NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mabilis na rehabilitasyon ng mga bahay na winasak ng bagyong Marce sa Cagayan.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mabilis na rehabilitasyon ng mga bahay na winasak ng bagyong Marce sa Cagayan.
MULING pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang economic managers na kinabibilangan nina Finance Sec. Ralph Recto, DBM Sec. Amenah Pangandaman at NEDA Sec. Arsenio Balisacan sa Malakanyang, kahapon Lunes.
Ito ay dahil sa patuloy na pinag-aaralan ni Pang. Marcos Jr. ang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Kasama rin sa meeting sina Executive Sec. Lucas Bersamin at DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Cesar Chavez, noong Biyernes lang ng hapon natanggap ng Pangulo ang printed copy ng 2025 national budget.
Target ni Pang. Marcos na mapirmahan ang general appropriations act bago matapos ang taon.
Sabi ni Chavez, sa mga nakaraang pulong ay hindi naman nababanggit ang pagkakaroon ng reenacted budget.
Hindi naman masabi ni Chavez kung anong araw lalagdaan ito ng Pangulo. (Daris Jose)
MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang inabandonang bagong panganak na sanggol sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Lunes ng umaga.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng umaga nang mapansin ng saksing si Marlyn Amado, 20, Vendor ng Brgy. Potrero ang isang pulang eco bag sa kanto ng Santolan Road at McArthur Highway, Bgry. Potrero.
Nang kanyang tignan, laking gulat ni Amado nang madiskubre sa loob ang isang bagong panganak na sanggol na buhay pa kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga nagpapatrol tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS1).
Agad namang dinala ng mga tauhan ng SS1 sa pangunguna ni P/Lt. Benedicto Zafra ang sanggol sa MakatTao Hospital kung saan ito patuloy na inoobserbahan upang tuluyang mailigtas sa panganib ang baby.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang Malabon police sa mabilis na pagtugon, pati na ang babaing nakakita para mailigtas ang sanggol.
Iniutos na rin ni Col. Baybayan sa kanyang mga tauhan na rebisahin ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang nag-abandona sa sanggol. (Richard Mesa)
ISA ang dating aktres na merong Wolff-Parkinson-White syndrome kung kaya dumaan ang si Nadia Montenegro sa isang operasyon
Binanggit din niya na meron na siyang ganito noong 17 taong gulang pa lamang siya at ang surgery niya kamakailan ang pinaka-una niyang operasyon.
Ang tinatawag na WPW syndrome ay isang heart condition na congenital o meron na pagkapanganak.
Sey pa ng aktres na isa sa chief of staff ni Sen. Robin Padilla ay hindi raw naman ito nakamamatay kaya hindi niya ito pinaopera kaagad.
Pero ang nangyari raw sa kanya noon ay nag-palpitate siya at inatake siya nito.
Ganon daw pala ang pakiramdam ng hindi ka sigurado kung makalalabas pa ng ospital na ang dami raw pala niyang biglang iisipin na gustong sabihin.
Sa ngayon ay medyo okey na ang kundisyon ni Nadia at mabilis ang kanyang naging recovery.
Well, pagaling ka pa nang husto Ms. Nadia at maraming salamat sa pag-aayos sa aming mga movie press sa pa-ayuda ni Sen. Robin Padilla.
***
NAG-ENJOY kami sa concert cum prescon and with matching Christmas party na handog ni Rozz Daniels na ginanap sa Music box kamakailan lang.
Bumaha ng mga pa raffle prizes, hindi man kami pinalad na manalo pero happy kami dahil nai-launch ang singing career ng aming kaibigang showbiz editor na si Blessie Cirera.
Kasama si Blesilda sa naghandog ng awitin sa concert na yun with matching back up Ate Pilar Mateo and Favatini San.
May mga dapat pa tayong aabangang pasabog sa tandem nina Blessie at Rozz.
