• June 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2024

CHRISTMAS MESSAGE ni PBBM sa mga Pinoy: Mamuhay nang may kabuluhan at layunin

Posted on: December 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mamuhay nang may kabuluhan at layunin.
Bahagi ito ng mensahe ni Pangulong Marcos ngayong araw ng Pasko habang nakikiisa sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
“As Filipinos take this highly anticipated chance to come home, reconnect with loved ones, and relish the blessings of the past year, I call on everyone to reflect on what is truly important: living a life of meaning and purpose,” ang Christmas message ng Pangulo.
“By doing so, may the bustle and spirit of Christmas make love and peace abound in every household and instill in us a deeper appreciation of the strength that comes from our relationship with Christ and each other,” aniya pa rin.
Habang nagsusumikap ang bansa na magtatag ng Bagong Pilipinas, nanawagan ang Pangulo sa mga mamamayan na tularan ang liwanag na
“that led the wise men to meet the infant in the manger so others may see and experience the hope that the Lord Almighty freely offers to us all.”
Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng okasyon sa mga Kristiyanong mananampalataya na aniya’y mahalagang bahagi ng kanilang ‘deeply-held beliefs.’
“While it heralds the birth of Jesus Christ, our Savior, it also marks the moment we experience the presence of God in its nearest and most intimate form, evoking gratitude, kindness, and happiness to one and all,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“This makes both the celebration and significance of Christmas transcend the constraints of religion, extending its invitation of joy and thanksgiving to everyone no matter their background,” ang winika ng Pangulo.
Matatandaang, sa mga nagdaang pahayag ng Pangulo, hangad nito na maramdaman ng mga mamamayan ang diwa ng Kapaskuhan sa kabila ng mga hamon ngayong taon, hiniling sa mga ito na damayan ang mga nananatiling nakalugmok dahil sa mga epekto ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa. (Daris Jose)

Publiko, binalaan sa ‘Holiday Heart Syndrome’

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat laban sa mga sakit na may kaugnayan sa ‘Holiday Heart Syndrome,’ gaya ng stroke, bunsod na rin nang nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang Holiday Heart Syndrome ay isang kondisyon na dulot ng labis na pag-inom ng alak, stress, kakulangan sa pahinga at pagkain ng maalat o matataba na nagpapataas sa presyon, na maaaring humantong sa arrhythmia o abnormal na heart rhythm na isa sa sanhi ng stroke.
Maaari pang tumaas ang bilang matapos ang Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon kung hindi mapipigilan ang labis na pag-inom ng alak at pagkain mula sa sunud-sunod na handaan.
Ang 110 kaso naman ng Acute Coronary Heart Syndrome na naitala ng PHC noong Disyembre 2023 ay tumaas sa 115, pagsapit ng Enero 2024. (Daris Jose)

Booklet sa gamot ng seniors ‘di na kailangan — DOH

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HINDI na kailangan ng mga senior citizen ng purchase booklet upang makabili at makadiscount sa gamot.
Sinabi ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa kasunod ng kanyang nilagdaan na bagong Admi­nistrative Order (AO) ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.
Layon ng AO na tanggalin ang pangangailangan ng purchase booklet para sa mga senior citizen na gagamit ng kanilang discount sa mga gamot, kasunod ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Tinatanggal ng DOH ang AO No. 2024-0017 ang pangangailangan para sa mga senior citizen na magpakita ng purchase booklet sa mga botika, na dati’y kasama ng valid ID at reseta ng doktor, upang makakuha ng diskwento.
“Senior citizen rin ako. Alam kong mahirap laging magdala ng purchase booklet. Kailangan ng mga nakatatanda ang diskwento sa kanilang mga gamot, at dapat madali nating makuha iyon,” ani Herbosa.
Maituturing anya itong regalo mula sa Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na nagbigay ng kaginhawahan at mas abot-kayang gamot sa lahat ng mga senior citizen. (Daris Jose)

Libre toll fee ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX ngayong Pasko, New Year

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Hindi maniningil ng toll fees ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) sa mga motorista na dadaan sa ilang pangunahing expressways sa bansa, ngayong Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa MPTC, iiral ang toll free passage mula alas-10 ng gabi ng Dis­yembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Dis­yembre 25 at mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2025.
Sakop umano nito ang North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).
Matatandaang una na ring inanunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) noong Biyernes na iwi-waived nila ang toll fees ng Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa mga ispesikong oras para sa holidays bilang regalo sa mga motorista. (Daris Jose)

