Binaril ang 89-anyos na biktima… PTFoMS kinondena pagpatay sa beteranong mamahayag sa Aklan
- Published on May 1, 2025
- by @peoplesbalita
MARIING kinondena ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS ang pagpatay sa beteranong mamahayag na si Juan “Johnny” Dayang, na kasalukuyang President Emeritus ng Publishers Association of the Philippines.
Nangyari ang insidente dakong alas-8 ng gabi ng Abril 29, 2025 sa bahay nito sa Barangay Andagao, Kalibo, Aklan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima ng biglang pasukin ito ng hindi kilalang mga supsek.
Nagtamo dalawang tama sa likod nito ang 89-anyos na biktima.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Jose Torres Jr. mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang task force sa mga kaukulang ahensya para sa imbestigasyon ng kaso at matukoy ang salarin.
Hinimok naman ng task force ang publiko na manatiling mapagmatyag at suportahan ang mga pagsusumikap ng pamahalaan na itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag at pangalagaan ang mga mamamahayag sa Pilipinas.
Kaisa rin aniya ang PTFOMS ng buong media community sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Dayang, na isang haligi at may malaking kontribusyon sa malayang pamamahayag sa bansa.
(Daris Jose)