Kasalukuyang inihanda na nila ang pagkaroon ng recording.
Although hindi na teenager ang singer at producer ay sunod-sunod pa rin ang offer kay Rozz lalo na sa America kung saan siya naka-base.
Nagpe-perform din naman sa America si Rozz para sa mga kababayan natin.
Paano na ang comparison ng Pinoy audience sa mga nanonood ng concert niya sa abroad.
“Well malaki ang kaibahan. Sa America kukunin ka dahil alam nila marunong kang kumanta.
“After mong umawit, yung mga Pinoy doon lalapit sayo at magpapasalamat. Pero yung mga Kano. Wala lang, basta ka na lang ni-let go nila.
“Dito sa Pilipinas, may palakpakan at humihiyaw pa at talagang super pasasalamat sa ‘yo after ng performance mo,” banggit pa ni Rozz.
Samantala, kagaya rin karamihan sa Pinoy ay sobra siyang maka-nanay.
Isa raw sa dahilan nang pag-uw- niya sa Pilipinas ay ang may karamdaman niyang ina.
Medyo sumama raw loob ni Rozz sa dinatnan niyang kalagayan ng kanyang ina.
“Kung di pa ako umuwi dito sa Pilipinasa di ko malaman na ganun na pala ang kalagaysn ng ina ko,” kuwento pa ni Rozz.
(JIMI C. ESCALA)
NILINAW ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili pa rin sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng mga bayani.
Tugon ito ng BSP sa dumaraming negatibong pagpuna na mas pinag-ukulan na umano ng higit na pabor ang mga hayop kaysa sa mga bayani at makasaysayang personalidad sa ating bansa.
Ilang historian kasi ang hindi naiwasang magbigay ng komentaryo ukol sa paglilimbag ng mga bagong pera na pawang nagtatampok na lamang sa mga endemic na hayop sa bansa kagaya ng Philippine Eagle at iba pa.
Pero para sa BSP, patuloy na naglalabas ng mga bagong bank notes ang kanilang panig na may mukha ng mga bayani at iba pang natural wonders.
Tiniyak din nilang patuloy na itataguyod sa mga salapi ang mga sarili nating simbolo ng national pride mula sa mga perang papel, hanggang sa mga coins na lalong magpapakinang sa Filipino identity.
“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) reiterates that Philippine paper banknotes featuring the country’s heroes remain in circulation. The banknotes with historical figures will circulate alongside the newly launched “First Philippine Polymer Banknote Series,” which showcases the country’s rich biodiversity. The BSP has always featured the country’s heroes and natural wonders in banknotes and coins. Featuring different symbols of national pride on our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” wika ng BSP. ( Daris Jose)
TINABLA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ilang kongresista na nagpahayag ng kahandaan na muling magtipon ang bicameral conference committee para amiyendahan ang panukalang 2025 budget matapos ratipikahan.
Hayagang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview na ang mga mambabatas ay ‘no longer have a hand’ sa panukalang 2025 budget matapos ulanin ng kritisismo ang ginawang pagtapyas ng mga ito sa mga ahensiya na nagbibigay ng serbisyong panlipunan.
“Hindi… Wala sa procedure ‘yan. There is no procedure to return it to the bicam. It’s finished already in the House, it’s finished already in the—it’s finished in Congress. Tapos na,” ayon sa Pangulo.
Binigyang diin ng Pangulo na ang budget ay nakasalalay na ngayon sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.
“So, it’s up to us now to look at the items and to see what are appropriate, what are relevant, and what are the priorities,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Pangulo ay maaari at mayroong kapangyarihan na mag-veto ng “[a] particular item or items in an appropriation, revenue, or tariff bill” subalit hindi maaaring magdagdag sa batas na naka-enroll na para pirmahan.
Maaari ring I-veto ng Pangulo ang buong batas, nangangahulugan na muling sisimulan ang legislative process para rito.
