  • February 2024
  • January 2024
  • December 2023
  • November 2023
  • October 2023
  • September 2023
  • August 2023
  • July 2023
  • June 2023
  • May 2023
  • April 2023
  • March 2023
  • February 2023
  • January 2023
  • December 2022
  • November 2022
  • October 2022
  • September 2022
  • August 2022
  • July 2022
  • June 2022
  • May 2022
  • April 2022
  • March 2022
  • February 2022
  • January 2022
  • December 2021
  • November 2021
  • October 2021
  • September 2021
  • August 2021
  • July 2021
  • June 2021
  • May 2021
  • April 2021
  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • August 2020
  • July 2020
  • June 2020
  • March 2020
  • February 2020
  • January 2020

Recent Posts

  • Palengke sa Valenzuela, tinupok ng apoy
  • Ads September 23, 2026
  • Tapat na paglilingkod ng mga Barangay officials ng QC panawagan ni House Speaker na ipagpatuloy
  • SEC: VP Sara, 4 taon sa board ng private firm habang VP
  • Nationwide transport strike, isasagawa habang sumisipa ang presyo ng krudo

Recent Comments

    People's Balita.
    All rights reserved. © Copyright 2026.
    • Home
    • Rates
    • About
    • Contact