Pagpatay sa Party List Nominee, kinondena ng Comelec
- Published on May 1, 2025
- by @peoplesbalita
KINONDENA ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpatay sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list nominee na si Leninsky Bacud noong Lunes sa Sampaloc,Maynila.
“We condemn to the strongest possile terms these killings as it is the ballots thaht should reign in a democracy , not bullets”, pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa isang panayam.
Sinabi ni Garcia na igalang natin ang buhay at walang dapat mawalan ng buhay dahil lang sa eleksyon.
Ayon pa kay Garcia na nakatanggap sila ng imporamsyon hinggil sa internal dispute sa ABP party-list kung saan mayroong dalawang set ng mga nominado ang inihain ng grupo para sa May 12 midterm elections.
Aniya, isang katotohanan lamang na kinakaharap ng nasabing party-list, isang intra-party dispute.
Samantala, inatasan ni Manila Mayor Honey Lacuna si Manila Police District (MPD) Director Brig.Gen. Benigno Guzman na pakilusin ang lahat ng magagamit na resources at pamunuan ang isang masinsinan, walang kinikilingan at walang humpay na imbestigasyon sa pagpatay at tiyakin ang kaligtasan ng pamilya ni Bacud,gayunin ang anumang posibleng saksi sa krimen. (Gene Adsuara)