• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 1st, 2025

Bagong PCO accreditation rules para sa Palace media, ipinagpaliban

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGPALIBAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang implementasyon ng bago nitong guidelines para sa mga miyembro ng media na nagko-cover sa Pangulo sa gitna ng mga tanong ng Malacanang Press Corps (MPC).nn”Pending the revision of its guidelines, the PCO agreed to defer the submission period of the accreditation requirements, which was supposed to take place from April 29 to May 2,” ang nakasaad sa kalatas ng mga MPC officer.nnAng magkabilang panig ay nagpulong, kung saan ayon sa mga opisyal ng MPC, tila ”to limit the autonomy of newsrooms in choosing the reporters they will assign to the beat.” nnSa nasabing pagpupulong, ipinunto ng mga opisyal ng MPC na may ilang probisyon ang guidelines, kabilang na ang five-year minimum requirement na existence para sa media entities at government coverage para sa mga reporters, ay makaaapekto sa status ng mga bagong media entities at sa deployment ng karamihan ay mga batang tauhan.nnTinukoy din ng mga opisyal ng MPC ang pangangailangan na linawin ang mga malabong mga termino gaya ng “false reporting,” isa sa mga grounds para sa pagpapawalang bisa ng akreditasyon, upang matiyak na hindi ito basta-basta magagamit.nnSa kabilang dako, bukas naman si PCO Secretary Jaybee Ruiz sa mga suhestiyon ng MPC subalit iginiit na magpapatupad ng mas mahigpit na accreditation rules and requirements upang masiguro na mapananatili ang Malakanyang bilang prime beat.nnHiniling naman ni Ruiz at iba pang opisyal ng PCO sa MPC na magsumite ng position paper ukol sa accreditation rules upang sa gayon ay maaari silang magabayan sa paglikha ng mas malinaw at mas katanggap-tanggap na hanay ng mga alituntunin.nnSamantala, tatapusin naman ng mga opisyal ng MPC ang position paper at isusumite ito sa PCO, araw ng Biyernes.nnNangako naman ang mga opisyal ng MPC na patuloy na ”vigorously promote the interests of its members, contribute to the strengthening of self-regulation among media groups and stand by efforts promoting independent, critical and ethical reporting.” ( Daris Jose)

Isko Moreno, lamang pa rin ayon sa survey sa pagka- Mayor sa Maynila

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATATAG pa rin ang lamang ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa karera sa pagka-alkalde ng Maynila, base sa pinakabagong survey ng OCTA Research.nnSa survey na isinagawa noong Abril 20 hanggang 23, nakakuha si Domagoso ng 63% voter preference, malayo sa 18% ni Mayor Honey Lacuna at 16% ni Rep. Sam Versoza.nnAyon sa OCTA, kahit pagsamahin ang boto nina Lacuna at Versoza, hindi pa rin nito matatalo ang suportang tinatamasa ni Isko sa lahat ng anim na distrito ng lungsod.nnBilang bahagi ng kanyang kampanya, nangako si Domagoso na ibabalik ang kalinisan, kaayusan, at disiplina sa Maynila. (Gene Adsuara)