• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 23rd, 2024

BSP, nilinaw na mananatili sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng bayani

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili pa rin sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng mga bayani.

 

 

 

Tugon ito ng BSP sa dumaraming negatibong pagpuna na mas pinag-ukulan na umano ng higit na pabor ang mga hayop kaysa sa mga bayani at makasaysayang personalidad sa ating bansa.

 

 

 

Ilang historian kasi ang hindi naiwasang magbigay ng komentaryo ukol sa paglilimbag ng mga bagong pera na pawang nagtatampok na lamang sa mga endemic na hayop sa bansa kagaya ng Philippine Eagle at iba pa.

 

 

Pero para sa BSP, patuloy na naglalabas ng mga bagong bank notes ang kanilang panig na may mukha ng mga bayani at iba pang natural wonders.

 

 

Tiniyak din nilang patuloy na itataguyod sa mga salapi ang mga sarili nating simbolo ng national pride mula sa mga perang papel, hanggang sa mga coins na lalong magpapakinang sa Filipino identity.

 

 

“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) reiterates that Philippine paper banknotes featuring the country’s heroes remain in circulation. The banknotes with historical figures will circulate alongside the newly launched “First Philippine Polymer Banknote Series,” which showcases the country’s rich biodiversity. The BSP has always featured the country’s heroes and natural wonders in banknotes and coins. Featuring different symbols of national pride on our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” wika ng BSP. ( Daris Jose)

Mga kongresista, tablado: PBBM, walang balak ibalik sa bicam ang 2025 budget bill para amiyendahan: ‘Wala sa procedure ‘yan’

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINABLA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ilang kongresista na nagpahayag ng kahandaan na muling magtipon ang bicameral conference committee para amiyendahan ang panukalang 2025 budget matapos ratipikahan.

 

 

 

Hayagang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview na ang mga mambabatas ay ‘no longer have a hand’ sa panukalang 2025 budget matapos ulanin ng kritisismo ang ginawang pagtapyas ng mga ito sa mga ahensiya na nagbibigay ng serbisyong panlipunan.

 

 

 

“Hindi… Wala sa procedure ‘yan. There is no procedure to return it to the bicam. It’s finished already in the House, it’s finished already in the—it’s finished in Congress. Tapos na,” ayon sa Pangulo.

 

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang budget ay nakasalalay na ngayon sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.

 

 

 

“So, it’s up to us now to look at the items and to see what are appropriate, what are relevant, and what are the priorities,” aniya pa rin.

 

 

 

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Pangulo ay maaari at mayroong kapangyarihan na mag-veto ng “[a] particular item or items in an appropriation, revenue, or tariff bill” subalit hindi maaaring magdagdag sa batas na naka-enroll na para pirmahan.

 

 

 

Maaari ring I-veto ng Pangulo ang buong batas, nangangahulugan na muling sisimulan ang legislative process para rito.

 

 

 

Sa kabilang dako, inamin ng Pangulo na hindi siya masaya sa ginawa ng mga kongresista sa pagtapyas sa budget ng Department of Education (DepEd).

 

 

 

Nauna rito, ipinagpaliban ng Office of the President (OP) ang iskedyul ng paglagda sa panukalang 2025 budget bunsod na rin ng mas masusing pagrerebisa habang kinukumpirma na may ilang items ang ibe-veto.

 

 

 

Sa gitna ng pagkaantala, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang batas ay lalagdaan upang maging ganap na batas bago pa matapos ang taon.

 

 

 

Ang kabiguan na lagdaan ang bagong budget law ay nangangahulugan ng reenactment ng 2024 budget, dahilan para ang mga bagong programa at proyekto ay hindi mapondohan sa ngayon.

 

 

 

“I think we’ll be able to do it before the year ends,” anito. ( Daris Jose)

Walang Gutom Kitchen, naghahanap ng volunteers at donasyon – DSWD

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP ang newly-opened Walang Gutom Kitchen food bank ng food donations mula sa restaurants at fast food chains at maging ng mga volunteers.

 

 

Sa katunayan, sa video message na naka-post sa kanilang social media pages, nananawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga interesadong donors at volunteers na samahan sila sa kanilang inisyatiba.

