• June 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2024

Lakers, ipinatikim sa Warriors ang 2-pt loss sa Christmas Day game

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINATIKIM ng Los Angeles Lakers ang 2-pt loss sa Golden State Warriors sa panibagong banggaan sa pagitan ng dalawang superstar na sina Lebron James at Stephen Curry.

 

 

 

Nalusutan ng Lakers ang muling clutch performance na ipinakita ng 3-pt king na si Curry sa pamamagitan ng isang final layup mula kay Austin Reaves sa huling isang segundo ng laban.

 

 

Sa panalo ng Lakers, 31 points at 10 assists ang ginawa ng superstar na si Lebron James habang panibagong triple-double naman ang ginawa ng bagitong si Reaves – 26 points, 10 rebs, 10 assists.

 

 

Bagaman natalo ang Warriors, muling pinatunayan ni Curry ang pagiging 3-pt king sa pamamagitn ng 38 points, kasama na ang back-to-back 3 sa huling dalawampung segundo ng laro.

 

 

Panibagong double-double din ang ginawa ni Warriors forward Andrew Wiggins – 21 pts, 11 rebs.

 

 

 

Sa overall shooting, lamang ang GSW ngunit hindi nila nagawang tapatan ang free throws ng Lakers. Nagawa kasi ng LAL na maipasok ang 18 free throw mula sa 18 attempt o katumbas ng 100%.

Pag-eehersisyo ipinayo ng DOH sa dami ng mga kainan ngayong Pasko

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang pagbibigay paalala ng Department of Helath (DOH) sa publiko ngayong Holiday season na alagaan ang kanilang kalusugan.

 

 

 

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na sa mga magkakasunod na kasiyahan na dadaluhan ay marami ang naitatatalang inaatake sa puso dahil sa pagkain ng labis.

 

 

Mahalaga aniya na maglaan ng oras ng pag-ehersisyo para maiwasan ang anumang sakit.

 

 

Maging ang pag-inom ng alak ay ibinabala niya na dapat ay iwasan na ang pagmamaneho para hindi mapabilang sa mga dumaraming insidente ng aksidente.

Manibela may libreng sakay sa araw ng Pasko at Bagong Taon

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

May libreng sakay para sa publiko ang transport group na Manibela sa araw ng Pasko at Bagong Taon.

 

 

 

Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, na isa itong pasasalamat sa mananakay dahil sa pagsuporta sa kanilang ipinaglalaban.

 

 

 

Magsisimula ang libreng sakay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

 

 

 

May nakapaskil na libreng sakay sa mga pampasaherong jeep na maaaring parahin ng ng mga mananakay.

 

 

 

Magugunitang patuloy na ipinaglalaban ng grupo ang Transport modernization program ng gobyerno. ( Gene Adsuara)

Ex-Pres. Duterte handang maging abogado para kay VP Sara Duterte

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nagboluntaryong bilang maging abogado ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

Sinabi ng bise presidente, na handang maging isa sa mga abogado niya ang dating pangulo sa mga kasong kinakaharap kabilang na ang impeachment case.

 

 

Nahaharap kasi sa tatlong impeachment complaints ang bise president na isinampa ng ilang Katolikang pari, religious group at mga abogado.

 

 

Dagdag pa ng bise presidente , nababahala ang ama sa impeachment case nito.

 

 

Naniniwala ang bise presidente na wala itong nilabag na batas. (Daris Jose)

Karapatan ng mga sea passenger, ipinaalala ng DOTr kasabay ng holiday rush

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ipinaalala ng Department of Transportation (DOTr) – Maritime Sector ang karapatan ng mga pasahero sa mga sasakyang pandagat kasabay ng tuloy-tuloy na pagdagsaan ng mga ito sa mga pantalan.

 

 

 

Pangunahin dito ang karapatan ng mga pasahero sa mga pagkakataong nakansela, na-delay, o hindi nakumpleto ang kanilang biyahe sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat.

 

 

Sa ilalim ng Maritime Industry Authority (MARINA) Circular 2018-07, ang mga mga pasaherong nakaranas nito ay may karapatang malaman ang dahilan ng aberya, karapatang mabigyan ng akmang refund, at ma-revalidate ang kanilang mga ticket.