Higit P1bilyong pondo ng DepEd nasayang — COA

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Gumastos umano ang Department of Education (DepEd) ng P1.064 billion para sa unusable digital infrastructure project kahit na ang key components ng sistema ay hindi naibigay.
Batay sa 2023 Commission on Audit (COA) report, nagbayad ang DepEd ng higit 78% ng P1.356-B kabuuang ­halaga ng proyekto sa isang contractor kahit na may problema sa financial capacity at record na delay ang mga proyekto.
Ang proyekto ay sa ilalim nang noo’y DepEd secretary Leonor Briones na isang pagsasayang lamang ng pondo ng pamahalaan.
Ayon pa sa COA, pa­tuloy ang bayad ng DepEd sa proyekto kahit hindi pa ito natatapos.
Nagkaroon pa ng dagdag na gastos dito ang DepEd tulad ng P22.6-M extra maintenance fees at P9.06-M halaga ng unused computer equipment na nakitang nakatiwangwang sa isang regional office.
Kinuwestyon din ng COA ang pag-award ng DepEd sa P697-M contract sa Phase II ng isang joint venture kahit na ang isang kompanya ay mayroon lamang P92.5-M net worth at may record na palagiang delayed ang pagtatapos ng malalaking proyekto. (Daris Jose)

Festival float ng ’Topakk’, pinakamaganda at nambulabog sa star-studded na ‘MMFF 2024 Parade of Stars’

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TULAD ng inaasahan punum-puno ng mga bituin ang matagumpay na MMFF 2024 Parade of Stars noong Sabado, Disyembre 21, 2024 sa Lungsod ng Maynila.

 

 

Pinangunahan ito nina Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Judy Ann Santos, Arjo Atayde, Julia Montes, Vice Ganda, Dennis Trillo at marami pang iba.

 

 

Naggagandahan at pinaghandaang festival float ang pumarada na inumpisahan sa Kartilya ng Katipunan at nagtapos sa Manila Central Post Office, na umabot sa 12 kilometro at tumagal na higit sa apat na oras.

 

 

Una sa parada ang float ng The Kingdom na kung saan nakasakay sina Vic Sotto, Sue Ramirez, Sid Lucero, at Cristine Reyes. Wala si Piolo Pascual na may prior commitment sa GenSan City, South Cotabato sa Mindanao.

 

 

Kasunod ang Topakk float na kulay gold at may papier mache guns at iba pang malalakas na armas. Mukha raw ni Arjo Atayde ang harapan ng float, na siyang bida sa pelikula na handog ng Nathan Studios. Ang grupo ng Topakk ang pinakamasaya at nambulabog sa masa dahil sa dami nang nakasakay sa float. Kasama nina Arjo at Julia sina Enchong Dee, Kokoy de Santos, Sid Lucero, Anne Feo at marami pang iba.

 

 

Naroon din ang producer ng Topakk na si Sylvia Sanchez na madalas bumaba ng float para mag-live at parang hindi napapagod sa pagtakbo-takbo habang kinukunan ang kaganapan sa parada.

 

 

Para sa amin ang float ng Topakk ang pinamaganda, pinag-isipan at ginastusan, kaya hindi kami magtataka kung ito ang makakuha ng Best Float sa ‘Gabi ng Parangal’ sa December 27 na gaganapin sa Solaire Resort Manila

 

 

Ang float naman ng Uninvited na bongga rin dahil ang tema—Greek palace na naglalarawan sa karakter ni Aga Muhlach sa pelikula. Tampok din ang curved pattern at mga pigura ng kabayo. Nakasakay dito ang mga bidang sina Vilma Santos, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Aga at iba pa. Naroon din ang prodyuser ng Mentorque Productions, si Bryan Dy na kakulitan ni Sylvia.

 

 

Nagdarasal na mga kamay ang tema ng float ng Isang Himala at may banner na “Elsa loves you,” Nakasakay dito ang mga bidang sina Aicelle Santos, Bituin Escalante, Neomi Gonzales, David Ezra, Vic Robinson, at iba pa.

 

 

Japanese inspired naman ang Hold Me Close dahil napalilibutan ito ng mga bulaklak, mala-Cherry Blossom bilang sa Japan nag-shoot ng pelikula ang mga bida ritong sina Carlo Aquino at Julia Barretto.

 

 

Bahay na napalilibutan ng scarecrow at iba’t-ibang kagamitan naman ang Espantaho na talaga namang nag-effort ang gumawa ng float, na isa sa nagusthan namin. Nakasakay sa float sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, Donna Cariaga, Mon Confiado.

 

 

My Future You ang kasunod na float na napalilibutan ng pastel balloons na tila mga ulap at pink sequins. May arko rin na gawa sa maraming bulaklak. Nakasakay dito ang mga bidang sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

 

 

Pink na pink naman ang And The Breadwinner Is na nagpapakita ng personalidad ng bidang si Vice Ganda. Kasama niyang pumarada at nakikaway sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario at Kokoy de Santos.