 

 

“Hinihikayat namin ang mga organisasyon at indibidwal na gustong tumulong laban sa kagutuman na magtungo lamang sa Walang Gutom Kitchen sa Nasdake Building sa Pasay City para maging volunteer server natin for the day,” ayon sa Kalihim.

 

 

Nagbukas nito lamang Disyembre 16, tinitingnan ng food bank na pagkaisahin ang public at private sector sa pagbabawas ng basura ng pagkain habang tinutulungan na pakainin ang mga mahihirap.

 

 

Binanggit din ni Gatchalian na sa mga susunod na buwan, plano nila na palawakin ang proyekto sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Sinabi nito na bahagi ito ng pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuldukan ang kagutuman.

 

 

Samantala, tinatayang 22.9% ng Pamilyang Filipino ang nakaranas na ng involuntary hunger, o wala talagang makain kahit pa isang beses sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Stations noong September 24.

 

 

“This is 5.3 points above the 17.6% survey results in June 2024 and the highest since the record high 30.7% during the pandemic in September 2020,” ayon sa ulat.

 

 

Maliban sa Walang Gutom Kitchen, ang iba pang non-government organizations ay tumutulong din para labanan ang pagkagutom gaya ng Scholars of Sustenance (SOS) Philippines na nagsimula pa noong October 2022.

 

 

Pinakain naman ng grupo ang daan-daang marginalized communities sa pamamagitan ng milyong food packs. ( Daris Jose)

Taas-presyo ng produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo – DOE

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHAHANDA ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.

 

 

 

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau ,Assistant Director Rodela Romero, na base sa apat na araw na trading ay nakita nila ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Sa kanilang pagtaya na maglalaro mula P0.35 hanggang P0.70 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

 

 

Habang tinatayang mula P1.10 Pinaghahanda ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.

 

 

Isa sa mga dahilan ng nasabing panibagong pagtaas ay ang paghina na peso na pumalo na ngayon sa P58.98 katumbas ng isang dolyar.

 

 

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.

VP Sara, nahaharap na sa tatlong magkakasunod na impeachment complaint

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong magkakahiwalay na impeachment complaint na ang kinakaharap ni VP Sara Duterte.

 

 

 

Ito ay matapos ihain ng religious groups at mga abogado ang ikatlong impeachment complaint sa opisina ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco kahapon, Disyembre 19.

 

 

Pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants ang pagsusumite ng naturang complaint.

 

 

Ayon kay Ligutan, inendorso ang naturang complaint nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado at House Deputy Minority Leader at AAMBIS-OWA party-list Rep. Lex Anthony Colada.

 

 

Aniya, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga simpleng pari at mga simpleng mamamayan, ngunit nais nilang mapanagot ang pangalawang pangulo dahil sa umano’y ilang pagkakasala nito.

 

 

Base sa kopya ng complaint na iprinisenta sa media, ang naging ground o basehan sa kanilang inihaing impeachment complaint laban sa Bise Presidente ay ang culpable violation of the Constitution, panunuhol, graft at korapsyon at betrayal of public trust.

Ads December 23, 2024

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ENRIQUE, nagpapasalamat sa co-stars dahil game at walang kaarte-arte

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AFTER na mag-comedy ni Enrique Gil sa “I Am Not Big Bird,” na isa rin sa siya sa producer, may follow up agad siya, ito yun “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” ang first meta found-footage horror movie at masuwerteng napasama sa ten official entry sa 50th Metro Manila Film Festival, na magsisimula na sa Araw ng Pasko.

 

“It feels good working on projects that really excite me. Inspiring. You reach a point, instead of being a smart actor, you just want to do it for fun and love the craft. kaya I did this comedy film, this horror film. I am just enjoying,” pagbabahagi ni Quen.

 

“I haven’t enjoyed as much doing projects in a long time. Something new and exciting para mabuhayan ulit fire inside me.”

 

Isinama nga ni Enrique sa “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” sina Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, Raf Pineda, at Zarckaroo Azurin, para ma-experience ang kakaibang horror movie.

 

At ayon sa kanila mapapanood ang unscripted adaptation ng 2018 South Korean film na “Gonjiam: Haunted Asylum”, na tiyak na magpapasigaw sa loob ng sinehan.