 

 

Kung pinili ng mga pasahero na i-revalidate ang kanilang mga ticket, maaari rin silang mag-avail ng iba pang amenities tulad ng mga pagkain at libreng accommodation kung kinakailangan, habang hinihintay na ma-reschedule ang kanilang mga trip.

 

 

Pero paalala ng DOTr Maritime Sector, ang karapatan ng mga pasahero na ma-refund ang kanilang mga pamasahe ay maaari lamang magamit o walang libreng accommodation na maibigay ang shipping operator.

 

 

Sa mga pasahero namang makakaranas ng ‘uncompleted voyage’, hawak nila ang karapatan para sa libreng amenities, karapatan para sa tamang compensation, at karapatang makapagbiyahe rin sa kanilang pupuntahan. (Daris Jose)

Dasal ni JUDY ANN na kumita ang ‘Espantaho’, nagkakatotoo na

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NADISKUBRE ni Judy Ann Santos na hindi pala basta-basta ang pag-produce ng isang pelikula. 

 

 

Ito ang natutunan niya sa pag-produce niya ng 2024 Metro Manila Film Festival official entry na ‘Espantaho.’

 

 

“Malaking bagay yung nagkausap kami ni Atty. Joji Alonso (producer ng Quantum Films). Alam kasi niya ang pasikut-sikot sa pagiging producer at nag-share siya sa akin ng ilang bagay na kailangan ko malaman bilang producer.”

 

 

Natuto raw na huwag basta maglabas ng pera si Juday hanggang hindi niya nalalaman kunsaan ito gagastusin. Nalaman din niya na kapag nagpa-pack-up siya ng shooting, malaki ang perang mawawala sa kanya.

 

 

“As much as possible, iniiwasan namin ang mag-pack-up. Naaawa kasi ako sa production staff lalo na nung sunud-sunod yung mga bagyo. Pero payo sa akin ay maging firm ako sa mga desisyon ko para walang ibang masisisi.”

 

 

Dasal ni Juday na kumita ang ‘Espantaho’ para mas maenganyo siyang mag-produce pa ng marami pang pelikula at makapagbigay ng trabaho sa maraming movie workers.

 

 

Ang ‘Espantaho’ ay ang ika-12th MMFF movie ni Juday. Ang iba ay Babae (1997), Nasaan Ang Puso? (1997), Kasal-Kasalan Sakalan (1998), Esperanza The Movie (1999), Mano Po 2: My Home (2003), Aishite Imasu 1941: MahalKita (2004), Kasal Kasali Kasalo (2006), Sakal Sakali Saklolo (2007), My Househusband: Ikaw Na! (2011), Si Agimat, Si Enteng At Si Ako (2012), and Mindanao (2019).

 

 

Juday has won two MMFF Best Actress trophies for Kasal, Kasali, Kasalo in 2006 and Mindanao in 2019.

 

 

At noong araw ng Pasko, isa nga ang ‘Espantaho’ sa nangunguna sa takilya.

 

 

***

 

 

30 years na pala since lumabas ang hit Christmas song ni Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You.”

 

 

Kinita na ni Mariah sa 1994 holiday hit niya ay higit na sa $60 million in royalties ayon sa Forbes.

 

 

Last Dec. 13, “All I Want for Christmas Is You” became the first holiday song to reach 2 billion streams on Spotify.

 

 

Ginawaran din ang song ng RIAA (Recording Industry Association of America) Diamond Award in 2021 for making 10 million sales and streams.

 

 

In 2023, the song was inducted into the Library of Congress’ National Recording Registry.

(RUEL J. MENDOZA) 

Moviegoers ng ‘UninvIted’, nakisigaw sa ginawang pagpapatakas ni NADINE kay VILMA

Posted on: December 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISA kami sa nakasigaw at sobrang na-tense sa mga matitinding eksena ni Star for All  Santos Vilma Santos sa ‘Uninvited’ na entry ng Mentorque Productions sa ongoing 50th MMFF. 

 

 

Nagsisigawan ang moviegoers pati na ang invited media sa ginanap na block screening noong Araw ng Pasko sa Cinema 3 ng Gateway Mall.

 

 

Gulat na gulat talaga kami sa ginawa ni Ate Vi kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa last 15 minutes ng ‘Uninvited’ na kung saan naisakatuparan na niya na maipaghiganti ang sinapit ng kanyang anak at kasintahan nito na ginagampanan nina Gabby Padilla at Elijah Canlas.

