NAGKAROON ng timeout sa kanyang sunud-sunod na trabaho ang Sparkle hunk na si Jay Ortega.
Binisita ni Jay ang isla ng Siargao para sa isang maikling bakasyon. Nag-share ito ng ilang pictures sa kanyang Instagram account.
Dahil first timer sa isla, sinubukan ni Jay ang ilang mga kainan sa Siargao, nag-wind down habang nagbabasa ng libro at nagkakape, lumangoy sa beach at sa isang fresh water lagoon, at nag-wine pa sa tabing-dagat.
Naglaro rin siya ng basketball kasama ang ilang mga turista at locals doon, nag-motorsiklo para makalibot, at bumisita pa sa isang tattoo shop.
Kinilig kay Jay ang ilang locals sa Siargao dahil kilala nila siya sa pagganap niya bilang Japanese soldier sa epic-serye ng GMA na Pulang Araw. Ngayon ay napapanood siya sa murder-mystery series na SLAY.
***
MABILIS na sinagot ni Kate Valdez ang kumalat na balitang buntis daw siya.
Nagsimula raw ang chismis sa TikTok videos nila ng boyfriend niyang si Fumiya Sankai. Napansin daw netizens na lumalalad daw ang balakang nito kaya in-assume na buntis ang Sparkle actress.
Sa isang joint post, sinagot nila Kate and Fumiya ang tungkol sa buntis issue.
“Last year pa ‘yan ah! Kaloka kayo. Eh ‘di bulok na ‘yung bata sa tiyan ko mga buang kayo,” natatawang sagot ni Kate.
Sa tanong na kung bakit hindi pinapakita ang katawan ni Kate sa video, heto ang natatawang sagot ng aktres: “Kailangan ba? Di ako na-inform.”
After na sagutin ni Kate ang mga tanong, patuloy lang daw sila ni Fumiya na mag-spread ng kilig at fun vibes on TikTok.
Noong August 2024 unang lumabas ang balitang nagde-date ang dalawa. Nag-celebrate si Kate ng kanyang birthday with Fumiya sa Hong Kong Disneyland. Since then, nagkaroon na sila ng fan base sa TikTok.
Kate described the Japanese singer as a “blessing” and a “beautiful soul.”
***
SA pag-attend ni Meghan Markle sa TIME100 Summit in New York City kamakailan, nai-share niya kay Time CEO Jessica Sibley na kakaiba raw ang happiness niya ngayon with husband, Prince William.
“I’m the happiest I’ve ever been. To have a partner and a husband who is just so supportive and to have healthy kids that are so joyful in the freeness of their life and the safety of their life that we create for them… I never would have imagined at this point I would feel so happy and grateful, and I really do,” sey ng Duchess of Sussex.
Kahit daw dumaan sa countless rumors ang marriage nila ni William, nanatili raw silang matatag sa mga dumating na pagsubok sa pagsasama nila.
“We made a very, very conscious effort to create boundaries for ourselves and for our mental health, for our well-being and certainly to role model that as well for our children.”
Napapanood si Meghan sa Netflix series na With Love, Meghan.
(RUEL J. MENDOZA)