 

Experience ng actor/producer, “abandon place siya sa Taiwan, kasi hindi control ang weather, pag umulan, babaha sa loob. May mga butas sa bubong, maraming hazzards, may mga paniki, maraming lamok at kung anu-anong insekto.

 

“Pero super game sila, lalo na ang mga ladies, wala silang karate-arte at all. Thank you so much sa kanila.

 

“Pero as much as possible gusto namin super safe. Siyempre as a producer, may konti kaming responsibilities kami.

 

“Dapat rin maging respectful tayo, lalo na nasa Taiwan, ibang kultura yun. Hindi ko maintindihan ang mga multo, basta nagagalit na lang sila.”

 

Dagdag pa niya tungkol sa na-experience ni Alexa, “meron talaga, wala kasi ako dun sa kotse niya, nasa ibang car kami. Nagulat na lang kami, nagsisibabaan, may nangyari talagang kakaiba, biro nga namin, baka may gusto lang yun Taiwanese kay Alexa.”

 

Pagbabahagi naman ni Jane “Mag-isa ako pumunta sa isang floor, lahat ng gamit nandoon pa. Ewan ko trip ni Quen mag-isa ako. Iba yung experience, I was so scared. It was very risky for everyone.”

 

Sey naman ni Alexa, “Naalala ko gano lumabas totoong ugali naming lahat. Jane lumabas pagka protective, ako naman pasaway, Maiinis kayo sa akin.

 

“Hindi siya improv, being real na siya. Di mo na maiisip umarte, pag takot ka na kasi lalabas totoong ikaw. Napakarami parte ng pagkatao makikita sa ‘min.”

 

Anyway, co-producers ni Queen sina Dondon Monteverde at Erik Matti sa pinag-uusapang MMFF na for sure magugustuhan ng bagong henerasyon.

 

At dahil matagumpay ang pagpo-produce tuloy-tuloy na ito ayon kay Quen.

 

“May serye ako next year, co-production with ABS. Nag-pitch ako ng project sa ABS at nagustuhan naman nila, kaya next year start na kami ng action-romcom.

 

“Gusto ko action siya, pero action-comedy, medyo may pagka-lightness. Kasi usually super bigat lagi ng mga action so I wanted it medyo siyempre may romcom involved, kailangan ‘yon sa TV eh, pero it’s kumbaga medyo Ryan Reynolds-ish na may lightness but there’s some mafia involved.”

 

Meron na silang napiling leading lady, pero hindi pa puwedeng i-reveal at nakatakda raw mag-shoot ng ilang eksena sa Europe bandang March 2025. (ROHN ROMULO)