 

 

Napasigaw din kami ng ‘go Ate Vi gooooo! ’ Matapos na nag-dialogue ang karakter ni Nadine ng ‘go!’, na kung saan pinatatakas na niya si Ate Vi sa crime scene.

 

 

Isa nga yun sa highlights ni Ate Vi, pinalakpakan din ang eksenang makita niya ang pinaslang na anak sa isang damuhan. Ang husay din dito ni Lotlot de Leon, na ina naman ng boyfriend ng anak ni Ate Vi.

 

 

Kaya na-confirm namin na pang-best actress talaga ang acting ni Ate Vi at hindi kami magtataka, kung mag-back-to-back win siya sa Gabi ng Parangal bukas, December 27 sa Solaire Resort Manila.

 

 

Last year sa 49th Metro Manila Film Festival si Ate Vi ang nakapag-uwi ng best actress trophy para sa ‘When I Met You in Tokyo’.  Ang  kung siya ang papalarin na manalo, first ever niya ito na magkakaroon ng back-to-back win sa history ng MMFF at magiging pang-anim na niya.

 

 

Marami nga ang nagsasabi na wala ng dapat patunayan pa ang isang Vilma Santos, pagdating sa kahusayan sa pag-arte.

 

 

Pero patuloy siyang natsa-challenge sa bagong role na ginagampanan at hindi ito kayang baliwalain sa ‘Uninvited’ na mula sa direksyon ni Dan Villegas.

 

 

Ramdam namin na lalo pang nag-level up at ibang kalidad na naman ang ipinamalas ni Ate Vi, na dapat talagang palakpakan kaya patuloy pinipilahan sa mga sinehan nationwide.

 

 

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga nakapanood na, lalo ang Vilamanians na may sariling pa-block screening, dahil hindi sila binigo ng kanilang matagal nang hinahangaan na wala pa ring kupas kahit ano pang panahon.

(ROHN ROMULO) 

IZA at BEN, nag-celebrate ng 6th wedding anniversary at blessed ang samahan dahil kay DEIA

Posted on: December 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAG-CELEBRATE si Iza Calzado ng 6th wedding anniversary with husband, Ben Wintle.
“13 years of being together, 6 years of that being husband and wife and almost 2 years as parents. Ben, we made it! We are still married! Yay! Hahaha!” caption ni Iza sa IG.
The actress expressed her gratitude to Ben for navigating life with her in the past years.
“So glad we chose to do the work together through life’s ups and downs and that we continue to grow in ways I never could have imagined the day we said our vows.
“Thank you for your love, patience and your humour even in the darkest of times. Thank you for being strong for the family.”
Blessed nga raw ang samahan nila dahil sa kanilang anak na si Deia Amihan.
“She’s our precious gift and purpose in life. We are truly blessed to have our family. Praise be to God! Can’t wait to properly celebrate all the love during the holiday season! Happy Anniversary, Poopy!”
Iza and Ben got married on December 19, 2018 in a beach wedding ceremony in Palawan.
Kasama si Iza sa cast ng ‘Green Bones’ na official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 50th Metro Manila Film Festival.
(RUEL J. MENDOZA)

SYLVIA, nagpasalamat kay Direk DARYLL sa malakas na boses tungkol sa ’Topakk’

