NANANATILING solid at loyal na Kapuso si Michael V. sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA.
At dahil marami-rami na rin siyang nagawang proyekto para sa GMA, natanong ang comic icon kung handa na rin kaya siyang bumalik sa pagho-host ng variety o game show?
“Parang hindi pa time,” lahad ni Michael V. o Bitoy. “There’s a reason why I left Eat Bulaga before. I think it’s the same reason kung bakit hindi pa siguro ako sasabak.”
Naging Dabarkkads o host ng Eat Bulaga si Bitoy mula 2004 hanggang 2016 at inihayag niya na umalis siya noon sa EB dahil sa dami ng proyekto na kailangan niyang harapin.
Sa ngayon, kabilang sa mga programang ginagawa ni Bitoy sa GMA ang Bubble Gang at ang sitcom na Pepito Manaloto.
***
AYON kay Elle Villanueva hindi niya pinakikialaman ang telepono ng kanyang nobyong si Derrick Monasterio.
“Hindi ko rin hinihingi yung password niya,” kuwento ni Elle.
“Wala po kaming access to our private accounts so I never saw his, puwera na lang kung may ipapa-check sa akin.
“Pero hindi ko naman tsini-check masyado yung messages niya.
“Pero wala naman kasing reason para pagselosan kay Derrick. So thank God,” bulalas pa ni Elle.
Ayon pa kay Elle, kailangan ding may unawaan ang isang magkasintahan tungkol sa kanyang trabaho bilang artista.
“It should be normal for us to be working with a different partner na merong touch, may kiss. So I think that’s fine kasi we chose this e,” saad pa ni Elle.
Bida sina Elle at Derrick sa ‘Makiling’ ng GMA.
***
SINABI mismo ni Ruru Madrid na fake news ang kumalat na balitang walang medic sa set ng ‘Black Rider’.
Bunga ito ng nag-viral na video na kuha behind the scenes sa seryea kung saan makikitang humahagulgol ang aktres na si Rio Locsin habang inaalalayan siya ni Ruru.
May nagkalat agad ng isyu na walang medic na umalalay kay Rio na noon ay hindi umano makahinga.
At lahad ni Rio bilang depensa, “Wala pong kapabayaanan na nangyari sa set ng Black Rider. May medics po kami, mayroon po kaming mga ambulansiya, mayroon kaming mga security officers. Alagang alaga po ako sa set at wala pong untoward incident.
“No medical issues. Hindi po ako inatake ng hika, wala po akong hika. Hindi rin po ako nagkaroon ng anxiety attack, wala pong ganoon. Yun lang po talaga, mabigat lang po talaga yung eksena.”
Masyado lang kasing mabigat at emosyonal ang mga eksenang kinunan nila noong araw na iyon.
“Since naka pang-apat na siya, masyado nang mataas yung emosyon ko na pagdating doon sa ika-fourth scene, hindi ko na siya mapigilan kahit after the scene,” paglilinaw ni Rio.
Kaeksena ni Rio dito si Ruru na makikita sa video na niyayakap si Rio at binibigyan pa ng tubig.
Lahad naman ni Ruru, “Imposible pong walang medic sa set dahil hindi po natin alam kung ano po yung mga puwedeng mangyari sa atin during doon sa time na nagtatrabaho po tayo.
“At the same time, bukod po sa medic, mayroon tayong naka-standby na mga kapulisan po natin. May naka standby din po tayong mga firefighters.”
(ROMMEL L. GONZALES)
NAKAHANDA ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon.
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang makapagbigay ng accessible na serbisyong pangkalusugan at suporta sa mga Bulakenyo, pinangunahan nina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Senador Joel “Tesdaman” Villanueva kasama sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang Pagbubukas ng Ika-161 na Malasakit Center sa Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan kamakailan.
TULOY ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) sa ilalim ni Manny Pangilinan na bilihin ang 35 porsiento investment ng mga Ayalas sa operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) upang mas mapalakas ang MPIC’s portfolio na siyang magbibigay daan sa tuluyang pag-bid sa nasabing railway.
NANAWAGAN si Sen. Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na gumawa ng mga contingency plan ngayong painit nang painit ang panahon para matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng El Niño phenomenon.
SINAMPAHAN na ng pulisya ng kaso ang isang mangingisda na walang habas na inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang naka-alitang kapitbahay sa Navotas City.
HINIKAYAT ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga American companies makiisa sa proyekto ng administration ang “Build, Better, More” program na kinabibilangan ng 198 high-impact priority infrastructure flagship projects (IFPs), na nagkakahalaga ng US$148 billion o nasa mahigit P8 trillion.
PITO sa 10 Pilipino ang nagpakita ng kahandaang ipagtanggol ang Pilipinas mula sa mga kaaway na bansa.
NIREGALUHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang anak na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander ”Sandro” Marcos, ng isang sex book na may pamagat na ”Sex for Lazy People: 50 Effortless Positions So You Can Do It Without Overdoing It.”
ANG huling proyekto ni Gelli de Belen ay ang ‘2 Good 2 Be True’ ng Kapamilya Channel noong 2022.