MJ, ginawa ang lahat ng pag-iingat para walang madala pabalik ng ‘Pinas

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
“NAPAKAGANDA nung experience na nagkaroon muna kami ng fun nights bago kami sumugod sa Xinglin Hospital,” kuwento ni MJ Lastimosa sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na tungkol sa magkakabarkadang nag-ghosthunting sa bang bansa. 
“Kasi doon, medyo nag-warm up na. Nakilala namin yung isa’t isa. Nakapagkuwentuhan na ng mga personal life.
“Kasi individually, iba-iba talaga yung mga experiences namin. Although ako naman, na-train na rin naman talaga ako to be thrown at a situation na ako na lang mag-isa.
“Siyempre sa Miss Universe, I have to do my own hair and make-up. Pumunta ako sa ibang bansa, iba-iba yung lengguwahe ng mga taong nakakasama ko.
“So it’s nothing new, but this time it’s a different scenario in a sense na may content kaming gagawin.
“And eto talaga, yung takot ko, hindi ko akalain na totoo! Kasi hindi ko naman in-expect na papasok ako sa isang place at mag-isa lang ako!
“Tapos in the middle of the night na parang, hahhh, yung mga iyak, talagang totoong-totoo yung iyak.
“Kasi siyempre it’s not… you know… it’s not usual to be na place na totoong haunted at hindi mo alam kung ano ang ie-expect mo.
“So yung ano, parang survival and, at the same time, napakabuting tao rin naman yung mga nakasama ko.
“Si Quen, nakatrabaho ko na rin naman before. So, may ease na rin and yung talagang pagtutulungan namin na gusto naming ma-survive na lang talaga yung place nung haunted hospital na yun.”
Dagdag pa niya, “wala naman akong nakita and first time ko talagang makapasok są haunted hospital. Ni-research ko siya bago kami lumipad doon and legit siya at hindi ‘yun pinapaniwalaan lang. Popular pala siya sa Asia na most haunted place.
“So hindi ko alam ang i-expect ko, meron naman kaming kasamang Tarot reader, na parang ‘wag ka nang magkuwento kung may nararamdaman ka.
“I was very respectful, kasi sabi naman nila if you recognize the presence, maging respectful ka lang na both of you can exist. So, I don’t play with, make joke and make fun. Tapos ‘yun mga tinuro sa amin ng mga Taiwanese na magpagpag, yellow paper na dapat palagi naming baon.
“And thankfully, and sana wala akong binaon pabalik ng Pilipinas.”
Kahit nakakatakot ang mga eksena, lumalabas daw ang pagiging model MJ.
Kuwento niya, “Sobrang nakakatuwa itong film na ito, kasi hindi siya directed by, di ba? It’s a meta horror.
“So, talagang gina-guide lang kami na, ‘Ito sana yung gusto naming gawin niyo, pumunta kayo sa floor na ito,’ ganyan.
“Pagdating namin dun, kami na lang, e. Flashlight at yung camera lang yung baon ko, parang wala talagang crew na nagsasabi sa amin…
“Alam mo yung pag nagsu-shoot ako, naaalala ko talaga yung first MMK ko.
“Pinaulit-ulit ako ng rampa, kasi rumarampa daw ako, hindi raw ako naglalakad. E, kasi ganun yung lakad ko.
“Eto, walang take 2, walang take 3. Pagpasok namin dun, kung ano ako, ako na talaga yun. Kung ano yung reaction ko pag natakot ako, yun talaga yun.
“It’s a film but, at the same time, totoong-totoo siya. Reality siya at the same time.
“Iyon yung I think mas kaabang-abang and sobrang excited din ako… kasi nung napanood ko, medyo raw pa siya.
Maliban kay MJ, nasa cast ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sina Enrique “Quen” Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo at mula sa direksyon ni Kerwin Go.
 Adaptation ito mula 2018 South Korean film Gonjiam: Haunted Asylum and dubbed as the Philippines’ very first meta found footage horror film.  Nakakuha ito ng R-13 rating mula sa MTRCB.
Prinodyus ito nina Dondon Monteverde, Direk Erik Matti, at Enrique Gil, mapapanood na simula ngayong Pasko, na hudyat sa pagsisimula ng 50th Metro Manila Film Festival.
Suportahan natin ang Pelikulang Pilipino!
(ROHN ROMULO)

Bagong polymer banknotes, pagtiyak na ‘secure, durable’ ang PH currency – PBBM

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pag-unveil ng bagong polymer banknotes ay makapagbibigay katiyakan na ang Philippine currency ay nananatiling “secure, durable, and sustainable.”

 

 

 

Ito’y matapos na tanggapin ni Pangulong Marcos ang unang Philippine polymer banknote series mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Disyembre 19.

 

 

 

Ang polymer series ay kinabibilangan ng P1,000 polymer banknote, na ipinakilala noong April 2022, at maging ang bagong polymer denominations na nagkakahalaga ng P500, P100, at P50.

 

 

 

“The first Philippine polymer banknote series, which includes the PHP1,000, PHP500, PHP100, and PHP50 denominations, marks a historic moment for our country. It builds on the success of the PHP1,000 polymer note introduced in April of 2022 and aligns with the global best practice of updating currency features every 10 years,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

 

“Polymer banknotes are designed to keep up with the demands of everyday life. Unlike paper bills, which wear out after about a year, a year and a half, polymer banknotes can last up to seven and a half years—five times longer,” aniya pa rin.

 

 

 

Sa pagpapakilala sa bagong polymer banknotes, hindi na kailangan pa ng pamahalaan na madalas na palitan ang mga ito, tulungan ang bansa na makapag-impok o makatipid ng pera, bawasan ang basura at makagawa ng makabuluhang kontribusyon sa pagprotekta sa kapaligiran.