 

 

Kulay berde naman ang tema ng GreenBones na tulad ng sa kanilang poster iyon din ang nakita sa kanilang float—ang puno na may kasamang posas at lighthouse. Sakay nito ang mga bilang sina Dennis Trillo at Ruru Madrid at iba pang cast.

 

 

Panghuli ang float ng Strange Frequencies: Taiwan Killer: Hospital na mala-haunted house. At nakasakay doon ang mga bidang sina Enrique Gil, Jane de Leon, MJ Lastimosa, at Rob Gomez.

 

 

Sa Manila Central Post Office nagtapos ang parada at doon naman ginanap ang isang Music Fest kasama ang mga bigating performers.

 

 

Kitang-kita namin ang saya kay MMDA Chairman concurrent MMFF Execomm Chairman Atty Romando “Don” Artes sa tagumpay ng 50th MMFF.

 

 

Sabi pa ni Artes, positibo siyang susuportahan ng netizens ang 10 pelikulang kalahok sa 50th MMFF, dahil magaganda at may kanya-kanyang genre.

 

 

Kaya sugod na ang tangkilikin ang Pelikulang Pilipino.

(ROHN ROMULO)

Matapos maranasan ang magnitude 5.3 na lindol sa karagatan sa Ilocos Sur: OCD sa LGUs, tsunami evac plans ihanda na

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INALERTO ng Office of Civil Defense (OCD) ang local government units (LGUs) sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Central Luzon na ihanda na ang kanilang earthquake at tsunami evacuation plans matapos ang serye ng lindol na nangyari sa karagatan ng Ilocos Sur sa nakalipas na araw.

 

 

Sa katunayan, nagpatawag ng agarang pagpupulong si OCD chief Undersecretary Ariel Nepomuceno at ipinag-utos sa mga regional director sa mga nasabing lugar na tiyakin ang kahandaan ng kanilang lokalidad para sa potensiyal na tsunami.

 

 

“Regional Directors 1, 2, and 3, please work closely and urgently with your partner [national government agencies] and LGUs, especially the [Department of the Interior and Local Government],” ang sinabi ni Nepomuceno.

 

“Check preparations for earthquakes, with a possible tsunami resulting from the movement of the Manila Trench. Delve into the details as discussed in the Inter-Agency Coordinating Cell meeting today. I understand that your areas are not as prepared as we desire, but we must remedy this situation now,” aniya pa rin.

 

 

Ito’y bunsod na rin aniya ng nagpapatuloy na pagyanig sa kanlurang bahagi ng Ilocos Sur, sinasabing nabawasan na ang pagyanig sa nasabing lugar subalit tinuran ni Nepomuceno na may pagkakataon pa para maging mahusay ang mahalagang earthquake preparedness.

 

Sa ulat, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang karagatan sa kanluran ng Santa Catalina, Ilocos Sur, noong Disyembre 18 nang umaga.

 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ito sa nasabing lugar ganap na alas-9:09 nang umaga.

 

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 24 kilometro.

 

Sinabi ng Phivolcs na wala naman inaasahang pinsala na dulot ng lindol.

 

Gayunman, maaari anilang maranasan ang mga aftershock sa susunod na mga oras o araw.

 

Samantala, binigyang diin ng OCD ang agarang paghahanda ng komunidad.

 

“Double-check preparations and ‘reactions’ in case of a tsunami, assuming that warnings are effective. What can be done in 20 minutes by the vulnerable communities?” aniya pa rin.

 

“I know it’s challenging, especially since we have not yet achieved our ideal level of preparedness and with the holidays approaching. But please do your best despite the limitations,” dagdag na wika nito.

 

Nauna rito, nagpalabas naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng isang memorandum na inaatasan ang OCD Regional Offices I, II, at III na magsagawa ng ‘specific actions’ na may kinalaman sa local tsunami preparedness.

 

Tinintahan ni Director Cesar Idio, officer in charge ng Office of Civil Defense Deputy Administrator for Operations, nakabalangkas sa kautusan ang ilang mahalagang aksyon kabilang na ang pagda-draft ng tsunami evacuation plan. (Daris Jose)

 

Para tugunan ang local, global challenges: PBBM, aprubado ang Nat’l Security Strategy

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2024 National Security Strategy (NSS) na nakikitang makapagpapahusay sa kakayahan ng bansa para talakayin ang masalimuot na ‘security challenges’ kapuwa ‘locally at globally.’