Sa kabilang dako, inamin ng Pangulo na hindi siya masaya sa ginawa ng mga kongresista sa pagtapyas sa budget ng Department of Education (DepEd).
Nauna rito, ipinagpaliban ng Office of the President (OP) ang iskedyul ng paglagda sa panukalang 2025 budget bunsod na rin ng mas masusing pagrerebisa habang kinukumpirma na may ilang items ang ibe-veto.
Sa gitna ng pagkaantala, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang batas ay lalagdaan upang maging ganap na batas bago pa matapos ang taon.
Ang kabiguan na lagdaan ang bagong budget law ay nangangahulugan ng reenactment ng 2024 budget, dahilan para ang mga bagong programa at proyekto ay hindi mapondohan sa ngayon.
“I think we’ll be able to do it before the year ends,” anito. ( Daris Jose)
NAGHAHANAP ang newly-opened Walang Gutom Kitchen food bank ng food donations mula sa restaurants at fast food chains at maging ng mga volunteers.
Sa katunayan, sa video message na naka-post sa kanilang social media pages, nananawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga interesadong donors at volunteers na samahan sila sa kanilang inisyatiba.
“Hinihikayat namin ang mga organisasyon at indibidwal na gustong tumulong laban sa kagutuman na magtungo lamang sa Walang Gutom Kitchen sa Nasdake Building sa Pasay City para maging volunteer server natin for the day,” ayon sa Kalihim.
Nagbukas nito lamang Disyembre 16, tinitingnan ng food bank na pagkaisahin ang public at private sector sa pagbabawas ng basura ng pagkain habang tinutulungan na pakainin ang mga mahihirap.
Binanggit din ni Gatchalian na sa mga susunod na buwan, plano nila na palawakin ang proyekto sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sinabi nito na bahagi ito ng pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuldukan ang kagutuman.
Samantala, tinatayang 22.9% ng Pamilyang Filipino ang nakaranas na ng involuntary hunger, o wala talagang makain kahit pa isang beses sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Stations noong September 24.
“This is 5.3 points above the 17.6% survey results in June 2024 and the highest since the record high 30.7% during the pandemic in September 2020,” ayon sa ulat.
Maliban sa Walang Gutom Kitchen, ang iba pang non-government organizations ay tumutulong din para labanan ang pagkagutom gaya ng Scholars of Sustenance (SOS) Philippines na nagsimula pa noong October 2022.
Pinakain naman ng grupo ang daan-daang marginalized communities sa pamamagitan ng milyong food packs. ( Daris Jose)
PINAGHAHANDA ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.
Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau ,Assistant Director Rodela Romero, na base sa apat na araw na trading ay nakita nila ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa kanilang pagtaya na maglalaro mula P0.35 hanggang P0.70 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang tinatayang mula P1.10 Pinaghahanda ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.
Isa sa mga dahilan ng nasabing panibagong pagtaas ay ang paghina na peso na pumalo na ngayon sa P58.98 katumbas ng isang dolyar.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.
Tatlong magkakahiwalay na impeachment complaint na ang kinakaharap ni VP Sara Duterte.
Ito ay matapos ihain ng religious groups at mga abogado ang ikatlong impeachment complaint sa opisina ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco kahapon, Disyembre 19.
Pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants ang pagsusumite ng naturang complaint.
Ayon kay Ligutan, inendorso ang naturang complaint nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado at House Deputy Minority Leader at AAMBIS-OWA party-list Rep. Lex Anthony Colada.
Aniya, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga simpleng pari at mga simpleng mamamayan, ngunit nais nilang mapanagot ang pangalawang pangulo dahil sa umano’y ilang pagkakasala nito.
Base sa kopya ng complaint na iprinisenta sa media, ang naging ground o basehan sa kanilang inihaing impeachment complaint laban sa Bise Presidente ay ang culpable violation of the Constitution, panunuhol, graft at korapsyon at betrayal of public trust.