MJ, ginawa ang lahat ng pag-iingat para walang madala pabalik ng ‘Pinas
- Published on December 23, 2024
- by @peoplesbalita
“NAPAKAGANDA nung experience na nagkaroon muna kami ng fun nights bago kami sumugod sa Xinglin Hospital,” kuwento ni MJ Lastimosa sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na tungkol sa magkakabarkadang nag-ghosthunting sa bang bansa. “Kasi doon, medyo nag-warm up na. Nakilala namin yung isa’t isa. Nakapagkuwentuhan na ng mga personal life.
“Kasi individually, iba-iba talaga yung mga experiences namin. Although ako naman, na-train na rin naman talaga ako to be thrown at a situation na ako na lang mag-isa.
“Siyempre sa Miss Universe, I have to do my own hair and make-up. Pumunta ako sa ibang bansa, iba-iba yung lengguwahe ng mga taong nakakasama ko.
“So it’s nothing new, but this time it’s a different scenario in a sense na may content kaming gagawin.
“And eto talaga, yung takot ko, hindi ko akalain na totoo! Kasi hindi ko naman in-expect na papasok ako sa isang place at mag-isa lang ako!
“Tapos in the middle of the night na parang, hahhh, yung mga iyak, talagang totoong-totoo yung iyak.
“Kasi siyempre it’s not… you know… it’s not usual to be na place na totoong haunted at hindi mo alam kung ano ang ie-expect mo.
“So yung ano, parang survival and, at the same time, napakabuting tao rin naman yung mga nakasama ko.
“Si Quen, nakatrabaho ko na rin naman before. So, may ease na rin and yung talagang pagtutulungan namin na gusto naming ma-survive na lang talaga yung place nung haunted hospital na yun.”
Dagdag pa niya, “wala naman akong nakita and first time ko talagang makapasok są haunted hospital. Ni-research ko siya bago kami lumipad doon and legit siya at hindi ‘yun pinapaniwalaan lang. Popular pala siya sa Asia na most haunted place.
“So hindi ko alam ang i-expect ko, meron naman kaming kasamang Tarot reader, na parang ‘wag ka nang magkuwento kung may nararamdaman ka.
“I was very respectful, kasi sabi naman nila if you recognize the presence, maging respectful ka lang na both of you can exist. So, I don’t play with, make joke and make fun. Tapos ‘yun mga tinuro sa amin ng mga Taiwanese na magpagpag, yellow paper na dapat palagi naming baon.
“And thankfully, and sana wala akong binaon pabalik ng Pilipinas.”
Kahit nakakatakot ang mga eksena, lumalabas daw ang pagiging model MJ.
Kuwento niya, “Sobrang nakakatuwa itong film na ito, kasi hindi siya directed by, di ba? It’s a meta horror.
“So, talagang gina-guide lang kami na, ‘Ito sana yung gusto naming gawin niyo, pumunta kayo sa floor na ito,’ ganyan.
“Pagdating namin dun, kami na lang, e. Flashlight at yung camera lang yung baon ko, parang wala talagang crew na nagsasabi sa amin…
“Alam mo yung pag nagsu-shoot ako, naaalala ko talaga yung first MMK ko.
“Pinaulit-ulit ako ng rampa, kasi rumarampa daw ako, hindi raw ako naglalakad. E, kasi ganun yung lakad ko.
“Eto, walang take 2, walang take 3. Pagpasok namin dun, kung ano ako, ako na talaga yun. Kung ano yung reaction ko pag natakot ako, yun talaga yun.
“It’s a film but, at the same time, totoong-totoo siya. Reality siya at the same time.
“Iyon yung I think mas kaabang-abang and sobrang excited din ako… kasi nung napanood ko, medyo raw pa siya.
Maliban kay MJ, nasa cast ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sina Enrique “Quen” Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo at mula sa direksyon ni Kerwin Go.
Adaptation ito mula 2018 South Korean film Gonjiam: Haunted Asylum and dubbed as the Philippines’ very first meta found footage horror film. Nakakuha ito ng R-13 rating mula sa MTRCB.
Prinodyus ito nina Dondon Monteverde, Direk Erik Matti, at Enrique Gil, mapapanood na simula ngayong Pasko, na hudyat sa pagsisimula ng 50th Metro Manila Film Festival.
Suportahan natin ang Pelikulang Pilipino!
(ROHN ROMULO)