Very rare sa mga lalaki na pumapayag sa procedure: DREW, pinahanga ang netizens sa pagpapa-vasectomy
- Published on May 1, 2025
- by @peoplesbalita
PINAHANGA ni Drew Arellano ang mga netizen.Aba naman, oo nga meron naman talagang vasectomy o yung tinatawag na paraan para hindi na makapag-produce ng anak ang isang anak ang lalaki. Pero balita ko, reversible naman daw.Base sa AI Overview, ang vasectomy is a surgical procedure performed on men to prevent pregnancy by cutting and sealing the tubes (vas deferens) that carry sperm.It is a form of permanent male sterilization and highly effective at preventing pregnancy. The procedure is typically done in a doctor’s office and involves local anesthesiaBakit nga ba hindi mapapahanga kay Drew ang netizens, very rare, lalo na sa mga lalaki na pumapayag gawin ito.Usually kasi, mga babae talaga ang karaniwalang nagpapa-ligate. Ang alam namin, lima na ang anak nina Drew at Iya. Nagpa-ligate na rin si Iya nang manganak sa bunso nila. Pero siguro, to be fair, ginawa na rin ni Drew.Nag-post si Drew ng larawan niya na nakasuot na ng hospital gown at nag-caption na, “Happy late and advanced Mother’s Day to my wife. At sinundan ng Happy Vasectomy.Napapa-sana all naman ang mga netizen na sana raw lahat ng hubby ay kagaya ni Drew.
***
“Baka sa susunod nyan ipapatay nyo ko ah”…ANGELIKA, nag-react sa isinampa na kasong plunder
ANYARE?
Aba, ang tindi ng kasong kinakaharap ngayon ng actress na si Angelika dela Cruz, 3-terms Barangay Chairwoman ng Longos, Malabon.Parang damay rin ang kanyang kapatid na si Eric dela Cruz.Sinampahan si Angelika ng kasong plunder o pandarambong ng halagang P70 million mula sa kaban ng Barangay Longos. Hiwalay pa rito ang 62 counts of malversation of public funds, 18 counts of failure to render accounts, illegal use of public at 64 counts ng anti-graft and corrupt practices.Sa kasalukuyan, tumatakbo itong Vice Mayor ng Malabon. So, ito ba ay para lang masira ang kanyang reputasyon?Hindi pa namin nakakausap ng personal si Angelika. Pero sa kanyang Facebook page, kasabay ng paglabas ng balita ay may naging status siya na, “Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila haaayyy baka sa susunod nyan ipapatay nyo ko ah.”(ROSE GARCIA)