 

 

Sa isang kalatas, inanunsyo ni National Security Adviser Eduardo Año na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang NSS sa isinagawang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang noong Disyembre 19.

 

Ang NSS, sinusuportahan ang National Security Policy for 2023-2028 ng administrasyon, binalangkas ang 53 strategic directions at 393 actionable steps na dinisenyo para pangalagaan ang soberanya ng bansa, protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan at i-promote ang kapayapaan at pagkakaisa.

 

“The 2024 NSS prioritizes four key areas: human capital development, institution-building, efficient use of national power through diplomacy and defense, and fostering sustainable economic growth through resilience and legislative support,” ang sinabi ni Año.

 

Binigyang diin pa rin ni Año ang papel ng NSS sa pagtugon sa ‘local at global threats’ mula sa territorial disputes sa economic challenges, habang nakatuon sa kapakanan ng bawat Filipino.

 

“This strategy is not only about defending borders. It’s about protecting the hopes and dreams of every Filipino family,” aniya pa rin.

 

“The NSS provides a roadmap for building a resilient, united, and self-reliant nation,” dagdag na wika nito.

 

Nakahanay sa Philippine Development Plan, itinataguyod ng NSS ang whole-of-nation approach, Hinihikayat ang partisipasyon mula sa mga ahensiya ng gobyerno, pribadong organisasyon, at lokal na komunidad para makamit ang nilalayong national security.

 

“Key priorities of the strategy include investing in education and healthcare, strengthening governance, and leveraging technology to enhance national defense. It also aims to protect critical industries, support economic growth, and uphold the Philippines’ sovereignty, while ensuring opportunities for future generations,” ayon kay Año.

 

Dahil dito, hinikayat ni Año ang mga Filipino na aktibong makiisa sa ‘collective security efforts’ ng bansa.

 

“Each step we take brings us closer to a future where our children will be proud to call this nation their own,” aniya pa rin.

 

“The NSS is a call to action for the entire nation. By working together, we can overcome challenges, protect our sovereignty, and create a brighter future for all,” ang pahayag ni Año. (Daris Jose)

Philippines football team umentra sa semis

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GINULANTANG ng men’s national football team ang Indo­nesia sa kanilang sariling teritoryo matapos itarak ang 1-0 panalo upang makapasok sa semifinals ng Asean Football Federation (AFF) Cup sa Surakarta, Indonesia.

 

 

Ang panalo ang nagdala sa mga Pinoy booters sa semis kung saan nakalikom ito ng anim na puntos para makuha ang No. 2 seed sa Group B.

 

Nanguna sa grupo ang Vietnam na may 10 puntos.

 

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa semis ang Pilipinas sapul noong 2018 AFF Cup.

 

“The Philippines deserve to be in the semifinals for all they did in all games. We should have qualified before already, we didn’t because we missed a lot of chances, and today finally, it was on our side,” wika ni Philippine national team head coach Albert Capellas.

 

Bumida para sa Pinoy squad si Bjorn Kristensen na siyang bumanat ng nag-iisang goal ng Pilipinas sa ika-63 minuto ng laban via penalty kick.

 

 

Nabigyan ng penalty kick ang Pilipinas matapos ma­kakuha ng foul si Yrick Gallantes.

 

Sa kabuuan ay may isang panalo at tatlong draws ang Pilipinas sa group stage.

 

Mapapalaban ng husto ang Pinoy booters sa semis dahil makakaharap nito ang Thailand.

GAB, tinapos na ang PBA career ni Amores

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN na ngang tinapos ng Games and Amusement Board (GAB) ang karera ni John Amores na makapaglarong muli sa Philippine Basketball Association (PBA) league.

 

 

Ayon sa GAB, tuluyan na nilang ni-revoke ang professional license ni Amores dahil ito ay guilty sa “conduct unbecoming of a professional basketball player.”

 

Ito ay matapos na masangkot si Amores at ang kapatid nito sa isang shooting incident sa Lumban, Laguna noong Setyembre ng kasalukuyang taon kung saan pinutukan ng baril ng basketball player ang isa pang kapwa manlalaro pagkatapos ng laro.

 

Dahilan para makasuhan ito ng attempted homicide. Kasalukuyan namang nakapagpiyansa ang magkapatid at nakalaya na.

 

Samantala, nauna na dito ay na-suspinde rin ito “for conduct detrimental to the league” at napagsabihan na rin ng pamunuan ng PBA na ayusin ang kaniyang “anger and violent tendencies.”

 

 

Ang pagpapawalang-bisa naman ng kaniyang lisensya ay effective immediately at tinatayang pagtatapos ng karera nito sa basketball league.