 

 

 

Winika pa ng Pangulo na sa pag-upgrade Philippine currency, mahihirap an ang mga ‘unscrupulous individuals’ na gayahin ang polymer banknotes, dahil an rin sa ‘advanced security features’ nito.

 

 

 

Binanggit din ng Punong Ehekutibo, ang makabuluhang pagbaba ng modus ng pamemeke sa mga bansang Malaysia at Vietnam matapos gumamit ng polymer banknotes.

 

 

 

“Another key advantage is security. Counterfeiting has always been a problem for economies around the world, but polymer banknotes are a notable progressive change,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

 

“By upgrading our currency, we are making sure that every hard-earned peso stays safe, whether it is saved, whether it is spent, or whether it is invested,” dagdag na wika nito.

 

 

 

Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na tatanggapin at kakalat ang polymer banknotes kahit pa Ito’y may lupi o tiklop.

 

 

 

Giit ng Pangulo na ang paper banknotes ay patuloy na kakalat at lalaganap at mananatiling balido.

 

 

 

“So, there is no need to worry about that, the cash in your wallet still has its value. The polymer banknotes are simply a step forward—stronger, more durable, better suited for today’s demands, while still preserving the essence of what makes our currency truly Filipino,” ang tinuran ng Chief Executive.

 

 

 

Aniya, ang bagong polymer banknote series ay ipalalabas bago mag-Pasko, tanggap ng Pangulo na ang ‘fresh set of bills’ “would add excitement to our kids when they come and ask for their aginaldo (gift).”

 

 

 

Samantala, sinabi naman ng BSP na ang bagong polymer denominations ay magiging available na sa Dec. 23 subalit “in limited quantities” para lamang sa ‘greater Manila.’

 

 

 

Magiging available naman ang bagong polymer banknotes sa buong bansa simula Enero 2025, kasama ang paper banknotes ng kaparehong denominasyon.

 

 

 

Ang bagong denominasyon ng polymer series ay paunang mawi-withdraw o’ver-the-counter’ sa mga bangko at sa kalaunan ay magiging accessible sa pamamagitan ng automated teller machines (ATMs).

 

 

 

Sinabi pa rin ng BSP na ipinagmamalaki sa bagong series ang “smarter, cleaner and stronger” features, sabay sabing kabilang sa practical benefits ng polymer banknotes ay “enhanced resistance to counterfeiting at improved durability.” ( Daris Jose)

Kakulangan ng deklarasyon ng holiday, nagpapakita na nais ng CPP-NPA- NDF ng karahasan – Año

Posted on: December 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na ang deklarasyon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na walang holiday truce ay malinaw na hangad nito na pagnanais na magdulot ng kalituhan at karahasan.

 

 

“(This) simply reflects their persistent commitment to violence and armed struggle, further isolating themselves from the Filipino people’s aspirations for peace and security,” ayon sa kalatas.

 

 

Gayunman, sinabi ni Año, na ang deklarasyon ng communist insurgents ay isang “empty declaration” dahil nabawasan na sila ngayon at naging isang ‘single weakened guerrilla front.’

 

 

“Such reduction already makes them incapable of launching major operations against security forces or recruiting new members,” ang sinabi ni Año.

 

 

“This dramatic decline is the result of sustained government efforts under the banner of NTF- ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) and supported by communities to neutralize insurgency and foster inclusive development,” ang sinabi pa rin nito.

 

 

Binigyang diin nito na ang peace-building ay nangangailangan ng katapatan at ang aksyon ng CPP-NPA-NDF ay patuloy na nagpapakita ng kakulangan ng sinseridad at commitment sa kapayapaan.

 

 

“We call on the Filipino people to unite in rejecting violence and supporting programs that promote peace and development. No ideology rooted in violence and armed struggle will be allowed to threaten the progress and aspirations of the Filipino people,” ang winika ni Año.

 

 

Sa kabila nito. tinuran ni Añona ipagpapatuloy ng gobyerno na tutukan ang military operations para durugin ang mga natitirang rebeldeng CPP-NPA-NDF upang sa gayon ay maaaring I-enjoy ng mga mamamayang filipino ang mapayapa at maayos na holiday season ngayong Disyembre. ( Daris Jose)