Posted on: December 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA unang araw ng 50th Metro Manila Film Festival, Christmas Day, nag-ikot ang cast ng ten entries sa iba’t-ibang sinehan sa Metro Manila.
Isa na rito ang hard action/drama movie na ’Topakk’ na pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde, Julia Montes at Sid Lucero, na pawang mahuhusay at pinapalakpakan sa kanilang matitinding action scenes.
Mula ito sa direksyon ni Richard Somes.
Apat na mall ang inikot nila, kasama ang actress/producer na si Sylvia Sanches ng Nathan Studios Inc. na punong abala sa promo ng movie.
Ang last stop nila ay sa Gateway Cinema 4, 6:30 pm screening na nag-sold out.  Nakita rin namin na halos sold out din ang 4 pm at 9 pm screening, kaya naman tuwang-tuwa ang cast, kahit nasa 38 cinemas lang ang ‘Topakk’ sa pinaghalong R-16 at R-18 ratings.
Hindi na nga sumama si Arjo sa Gateway, dahil may dinner sila ng asawang si Maine Mendoza.
“Si Cong. Arjo, dito lang sa Gateway hindi siya nakapunta, four theaters ang inikot namin, tatlo lang na-attend-an niya para magpasalamat sa mga nanood. Kasi magdi-dinner sila ni Maine.
“Pero ok lang yun, dapat talaga he spend time sa asawa niya at hindi pabayaan. Kaya ni-let go na namin siya.”
Reaction naman ni Ibyang tungkol sa hindi pantay-pantay ang nakuhang sinehan ng 10 entries…
“Hindi talaga siya equal, kasi meron daw 100 and 200 plus, kami from nasa number 9 with 33 cinemas and today naging 38 na.
“Sinabi naman ni Chairman Don Artes na kasama naman lahat sa raffle ng sinehan. Pero yun sa sinehan sa probinsya, hindi sila sumama, kasi gusto nila makuha ‘yun sa tingin nila ang kikitang pelikula.
“Pero para mag-dwell pa ako sa sama ng loob, sa lungkot, wag na.  I-push ko na lang ang movie namin, i-promote na lang mabuti dahil maganda at magagaling ang mga artista ko.  Naniniwala rin ako sa word of mouth, pag nagustuhan ng mga tao, dadami ang sinehan namin, lalo na after ng awards night.”
Samantala, natuwa naman si Sylvia sa all caps FB post ni Direk Darryl Yap tungkol sa ’Topakk’.
Ayon sa controversial na direktor, “IBA YUNG #TOPAKK
“Congrats Direk Richard Somes, Juan Carlos Campo Atayde! NAPAKAHALIMAW! KAPAL NG MUKHA NG MMFF BIGYAN KAYO NG KONTING CINEMAS!!!”
Comment pa nito, “38 cinemas?! Sinali nyo pa! Hahahaha.”
Nagpasalamat naman si Sylvia kay Direk Darryl dahil sa malakas na boses na sumisigaw sa husay at ganda ng ‘Topakk’.
(ROHN ROMULO)

Experience ‘The Electric State’, a gripping adventure starring Millie Bobby Brown and Chris Pratt

Posted on: December 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GET ready to be electrified! From the visionary directors of Avengers: Endgame comes The Electric State, a breathtaking adventure set in an alternate 1990s where the past and future collide. Starring Millie Bobby Brown, Chris Pratt, and Stanley Tucci, this retro-futuristic film debuts on Netflix March 14.

 

 

In The Electric State, humanity grapples with the fallout of a failed robot uprising. The story follows Michelle (Millie Bobby Brown), a resilient orphan in a retro-futuristic society where sentient robots — once charming companions — have been exiled to the desolate Exclusion Zone. When Michelle encounters Cosmo, a quirky robot connected to her long-lost genius brother Christopher, her quiet life takes a dramatic turn.

 

 

Joined by Keats (Chris Pratt), a resourceful smuggler, and his wisecracking robot sidekick Herman (voiced by Anthony Mackie), Michelle embarks on a daring journey across the American Southwest. Together, they navigate breathtaking landscapes, meet eccentric robotic allies, and unravel a sinister conspiracy surrounding Christopher’s mysterious disappearance.

 

 

With an all-star lineup, The Electric State promises unforgettable performances:

 

 

Millie Bobby Brown (Stranger Things, Enola Holmes) as Michelle.

 

Chris Pratt (Guardians of the Galaxy, Jurassic World) as Keats.

 

Anthony Mackie (The Falcon and the Winter Soldier) as the voice of Herman.

 

Stanley Tucci, Ke Huy Quan, Giancarlo Esposito, and Jason Alexander round out the stellar ensemble.

 

The film also features the voice talents of Woody Harrelson, Brian Cox, Jenny Slate, and Alan Tudyk, bringing a host of colorful robotic characters to life.

 

 

Directed by Anthony and Joe Russo, the masterminds behind Avengers: Endgame, the film is adapted from Simon Stålenhag’s acclaimed graphic novel. With a screenplay by Christopher Markus & Stephen McFeely, expect a richly layered story that blends heart-pounding action with poignant storytelling.

 

 

Prepare for a visual and emotional feast as The Electric State transports you to a world like no other. Streaming exclusively on Netflix, this is a cinematic experience you won’t want to miss.

(ROHN ROMULO)